Chapter 22: The Timing
Take time to coax her
Matthew POV
Akala ko pagkatapos ng gabing iyon, magiging maayos na ang lahat at gagaan ang pakiramdam ko. Bakit naman kasi kung kailan nararamdaman ko na ako ang pinili, tsaka bumabalik pa ako sa nakaraan? Ano bang problema Matthew ha? Wake up, make a move! Stop thinking about Sheillaisha, she is your past not your present. Wake up, dude!
Halos maging tanga na naman ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Kasalukuyan kong nilalak ang natirang wine sa hawak kong baso. Pasado 2 a.m. na pero ganito pa rin ang sitwasyon ko, ang hirap magpahinga lalo na kung alam kong mamaya may posibilidad na magbago ang lahat. Hindi ko maintindihan bakit kailangan ko pa maguluhan, tapos naman na iyon pero bakit parang may parte sa akin ang gustong alahanin at balikan pa ang mga ito.
Umupo muna ako sa sofa, tinabi na rin sa lamesa ang natirang wine dahil batid ko rin na nais na ng katawan ko ang pagod. Hinahanap nito ang malambot na higaan na senyales ng "pahinga na muna." Ngunit ang isip ko hindi mapakali at panay isip sa kung ano-ano at higit sa lahat inaalala ko rin si Savannah. Sana mamaya maging maayos na at sana rin talaga makausap ko siya.
Kaya't sinubukan kong mahiga na muna at ipikit ang mga mata ko. Siguro nga pagod na rin ako, kailangan ko muna ipahinga ang sarili.
Nagising akong may liwanag na, tiningnan ko na rin ang oras sa selpon ko at pasado 8 a.m na rin pala. Napahawak ako sa kaliwang ulo ko, nakaramdam nang kaunting kirot dahil sobrang late na rin talaga ako nakapagpahinga. Pero mabuti na rin at nakatulog na ako, kailangan ko na lang ngayon ang kumilos dahil may meeting pa pala ako mamaya para sa bagong magiging sharer sa aming company.
Tumayo na ako at nag-asikaso na rin. Ngunit habang inaayos ko ang aking sarili nag-isip ako ng dapat gawin para kay Savannah. Kailangan after ng appointment ko sa kompanya ay makausap ko talaga siya nang masinsinan.
I need to coax her. I need to make a way para malaman niya na willing akong gawin ang lahat. Malinaw naman na sa akin na wala na kami ni Sheillaisha. Kung may natitira man, hindi na maibabalik pa dahil alam kong matagal ng nagbago at nawala iyon. Mahalaga ang present kaysa ang past.
After a couple of an hour, natapos na rin ang mahaba at seryosong usapan. Mabuti na rin kahit papaano ay nakapagfocus ako kanina kahit sa totoo lang, panay rin ang sulyap ko sa selpon ko na baka may maligaw na text message mula sa kan'ya. Subalit, nabigo ako kaya sa totoo lang hindi ko rin alam bakit ngayon nalulungkot ako, marahil nais ko talaga siyang makausap at sana pagbigyan niya pa ako.
Kasalukuyan na akong nakaupo sa office ko, panay ang laro ko sa ballpen. Nag-iisip sa dapat gawin, ganito pala kapag nagmahal ulit tipong hindinka mapakali kakaisip sa kan'ya.
Naglakas loob na akong kausapin siya, kahit ramdam ko na baka baliwalain niya ako ang mahalaga kumilos ako.
Hindi ako papayag na wala akong gawin Savannah, I need to do everything so that you will know how much I loved you.
Kinuha ko na ang selpon ko at dinial ko ang numero nito.
Ramdam man ang kaba ngunit nilakasan ko na lamang ang loob ko dahil alam kong kung magpapakain ako sa kabang 'to, mawawala ulit ang taong minamahal ko. Hindi na dapat maulit pa ang nakaraan.
Ngunit ni "hello" ay wala akong natanggap kundi "the number have you dialled is out of coverage area, please try your call again later"
Halos mapahilamos ako gamit ang dalawa kong kamay sa pag-aalalang ito. Ngunit sinubukan ko pa rin siyang tawagan nang tawagan. Alam kong malabo man pero susubukan ko pa rin.At humantong sa punto na makasampung missed calls na ako pero wala akong napala.
Tila para akong hangin na dumadaan lang at hinahayaan na damahin ang presensiya ko. Nakalulungkot man isipin, ngunit inisip ko na lamang na baka abala siya sa kaniyang trabaho.
Sinubukan ko na lang palakasin ang sarili kahit sa ngayon, nais kong lumipad papunta sa kanilang kompanya at kausapin siya. Pero... hindi ko p'wede gawin 'yon baka lalo siyang dumistansiya at maisip niyang hindi ko binibigyan ng importansiya ang sarili niya.
Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagtatrabaho, ayoko na munang ma-stress dahil baka lalong mawalan ako ng pagkakataon at kaliwanagan sa lahat.
Ngunit ilang sandali pa ay may biglang kumatok sa'king pinto.
"Good afternoon po, Sir Matthew. Ito na po yung papers na kailangan ninyo po." Bungad ng aking sekretarya sabay abot ng limang folders na kailangan ko.
"Salamat, Jena!" matipid kong pagsagot dito. Lumabas naman ito agad sa office ko.
Inisa-isa kong buksan ang folders baka may mahalagang appointment din ako. Napakaraming magaganap sa aming kompanya na kailangan kong asikasuhin ngunit...
Mas nasabik ako ng makita ko ang isang schedule para sa Synthecia Company.
Sumilay ang malapad kong ngiti at pakiramdam ko, gumuhit rin ang magkabilaan kong dimple. Hindi ko alam kung bakit ganito, sumabay pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Pinagmasdan ko ang schedule nito at ito ay sa susunod na araw kinabukasan. Inayos ko ang sarili at nilagyan ng mark ang kalendaryong nasa harapan ko. Wala naman ibang tao ang gagawa para makipag-usap sa kanila. Alam kong naroon din naman si Savannah sa company nila sa mga araw na iyon.
Ni-relax ko na ang aking sarili at inisip na maayos din ang lahat. Makakausap ko rin siya at alam ko na sa gagawin kong panunuyo sa kan'ya makikita ko na worth it lahat. Pero, magiging handa ako sa posibilidad na resulta.
Alam kong nasasaktan pa rin siya sa nangyari noong late dinnner celebration namin sa kanila. Nakita ng dalawang mga mata ko ang kirot na dinadala niya. Nakakainis lang dahil umepal pa si Jay, pero hindi ko naman din siya p'wedeng pagbawalan na huwag kausapin ang lalaking iyon.
Hays! Bahala na nga! Lalaban ako hanggang kaya ko, You will see it my queen. I will do my best to get your trust again.
Apat man kami sa paningin mo, pero ako lang at tanging gagawa sayo ng tapat at sapat. Aalisin ko sa isip mo na tapos na ang nakaraan ko.
Alam kong nagkamali na ako noon at hindi na ako papayag na sa ngayon na handa akong isugal ang lahat at wala ng hadlang tsaka mababaliwala o mawawala lahat ng
mga gagawin ko.
"This is my words, I'll do it 'coz i love you so much, Helen Savannah Synthecia."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro