Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Why?

Savannah'H POV

Sa dinarami-rami ikaw pa. Hindi ko alam kung ano bang nagawa mo at ngayon ganito na lang talaga yung pagtingin ko sayo. Nakakainis na nga! Halos sa buong gabi ikaw ang hinahanap-hanap ko.

"Are you okay? Pansin ko kasi na parang hindi ka mapakali. Did someone bothering you?" he asked while looking at me curiously.

"Ahmm, y-yeah. I'm okay Jay. Thank you for asking. Medyo sumasakit lang ang ulo ko."Pagdadahilan ko sabay hawak sa kaliwang ulo ko.

Well totoo naman na masakit na rin talaga ang ulo ko dahil kanina pa siya dumadaan sa isip ko. Buti na nga lang hindi ako inaatake sa puso dahil kapag siya rin ang tinibok nito, ewan ko na lang talaga.

"Are you sure? Gusto mo bang samahan kita papunta sa kwarto mo? Patapos na rin naman ang party ng daddy mo." Suhestiyon nito.

Napangiti naman ako sa pag-aalala nito ni Jay. Sa kabila ng mga "BAKIT" ko ngayon siya yung nandiyan para alahanin pa ko. Bigla tuloy akong naguguilty kasi naman imagine, apat sila na manliligaw tapos isa lang yung pipiliin ko. Ugh! So stressful naman nito!

"Y-Yeah, ayos lang talaga ako. Tapusin ko na lang natin 'tong party. Salamat, Jay." Tumingin ako at ngumiti sa kan'ya.

"Always welcome, mi lady." he answered with his husky voice.

Pagkatapos ng pagtatanong niya, natahimik na rin ito at kumain na lang din kami. Busy ang ibang boys at si mom and dad naman ay may seryosong pag-uusap. Sana may paraan pa para maalis 'to, ayokong magsisi sa huli.  Kung p'wede lang talaga huwag na lang pumili eh.

Hindi ko na lang din masyadong inalala pa ang ginagawa ni Matthew at ni Sheillaisha. Masaya ako para sa kanila na okay na rin sila. Sana nga okay lang ako, ayoko na masyadong mag-isip masasayang ang ganda ko. Ayokong mangyari 'yon!

Ilang sandali pa natapos na rin, finally makakapagpahinga na rin ako. Ayoko ng isipin pa ang ganito alam ko kinabukasan wala na rin ito. Inayos ko na ang sarili ko at uminom ng tubig dahil tapos na rin naman na akong kumain.

Tatayo na sana ako pero bigla akong tinawag ni Jay, "Savannah, may ibibigay pala ako sayo," seryosong saad nito.

Napakunot-noo naman ako dahil kung kailan tapos na tsaka siya nag-atubili na may ibibigay siya.

"Oh sorry, alam kong late na ito. Pinaalis ko lang din talaga ang iba para atleast pormal ko itong mabigay sayo. I am happy if you will sincere accept it," he added.

Bigla niyang nilabas ang isang box na nakabalot sa pulang cover.

Tinanggap ko ito dahil ayoko naman na baliwalain ang effort niya and besides he deserves a formal thank you coming from me. Ayoko rin naman isipin ni Jay na may nagugustuhan na ako, false alarm lang talaga yung nararamdaman ko. Alam ko hindi si Matthew.

"Thank you so much, Jay! It's okay I really appreciate it." I said then I give him my sweetest smile.

Nakita ko sa mata niya ang biglang pagningning at sumilay din ang perpektong ngiti nito dahilan para malaman kong natuwa siya sa pagtugon ko.

Actually, Jay is a man who adores of every woman. Hindi dahil sa gwapo siya kundi mahusay at isa magaling siyang humawak sa kanilang business. He is a top sharer in our company and guess what, siya mismo ang nagpapatakbo nito kaya hindi na ako magtataka if ever my daddy votes him para maging boyfriend and future fiance ko.

"Thank you for accepting my simpleng gifts, alam ko naman na may natitipuhan ka na rin sa aming apat pero wala eh hangga't wala pang pahintulot mo na tumigil ako para ligawan ka, I will do everything or anything just for you, mi lady," he said with a sweet voice.

Halos maramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil masyado naman niyang ginalingan sa pagbanat. Pero kakaibang impact naman yata ngayon ang moves niya.

"Wala 'yon, salamat dito ha? Wala pa naman akong napipili don't worry ayoko naman na pahirapan ka este kayo at soon I will announce it. By the way, salamat ulit sa pagpunta. I hope nag-enjoy ka sa biglaang celebration dinner ni daddy."

"O-oo naman nag-enjoy ako, salamat sa time. Always take care and always choose the best for you," he said seriously.

Halos matameme naman ako sa huling kataga niya. Hindi dahil ang smooth kundi talagang may sense yung huling sinabi niya. He really cares about me. Hindi man siya sobrang effort like Matthew pero the way he talks, it's rare kasi halatang kaya niyang panindigan.

Hanggang sa nagpaalam na rin ito sa akin. Late na rin kasi kaya uuwi na rin siya. Nauna na ang dalawa pati si Matthew, may urgent kasi ang dalawa while Matt alam kong he gives me space.

Wait? Ano ba 'tong sinasabi kong space?Hindi naman kami para umasta akong maghihintay siya ng desisyon at sagot ko and besides manliligaw ko siya. Ughhh! ito na naman tayo!
At napapikit at hawak na ako sa ulo ko.

"Hey bestie are you okay?" Sheilaisha asked.

Halos makaramdam ako ng mainit na tubig ng marinig ko ang boses niya. Hindi dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa harapan ko kundi alam ko siya rin talaga ang dahilan nito. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng inis sa kan'ya sa oras na 'to.

"Hey? are you still there bestie?" she added.

"Y-Yeah b-besty! Kanina ka pa ba riyan? Sorry nasakit lang ang ulo ko." walang ganang pagsagot ko sa kan'ya.

"It's okay bestie, magpahinga ka na siguro para gumaan ang pakiramdam mo. Nagpaalam na ako kay tita at tito. Kaya nandito talaga ako para magpaalam na rin sayo." Mahabang pagpapaliwanag nito.

"I see bestie, I need to have a proper rest. Oh, sige bestie samahan pa ba kita palabas?" takang pagtatanong ko. Ayoko kasing mahalata niya na may iniisip akong iba. Alam ko naman na naguguluhan lang talaga ako. Tsaka alam kong wala naman na sila para mainis ako sa kan'ya.

"No need bestie, pumunta lang ako rito kasi alam kong tapos na kayo mag-usap ni Jay. Mas bagay kayo, anyway, I need to go. Goodnight bestie!" Pagpapaalam nito at nakipagbeso na nga.

'Sige bestie, ingat sa biyahe. Goodnight too!" masayang tugon ko rito.

Habang naglalakad ito palayo sa akin, pilit kong inalis sa isip ko na baka may something pa rin sa kanila. Ayokong mag-isip nang masama sa kan'ya. Hindi ko talaga dapat piliin si Matthew dahil may nakaraan sila. Kaya mas mabuting kalimutan ko kung ano man itong nararamdaman ko.

Ayokong pagdaanan ang nagyari sa bestfriend ko na iniwan siya. Ang hirap maramdaman ang ganoon. Higit sa lahat, ayokong maging unfajr sa kan'ya. Kung sakaling dumating man ang panahon na magkaroon ulit ng chemistry sa kanilang dalawa, pipiliin ko na lang na maging masaya para sa kanilang dalawa. Hindi dahil mayroon na silang nasimulan, kundi alam ko ang totoong hinahanap ng puso ni Matthew ay walang iba kundi ang bestfriend ko.

Hindi man tunay na nadidikta ng kilos ang katotohanan, makikita naman sa mga mata niya ang kasabikan at kasinungalingan na hindi pa rin siya nakakaalis sa kan'yang pag-ibig sa nakaraan.

At sa mga oras na iyon, hindi ko napansin lumuluha na pala ako. Pinili ko na lamang umakyat at magpahinga.

At sana bukas, wala na ito. Sana bukas wala na akong nararamdaman para sa kan'ya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro