Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

Chapter Twenty—Two

One Night Stand


My breath hitched at what Charlotte said! Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko rin ang pagsitayuan ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi ng babae. Soraia's eyes winced when Charlotte pulled her arm aggressively.

"C-Charlotte, tama na..."

"Anong tama na?! Bakit? ayaw mo bang marinig ng lahat na magpapakasal ka sa daddy kong biyudo para lang sa pera? Nakakahiya ba 'yon? Eh hindi nga nahiya 'yong pamilya n'yo na pumunta sa bahay para magmakaawa kay Daddy na tulungan kayo kaya huwag mo akong artehan! You're here to please me kaya gawin mo ang gusto ko!"

"Charlotte!" sigaw ni Nial nang maiyak na si Soraia lalo na't ang mga tao sa paligid ay kami na rin ang naging sentro ng atensiyon!

Pilit niyang hinila ang braso sa pagkakahawak ni Charlotte pero ang babae ay walang balak na bitiwan siya.

"Charlotte, let me go–"

"Oh, right! Pera nga pala ang habol mo at ng pamilya mong palubog sa hirap! Kung sabagay, lahat ng tao dito ay mayaman kaya simulan mo na kay Thelonious tutal siya ang pinakamayaman rito at baka bigyan ka ng pera pambaon mo sa kung saang iskwater ka pupulutin kapag napapayag ko si Daddy na itigil ang kahibangan sa pagpapakasal sa 'yo!"

Mas lalong tumulo ang mga luha niya nang maghiyawan ang lahat sa paghila sa kanya ni Charlotte palapit sa swimming pool pero bago pa siya nito maitulak sa tubig ay maagap ko nang nahawakan ang kamay ni Soraia para bawiin sa pagkakahawak ng babae!

"Thelonious!" natitilihang sigaw ni Charlotte nang makita ang ginawa ko pero hindi na nito nasabi pa ang mga gustong ibulyaw nang walang pag-iisip ko siyang itinulak sa swimming pool.

Kung kanina ay malakas ang hiyawan dahil sa pagpanig ng lahat sa babae, para namang naging sementeryo ang kabuuan ng bahay dahil sa aking ginawa.

I pulled Soraia's body closer to mine when she tried to escape and run away from the scene.

"How dare you!" sigaw ni Charlotte habang pilit inaahon ang sarili sa tubig.

Napasiksik si Soraia sa likuran ko pero nanatili akong walang emosyong nakaharap kay Charlotte.

"Pull her out of the water and fucking throw her out of this place. She's no longer welcome here or in any in house party, you all fucking understand?"

I heard gossips and shit. Namutla si Charlotte sa sinabi ko. Ilang sandali lang ay pinagtutulungan na siyang buhatin paalis sa pool at ilabas sa kasiyahan.

Everyone shouted while she was being drag out of the place. Sa pagkawala niya at ng kanyang mga sigaw ay bumalik kaagad ang sigla ng lugar na parang walang nangyari.

Hinarap ko si Soraia pero bago pa ako makapagsalita ay agad na siyang nakawala sa pagkakahawak ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig pagkatapos ay sinulyapan si Frank kaya agad niyang hinarangan ang daraanan ng paalis na babae.

"Ano ba! Aalis na ako! Pabayaan mo ako!"

Ibinulsa ko ang aking vape at pinanatili ang mga kamay doon habang tamad na naglalakad palapit sa nagwawalang babae.

Ilang ulit niyang itinulak si Frank pero nanatili itong nakaharang sa daraanan niya.

"Tumabi ka na! Uuwi na sabi ako! Hindi ako bagay rito! This is just a mistake!"

Lumagpas ang titig ni Frank sa akin, nagtatanong kung ano ang gagawin. Tumango lang ako pero bago niya tigilan si Soraia ay hinawakan niya ang magkabilang balikat nito pagkatapos ay ipinihit paharap sa akin.

Her mouth automatically closed when she saw me walking towards her. Iniwan na kami ni Frank. Dahil bumalik ang kanya-kanyang agenda ng mga bisita ay tila nakulong kaming muli sa iisang mundo.

Nagmamadali siyang yumuko nang umawang ang bibig ko.

"What are you doing here?"

She was hesitant to answer me at first pero dahil alam na hindi siya makakaalis nang hindi nasasagot ang mga tanong ko ay wala na ring nagawa kung hindi ang sumagot.

"Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ni Charlotte?"

"I don't care about what she said. Ang sagot mo ang gusto kong marinig."

I heard her sniff. Pinunasan niya ang kanyang mga luha bago ako buong tapang na tinitigan pabalik.

"She is not lying, Thelonious. I was here because of her and because I wanted to please everyone. Sana hindi mo na ginawa 'yon. She was high and that triggers her emotions pero sana hindi na umabot sa ganito. You don't have to do that."

"Do what?"

She swallowed hard. Naging alerto ako sa pagtalikod niya. Akala ko ay tatakasan na naman ako pero taliwas doon ang nangyari. Just as I was about to not care, mas lalo ko iyong naramdaman nang mapatingala siya't manginig ang kanyang magkabilang balikat. Kahit na hindi naman humangin ng malakas ay nayakap niya rin ang kanyang sarili. She was crying heavily... again.

"I told you I will do everything for my family. Hindi nagsisinungaling si Charlotte sa mga sinabi kanina. Totoo ang lahat at totoong kailangan kong magpakasal sa kanyang ama para sa pamilya ko. I have no options left, but now that this happened hindi ko na alam kung ano ang mangyayari. You shouldn't have done that, Thelonious. You shouldn't have defended me."

Wala akong naapuhap na salita. All I feel was pity for her and anger for her parents. Though I should understand the extent of her situation, hindi pa rin maatim ng utak kong nangyayari iyon.

"I don't know you anymore."

Nahinto siya sa paghikbi at nalilitong napapihit pabalik sa akin.

"The Soraia I know isn't this weak but that's all I could see in you now."

Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng patuloy na pagtulo ng kanyang mga luha.

"Circumstances also changes people."

"That's why you slept with me?"

That made her eyes dropped on the floor.

"Why didn't you text me after that night, Soraia?"

"I-it was just a one night thing, Thelonious. I'm sure sanay ka naman sa gano'n–"

"I am but you are not, so tell me why? What was the reason?"

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Sa kanyang pananahimik ay hindi ko na napigilang hugutin ang vape ko't humithit.

I don't know why I even bother talking to someone whom I had one night stand with. Putang ina talaga hindi ko na rin kilala ang sarili ko. This is not me, too!

"Because... I'd rather give it to you than any other men whom my parents chose for me to marry. That's all I have left and can control before my life would be totally ruin kaya kalimutan mo na 'yon. Hindi na natin dapat pang pag-usapan dahil wala 'yon, Thelonious. It was just a one night stand and nothing else."

"Why me?"

"I don't know. Hindi ba pwedeng gusto ko lang? Can't I have sex with whoever I like?"

Hindi ako nakasagot sa pagiging matalas at diretso ng kanyang mga salita kaya naman nang gumalaw siya paalis sa harapan ko ay wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan ito.

I didn't expect to hear her say that. I was actually waiting for her to blame me or something but I guess she was right. I shouldn't be making a big deal out of it. I am used to that anyway. Ano nga bang gusto kong maging sagot?

"Is it true?" bungad kaagad sa akin ni Toine kinabukasan nang magkita kami.

Tamad kong sinimsim ang kapeng hawak at wala sa sariling nahilot ang sintido dahil sa hangover. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakauwi. Right after Soraia left, nakisalo ako sa mga kaibigan ko at nakipag-inuman hanggang sa sumuko silang lahat.

"What?"

"Nial told me about what happened. Totoo ba ang tungkol kay Soraia at sa congressman na 'yon?"

Pinigilan kong mag-igting ang aking panga sa narinig. As much as possible, gusto kong ilayo ang utak ko sa babaeng 'yon at sa mga problema niya sa buhay pero paano ko naman gagawin ngayong mukhang sobrang invested talaga ang kakambal ko rito?

"Why do you care?"

"Why aren't you, Thelonious?"

Nahinto ako sa paghilot sa aking sintido. "Why would I?"

"If that was true, baka masaktan kita."

Hindi ko napigilang matawa. Nag-igting naman ang panga ng kapatid ko, hindi matinag at talagang seryoso sa usapan.

"Are you really letting Soraia marry that son of a bitch? Putang ina, eh kasing tanda na 'yon ni Vladimir, Thelonious!"

"Why the fuck do you care Toine, huh? Why the fuck do you care so much about that girl? Ni hindi mo kaibigan 'yon! Stop meddling into people's business and mind your fucking own!"

Sa inis ay hindi ko na natapos ang kape ko at nagmamadali ko na siyang iniwan pero bago pa ako tuluyang makaibis palabas ng patio ay narinig ko pa ang pagsigaw niya.

"You're going to regret it, Thelonious! Ako na ang nagsasabi sa 'yo!"

I didn't mind him. Wala tuloy sa oras ay napunta ako sa Rock Chatters. I settled in our room and stayed there until peak hour. Ilang baso rin ng vodka ang nainom ko bago ko napagpasyahang lumabas at lumipat sa bar para naman may makausap akong matino.

Ilang sandali pa ay marami na kaagad babaeng nagpapansin sa akin. I talk to some of them, but I ignored most of the girls lalo na iyong mga gustong umalis na sa club at dalhin ako sa langit.

Bumagal ang pagbuga ko ng usok palabas sa aking bibig nang makita ang babaeng kinauululan ng kapatid ko.

This girl really has something to do why my brother became soft. Imbes na siya ang mapagbalingan ng inis kay Toine ay minabuti ko na lang umuwi at itulog ang lahat.

Everything became calmer the next day. Naging maayos ulit ang takbo ng araw at utak ko kahit na naroon pa rin ang kagustuhan ni Toine na pag-usapan namin ang bagay na gusto ko nang iwasan at tapusin.

Sa sumunod na linggo ay naging normal nang muli ang aking mentalidad. I began seeing other girls again. Naging maayos ang mga trabahong iniutos sa akin ng ama ko. I was doing good at school, too.

I thought I already forgot about Soraia and the strange feeling I felt whenever I see her, but when I saw her entering the restaurant with Congressman Owen Clovise, I lost it... I fucking lost it again.

~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

P.S

Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro