Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

Chapter Twenty—Four

Morals And Pride



"May sira na talaga 'yang utak mo."

"Leave me the fuck alone, Toine."

"And what? Let you ruin your life? Putang ina, ano bang plano mo sa buhay, ha? Why can't you tell me?"

"Just fuck off."

Inis ko siyang hinawi sa aking harapan bago nagpatuloy sa pag-aayos ng aking neck tie.

Tonight is the night of the engagement party. My father didn't know about my plans. No one actually know what I am up to. Kahit nga ako, kahit isang linggo ko nang pinag-isipan ang gagawin ngayong gabi ay hindi ko pa rin lubos makita ang sarili ko sa gano'ng posisyon. I am still unsure on what to do. Bahala na lang siguro mamaya kung ano ang magagawa ko. Let the fucking game on.

My brother continued pissing me off. Kung hindi pa tumawag ang girlfriend niya ay hindi pa ako tatantanan.

"You're lucky Olivia needs me."

"Good and leave me alone. I don't need you."

Tumagal ang pagtulala niya sa akin habang patuloy kong inaayos ang sarili. Nang lumihis ang mga mata ko't magkatitigan kami sa salamin ay napailing na lang ito. He answered his phone and walk out of my room.

Isang malalim na buntonghininga ang kumawala sa aking bibig. I just fixed my hair to shake off my nerves, but my jaw clenched again when my phone beep for a text message.

Tumalim ang titig ko sa aking cell phone nang sa unang pagkakataon ay muli kong makita ang text ni Soraia sa aking screen.

Slave:

Owen told me he invited you to our party. Is that true? Are you coming? Please tell me you're not.

Slave:

I don't want to see you anymore Thelonious so please don't make me regret losing my virginity to you.

Marahas akong napalunok sa nabasa. Ang neck tie na kaaayos ko lang sa aking leeg ay inis kong tinanggal dahil sa tensiyong bigla kong naramdaman. Iritado kong inihagis ang bagay sa aking kama bago nagtipa ng reply sa kanya.

Ako:

Don't be so full of yourself. I am not going there because of you. Huwag kang ilusyunada.

She replied right away.

Slave:

Hindi ako ilusyunada. Basta sinasabi ko na sa 'yo, huwag na huwag mo na akong guguluhin. Huwag mo na akong pakialaman dahil wala kang karapatan.

Dumiin ang bawat pagtipa ko ng mensahe dahil sa mas pagtindi ng iritasyon. The audacity of her to talk to me like this.

Ako:

Wala akong pakialam sa 'yo. Malaya kang gawin ang gusto mo at bahala kang magpakatanga habang buhay. Malaya kang sirain ang buhay mo kapalit ng kayamanang pinaghirapan ng mga makasarili mong magulang.

Slave:

Okay. You are entitled to your opinion. I will do my thing so please, just do yours, too.

Hindi na ako nag-reply. Tuluyan na rin akong nawala sa mood at halos banggain ko lahat ng sasakyan sa daan patungo sa letseng venue ng kasiyahang 'yon kahit na labag na sa loob ko ang gagawin.

I don't know why I couldn't let this one go. Pakiramdam ko, kapag hinayaan ko ngayong gabi ay wala na akong magiging tiyansa pa.

I really just pity her. Iyon lang ang nararamdaman ko. Matapang at walang inuurungan si Soraia. Sa maiksing panahong nakilala ko siya ay walang pagdadalawang-isip na nakitaan ko siya ng maraming potensiyal para maging successful gamit lamang ang sarili niya, but she couldn't do that anymore if she will be trapped into that arrangement. She doesn't deserve to marry such a loser just to please everybody around her. That was just pathetic.

Eyes were on me as I enter the ballroom. Maraming mga pamilyar na mukha ang bumati sa akin. Mabilis akong nalibang dahil sa patuloy na pag-entertain sa akin ng mga taong gusto akong makilala. Most of them were politicians just like Owen, but they were never given a chance to meet a Rozovsky kaya imbes na engagement party ang pinagtuonan ng pansin ng karamihan ay nahati ang atensiyon sa akin.

The conversation was cut off when Congressman Clovise greeted everyone. Humigpit ang kapit ko nang magsimula itong magsalita sa harapan. I saw Soraia's parents on the other side looking proudly of the hypocrisy.

The congressman made jokes and stuff to entertain his guest. Everyone was pleased except me. Hindi ko gustong pakinggan ang lahat ng mga sinasabi niya pero nang tawagin na niya si Soraia ay napatuwid na ako ng tayo.

I became attentive when I saw the girl walking elegantly towards her smug face fiancé. Ang mga palakpak ng mga bisita ay tila bumagal sa aking pandinig. The crowd went blurred in my eyes as I stare at the goddess in her sparkling silver dress. Parang sumikip ang pagdaloy ng hangin sa aking baga hindi lang dahil sa ganda niya kung hindi sa mga lungkot na nakita kong nakapaloob sa kanyang mga mata kahit na nakangiti.

Her eyes were a bit puffy, too. Kahit na may make up ay kitang-kita ko iyon. I already saw her cry multiple times and I knew she was not happy tonight. Na kahit buo na ang puso niya sa gagawin ay may parte pa rin sa kanya na sumisigaw ng tulong.

Natungga ko ang hawak na champagne nang hapitin ng congressman ang kanyang katawan at halikan siya sa pisngi. Muling nagpalakpakan. Soraia thanked everyone who came, too, but when her eyes darted on mine, nahinto siya sa pagsasalita.

Tumalim ang titig ko sa kanya. She tried to continue her speech but she stuttered. Pinilit rin niyang iwasan ang mga mata ko pero nahirapan siyang gawin.

My jaw clenched when she leaned closer to the man she was with. Mas naging determinado siyang magmukhang masaya at masigla sa harapan ng lahat at alam kong ginawa niya lang iyon dahil sa akin. She clearly knew I was aware of her thoughts so she needed to hide those so I wouldn't do anything stupid.

Saka lang ako nahila sa kasalukuyan nang muling magpalakpakan ang lahat sa pagtatapos ng kanilang speech.

Napapihit ako patalikod nang magsimulang magkalampagan ang mga baso sa hiling na maghalikan sila sa harapan ng lahat na akala mo'y mga bagong kasal na. I didn't watch the scene.

"You really came, huh?"

Napalingon ako sa aking gilid matapos kumuha ng panibagong baso ng alak dahil sa babaeng lumapit.

Tamad kong inayos ang aking sarili nang makitang si Charlotte iyon. Malaki ang ngisi nito, tila nagtatagumpay na makita ako sa kasiyahan. I was about to push her away from me but I remember what I told his father. Pinilit kong manatili na lang at kunin na rin ang loob niya.

"It's a great party. I haven't been into this kind of shit."

She chuckled and then stepped closer to me.

"My father told me the reason why you wanted to come. Is it true? You wanted to apologize to me personally?"

Kahit na gusto ko na lang siyang layuan dahil sa paghawak niya sa aking kamay ay hinayaan ko pa rin ito.

"Yeah. I'm sorry for what I did to you that night."

Her eyes immediately glistened with happiness. Hindi ko sigurado kung talagang masaya lang ba talaga siya o baka sabog na naman. She clearly took something tonight. Alam ko kung ano ang hitsura ng matino at hindi. I grew up being surrounded by people who take drugs and it was not new to me anymore.

Nakipag-usap ako kay Charlotte. She continued flirting with me. She even gave me hints of fucking her but I did not gave in. I did not attended the party for that at mas lalong wala akong balak sa kanya kaya patuloy kong binago ang topic.

Mabuti na lang at maya-maya ay may mga nakipagkilala na ulit sa akin. Charlotte stayed beside me. I let her cling to me like a leech. Maraming nag-compliment na bagay raw kami at sinakyan ko na lang. I needed the girl to keep me sane.

"Can you bring me to your father? I haven't congratulated them yet."

Muling lumawak ang kanyang ngiti. "Excuse us gents. We'll greet the hosts of this party. I'll bring Mr. Rozovsky back to you all in a bit."

Tinanguan ko ang mga lalaki. Good thing I was with Charlotte. Sa dami rin kasi ng mga kumakausap sa kanyang ama ay hindi ko rin alam kung paano lalapitan ang mga ito.

Soraia already knew that I was at the venue, but she still look surprised to see me again. Pinilit kong ikalma ang aking sarili habang palapit sa grupo ng mga kalalakihang kinabibilangan ng dalawa.

"Dad, looks who's with me."

Congressman Clovise immediately turned to his daughter. Ang mga lalaking kausap nito ay agad kaming binigyan ng espasyo para makisali. I greeted all of them formally except for Soraia. Naging mailap rin kaagad ang mga mata niya sa akin.

"I didn't expect to see you here, Mr. Rozovsky."

"Why is that?"

"Well first I know you're still studying and you are your father's right hand kaya alam kong abala ka. Besides, I didn't know you're really serious about going into this kind of celebration."

"Daddy naman! Thelonious really wanted to apologize to me personally—which he already did by the way!" Charlotte saved me by that.

Isang ngiti lang ang naisagot ko habang nag-uusap ang mag-ama. Maya-maya lang ay muli nang lumihis ang mga mata ko kay Soraia na kausap rin ng isang lalaki, pinipilit akong iwasan.

"Aren't you gonna introduce me to your fiancée?"

Awtomatikong natigil si Soraia at ang kausap, wala nang nagawa kung hindi ang balingan ulit ako.

"Oh, don't be silly! You already knew her Thelonious, right?" Charlotte said, mocking Soraia.

I gathered all my strength not to put her back to her place again for doing that.

"I still want to meet the future Mrs. Clovise properly."

Charlotte laughed sarcastically at that. His father did not even said anything towards her daughter's remarks.

"Of course, Thelonious."

Kahit na nababaan na naman sa sarili ay pinilit ni Soraia na manatiling pormal lalo na nang hilahin siya ni Owen paharap sa akin. Humigpit ang kapit ni Charlotte sa braso ko habang nananatili ang mukhang may pagkadisgusto para sa babae.

"This is my fiancée, Soraia La Casse, Soraia, this is Mr. Thelonious Rozovsky."

Maagap kong inilahad ang kamay sa kanyang harapan. May pag-aalinlangan niyang inabot iyon.

"I-it's nice to meet you."

"Pleasure is mine." I answered, but I continue to grip her hand even when she tries to pull it away.

Dahan-dahang namilog ang kanyang mga mata dahil sa aking ginawa.

"Your parents are here?"

"Yes, Mr. Rozovsky. They're still around." may diin niyang sambit sabay muling galaw ng kamay kaya binitiwan ko na kaagad.

"How long since your wife died, Mr. Clovise?" I asked bluntly before looking back at him.

Napainom siya ng alak ng wala sa oras.

"A year ago."

"Nine months," Charlotte corrected.

"Oh, yeah. Nine months."

"Well, Congressman Clovise is such a lucky guy," the other man commented. Lahat kami ay napabaling rito. "He deserves a beautiful wife to spend the rest of his life with kaya nga I'm so happy to hear the news! Biglaan ang lahat pero sino ba namang hindi makatatanggi kung ganito kaganda ang magiging pangalawang asawa, hindi ba?"

"We only lived once, kumpadre."

The older guys enjoyed the conversation. Nakingiti lang ako. Nagpatuloy ako sa pakikinig sa kanilang usapan kahit na si Charlotte ay ilang beses na akong binulungan na umalis sa kasiyahan kasama siya.

I lost count on how many times she whispered that she wanted me to take her somewhere else where we could do the deed. Mabuti na lang at marami ring interesado sa mga kwento ko kaya parehas kaming napirmi.

"I was old when I married my first wife. She was forty when we had our first child and she died after giving birth and that was the biggest regret of my life. Kung mauulit lang ay maaga talaga akong mag-aasawa." kwento nang isang senador.

"But look at you now, Senator. You found a great and young wife, too. Good men truly attracts good women." pag-uulit ni Owen na tuluyan nang nagpaigting sa panga ko.

"How sure are you that your fiancée is good, Congressman?" I cut them off after chugging another glass of whiskey.

Natigilan ang lahat lalo na si Soraia na agad namula ang mukha dahil sa tingin ko'y galit para sa akin.

Nalilitong napasulyap si Owen kay Soraia bago sa akin.

"Why ask such question? I know my fiancée is good–"

"Oh, really?"

"Thelonious." parang nagmamakaawang singit ni Soraia sa usapan.

Tinungga kong muli ang panibagong nakuhang whiskey. Everyone waited for me to talk again. Mas lumawak ang ngisi ni Charlotte at excited sa mga sasabihin ko. Mas lalo naman akong natuwa nang makita ang mag-asawang La Casse na palapit sa amin.

"Just in time..." I whispered to myself as the couple joined us.

Agad nag-igting ang panga ni Estevan La Casse nang matitigan ako.

"Good evening, Mr. and Mrs. La Casse."

"Mom, Dad, why don't you go over there–"

"Why Soraia? Ayaw mo bang marinig ng mga magulang mo ang sasabihin ko?"

The tension escalated quickly when I finally removed Charlotte's hand on my arm. Nalaglag ang panga niya habang ang lahat ng mga nakapalibot sa amin ay mas lalong nalito lalo na si Owen.

"Thelonious, kung ano man ang sasabihin mo–"

"Don't you want me to ruin the fun? Good men deserves good women, right? How good are you Soraia? Sige nga, tell us."

Owen's face turned pale as she looked at his fiancée. Galit at pagkadismaya naman ang agad kong nabanaag sa mukha ng kanyang mga magulang habang nakatuon rin sa kanya.

I saw Soraia's tears forming on the corners of her eyes, pero bago pa iyon tuluyang malaglag ay nagmamadali ko nang hinawi si Owen para agad na makuha ang kamay niya at mahila palayo sa lahat.

"Thelonious!" She exclaimed, isang pitik na lang ay maglalaglagan na ang mga luha sa mata pero nagpatuloy lang ako.

"You all should stop this stupidity."

"T-Thelonious... p-please–"

"Soraia doesn't want to get married to you you old skunk."

Everyone gasped at that. Narinig ko ang paghikbi ni Soraia at pilit na pagkawala sa akin pero mas lalo siyang nabigo nang ang kanyang mga magulang naman ang balingan ko.

"How dare you sell your daughter just to save your fucking stupid asses? She deserves better than you little pukes!"

"Thelonious, tama na..." umiiyak na niyang pakiusap sa akin.

"Soraia! Are you really letting that man disrespect your parents?!" Estevan's voice roared like thunder.

Isang malakas na tawa ang kumawala sa mga labi ko.

"You're fucking pathetic, Estevan. Kung sino man ang mas dapat maghirap sa lahat ng mga kasalanan mo ay wala nang iba kung hindi ikaw lang. Your daughter has a bright future especially without you in it. Napakamakasarili mo kung sariling kinabukasan ng anak mo ang ipambabayad mo sa mga kapalpakan mo sa buhay! And you," I said turning to Sandrine La Casse. "I don't want to fucking disrespect you ma'am, but you tolerating your husband by selling your daughter will never be acceptable. You are worst than him. Your morals and pride were ripped off the moment you agreed with this stupidity."

"T-Thelonious..." ang nanghihina at patuloy na bulong ni Soraia sa akin dahilan para tapusin ko na ang lahat.

"This fucking engagement bullshit is over!" I shouted just in time for the music to stop. My baritone voice echoed inside the ballroom.

Bago pa nakagalaw si Owen para sapakin ako't bawiin ang babae ay naunahan na siya ng mga tauhan kong hawakan! Malalakas na sigawan ang sunod na umalingawngaw sa bulwagan matapos magpaputok ng baril ng mga tauhan ko habang hinihila ko si Soraia palayo sa mga ito. The next minutes was chaos.

Akala ko ay mapapahiya ako sa pagtanggi niyang sumama sa akin pero sa kung anong dahilan ay hinayaan niya akong ilayo siya.

Walking out of that horrible place while holding her hand felt great. I felt a weight lifted off of my shoulders when we got into my car and she gave me a tight hug.

"Thank you, Auxerre... T-thank you..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro