Chapter 19: Still, I miss you
Past or Present
Matthew POV
Today is the day that we will have a late dinner with Mr. Theo Sinn Synthecia, the father of my future wife— Helen Savannah Synthecia. Actually magaganap ito sa bahay nila kaya ito abala ako sa pag aasikaso ng regalo para sa kanya. I know she's not already mine pero lahat gagawin ko para lang maging akin siya, ayoko na ulit mangyari pa ang past ko. Alam ko naman na nagkamali rin ako at nagkulang noon, kaya ngayon dapat magawa ko na at mapunan ko.
"She will be mine, only mine."
Alam ko naman na ayos na kami ni Sheillaisha, she is my ex girlfriend. Mahal ko talaga siya noon kaso nagkaletse-letse lang talaga ang lahat hanggang sa unti-unting nagbago at nawala ang komunikasyon namin until we ended up sa break-up. Hindi naman maayos ang nangyari that time, pero alam ko umayaw na rin naman siya sa akin..
And that time, hindi ko na alam ang gagawin ko until I met Helen Savannah Synthecia. She helps me to be a better man.
Habang inaayos ko tuloy yung mga pangregalo ko kay Helen, may kakaibang kirot sa puso ko. Halos mapaupo muna ko sa kama ko nang maramdaman ko iyon. Hindi ko maintindihan bakit ganito, nakaraan naman na iyon pero parang may kapirasong basag pa rin ang nawawala at nanatili rito sa isip at puso ko.
Shit! I hate this f*cking feeling! Tapos naman na 'yon. Tapos na!
Ayoko naman nang mag-isip pa, pero hindi ko maalis sa isip ko na nasasaktan pa rin siya lalo na yung malaman ko na bestfriend siya ng nililigawan ko. Halos si Helen na rin pala ang naging susi para magkausap kaming muli. Hindi ko naman talaga ginusto na humantong sa ganon', pero nangyari na dahil alam ko na may dahilan lahat ng bagay.
Imbes na mag-isip ako sa kung ano-ano, I fix myself dahil ayokong malate at kailangan mauna 'to sa bahay nila Helen bago siya dumating.
@House of Helen
Ilang sandali pa ay nakarating na ako, pinilit ko muna na manatiling kalmado at walang iniisip. Ayoko na muna sirain ang gabing 'to dahil sa mga bagay na parte na lamang ng nakaraan ko. At dahil nandito na ako sa tapat nila, huminga muna ako nang malalim at tsaka lumabas na. Binuhat na ang mga pangregalo kay Helen at sa parents niya.
Gusto kong makita ni Helen at ng magulang niya na seryoso ako kaya heto gagawin ko yung nararapat. At mahal ko si Helen, hindi ko na hahayaan na guluhin pa ko ng nakaraan ko tsaka alam naman na rin si Sheillaisha na gusto ko ang kaibigan niya.
"Magandang gabi po, Tita." Bati ko rito at nagmano sa kanya.
"Narito ka na pala iho, aba ang dami mo naman yatang dalang regalo. Para kanino ba lahat ng 'yan?" takang tanong nito habang nakatingin sa mga dala-dala ko.
"Para po kay Helen at sa inyo po. Saan ko po ba pwedeng ilagay ang mga ito?" wika ko habang patuloy na buhat-buhat ang mga regalo.
"Nako iho, nag-alala ka pa. Sige tara sa loob. Manong, patulong naman po pabuhat ng ibang regalo at dalhin sa third floor doon sa dulong kwarto," seryosong saad ni Tita.
Bigla na lamang akong napangiti sa hindi malaman na dahilan, ngunit hindi ako nagpahalata at dinala na nga muna namin sa third floor ang regalo.
Habang binababa na nga namin ang regalo sa isang kwarto, nakita ko si Tita na napapangiti hanggang sa nagwika na nga ito.
"Salamat Matthew ha? Napakarami nito, ikaw talaga yung natitipuhan ko para kay Helen. Pero syempre apat kasi kayo ayokong manguna sa desisyon para sa anak namin. Pero maraming salamat dahil ginagawa mo rin naman ang parte mo." Seryoso at nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Sa ganoong punto tila nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa tiwala ni Tita.
Hanggang sa mailapag na nga namin lahat ng regalo. Bigla naman akong tinawag ni Tito Theo, hindi ko man lang siya napansin kanina.
"Nandiyan ka na pala iho, tara sa baba na tayo. Hintayin na lang natin sila." bungad nito habang papalapit sa amin.
"Magandang gabi po, Tito. Sige po nilagay lang naman po namin yung regalo sa kwarto po. Congratulations po ulit. Naroon rin po pala ang para sa inyo kasama sa regalo ko kay Helen at kay Tita," matamis kong sabi habang naglalakad na kami pababa.
"Aba nag-abala ka pa iho! Maraming salamat din sa pagpunta mo. Oh siya, naghihintay na rin sila sa baba. Mahal, bumaba ka na lang din ha? Nasa baba na rin kasi yung tatlong lalaki. Inimbitahan ko rin kasi sila," saad ni Tito at tuluyan na nga naming binaybay ang hagdan paibaba
Alam ko naman na kasama din silang tatlo pero kampante na ako dahil mas boto sa akin si Tita. Talagang si Tito na lang din ang kulang at sa susunod si Helen na. Labis akong natuwa sa aking naisip. Pero nang makita ko ang tatlo, nawalan yata ako ng gana dahil syempre mayroon pa rin akong katunggali. Kailangan ko pa rin galingan at gawin ang nararapat. Hindi pala ako dapat makampante ng basta-basta.
Nasilayan ko na nga ang tatlo, pormado rin talaga. Pero, let the best man win. At alam kong ako 'yon.
"Nandiyan na pala kayo mga iho, sige maupo na kayo. Mamaya baba na rin naman si Helen at si Sheillaisha at si Tita Madel ninyo," turan nito habang inaayos na ang upuan.
Naglabas na rin ang mga maids ng mga pagkain. Hanggang sa nakarinig na nga kami ng mga yapak mula sa itaas. Halos bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko, halos pagpawisan ako ng malamig.
"Good evening po, Tito and Tita!" masayang bati nito at sumilay ang maganda niyang ngiti.
"Hi Mom and Dad! Hi boys!" masayang sambit naman ni Helen.
Pero ang focus ko ay nasa kanya lang, tanging sa kanya lang. At ang kakaiba pa halos hindi ko maalis ang mata ko sa kanya.
Napakaganda niya. Sobrang ganda.
"Hi Matt!" masayang bati nito sa akin.
Ngunit wala akong maisagot tila napipi ako at halos maging musika ang boses niya sa pandinig ko.
Bakit ganito? Bakit puro siya yung naiisip ko? Mali 'to, maling-mali.
I don't know what I still care for her, I know we already done pero itong puso ko halos sumabog kapag siya yung nakikita ko. Hindi ko na maintindihan ang dinidikta nito. Naguguluhan na talaga ako.
"Hey are you okay?" Helen asked.
"Ohh yeah! I'm really sorry, may iniisip lang." At kumilos na ako nang maayos at inalis sa isip ang mga bagay na hindi dapat.
"So let's eat? Daddy, congratulations! And of course to you mommy for always there for us. And lastly sa inyo mga boys. Salamat sa pagpunta," turan ni Helen habang inaayos ang pag-upo sa lamesa. Kinuha niya ang glass of wine at sabay-sabay na nga kaming nagsaya at kumain.
Sa totoo lang gusto ko na lang isipin na wala rito si Sheillaisha, sa ganoong paraan baka sakaling maalis siya sa isip ko. Sapagkat ang dapat ay si Helen na wala ng iba. Siya na ang present ko, hindi pa man kami pero alam ko na darating ang araw na magiging akin siya, akin lang.
In-enjoy ko na lang ang gabi at mas nagfocus kay Helen. Kahit napapatingin pa rin ako sa kanya. Hindi naman kasi nagbago ang ganda niya, mas lalo nga siyang gumanda. Teka, mali 'to! Hindi! Dati 'yon hindi na ngayon.
"Are you okay?" Helen asked.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaibang kiliti.
Oo, ganito dapat at sa kanya lang.
"Yes, milady. Thank you for asking, by the way i have lot of surprises for you. Ask your mom na lang," ngiting sabi ko habang patuloy sa paghawak sa kamay niya.
"Ohh really? Okay later i will look for it. Huwag ka na mag isip ha?" mapag-alalang sabi nito.
Bigla na lamang napaubo si Sheillaisha.
Tutulungan ko sana siya, pero pinili ko na lamang ang manahimik at pagmasdan siya. Ito ang dapat, hindi na dapat akong makialam at iparamdam sa kanya na may concern pa ko.
"Oh iha, ayos ka lang? Ito tubig oh." sabay abot ng tubig at inalalayan ni Tita Madel kahit na medyo nauubo pa rin ito.
"I-im okay po tita. Salamat po. Sorry sa mga naistorbo ko, I need to go in bathroom muna." Tumayo na ito at umalis na nga.
Nakita ko kung paano siya tumingin sa akin, subalit hindi ko na lang ito pinansin at nagfocus na lang sa dapat.
"Kain ka lang Matthew," malambing na pagyaya ni Helen.
Ito dapat ang isipin ko, ayokong magpalamon pa sa nakaraan ko. Hindi na dapat. At alam kong lamáng na'ko sa kanya.
"Ako Helen, hindi mo ba aasikasuhin?" biglang pag- aarte ng isa sa mga karibal ko si Jay.
Hanggang sa umapel na rin ang dalawa pa.
"Ohh sorry boys. Sige kain lang kayo," turan nito at ngumiti sa kanila.
"May gusto ka pa ba sa bestfriend ko?" biglang pagtatanong ni Helen.
Halos matameme ako, napipi at nakaramdam ng lamig.
Walang letra o salita ang lumalabas sa bibig ko.
"Ayos lang huwag mo na sagutin, wait lang ha? I need to go to bathroom muna," malamyang sagot nito.
Tumayo na nga ito habang ako naiwang tulala at naiinis sa sarili.
Bakit ba kasi wala akong masabi? Ugh!
Kumalma na lang ako at nag isip ng dapat kong gawin.
"Pasensiya na Helen, baka nga mahal ko pa siya," Sambit ko sa'king sarili .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro