CHAPTER 25
Chapter Twenty—Five
Mess
I knew everything that I did was worth it when I saw happiness in her eyes. Unang beses iyong sumilay ngayong gabi habang nasa daan kami't palayo sa lahat. Minutes later, she called her brother to tell the news. Hindi ko nakita ang lalaki sa party at sa usapan nila ay nalaman ko ang dahilan.
"I'm sorry I didn't come, Raia. Sorry kung hindi ako ang naglayo sa 'yo sa sitwasyong 'yan. I'm sorry wala akong kapangyarihang gawin 'yon sa ngayon, I'm sorry."
"It's okay, Kuya... It's okay. It's over."
"What's next? Anong plano mo?"
Awtomatiko siyang napabaling sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho habang pinakikinggan ang telepono niyang naka-loud speaker.
"I don't know... I'll think about it, Kuya."
"Alright. Call me if you need anything and tell Thelonious my gratitude for saving you."
Hindi ako nakakibo doon. It feels good being a hero, but when the thought of 'what's next' hit me, parang gusto ko biglang mapapreno.
Raia ended the call. Gaya ko ay tumahimik rin ito, siguro ay naisip rin kung ano ang bumabagabag sa akin.
"W-where are we going Thelonious?" may pag-aalinlangang tanong niyang hindi ko kaagad nasagot.
Putang ina, saan ko nga ba dapat dalhin ang babaeng 'to? Now I'm fucked up.
"Hey..."
I cleared my throat before glancing at her. "You can stay at the penthouse."
"And then what?"
Fuck...
"I'll buy you clothes and everything you need for school on Monday."
"And?"
Tumalim ang titig ko sa kanya. Para akong sinampal sa pagsilay ng takot sa kanyang mga mata.
Sure, it was a good save but until when? Ano nga bang dapat kong gawin para maging sapat ang ginawa ko? What the fuck should I do next? What the hell did I get myself into?
"I don't know. What do you need?"
My question made her lips closed. Ilang segundo ang lumipas ay nakagat na niya ang kanyang mga labi.
"This is a mistake, Thelonious... Oh my God, this is a mistake."
"Raia–"
"Stop the car."
"What?!"
"Just stop the car!" Biglang natataranta niyang hiyaw!
"We're in the middle of the skyway for fuck's sake!"
"Stop the car! Please! I can't breathe! Please stop!" she screamed hysterically!
Kahit na bawal at delikado ay wala akong nagawa kung hindi ang ihinto ang sasakyan sa gilid ng skyway para lang pagbigyan siya. Bago ko pa mabuksan ang bibig ay nakalabas na ito ng kotse ko!
"Soraia! What the hell you think you're doing?!" malakas kong sigaw nang magsimula siyang lumayo sa akin at hindi natakot na baka mahagip ng mga sasakyang humaharurot!
I continued calling her name but it seems like she didn't hear me. Mabilis ang mga sunod na naging paghakbang ko para lang maabutan siya. Nagtangis ang aking bagang nang isigaw ko na ang buong pangalan niya pero hindi niya pa rin ako nagawang pakinggan!
"Soraia ano ba!" sigaw ko sabay hawak sa kanyang kamay at hila palapit sa akin.
I felt a punch on my throat when I saw tears streaming down her face again.
"Ano bang problema mo!"
"Ang tanga ko... Ang tanga-tanga kong sumama ako sa 'yo, Thelonious!" nanginginig ang labi at tinig niyang sabi habang habol na ang paghinga dahil sa mabigat na emosyong nararamdaman. "I know I should be really thankful for what you did tonight dahil ayaw ko naman talagang makasal sa lalaking 'yon pero anong mangyayari sa akin pagkatapos? I lost my parents tonight. My brother will surely not get in the middle of this mess so I am basically on my own... I just lost everything."
"Well at least you're not obligated to marry that man anymore."
"Pero anong mangyayari sa 'kin? Paano ako bukas? Where will I stay? I can't go back to my parents. I only have a couple of hundred thousand on my account at hindi ko alam kung hanggang saan lang aabot ang perang 'yon. I don't have a car. I don't have everything Thelonious! Oh my God, ang tanga ko!"
Hindi ko napigilan ang pagkawala niya sa aking pagkakahawak. Muli siyang lumayo sa akin. I followed her pero wala akong masabi para pakalmahin siya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ano nga bang susunod kong gagawin eh ang gusto ko lang naman ay huwag masira ang buhay niya sa kasalang iyon pero dahil ako ang dahilan ng hindi pagtuloy at ng gulo, it was technically all on me now. Everything was on me. Fuck...
"Raia, stop. Let's just get back in the car and–"
"I can't," she cut me off, patuloy na nagsisilaglagan ang masasaganang luha sa kanyang mga mata.
I continued walking towards her habang siya naman ay umaatras habang nakaharap sa akin.
"Soraia." malamig at naaalerto kong sabi nang lingunin niya ang mga humaharurot na sasakyang patuloy kaming dinaraanan.
"You don't understand, Thelonious. I literally lost everything tonight... and I don't know how to redeem myself to my parents anymore. Hindi na 'yon pwede. They will hate me for the rest of their lives... I have nothing..."
"Don't fucking think about it, Soraia." nakatangis ang bagang kong sabi nang makita ang isang pampasaherong bus na palapit sa amin.
Bagsak ang mga balikat niyang umiling bago nagmamadaling tumalikod sa akin at tumakbo sa direksiyon nang palapit na bus!
"Soraia!"
I felt like my soul left my body because of what she did, but I was quick to ran after her! I pulled her body away from the bus's direction before it hit her!
Isang malakas na mura ang muling kumawala sa aking bibig! I saw my life flashed before my eyes for doing that! Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa loob ng aking dibdib lalo na nang mapapreno rin ang bus at mahinto pagkatapos naming masadlak sa aspalto!
"Fuck! Fuck! Fuck!"
"Let me go! Let me fucking go, Thelonious!" histerikal niyang patuloy na sigaw sa akin habang nagpupumiglas pero naitayo ko ang sarili na hawak pa rin ang katawan niya.
Every passenger on the bus was staring at us through the window. The conductor was curious as hell but I just shouted at him to leave us alone.
Kahit na may pag-aalinlangan lalo pa't hindi natigil sa kasisigaw si Soraia na gusto na lang talagang itigil ang lahat ng problema ay nakumbinsi ko pa rin ito.
Nauubusan nang pasensiya kong pinasan ang kanyang katawan matapos umalis ang bus at nakatangis ang pangang ibinalik siya sa aking sasakyan.
"Bitiwan mo ako! I Don't need your help! Just let me do what I need to do, Thelonious! Put me down right now!"
Ibinaba ko siya sa uli nang matapat sa pintuan ng sasakyan ko. Bukod sa kanyang mga nag-uumalpas na emosyon, ngayon ko lang rin napansin na lasing ito at mukhang marami ang nainom bago pa magsimula ang party kanina para lang maging pormal sa harapan ng lahat.
My jaw tightened more when the next thing I felt was her slap on my right face! Mabilis ko siyang naidiin sa aking sasakyan dahilan para matigilan siya!
"Ano ba putang ina tumigil ka na!"
Nanginig lalo ang kanyang mga labi kahit pa kagat-kagat na iyon.
"Please... i-iwan mo na lang ako r-rito–"
"And you'll what? Magpapakamatay ka? Putang ina, gago ka ba?!"
"Please, A-Auxerre–"
"Stop fucking calling me that damn it! Tumigil ka na!" she winced when I slammed her body again on my car after she tried to escape. Lumakas ang kanyang hagulgol dahil doon.
"Dahil lang tingin mo nawala na sa 'yo lahat, magpapakamatay ka na? Putang ina anong klaseng mentalidad 'yan, Soraia?! Your parents are shit at sila ang dapat malungkot sa pagkawala mo dahil mabuti kang anak! You should be celebrating right now because you finally have the freedom to choose something better for you future! Oo alam kong masakit pero putang ina hindi mo pwedeng idaan sa kamatayan lahat! Hindi dahil tingin mo 'yan na lang ang option ay ibig sabihin 'yan na ang solusyon!"
"I don't know where to start! I have no one! You should've let me marry Owen! Kahit paano alam kong mabubuhay ako–"
"You don't have to marry that man so you could have a future! Kaya mong gawin 'yon ng sarili mo lang!"
"Hindi ko kaya! I don't know any job! I don't know any skills! I am still studying and I can't even support that! I don't know how to live on my own. You should've let me marry Owen Clovise... Oh my God, I shouldn't have allowed you to drag me into this mess!"
"Drag you?!" Hindi makapaniwala kong singhal. "Naririnig mo ba ang sarili mo, ha?! For fuck's sake I was the one who actually saved you!"
"I don't need any saving! Ang kailangan ko ay secured na future! I need a wealthy man to marry because I don't know anything in life–"
"Then fucking marry me!"
Sa gitna nang mabibilis na sasakyan ay umalingawngaw ang pagsigaw kong kahit ako ay bahagyang nabingi!
That made Soraia stopped punching my chest. Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil kahit na anong gawin ko ngayon ay hindi ko na mababawi pa ang mga sinabi. She already heard it. Kahit lasing siya, alam niya't matatandaan niya ang lahat at kahit matino pa ang utak ko, wala na rin akong naiisip na iba pang solusyon para manahimik siya kung hindi iyon.
"W-what d-did you–"
"Kung seguridad lang pala ang gusto mo then ako ang pakasalan mo! Mas pipiliin ko pa 'yon kaysa mamatay ka sa harapan ko na loser ang tingin ko sa 'yo!"
"T-Thelonious–"
"You will stay at the penthouse tonight. I will fucking marry you next week. I will support your studies, I will buy you clothes, your own car, putang ina kahit anong gusto mo ibibigay ko manahimik ka lang!"
Nakagat niya ng mariin ang mga labi dahil sa aking mga sinabi. She was shocked and didn't know how to respond to that.
"Ngayon tumigil ka na dahil putang ina ubos na ubos na ang pasensiya ko sa 'yo!" dagdag ko bago buksan ang pintuan ng sasakyan at pilit siyang ilagay ulit sa loob no'n.
~~~~~~~~~~~~
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore.
Just message our FB page Ceng Crdva for full VIP or book details.
Thank you!
🍀
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro