Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

Chapter Eighteen

Take Me With You



Finals came up. As usual bilang isang responsableng estudyante ay wala akong ginawa kung hindi ang mag-aral.

Naging abala rin ako sa paglilinis ng mga taong gustong kalabanin ang aking ama. I've been busy for weeks, but thoughts about Soraia didn't missed to cross my mind.

Ilang linggo matapos ang huli naming pag-uusap ay talagang pinanindigan na nitong layuan ako. Dalawang beses ko siyang nakita sa campus. We even bumped into each other at the gymnasium, but she was true to her words. Talagang wala na kaming dapat pag-usapan kaya tapos na ang kung anong koneksiyon naming dalawa.

My friends were curious about what went wrong between us, but I did not gave them anything to gossip. Tanging ang kapatid ko lang ang may alam ng nangyari.

"Why don't you convince our father to push through with the La Casse's deal?"

Napaiwas ako kay Toine ng tingin. He kept bugging me about it. Sa bawat pag-uusap namin ay talagang hindi nawawala sa topic si Soraia. He had his hope for us I guess. Masyadong in love kaya pati ako ay nadadamay.

"You know father, Toine. He's a business man."

"And are you okay with that? I mean, you seem distracted. Kahit hindi mo trabaho gusto mong kunin lately and I know you're doing it para mawala sa isip mo si Soraia."

I chuckled sarcastically at that. "She's nothing to me, Toine."

"Nothing, huh?" He mocked. "So paano kapag nakita mo siyang may kasamang iba?"

"So? I am not her fucking boyfriend. Malaya siyang sumama kahit kanino."

Toine did not gave up. Alam ko na kung ano ang nasa utak niya at ayaw ko siyang bigyan ng satisfaction pero hindi ko naiwasang mapaisip rin sa muli niyang bira ng mga salita.

"What if Vladimir asked you to attend to another party? Paano kung nando'n ang mga taong gusto kang maging manugang? How will you turn them down? Paano kung tanungin nila si Soraia sa 'yo? You two did great acting the last time, right? Sabi mo paniwalang-paniwala ang lahat na off the market ka na dahil kay Soraia? How will you explain that?"

"Relationships do end, Toine. Madali lang sabihin na hindi nag-work ang mga bagay-bagay. I'm okay with whatever."

"Kahit ang matali sa iba? Sa hindi mo kilala at sa alam kong hindi mo makakasundo?"

"You don't know that."

"Oh, I know..."

Napatitig ako sa kanya ng matalim. Nakangisi lang ang gago.

"It's still nice to have someone who truly cares for you."

"Soraia doesn't care about me. Pera lang ang habol sa 'kin no'n."

"And you think your future wife will not be after your money?"

"What's your point of pissing me off today, Toine?"

Itinaktak niya ang yosi sa ashtray at saka nagkibit ng balikat.

"Nothing. I just don't want you to regret your decision. Malakas ka kay Dad. Isang sabi mo lang ay pakikinggan ka no'n. There's no doubt you can convince him to push through with Estevan La Casse's proposal. You're right. It's a good investment. I studied it, too, so it's up to you now, Aux."

Imbes na sagutin pa ay tumayo na lang ako't walang sabi siyang iniwan. Nagsigalawan ang mga empleyadong nadaan ko sa aking paglabas sa VIP room na para lamang sa aming magkapatid.

From the bar's counter, I saw the familiar face wiping some beer glass. Now I kind of understand why Toine falls into her charm.

Natigil siya sa pagpupunas nang sikuhin ng babaeng katabi sa aking paglapit. Sumampa ako sa bar stool. Binati ako ng isang empleyado pero ang mga mata ko ay nanatili sa babaeng mayroong name plate na Olivia.

"Give me two shots of vodka."

"Hi, Sir Aux! Olivia isn't used on taking orders dito sa bar area. She's also new—"

"Give me two shots of vodka, Olivia." I said coldly, cutting her superior.

Walang nagawa ang babae kung hindi ang sundin ang utos ko. Ang nakatataas naman sa kanya ay nanatili sa kanyang tabi. Probably telling her not to fuck up.

Sa paglapag niya ng shot ay magkasunod ko iyong tinungga. Nanatili ang babae sa harapan ko. I lick my bottom lip as I put the last shot glass back on the counter.

"Don't do anything that will hurt my brother or else babalikan kita."

Umawang ang kanyang bibig pero bago pa nakapagsalita ay nakalabas na sa silid ang kakambal ko.

"Come on, Thelonious."

I smirked at him. Umalis ako sa bar stool at inilingan lang siya bago tuluyang lumabas ng Rock Chatters.

I didn't really want to pay attention to what my brother said to me, but I was left with no choice when her name came up again on our conversation. This time kasama na ang mga kaibigan namin.

"You really think so? Is that the reason why he's going nuts?"

Nagkatinginan kami ni Toine. No one knows about what was happening with the La Casse's except us. I guess kumakalat na ang balita at totoong pabagsak na ang mga ito.

I let them talk about the rumors. Hindi ako nakisali. Si Toine naman ay nakikiramdam lang rin. Turned out, Estevan La Casse lost his mind last night at the casino. Nagkaroon ng kumosyon nang matalo ito sa sugal. Dahil lasing na ay maraming nasabi na agad namang kumalat sa media. Now, the family was facing the façade of their downfall. Ilang araw lang ay tiyak na sasabog na ang katotohanan sa pagbagsak ng lahat ng kanilang mga negosyo.

"There's also a rumor about the La Casse being bankrupt. You think that's true?"

Nanatili akong tahimik.

"Yo, Aux! What happened ba between you and the La Casse girl? I thought you two are heading towards something. Kaya ka ba niya nilapitan last time ay dahil may gusto na siya sa 'yo o dahil sa problemang pera? Did she ask for your help?"

"You're fucking nosy, eh?" Si Toine kaya naitikom ni Nial ang bibig.

"That's impossible. I thought Soraia is dating this other guy... Puta, ano nga kasing pangalan no'n?!"

That caught my attention. Hindi ko kaagad naibalik sa bibig ko ang hawak na vape.

The fuck he mean dating? Ilang linggo pa lang may tsismis na kaagad tungkol do'n? So dahil tinanggihan ko siya ay sa iba na siya ngayon lumalapit?

"Dating?" Si Toine, dama nang kailangan akong saluhin sa mga ganitong klaseng usapan.

"Yeah. Someone saw them on a date. I don't know baka friendly date lang rin. Oh, I remember the guy! Iyong nakainuman natin last time sa Riverside. Anak ng politiko. Gwaps at mayaman rin pero syempre loyal tayo kay Thelonious!"

They all laugh and agreed to that. Umingay ang usapan pero nanatili pa rin akong tahimik. Ilang minuto ay nagpaalam na ako sa kanila. That ruined my mood. Everything was actually ruined since I met that girl! Sakit sa ulo. Tangina.

Sa mga sumunod na araw ay mas umugong pa ang mga tsismis tungkol sa kanilang pamilya. This time, luminaw na ang issue ng bankruptcy ng mga La Casse. Soraia instantly became the topic of everyone. Maraming nagsasabi na bagay lang daw iyon sa kanya dahil sa kayabangan niya. Some even think that I was the one behind the family's misery. Baka raw ginantihan ko sa mga katarantaduhang ginawa sa akin kaya ngayon ay pabagsak na pati ang kanyang buong pamilya.

Syver surely was bothered pero dahil pasimula pa lang rin sa sariling linya ng negosyo ay wala namang magawa para tulungan ang kanyang mga magulang. Everything was chaos.

Napahilot ako sa aking sintido matapos titigan ang telepono kong ni isang text ay wala pa ring dumarating galing sa babae.

Soraia's messages was still on my phone. I'm lowkey waiting for her to hit me up and ask me again for my help, but she already made up her mind.

Wala sa sariling napaupo ako ng tuwid nang tumunog ang aking telepono. Kahit na message galing kay Dustin ang dumating ay parang may kung ano pa ring naglaro sa pagkatao ko matapos tignan ang picture na ipinadala niya.

"The fuck?" I cursed under my breath after zooming in the photo that he sent me.

Sa litratong kuha sa bar ay naroon si Soraia at halatang lasing na. Nakapangalumbaba ito sa bar counter habang tinititigan ang hawak na shot glass.

Before I could even reply, Dustin sent another message. This time it was a video of Soraia pushing a guy away from her. Sa screen ay lumapit na si Kurt para bakuran ang babae pero masyadong makulit ang lalaking lumapit kaya agad na nauwi sa suntukan ang lahat.

Muli akong napamura nang sunod na dumating ay message na ng kapatid ko.

Toine:

Come and get Soraia. She's drunk and alone. I don't trust anyone here.

I am supposed to be minding my own goddamn business, but part of me wasn't okay with what was happening in the club. Kahit na may nagtatalo sa pagkatao ko, nagawa ko itong puntahan doon.

I found her still arguing with the boys. Toine shook his head when he caught my eyes. Dahil nakatalikod sa akin ang babae ay hindi ako nito namalayang nakalapit na.

"Pabayaan n'yo akong uminom ng alak at magpakalasing! I don't know you! We're not friends and you're all ruining my night!"

She pushed Dustin when the man tried to block her way out of their table.

"Ano ba!"

Akmang sasampalin niya ang kaibigan ko pero mas maagap ang mga kamay kong nahawakan ang kanya kaya natitilihan niya akong nilingon!

"T-Thelonious..."

I didn't know how to react to the way she said my name. It was as if she was so grateful to see me. Tila ba ako ang hinihintay niyang sumagip sa kanya sa lahat ng bigat at problema.

"You're going home." I demanded coldly.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay sa akin pero bigo siya.

"You're drunk and it's my turn to drive you home. Uuwi ka na." Mas maawtoridad kong saad.

I was expecting her to push me. Akala ko magmamatigas siya at aawayin ako kaya hinigpitan ko lalo ang kapit sa kamay niya pero gano'n na lang ang gulat ko nang walang sabi niya akong niyakap!

My eyes widened at what she did! Akala ko ay simpleng yakap lang iyon pero mas hinigpitan pa ni Soraia ang kapit sa aking katawan.

"T-then take me with you, Auxerre... Please just take me with you now..." nagmamakaawa niyang bulong habang mas ibinabaon ang mukha sa aking dibdib.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro