CHAPTER 19
Chapter Nineteen
Make Love To Me
Soraia cried when we got into my car. Kung hindi ako nakagalaw kanina sa pagyakap niya ay mas lalong hindi ko iyon nagawa nang nasa sasakyan na kami at hindi niya ako bitiwan. Para siyang lintang lasing na nakakapit sa aking katawan.
"You shouldn't get yourself this drunk. Nabawasan ba ang problema mo sa pag-inom?"
I heard her sniff. Hindi nakasagot. Sinubukan kong galawin ang mga kamay niya paalis sa aking leeg pero mas humigpit lang ang kapit niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at wala nang nagawa kung hindi ang hayaan siyang umiyak nang umiyak.
"What the fuck are you doing in that club alone? That was so stupid of you."
"F-fine, I-I'm stupid, alright... kasalanan ko na. Mali na ako pero huwag mo akong sisihin. You don't know what I'm going through." sisinghap-singhap niyang sagot.
"I exactly know what you're going through."
"Pero hindi mo alam ang nararamdaman ko."
That just made me heave another sigh. Ayaw ko nang magalit at mas lalong ayaw ko na lang siyang pagalitan dahil hindi ko forte ang ganito. I let her pour her emotions while hugging me tight, but my patience became thin after almost fifteen minutes of staying still.
"Tumigil ka na at bitiwan mo na ako para maiuwi na kita–"
"No! Huwag mo akong iuwi do'n! Dalhin mo ako kahit saan mo gusto huwag lang sa bahay namin!"
"Are you stupid? Huwag mo na akong idamay sa problemang meron ka–"
"You rescued me there. Ikaw ang dumamay sa sarili mo at hindi ko 'yon hiniling kaya huwag kang magreklamo ngayon."
Is this girl serious?!
Magsasalita na sana ako pero naitikom ko ang aking bibig sa pag-alis niya sa akin. Hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng birada niya pero mas lalong hindi ko napaghandaan ang lahat nang makita na ang namamaga niyang mata.
Her tears continued to fall from her eyes. Bahagyang nangingitim ang palibot ng mata dahil sa make up na nabura. Pilit niyang pinunasan ang kanyang mga luha pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Alam kong marami na akong utang sa 'yo at masyado na akong malaking abala pero sige na parang awa mo na huwag mo akong iuwi. Huwag mo ring sabihin kay Kuya kung nasaan ako. I just want to escape, Auxerre... Kahit ngayong gabi lang kaya huwag mo naman sanang ipagkait 'yon... Help me... promise huli na 'to. Promise pagkatapos nito hinding-hindi na talaga kita kukulitin."
Napalunok ako sa narinig lalo pa't kasabay no'n ang pagpisil ng mga kamay niya sa aking palad.
"Sige na... I'm begging you. Take me somewhere. Kahit saan. Maybe take me to a hotel. Doon mo na lang ako ihatid at iwan."
Magsasalita na sana ako pero muli iyong naudlot nang agad niyang matutop ang bibig matapos umangat ang mga ininom na alak.
"Fucking shit..." I cursed hard when I felt her puke on my lap!
Pilit kong kinalma ang sarili kahit na gusto ko na lang siyang ipagtulakan palabas ng kotse ko't hayaan siya sa buhay niya! I am pissed alright, but I can't just do that. Totoong lasing na lasing na nga ito dahil matapos akong sukahan ay balewala niyang pinunasan ang bibig at ibinalik ang sarili sa upuan pagkatapos ay agad na pumikit.
"Hey." tinapik ko ang balikat niya pero hindi na ako nito pinansin.
I stopped myself from cursing out loud kahit pa kanina pa ako naiinis sa nangyayari.
"P-please, Auxerre... please take me somewhere else... I swear I'll kill myself if you take me home." mahina niyang bulong na tila nananaginip na pero masyadong malinaw ang dating ng kanyang mga salita sa aking tainga.
I was alarmed by that. Gusto ko sanang tawagan ang kapatid niya pero hindi ko na ginawa dahil sa kanyang sinabi.
I drive her to a nearby hotel. Mabuti na lang at malapit lang iyon kaya hindi ko na kinailangang magtiis ng matagal sa amoy suka kong sasakyan.
I woke her up after opening the door on her side. Pagod siyang dumilat at pilit na itinitig ang mga mata sa akin bago ilihis sa aking likuran.
"We're at a hotel. Bilisan mo na." Inilahad ko ang kamay ko sa kanyang harapan.
I felt like something warmed my heart when her lips curved a sweet smile. Dahil dama ko ang kanyang panghihina ay minabuti ko nang ilingkis ang isang kamay sa kanyang bewang. I pulled her body closer to mine when she tipped on a stone.
"Soraia!" she chuckled when my baritone voice roared at the vicinity of the hotel.
"Thank you, Thelonious... Thank you..." paulit-ulit niyang sambit pero imbes na umayos ay mas lalo niya lang ibinigay ang bigat ng katawan sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang buhatin siya papasok sa hotel.
I was raging inside. Kung pwede ko lang siyang palaklakin ng pangpatanggal ng kalasingan ay kanina ko pa ginawa! Good thing everyone at the hotel recognizes me. Papasok pa lang ako ay may umalalay na sa aking staff para tulungan akong dalhin ang babaeng karga sa penthouse.
Narinig ko ang mahihinang paghilik ni Soraia habang nasa elevator kami. I was glad the staff who accompanied us was a girl. Siya na rin ang pinaasikaso ko sa babae lalo na't napuno rin ng suka ang laylayan ng suot niyang dress.
"She's good. We're at the Grand Hyatt."
"What?!"
"Chill, bro. I'm not doing anything stupid, fuck."
Humalakhak si Toine sa maaga kong pagdedepensa sa sarili.
"Sure brother. Just call me when you get home. May pupuntahan pa ako."
"Alright. Ingat. I'm just waiting for my car. Puno ng suka eh."
"Okay. Easyhan mo lang si Raia baka bigla kang manggigil eh!"
"Gago!"
I drop the call before he could even say another filthy word! I massage the back of my neck as I walk to the bar. Nagsalin ako ng alak at itinuon ang mga mata sa nagkikinangang ilaw ng siyudad sa ibaba.
Totoong hinihintay ko ang tawag ng taong binilinan kong linisin ang kotse ko pero nakailang baso na ako ay wala pa rin.
"Mr. Rozovsky," napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. "Miss Raia is looking for you. Nasa kama na po siya."
"Is she naked?"
Halatang nagulat ang babae sa tanong ko. I had to fucking rephrased my words.
"I mean, anong isinuot mo sa kanya maliban sa bathrobe?"
"I-iyon lang po, Sir."
Tinungga ko ang natitirang laman ng hawak kong baso bago binunot ang aking wallet.
"Buy her some dress or something to wear tonight. Just tell your superior to call me if they come looking for you," I said before giving her one of my card. "I don't have cash so bring this with you. Get something for yourself, too."
Kahit na may pag-aalinlangan ay wala na itong nagawa kung hindi ang sundin ako. Pabagsak kong inupo ang sarili sa couch at nagpatuloy sa pag-inom, hindi na naalala ang babaeng ipinapatawag daw ako sa silid.
Hell no. I am not going inside that room just to see her only wearing bathrobe and nothing else. Ngayon pa nga lang na na-i-imagine ko ay nag-iinit na ang katawan ko, iyon pa kayang makita ng personal?
I cursed myself and began to relax my body on the couch. Parang nanikip bigla ang gitna ng pantalon ko sa naisip. I pulled my vape out of my pocket and began smoking it. Wala akong balak na maglasing ngayon pero wala akong magawa. My body felt tensed for whatever fucking reason. Inabala ko ang sarili sa alak at paninigarilyo habang hinihintay ang babae at ang sasakyan ko.
I was minding my own business when I heard footsteps approaching towards my direction. Akala ko ay ang empleyado na iyon ng hotel kaya halos malunok ko ang usok na hinithit nang makita si Soraia na pilit inihahakbang ang mga paa palapit sa akin!
"There you are..."
Inis kong inahon ang sarili sa pagkakaupo para agad siyang malapitan kahit na nahirapan ako dahil sa pagdako ng mga mata ko sa lumuwag na tali ng kanyang roba, exposing some of her skin.
"What the hell are you doing?"
"H-hinahanap kita. Akala ko iniwan mo na ako–"
Hinawakan ko ang kamay niya at walang sabi siyang hinila pabalik sa kanyang silid pero nahirapan ako nang magmatigas ito't maupo sa sahig!
"Soraia ano ba!" nakapameywang kong sigaw sa inis dahil para akong may inaalagaang makulit na bata at ubos na ubos na ang pasensiya ko! Damn it!
"Carry me again, Thelonious. I can't walk. I'm drunk, 'di ba..."
"I fucking know!"
"Come on... Carry me and put me to bed."
"Tumayo ka!"
"Hindi ko na kaya. Nahihilo ako. Dito na lang ako matutulog kung ayaw mo akong buhatin and no, please stop shouting. You're annoying me."
My lips smack in frustration! Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya! What the actual fuck did I signed myself into?!
"The staff already put you to bed! Ano bang trip mo't umalis ka pa do'n!"
"Stop shouting, jeez! Nabibingi na ako sa boses mo."
"Then stop pissing me off! Tangina naman kanina ka pa!"
Imbes na matakot ay matinis ang naging pagtawa niya. She better stop drinking alcohol. Masama ang tama ng alak sa utak niya.
"Sorry, Auxerre... Sorry!"
I heave a sigh before I lift her on the floor. Agad siyang kumapit sa aking leeg kaya minabuti kong idiretso ang tingin para hindi ako makaramdam ng kung ano bukod sa iritasyon.
"You smell nice. Hindi amoy suka ko. Ang bango..."
I did not answer her. I actually smell like shit. Hindi lang niya naaamoy dahil nasa pantalon ko ang suka niya.
"You're really a good catch, Thelonious..." bumagal ang lakad ko sa kanyang sinabi. I shifted my gaze on her face. "Kahit hindi ka mayaman sigurado akong marami pa ring magkakandarapa sa 'yo. You are gorgeous. You'll definitely give any woman such beautiful children."
"Shut up. Matulog ka na at huwag mo na akong guligulin."
She laughed at that. "What's guligulin?"
Hindi ko na ito pinansin. Nang makapasok sa silid ay nilakihan ko ang mga hakbang para agad siyang mailagay sa kama pero bago pa ako tuluyang makaalis ay natigil na ako sa mahigpit niyang pagpigil sa aking kamay!
"Soraia–"
"C-can you stay for a bit? Kapag iniwan mo ako iiyak na naman ako and I don't want that so please? Can you stay with here? K-kahit saglit?"
Sinubukan kong ialis ang kamay niyang nakahawak sa akin pero sa agarang pagtulo ng mga luha niya't pagsinghap ay natigil ulit ako.
"Last na talaga... promise..."
"Soraia–"
Binitiwan niya ako't agad na pumunta sa kabilang dulo ng malaking kama.
"I'll stay here. Hindi rin natin kailangang mag-usap kaya sige na please... Sandali lang."
I don't know what's gotten into me but I did her request. Siguro ay naaawa na rin ako sa paulit-ulit niyang pag-iyak. I wasn't used to it.
Pilit siyang napangiti sa pag-upo ko sa kabilang gilid ng kama. Tinanggal ko naman ang titig sa kanya.
"Fix your robe. You're naked inside."
Sinunod niya ako. Inayos ko ang sarili sa headrest at sinubukang mag-relax kahit na ang totoo ay parang may sasabog na lang sa pagkalalaki ko ano mang oras!
Damn it!
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Pana-naka ang pagsinghap niya pero totoong naitigil ang pag-iyak dahil sa pananatili ko.
"Have you ever tried making love, Thelonious?"
Imbes na lingunin siya ay pumikit lang ako.
"Matulog ka na."
"Answer me, please?"
"Just sleep, Soraia. Bukas ka na makipag-usap kapag matino na 'yang utak mo."
I felt the bed move, but I did not bother to open my eyes.
"Bakit ayaw mong sagutin? Hindi mo pa ba nasubukan?"
Umiling lang ako, nababaliwan na talaga sa babae. I've never cared for someone who got drunk. I've been into thousand of parties, but I never took care of anyone. Ngayong gabi ay na-realized ko na kung bakit. Bukod sa malaking abala ay nakakairita lang talaga lalo na kapag ganito kakulit ang aalagaan mo. Imbes na matulog kasi ay kung ano-ano pa ang mga pinagsasasabi na wala rin namang sense!
"Thelonious?"
"Shut the fuck up and just go to sleep, Soraia. Huwag mo na akong inisin."
"Answer my question first and I'll let you off the hook."
Dumiin ang pagpikit ko kasabay ng pagtatangis ng aking bagang.
"No. I don't do love making. Now shut up."
"Open your eyes."
Gumalaw ulit ang kama, mas lalo akong pumikit dahil said na said na talaga ang pasensiya ko sa kanya at parang gusto ko na lang siyang ikadena't busalan nang manahimik na!
"Thelonious, I said open your eyes."
"Hindi ka ba talaga titigil..."
The sight of her naked body kneeling on the bed made my adam's apple danced on my throat! Ilang segundo kong nakalimutan kung paano ang huminga ng maayos sa aking nakikita ngayon!
"S-Soraia what are you–"
"Can you try to make love to me tonight? C-can you do it Auxerre? Please?" she beg softly as if she was pleading for her life to be spared before finally closing the gap between us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro