Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Revealing Truth

Tell Me

Savannah's POV

PINILI ko munang umuwi sila. Mabuti nga at naisipan din nilang umalis, dahil para makausap ko naman si Sheillaisha. Nag-aalala talaga ako sa kanya. Nakakabigla naman kasi ang pag-alis niya kaninang umaga. At hindi ko rin maunawaan dahil kahit si Matthew iba rin ang kilos.

So, weird ugh!

Umakyat na lang ako at tinungo ang kwarto ng bestfriend kong si Sheillaisha. Nasa kaliwang bahagi lamang ito katapat lang naman ng kwarto ko. Kumatok muna ako bago tuluyang buksan ang kaniyang pintuan.

Ngunit hindi ko inaasahan ang mga nangyari, nakaupo ito at panay ang pagdaing.

"Besssss! Anong nangyari sayo?!" takang tanong ko rito at mabilis na lumapit sa kanya dahil sa labis kong pag-aalala.

Ngunit nanatili lamang ito at patuloy sa pagluha. Tila para akong punong pinuputol nang paunti-unti. Labis akong nasasaktan sa pag-iyak ng bestfriend ko.

"B-bes, bakit naman gan'on? l know, I'm okay but then when I see him, shit! Masakit pa rin pala." Paglalahad nito habang patuloy pa rin ang pagluha.

"At higit sa lahat, para akong hangin sa paningin niya na nararamdaman pero hindi man lang nakikita." Seryosong dagdag nito.

Hindi ko naitindihan ang sumunod niyang sinabi pero ramdam ko ang sakit. Nanatili lamang ako sa tabi niya dahil alam kong ito yung mas dapat, bago ako magsalita at magtanong sa kanya.

Tiningnan ko lamang ang mata niyang panay pa rin ang pagluha at ang balikat niyang nanghihina at higit sa lahat ang bibig niyang alam kong maraming tanong na wala namang kasagutan.

"B-bes, panget ba ko? O talagang hindi ako kamahal-mahal?"takang sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Ang yaman ko nga pero parang kulang at parang hindi pa rin ako sapat." Dagdag nito habang panay ang pagpipigil ng luha niyang sunod-sunod ang agos.

"Bes! Ano bang pinagsasabi mo ha?! Maganda ka, maganda tayo! Sino ba naman kasi 'yang lalaki na 'yan ha?Sabihin mo! Sino roon?" takang sabi ko habang nakatingin ng matulis sa kanyang mata at hinawakan ko na rin ang kanyang kamay para talagang sabihin niya.

Gusto ko na rin malaman dahil sa totoo lang ayoko ng ganito siya. Ayokong umiiyak siya dahil sa lalaki.

"Si M-matthew!" sigaw nito na siyang ikinagulat ko.

T-teka sinong Matthew?

"Si Matthew King Vosco." Seryosong sabi nito habang nagpupunas ng kaniyang mga luha.

"What?!" sigaw ko at napatayo pa nga sa pagkakagulat.

"Siya yung lalaking nanligaw sayo tapos yung nahulog ka na iniwan ka?!" diretso kong sabi.

"O-oo siya nga! Bakit, bakit dito pa bes?!" takang sabi niya habang umiiyak na naman.

Lumapit ako at tinapik ang likuran niya. "Tumahan ka na. Kaya pala para siyang lutang kanina nung pinauwi ko na sila. At kahit kanina naramdaman ko rin na talagang may something." Pagbibigay opinyon ko habang patuloy siyang pinapakalma.

"Ang sakit lang bebs na parang wala lang. Ganoon ba talaga dapat ang reaksyon ha? Wala lang?!" inis niyang sabi habang panay pa rin ang pagluha.

Hindi niya na talaga mapigilan pa.Sadyang nilamon na siya ng kaniyang kahinaan, tila bumuhos na ang karagatan sa kaniyang mga mata. Sunod-sunod na para bang mga agos na hindi mapigilan ang paghahampasan.

"B-bes, alam ko naman 'yon na ayaw niya or nagbago na pero sana naman inayos niya. Sana hindi siya nagparamdam at nanligaw para wala ganito." Pagdadaing niya.

"Bes, tama na! Alam kong masakit pero you deserved a better man. Wala akong balak kay Matthew. Hindi ko rin alam kung may pag-asa yung tatlo. Sakit lang sila sa ulo eh." Pagpapaliwanag ko habang pinapakalma siya.

"Sorry bes. Hindi ko naman gusto na umabot sa ganito.Labis lang talaga akong nasasaktan dahil ang unfair lang." Pagpapaliwanag niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Sa halip, niyakap ko siya at doon mas humagulgol pa siya.

"Ilabas mo lang. Alam ko siya yung unang lalaking minahal mo na talaga naman loko, hinayaan ka lang mahulog sa patibong niya. Hayaan mo na." Saad ko habang panay ang tapik sa likuran niya.

"Salamat bes. Hindi ko inaasahan na talagang pinauwi mo pa talaga sila." Saad nito habang pinupunasan ang kaniyang mga luha sa pisngi.

"Of course besty! We're besty here right? Boys lang 'yon. Mahalaga sa akin yung friendship natin. Tahan na sayang make-ups oh?" Let's shopping na lang. Treat ko!" pag-aayaya ko sa kanya habang nakangiti.

Nakita ko naman ang pagbabago ng mood niya. Talagang alam ko ang kiliti niya. She loves shopping and yeah, I did it! Sa ganitong bagay hindi niya uurungan lalo na isang Synthecia ang manlilibre sa kanya.

"R-really? Sige! Let's do shopping to make me feel better. Ayoko na mag-isip sa pesteng lalaking 'yon." pagsusungit niya habang inaayos ang sarili.

"Good 'yan! Fix yourself, bes! Ako rin bumababa ka na lang para at hintayin mo'ko sa sala kapag nauna ka." Pagpapaalala ko at tuluyan na rin akong umalis sa kwarto niya.

Napangiti ako nang bahagya dahil kahit papano naramdaman ko na mabuti ang pakiramdam niya. Hindi ko lang matanggap na ganoon pala ang nangyari. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip. After all, Matthew have past before kahit hindi naman naging sila ng bestfriend ko nainis talaga ako.

Pinili ko na lamang na pumasok sa kwarto ko para makapag-ayos. Isasantabi ko muna ang mga gumugulo sa isip ko. Mahalaga ngayon nalaman ko at higit sa lahat naging okay na rin sa Sheillaisha. Ayoko muna siyang malungkot.

Naghanda na nga ako at almost 30 mins lang naman yung ginugol ko sa pag-aayos at hindi ako nagkamali dahil nauna pa sa ibaba si Sheillaisha.

"B-bes? Finally bumaba ka na! Kanina pa kasi kita hinihintay antagal mong bumababa. Kahit kailan ako pa rin ang nauuna." Seremonya nito habang nakapamewang pa at biglang tumawa.

"Oo na sige na ang bagal ko na po! Tara na. Pahatid na tayo kay Mang Fe na isa sa driver namin. Ayokong magmaneho ngayon. Marami ka pang ikukuwento eh." Saad ko habang ngumiti ng malapad.

"Hays! No! Ayoko! Tara na nga magshopping na tayo." Sambit nito at nauna ng lumabas. Sumunod na lang ako at ngumiti.

Asar talo ka pa rin talaga bes!

At the car's moment

MASAYA kaming nas biyahe at talagang hindi ko inaasahan ang pagiging madaldal na naman ng bestfriend kong si Sheillaisha. Parang mula kanina kasi ang dram niya pero ngayon masaya na ito habang sunod-sunod ang pagkukuwento niya.

"Pero ano bang kuwento ninyo ni Matt ha?! Magkuwento ka naman!" pangungulit ko sa kanya. Ngunit tinaasan lang ako ng kilay. Ambilis lang din niya magbago ng mood talaga naman ayaw niya ng pag-usapan pa.

"Ayoko na siyang pag-usapan bes! Isa pa magshopping tayo 'diba? Huwag mo na akong paiyakin pa. Gusto ko munang magliwaliw. Okay?" sambit nito at tumingin na lamang sa labas ng bintana ng kotse. Nasa back seat kasi kami dahil syempre may nagmamaneho naman sa aming dalawa.

Nalulungkot man ako pero ayoko naman siyang pilitin pa. Siguro nga hindi naman talagang ganoon kabilis ang makalimot,masasaktan ka talaga kapag hindi mo pa kaya at higit sa lahat kapag nandoon pa ang alaala hindi mo maiwasan na balikan pa.

Sana talagang ayos na siya. I know you're so strong,bes pero mahina ka rin kapag nagmahal ka.

Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa labas, pinagmasdan ang matatayog na puno kalakip ng matataas na gusali. Talagang kahit saan ay marami na rin ang umusbong. Ilang sandali na rin ay nakatungo na rin kami sa mall.

Kinalabit ko na lang siya dahil nakatulog pala.

"Besssss!Tara na nasa mall na tayo." Sambit ko at nagising naman ito at inayos ang sarili. Bumababa na rin kami at inenjoy ang natitirang oras.

"Tara na!" masayang saad nito at pumasok na kami sa loob. Nagpunta na sa kung saan-saan at namili ng mga bagay na kinahihiligan naming dalawa. Mga damit, sapatos at kung ano-ano pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro