Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

Chapter Twenty—Three

Good Men


"What's up with you, Thelonious?"

Agad kong inalis ang titig sa lamesang kinaroroonan ni Soraia at ng congressman na iyon bago pa mapansin ni Vittoria ang naiisip ko.

We're having dinner in a fancy restaurant after I fetched her in the airport. The Cozzolino's doesn't want Vittoria back in the country without being secured by our family. Bilang pagiging mabuting business man, ako ang inutusan ni Vladimir na sunduin ito sa airport at ihatid sa hotel na tutuluyan maliban pa sa isang dosenang trained bodyguards na magiging proteksiyon niya sa isang buwang pamamalagi sa bansa.

"Nothing. Just order so we can get this over with."

She chuckled at that. "You really want to get rid of me, don't you?"

"It's not like that, Vittoria. I still have class tomorrow and I need to study. The security your father ask for your stay are already outside. You don't need me no more."

Walang amor kong tinawag ang waiter para matapos na ang usapan kaya hindi na ito nakapagsalita. Pinigilan ko ang mga matang sulyapan ulit ang kinaroroonan ni Soraia pero tila ba patuloy na hinihila ang buo kong pagkatao sa kanyang direksiyon.

Wala sa sariling napalunok ako ng marahas nang makita ang pilit niyang pagiging pormal habang hawak ng Congressman ang kanyang kamay. I felt the tension on my neck when she forced a smile and pull her hand away after the man peck a kiss on it. Kitang-kita ang pagkaasiwa niya sa harapan nito pero walang magawa dahil iyon ang gusto ng kanyang mga magulang.

Those fuckers really had no shame on selling their daughter's freedom for the sake of money and power.

I already had an idea where Owen Clovise's wealth came from. It was actually his late wife's money. Iyon ang naglagay sa kanya sa kung anong kinalalagyan niya ngayon. Hindi malabong iyon rin ang pinanghuhugutan ng galit ni Charlotte kay Soraia. Oo nga naman, hindi naman ang kanyang ama ang naghirap sa lahat ng kanilang kayamanan at kung pakakasalan nito si Soraia ay isa siya sa makikinabang doon. It would always turn out unfair lalo na't malinaw ang rason kung bakit pakakasalan ito ni Soraia.

Hindi ko na napigilang masahiin ang aking batok para tanggalin ang tensiyong namuo.

"You're really into that girl, huh?"

Marahas na napabalik ang titig ko kay Vittoria, hindi na namalayan kung gaano ako katagal nakatitig sa kinaroroonan ni Soraia na siguradong napansin na niya.

Inayos ko ang upo at saka pinabulaanan ang kanyang mga sinabi.

"I'm not into anyone."

"Really? Isn't she the reason why you didn't fucked me the first time we met?"

"She was not entirely the reason why it didn't happen. You know the rules Vittoria."

"Really? Since when you followed rules, Thelonious? Especially when it comes to sex?"

Inilingan ko iyon. I also pick my red wine up to dismiss the topic. Mabuti na lang at dumating na kaagad ang aming mga pagkain kaya sandaling nawala ang atensiyon naming dalawa kay Soraia.

We talked about business stuff. Vittoria was actually older than me. She was successful in Italy and everyone adores her pero gaya ko, wala pa rin itong planong mag-settle down sa kabila rin ng pressure sa pamilya.

She was fun to talk to. Marami akong natutunan sa journey niya bilang isa sa mga pinakabatang bilyonaryong naitala ng Forbes Magazine. She was only twenty when she started her make up line. Lumago iyon at naging mabilis ang pagkilala hanggang sa nagkaroon na ng mga sanga ang kanyang negosyo. She was so good at it. It was really impressive and if it wasn't because of the girl across the room, baka natuloy na ang naudlot na init sa pagitan naming dalawa noong unang beses kaming magkita.

Agad kong pinunasan ang aking mga labi nang makita si Soraia na paalis sa lamesa. They were done eating, too. Nang mapansing hindi pa sila aalis ay alam kong magbabanyo lang ito.

"Just finish your food, Vittoria. I'll be back in a sec."

"Sure."

Tumayo na ako at nagmamadaling sinundan patungo sa banyo ang babae. Soraia didn't saw me following her kaya halos mapatalon ito nang higitin ko ang kanyang kamay papasok sa men's bathroom bago pa siya makapasok sa pambabae.

Her voice were muffled because of my hand on her mouth. Mabuti na lang at walang tao sa pinasukan namin dahil kung hindi ay magiging malaking problema iyon.

"Shh, shut up..."

"T-Thelonious?!" hindi makapaniwala niyang hiyaw matapos akong harapin nang bitiwan ko ang kanyang bibig at katawan.

"Why did you do that! Ano ka ba!" She spat.

Parang bigla rin akong natauhan sa ginawa. Putang ina, bakit ko nga ba siya sinundan at dinala rito?

"What is your problem!" inis niyang tinulak ang dibdib ko pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya, iniisip ang mga dapat kong sabihin kahit na sobrang nababaliwan na naman ako sa sarili ko.

"Ano?!"

"I saw you with that man."

"So? I'm on a date. Imposibleng hindi mo pa alam ang bagay na 'yon dahil ako ang laman ng usapan hindi lang noong gabi ng party kung hindi nang buong university. The rumors are true. I am bound to marry that guy Thelonious kaya kung wala ka namang sasabihin ay tantanan mo na ako!"

I almost cursed at that. She was right wala naman talaga akong dapat pakialam kaya dapat ay tantanan ko na siya pero nang subukan niya akong lagpasan para lumabas ng banyo ay mas iniharang ko lang ang sarili ko sa kanyang harapan!

"Thelonious Rozovsky! What the fuck is your problem?!"

"I don't fucking know..."

Pilit niyang hinila ang katawan ko paalis sa pintuan pero sa lakas ko ay ni hindi niya ako napagalaw.

"Ano ba! Naiihi na ako!"

Imbes na umalis ay walang sabi ko siyang hinila patungo sa isang cubicle! Sisigaw na sana ito dahil sa ginawa ko pero sinapak niya na lang ang dibdib ko dahil sa pagbukas ng pintuan at pagpasok ng mga lalaking gagamit ng banyo.

Kung ano ang inis niya sa akin ay triple ang inis ko sa sarili ko. I really have no idea what the fuck I am doing. Para akong naliligaw sa sarili kong balawarte.

"I said I want to pee!" gigil at nanlalaki ang mga mata niyang bulong sa akin. Imbes na matakot ay tamad ko lang siyang tinitigan.

"Then fucking pee."

"Are you crazy?!"

"Umihi ka na diyan kung gusto mong hindi maihian 'yang damit na suot mo." I said coldly before looking at the toilet bowl.

She was raging mad. Mabuti na lang at sunod-sunod ang pagpasok ng mga tao sa loob kaya hindi ako nito nabulyawan. Wala na rin siyang nagawa dahil mukhang ihing-ihi na nga.

"Turn around and don't fucking peek!"

My lips rose at that. "As if I didn't already saw everything..."

Laglag ang panga niya akong pilit na pinatalikod! Parang gago naman akong napangisi habang nakaharap sa pintuan at hinihintay siyang matapos.

We waited for the people to left the bathroom. Nang masiguro kong wala nang tao ay saka lang kami lumabas ng cubicle.

"Baliw ka na! Are you high again?!"

My jaw tightened at that. Ilang beses pa siyang nagsalita pero tila wala na akong naintindihan. All I did was gaze and be mesmerized by her beauty. She was wearing a nice champagne colored dress. Her curves were beautifully sculpted but what really caught my eyes was her perfect and perky cleavage... damn those babies.

Napakurap-kurap ako nang ipitik niya ang mga daliri sa ere.

"Kung wala ka namang sasabihin, huwag mo akong guluhin. Owen and I are finally fine after what Charlotte did. Nagkaayos na kami kaya tigilan mo na ako."

"Are you really going to marry that guy?" hindi ko na napigilang itanong.

"As if I have other choice."

"Soraia–"

"This should stop, Thelonious," she cut me off. "Whatever this is, I don't need it. Huwag mo na akong pakialaman at ang mga desisyon ko. Huwag kang mag-alala, ilang linggo na lang ay hindi mo na rin ako makikita sa university kaya hindi ka na rin mahihirapan pero sa susunod na mag-krus ulit ang mga landas natin please lang huwag mo na akong lapitan."

I managed to hold her arm again before she could even get out of the comfort room.

"Thelonious–"

"What do you mean hindi makikita sa university?"

Humigpit ang kapit ko sa kanyang braso kaya wala na itong nagawa kung hindi ang sumagot.

"I'll be dropping out before this semester ends. Owen and I will get married two weeks from now kaya bago pa kumalat sa university ang kahihiyan ay iiwas na ako."

"And you'll do what? Saang university ka lilipat? How sure are you that you'll not be bombarded by judgemental fuckers especially after you marry that man?"

"I will not continue my studies kung hindi ko kakayanin ang eskandalo!"

"And you'll do fucking what?""

"I don't know! Hindi ko na rin alam, Thelonious!"

Napalunok ako nang manginig ang kanyang boses, hudyat ng nagbabadyang pag-iyak.

Sa paggalaw niya para alisin ang kamay ko sa kanyang braso ay wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya.

"Just stop bothering me anymore. Huwag mo na ring isipin na may dapat pa tayong pag-usapan pagkatapos ng gabing may nangyari sa atin dahil ngayon pa lang ay sinasabi ko nang wala. Wala kang obligasyon sa akin at kung nakokonsensiya ka dahil lasing ako ay kalimutan mo na. I gave you my consent and it was my choice. Now please, huwag mo na akong pakialaman sa mga desisyon ko dahil unang-una ay wala ka rin namang karapatan."

Nag-igting ang panga ko sa narinig pero imbes na pilitin pa siya ay hinayaan ko na lang itong mawala sa paningin ko.

I stayed in the bathroom for a couple more minutes, pinapababa ang init na pilit namumuo sa aking buong pagkatao. I stopped staring at my reflection when the door opened.

Akala ko makakaalis na ako pero mas lalo lang nag-init ang aking magkabilang tainga sa inis nang makita ang lalaking laman ng usapan namin ni Soraia ilang minuto lang ang nakalipas.

I opened the faucet and let the water ran into the sink. Kunwari akong naghugas ng kamay habang hinihintay ang lalaking tabihan ako. Pinatay ko ang tubig sa kanyang pagdating at inayos ang aking buhok. Hindi pa man siya natatapos sa ginagawa ay napatitig na siya sa akin.

"Mr. Rozovsky." magiliw niyang bati bago nagmamadaling tinapos ang paghuhugas ng kamay.

Walang amor ko itong tinitigan. Nalaglag ang mga mata ko nang ilahad niya ang palad sa aking harapan.

"I heard so much about you. I'm Congressman Owen Clovise–"

"I know you." I cut him off coldly.

Sandaling nawala ang magiliw niyang ngiti sa pambabara ko pero maya-maya lang ay mas sumilay pa iyon.

"I am here with my fiancée. I heard you two were schoolmates?"

"What else did you heard about me?"

Napapahiya na niyang binawi ang kamay at muling inayos ang tindig sa aking harapan. I was taller than the man. He was fit and still in good shape, but I could surely take him down with just one move. Bahagya akong umatras para pigilan ang sariling gawin 'yon ngayon pa lang.

"I heard about the party last week, too. I wanted to apologize on how my daughter behaved at your party. Napagsabihan ko na rin at maayos na ang lahat sa amin kaya makasisiguro kang hindi na iyon mauulit."

I nodded at that. "You have a good taste, Mr. Congressman. Aren't you too old for simping on college girls?"

I was surprise at his reaction. Imbes kasi na ma-offend ang gago ay parang mas naging proud pa ito sa sarili.

"It wasn't my fault I still look good despite my age so no. My fiancée is stunning, too, so who am I to say no? In fact, I could marry her anytime she wants."

Pinigilan ko ang pagkuyom ng aking mga kamao.

"Then congratulations, Congressman. When is the wedding if you don't mind?"

His face lightened up at my question.

"Two weeks from now, but we'll be having an engagement party on Saturday."

"Can I come?"

He look surprised at my request. Bago pa siya mag-isip ng iba ay nagpatuloy na ako.

"I wanted to personally apologize to your daughter, too. If that's okay with you."

"Of course! You are most welcome to join the celebration."

"Great. Just send the invitation to my father's office."

Muli niyang inilahad ang kanyang kamay kaya hindi ko na iyon tinanggihan. He held my hand firmly before saying, "Good men attracts good women, Mr. Rozovsky. Sana balang araw ay mahanap mo rin ang babaeng para sa 'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro