Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Chapter Nine

Master


Adriana updated me about my schedule. Wala namang magiging problema kung dadalo ako sa party ni Syver La Casse dahil maluwag ang schedule ko kaya kasado na ang aking pagpunta.

Maaga akong nagising kinabukasan. Nang maalala ko ang pag-uusap namin ng babae matapos makita ang email nito laman ang kanyang schedule sa eskwelahan ay ginanahan ako.

I texted her before I went to school.

Ako:

Our schedule are almost the same. Starting today, you have to follow me wherever I go. You understand?

Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapag-reply.

Slave:

Okay. I will do it.

Ako:

Are you forgetting something?

Slave:

Sorry, Master. I will do it. Nai-sent ko na rin ang invitation. Huwag mo akong iisahan, binabalaan kita.

I was never into texting, but this girl keep entertaining me.

Ako:

You really love threatening me, don't you?

Slave:

Ang sinasabi ko lang, sumunod ka sa usapan natin dahil susunod ako sa mga gusto mo.

Ako:

I already said yes. You have my word.

Slave:

Gusto ko lang maging malinaw ang lahat.

Ako:

Fine. I'm on my way to school. Sunduin mo ako sa parking lot.

Slave:

Now?

Ako:

Now, slave.

Slave:

Okay. Text me when you're near nasa library ako.

Ako:

No, I won't. Bantayan mo ang pagdating ko or else this fuckery is over.

Ilang beses pa siyang nag-text pero hindi ko na sinagot. I don't really care if she doesn't want to continue the deal. Walang kaso sa akin dahil wala namang mawawala sa parte ko. I know this was a bit degrading on her part, but it was her call not mine.

Naglaro ang nakakalokong ngisi sa labi ko nang matanaw siya sa parking lot pagpasok ng sasakyan ko roon. Nagkukumahog niya akong nilapitan matapos mag-park sa aking usual spot.

I handed her all my stuff. Naging sunod-sunuran siya sa akin habang yakap ang mga gamit ko. The boys were surprised to see Soraia with me.

Naunang pumasok si Toine kaya malaki rin ang ngisi nito kahit na alam niya naman na ang tungkol sa pagiging alila ng babae. Siguro gaya ko ay hindi rin expected na talagang susunod si Soraia sa usapan.

"Give it to Micky and just stay outside. Diyan ka lang hanggang magkaro'n ka ng klase. You still have thirty minutes to guard me."

"W-What?"

Tamad ko siyang nilingon. "Do you need to see an EMT? Hindi mo narinig ang sinabi ko?"

Her jaw clenched at that. Yumuko siya at pabulong na sumagot, tuluyan nang nilulunok ang pride para lang pagbigyan ko.

"Naintindihan ko, Thelo–Master."

Micky laughed at that. Nakatangis ang bagang ni Soraia nang titigan ito pero wala namang sinabi.

Tinalikuran ko na siya. Sa pag-upo ko ay nanatili nga siya sa labas at nakatunganga sa kawalan.

"What is she doing outside? Hindi pa aalis?" si Toine na tumabi sa akin sandali.

Umiling ako. "She still have thirty minutes to stand there. Hayaan mo."

"You're crazy."

"I know. She deserves it."

Umiling na lang ang kapatid ko at wala nang nagawa kung hindi ang hayaan ako sa aking mga kahibangan.

Thirty minutes later, nakatanggap ako ng text galing sa kanya. Nagsisimula na ang klase namin.

Slave:

Wala raw kaming klase ngayon. Can I go now?

Ako:

Stay where you are. Wala ka rin naman pa lang klase.

Slave:

Pwede bang sa library na lang ako?

Ako:

You're my slave, remember? Then do what I fucking asked you to do.

Ibinalik ko ang titig sa harapan nang makita ang pagdungaw niya sa akin sa bintana. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagbagsak ng kanyang magkabilang balikat. I didn't mind her. Hindi na rin siya nangulit hanggang sa matapos ang klase namin.

That went on for three days. Walang ginawa si Soraia kung hindi ang sundin ang lahat ng utos ko. Everyone knew about that pero hindi nila alam ang dahilan nito. Ang inakala ng lahat ay ginagawa ito ni Soraia bilang parusa sa lahat ng mga ginawa niya sa akin.

"Raia, you don't have to do this. Come on! Umuwi na tayo!"

My eyes automatically darted at Oswinn, ang pinsan niyang binugbog ni Drake dahilan para magtagpo kami ng babae ng araw na 'yon.

"Winn, hindi pwede..."

"Anong hindi pwede?" Mas lalong naguguluhang tanong nito sa pinsan.

Nasa cafeteria kami at hinihintay lang si Toine.

Oswinn turned to me. "Thelonious, huwag mo nang pahirapan si Raia. Ako ang dahilan kung bakit niya nagawa ang pananakit sa 'yo that day kaya ako na lang ang parusahan mo–"

"Winn!"

Akmang hihilahin na ni Raia paalis sa harapan ko ang pinsan nang magsalita ako.

"Sit, Soraia."

Parang asong utos ko rito dahilan para parehas silang mapatitig sa akin.

"Winn, sige na. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay. Huwag ka nang makialam."

"Raia–"

"Can you fucking leave us?"

Nagtangis ang bagang ni Oswinn pero bago pa ito makapagsalitang muli ay nahila na siya palayo ni Soraia sa akin.

Kahit na bumibigat ang ulo ko ay nagawa ko silang hayaang mag-usap. I'm starting to get pissed! Hindi lang sa pagmumukha ng tanginang pinsan niya kung hindi dahil sa tagal ni Toine!

"Sorry about that... M-Master."

I puffed on my vape and ignored her for minutes.

"Thelonious..."

"Don't call me that."

"M-Master... A-ahm, gusto ko lang ipaalala ang party bukas. Ginawa ko naman ang parte ko sa deal na 'to at nakita mo naman 'yon kaya sana ay gawin mo rin ang pangako mo."

Hindi ako sumagot. Tamad kong ikinumpas ang kanang kamay sa ere at maya-maya lang ay inihatid na sa aming lamesa ang mga pagkain.

"Eat before you go home."

"Hindi mo na ako isasama sa laro mo mamaya?" gulat niyang tanong.

We still have some practice game later, but I don't want her to be there. Umiling lang ako.

"So ano... Bukas?"

"Kapag sinabi ko gagawin ko kaya huwag ka nang paulit-ulit."

That put some smile on her lips. Sa ilang araw na tiniis niyang paghihirap para pagsilbihan ako ay ito ang unang beses na tila gumaan ang pakiramdam niya. Wala akong nagawa kung hindi ang panuorin siyang kumain. This time, she did not piss me off.

She enjoys eating her food silently and elegantly. Her moves were delicate, like a princess... Ngayong natitigan kong muli ang mukha niya ay may nadama na akong pagkamangha. Ilang beses ko na siyang nakita at nakasama. I even saw her with full glam on, but this is the first time that I actually appreciates her beauty.

Her skin were like glass, clear and soft... Sa puti at kinis ng balat ay nababanaag ang ilang mapangahas na ugat. Her brown eyes were a little bit chinky. She has high cheekbones, her nose was small and pointed, bagay na bagay sa hugis puso niyang mukha. She has natural long lashes and her lips were full and inviting... tila ba sabik at hindi pa nakatikim ng kahit isang halik...

Natigil ako sa pagsipat sa kanya nang tumikhim siya't titigan ako.

"Aren't you hungry?"

I puffed my vape instead of swallowing hard. "I am, pero hindi sa pagkain."

Her innocent face crumpled at that. "H-ha?"

"Just finish your food Soraia so you can finally go home."

Wala na itong nagawa nang tumayo ako at lumayo sandali sa kanya. Lumabas ako sa cafeteria and continued smoking there. Wala akong balak na titigan siya't panuorin ulit pero may kung anong humihila sa akin para pagtuonan ng pansin ang babae. And I did... again.

Mabagal kong naibuga sa ere ang usok ng aking hawak nang makita siyang nagpapatuloy sa tahimik na pagkain. The students were looking at her pero wala siyang pakialam.

Hindi ko na napigilang mapalunok nang makita ang muling pagngiti niya ng napakatamis... Like the sweetest chocolate my tongue suddenly wanted to taste.

Ipinilig ko ang ulo at napapatingalang nabaliwan sa sarili.

Soraia was really something... something I should get off of my mind while I still can.

Damn it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro