Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13: Feelings or Care?

Past Mistakes

Matthew's  POV

LABIS ang inis ko sa sarili ko. Hindi ko naman akalain na magbestfriend pala sila ni Savannah. At ang nakakainis pa nablanko pa ako ng magkita kami.

Napaupo ako sa upuan at nilagok ang alak na iniinom ko. Mabuti na lang rest day ko ngayon, subalit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko alam kung para saan ba 'to, pero pakiramdam ko ngayon ay gusto kong makausap nang maayos si Sheillaisha. Gusto kong magpaliwanag sa kanya at para malaman niya rin na hindi ko naman gusto na umalis mula sa London at manatili dito sa France. I know it's all of my fault but I'll just came here to fix everything especially for our company.

My mom is Half Pilipino so I know how to speak tagalog. Here in France most of the time my mom prefer us to speak it, para mas masanay kami lalo na't by next year pupunta kami sa Pilipinas para magbakasyon sa Palawan for 3 months.

Napahinto ako at muling nag-isip. I need her, I need to talk to her. But there's inside of me that I feel guilt and shame after all I've done to her. Hindi ko naman ginusto na mauwi sa ganito. Naputol na rin kasi ang connection namin dahil naging abala ako and my dad was really sick that time, that I need to pay attention in our business to came back all of our money after all the bankcrupt happen.

FLASHBACK

TAHIMIK at walang nais na magsalita. Hindi ko alam kung paano sasabihin lalo na't hindi pa nga kami at nagkakaroon pa lang ng magandang koneksyon sabay aalis na ako at maiiwan siya rito.

"Sheillaisa my love, I'm so sorry but I need to go. Sana maunawaan mo 'to. Mahal kita pero kailangan ko muna magawa lahat ng mga responsibilidad ko." Seryoso kong sabi habang nakayuko dahil sa totoo lang hindi ko gusto na sabihin lahat ng 'to sa taong mahal ko.

"B-babalik ka naman 'diba? Baka naman kalimutan mo na ako." Malungkot niyang sabi.

Hindi ako nakasagot nakayuko lang at tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

I loved her pero kailangan ko isipin yung business namin sa France.Kaya wala akong choice.

"No matter what, wait for me. I love you." Matamis kong sabi at hinalikan siya sa noo. Hindi ko man batid ang mangyayari pero pinili ko ang dapat. Iniwanan ko na siya at sumakay na sa kotse ko.

END OF FLASHBACK

After a month na pagstay in ko rito sa France, namimiss ko siya hindi naman ako makagamit ng phone to talk to her dahil spbrang dami talaga.

Until nabalitaan ko na umalis din sila at pumuntang New York. Almost a year din pala ang nangyari, I tried to contact her pero wala na, her phone is unattend na.

Halos uminom ako 'nun araw-araw halos mabaliw at pagsisihan ko ng sobra ang nagyari. But nagpakalalaki ako para sa family ko. I did my fucking responsibilities and I saved our company kasabay ng pagkawala ng babaeng mahal ko.

Wala akong nagawa kundi umiyak ng mga araw na 'yon. Ang unfair ng mundo sa'kin.

Akala ko okay na kapag nakilala ko si Savannah, but still I have feelings pa rin kay Sheillaisha. Akala ko kasi may iba na siya. Akala ko lang pala lahat.

Shit! I damn miss you, Sheillaisha! But fuck, I'm so sorry.

Tumulo muli ang batisan kong luha na kahit sa totoo lang nakakabakla na dahil sa kakaiyak ko rito, pero kailangan kong ilabas. Hindi ko na kaya.

So I decided to go in the bar. To absorb some chillin'. To rest my mind and also kahit papano mapawi yung sakit.

Alam kong kasalanan ko lahat pero huli na rin naman. Mali pa rin ako. Mali pa rin ako hanggang ngayon.

Mabilis kong pinaandar ang kotse at tinahak ang Trevor's Bar. Isa ito sa kilala rito at mabilis din akong pumasok sa loob.

Naghanda agad ang waiter ng paborito kong alak. Wala naman masyadong babae rito talagang tambayan lang ng mga sawi o kahit may ka-inrelationship pa basta tatambay lang or iinom.

"Can I have an apple vodka, please?" sambit ng isang babae nasa kaliwa ko.

Hindi ko siya pinansin dahil busy din naman ako sa pag-inom ko. At ayoko naman entertaining ang kahit sino dahil gusto ko lang mapag-isa.

Sunod-sunod na paglagok ang ginawa ko. Hanggang sa para bang babagsak na ako dahil sa hilo.

"H-Hey Matt are you okay?" saad ng isang babae na nahawak sa braso ko. Inaalalayan na pala ako.

"W-who a-are y-you?" I asked worriedly.

Ngunit hindi ko na kaya at dahan-dahan ng bumagsak ang mga mata ko.

Nakaramdam ako ng mabangong amoy ng ulam. Babangon sana ako kaso sobrang sakit ng ulo ko.

Shit! Alak pa!

"Oh gising na pala Matt, drink this hot tea para maging okay na ang pakiramdam mo," saad nito na para bang ina ko na sobrang nag-aalala.

"Sheillaisha?!" sigaw ko.

"Hey, hinaan mo nga boses mo. Oo ako 'to! Hindi pa ako patay okay? Makasigaw ka para ka namang nakakita ng patay. Don't worry you are in my condo. Hindi na ako nag-stay kanila Helen," saad nito sabay tingin sa akin.

"Tsaka ano palang ginagawa mo doon?At ang dami mong nainom ha?! Sige na inumin mo na 'yan." Dagdag niya at bigla na siyang tumayo.

"Thank you and I'm really sorry," tanging nasabi ko at lumingon naman ito.

"It's okay and welcome. Sige na inumin mo na 'yan ng hindi na sumakit ang ulo mo." Pagpapaalala nito kaya't ininom ko na rin ang hot tea na inihanda niya.

She is really caring woman. Hindi nagbabago ang ugali niya na kahit ganoon yung nangyari sa amin.

Sorry my Sheillaisha. Sana magkausap tayo.

Inayos ko na lang ang pagkakaupo ko sa kama at inubos ang tea para makapagpahinga muli dahil masakit pa rin ang ulo ko.

***

Pretender

Hindi ko alam kung bakit ganito pa ang nararamdaman ko para sa lalaking 'yon. After all, dito pa kasi kami magkikita. Nagpaalam na rin ako kay Savannah na dito muna ko mag-stay sa condo ko sa Sheiyy Conde- sikat na condo rito sa France.

Ayoko na rin muna kasing manatili roon, hindi na rin ako komportable at baka dumalaw na naman ang mga manliligaw niya pagkatapos, nandoon pa siya makita ko. Ayoko nang masaktan ulit.

Tinungo ko na lang ang bar dito para magrelax. Simple bar lang naman iyon until I see him. Hindi pa rin siya nagbabago mahilig pa rin talaga uminom tapos babagsak kapag nalasing, akala mo naman matibay.

At dahil nag-aalala ako ay lumapit ako roon pero syempre iinom rin ako. Gusto ko lang malaman bakit siya nainom.

Ano kayang problema neto?

Umorder na nga ako ng paborito kong vodka at hindi ko naman siya pinapansin nakikiramdam lang ako hanggang sa tuluyan na ngang nalasing ang lokong 'to.

Iinom kasi tapos hindi naman kaya umuwi mag-isa. Napaka mo talagang Matthew ka!

At dahil marupok ako, este nag-aalala ako inalalayan ko na siya at dinala ko muna siya sa condo ko.

Hindi naman kasi nasagot nang maayos sa tanong ko, ano pa bang aasahan ko? Lasing na kasi 'to!

Hinayaan ko muna siyang matulog sa higaan ko at ipaghahanda ko na rin siya ng hot tea para naman maging maayos ang pakiramdam niya.

Sandaling pagbalik ko sa kanya ay gising na nga at gulat na gulat pa.

Ikaw pa talaga nagulat, nasa condo na nga kita.

"Inumin mo na 'tong hot tea para gumaan 'yang pakiramdam mo at mawala ang hilo mo. Nasa condo pala kita, lasing ka na kasi kaya dito muna kita dinala dahil hindi ko naman alam ang bahay mo." Mahabang pagsasalaysay ko.

Ngunit napasigaw lang ng ngalan ko, para bang nakakita ng multo dahil sa reaksyon niya.

"Hey, hinaan mo nga boses mo. Oo ako 'to! Hindi pa ako patay okay? Makasigaw ka para ka namang nakakita ng patay. Don't worry you are in my condo. Hindi na ako nagstay kanila Helen." Inis kong sabi dahil nakakainsulto naman siya. Hinayaan ko na lang din baka lasing pa.

Lumabas na rin ako ng kwarto at doon nakaramdam ako ng kirot dahil naalala ko ang lahat, akala ko okay na, akala lang pala lahat.

At tumulo na naman ang batisan kong luha pilit kong pinakalma ang sarili pero talagang mahina ako ngayon hanggang sa makarinig ako ng yapak ng kung sino.

Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang mga mata ko.

"M-may kailangan ka ba?" takang tanong ko habang pinapakalma ang sarili.

"I-ikaw, este ito na pala yung tasa. Salamat. Pwede ba tayong mag-usap?" takang sabi nito.

Pilit akong humarap kahit alam kong medyo mahirap ang lahat, kailangan ko itong harapin dahil ayoko nang manatili sa nakaraan at gusto ko na rin maliwanagan.

"Sige, doon tayo sa sala." Seryosong sagot ko at naglakad na rin papunta sa sala.

Ilang sandali rin ay narito na kami at umupo muna ako at huminga nang malalim.

Magsasalita na sana ako pero bigla siyang yumakap. Yakap na para bang may punto.

"S-sheillaisha ko, I'm really sorry." Daing nito habang niyayakap ako nang mahigpit. At oo, kumawala ako dahil ayokong isipin niya na gusto ko rin.

"S-sorry?After all na pang-iiwan mo sorry?Tapos yung bestfriend ko naman liligawan mo ha? Ayos ka lang ba talaga?" takang sabi ko sa kanya habang unti-unti nang bumagsak ang mga luha ko.

"Sorry lang matatanggap ko sayo Matthew?! Paliwanag mo ang kailangan ko, kung bakit,ano,kailan at saan? 'Yang mga tanong na 'yan na laging dumadalaw sa akin. Alam mo ba 'yon?!" inis kong sabi habang umiiyak nang tuluyan.

Fuck! Ito na nga ang sinasabi ko iiyak na'ko.

"Alam ko kasalanan ko lahat, alam ko kaya ka ganyan dahil hindi na ako nakabalik pa at akala ko kasi may iba na, akala ko ayaw mo na kaya humantong sa ganoon na niligawan ko ang bestfriend mo. Nawalan tayo ng komunikasyon 'nun." Paglalahad nito habang nakatingin sa mata ko.

Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang murahin at gusto ko siyang burahin pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Kahit hindi pa official ang relasyon namin noon ay minahal ko na siya nang sobra.

"Alam mo naman yung nangyari 'diba? Inayos ko lahat pero kasabay 'nun ang pagkawala mo dahil inabot na rin ako ng halos isang taon. Patawarin mo'ko, Sheillaisha hindi ko gusto na humantong tayo sa ganito." Malungkot at nakayuko na, dahan-dahan na rin akong tumigil at pilit na kumalma dahil ayokong sa huling pagkakataon hindi kami magkaunawaan.

"Mahal kita, alam mo naman 'yon diba? Kaso humantong lang sa ganito at ang mali ko hindi kita hinanap at sorry talaga dahil hindi ako nagpakalalaki at niligawan ko pa ang bestfriend mo," sambit nito habang hawak na nga kanang kamay ko.

"Patawarin mo ako,Sheillaisha. Hindi ko sinasadya na ganito.Maraming salamat sa pag-aasikaso sa'kin. Tumahan ka na ha?" mapag-alala nitong sabi. Hinalikan niya ang noo ko at tumayo na.

"Uuwi na rin ako. Sorry sa abala. Magpahinga ka na. Salamat ulit," sambit nito at tuluyan na nga siyang umalis. Naiwan akong mag-isa at tulala.

Gusto ko siyang pigilan pero hindi na dapat. Sapat naman na lahat sa akin ang narinig ko. Ayoko naman na pang dumagdag pa sa lovestory nila.

Salamat na lang sa alaala, Matthew.

Pinunasan ko na lamang ang mga mata ko at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro