CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Every Second Of It
We continued mingling with the people at the party. Nakilala ko ang mga sinasabi ni Dad maging ang kanilang mga anak at sa buong durasyon no'n ay nasa tabi ko si Soraia.
I almost thanked heaven and earth for having her as my date tonight. Bukod sa masarap at ilang ulit na palitan namin ng halik, totoong siya ang sumalba sa akin sa buong gabi.
I did not stop myself from adoring her while she spit lies about us to everyone. Ang lahat naman ay parang gagong walang nagawa kung hindi ang purihin kaming dalawa lalo na ako.
"So, are we hearing wedding bells soon?" tanong ni Weber Wechsler, the German whom my father was telling me about.
I felt Soraia's hand gripped my hand tighter. I gave the man a smirk, but it was Soraia who answered for us.
"We'll see about that, Mr. Wechsler. We're still in college, but if he proposes to me tonight, I'd definitely say yes."
Nagtangis ang bagang ko sa walang prenong pagpapanggap ni Soraia. Gustohin ko mang pigilan siya sa mga kasinungalingan pero hindi ko na rin nagawa lalo na't tuwang-tuwa ang lalaki at ang anak naman nito ay bahagyang nawalan na ng amor sa akin.
"You're officially off the leash!" Soraia said as we settle back to our table.
Kinuha ko ang aking vape at walang pakialam na hinithit at ibinuga iyon hanggang sa matabunan ng usok ang mukha niya sa harapan ko. She continued flapping her hands to remove the smoke, but it took her a minute to successfully cleared it.
"Ang lakas mo talagang manigarilyo. Alam mo bang may nicotine pa rin 'yan?"
Sarkastiko akong natawa. "Do you think I'm scared of some nicotine bullshit? Anong akala mo sa 'kin, takot mamatay dahil diyan?"
"You should be scared. Totoong maraming namamatay sa paninigarilyo."
"Mas maraming namamatay sa hirap. Naisip mo na ba 'yon? You're on the verge of losing everything, right?"
Naitikom niya ang bibig dahil sa sinabi ko. Napayuko siya't aligaga na kinuha ang red wine na nasa kanyang harapan.
Nagpatuloy ako sa paghipat. Inilinga ko ang mga mata sa paligid. My men was on full alert. Tiyak naman akong walang mangyayaring masama ngayong gabi pero mabuti na rin ang alerto sila.
Ilang minuto akong natahimik at nagpatuloy sa ginagawa pero nang mapansing kong tuluyan nang nanahimik ang babae ay ibinalik ko ang atensiyon sa kanya.
I realized that she accompanied me here without asking anything in return. She really saved my ass tonight without her fully knowing my business.
Katunayan, nang makausap ko nang masinsinan ang pinuno ng dalawang malaking negosyante kanina ay hindi napag-usapan ang tungkol sa pag-iisa ng aming mga negosyo.
The Germans and Russians were always hopeful about tying up with our family's business through me. Matagal na panahon na silang nag-uunahan na makuha ang loob ng ama ko para sa merge ng dalawang malalakas na pamilya, but they respected Soraia tonight. I bet they saw something in her too that convinced them that she was really the one I chose for my future.
"What do you want from me, Soraia?" tanong ko matapos ang ilang minuto pa niyang pananahimik at pag-iwas sa mga mata ko.
Imbes na magsalita kaagad ay napayuko siya, tila ba kumukuha ulit ng lakas ng loob para sa hihinging pabor sa akin kaya hindi ko na pinahirapan.
"When do you want me to meet your father?"
My question put a lot of hope in her eyes. Halos manubig ang mga iyon sa tuwa.
"A-Are you sure, Thelonious? Wala naman sa usapan natin 'yon at ayaw ko ring magmakaawa sa 'yo kahit na alam mo kung gaano iyon kaimportante sa akin. Isipin mo nang kaya ko ginagawa ang lahat ng ito ay para lang doon, but you are not entirely right about that. I need to get out of our house, too and this party is the best way to do it. Totoong gusto rin kitang tulungan ngayong gabi."
"And why is that?"
She stare at me for the longest. Tila ba pinag-iisipang mabuti ang mga susunod na sasabihin sa akin.
"Because I know the feeling of being pressured into something that your heart wants to rebel."
Nagdikit ang mga kilay ko. Hinayaan ko siyang magpatuloy.
"Since everything got into the worst state, nagulo na rin ang lahat sa bahay. My parents would always fight and I wasn't used to it. Si Kuya naman ay sa sariling bahay na niya nakatira kaya ako ang sumasalo sa lahat ng pressure ng mga magulang ko at ngayon ko lang sila nakitang ganito. They were both respective and loving towards one another but now... just like that, sa isang pagkakamali lang ni Daddy ay nagbago na ang lahat."
I tried to relaxed when she look at me with sad eyes, naubos na ang mga tuwang kanina pa niya pinipilit na ipaskil doon.
"And no, hindi ko pa naiisip na mamamatay akong mahirap. I don't even want to think about losing everything. Hindi dahil maarte ako o ano kung hindi dahil alam kong kapag bumagsak at nawala sa amin ang lahat ay madadamay pati ang pamilya ko. I would definitely lose my parents, too. Ngayon pa nga lang na nariyan pa at hindi pa lubusang nawawala ang mga kayamanan namin ay hindi na sila nag-uusap, ano pa kaya kapag nangyari na? I don't want that... Kung kaya kong isalba iyon sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko... but, I don't want to bother you that much, too. Sobrang nakakahiya na sa 'yo ang pagiging desperada ko. Ikaw na ang bahalang magdesisyon kung gusto mo rin akong tulungan gaya ng pagtulong ko sa 'yo ngayon o hindi. It's up to you. I will respect your decision, Auxerre."
Sa haba ng litanyang sinabi niya ay parang sa huling salita ako natablan. Talagang iba ang dating sa akin sa tuwing nababanggit niya ang pangalan kong 'yon. As if there was a magnet inside me that connected to that word... to her. Sa tuwing sinasabi niya ay may kung anong nabubuhay sa pagkatao ko.
Kahit na wala akong ideya kung gaano kalaki ang pangangailangan ng kanyang ama para isalba ang kanilang negosyo ay nagawa ko siyang pagbigyan. Not because I wanted to, but because I pity her.
Somehow, I could relate to her situation. Gaya namin ni Toine, maraming mga kinasasangkutan at kasasangkutan pa si Vladimir na madadamay kami at kailanman tingin ko ay hindi iyon tama.
The burden of the parents shouldn't be passed onto their children. Mapa-trauma man 'yan, hirap sa buhay o ano ay hindi dapat iyon ipasa sa mga anak.
A child was supposed to be cherish, loved and taken care of until they can do it on their own. Ang mga magulang ay dapat responsable sa lahat ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak because their life was their parent's choice and not theirs.
Every parent should always think that their kids did not ask to be born in this cruel world so they shouldn't put any blame or burden on them. Choice mong gawin sila kaya habang buhay mo silang kargo at hindi iyon vice versa.
I believe that children, on the other hand doesn't have any responsibility to their parents. Malaya silang gawin ang lahat ng gusto nila at nasa mga magulang na iyon kung paano nila palalakihin ang kanilang mga anak ng may takot sa kanila, pagmamahal at utang na loob.
We went on with our night pretending to be lovers until the party ended.
Tahimik si Soraia habang nasa daan kami pauwi. Dama ko ang pagod at alam kong gano'n rin siya. Hinayaan ko siyang magpahinga. She told me something about his father, but I just answered her when she was about to get off of my car.
"W-what is it?" pagod niyang tanong matapos sulyapan ang kamay kong nakahawak sa kanyang palapulsuhan.
Napabalik siya sa pagkakaupo. Inalis ko ang kamay sa kanya dahil baka kapag nanatili pang magkadikit ang aming mga balat ay hindi ko na siya magawa pang bitiwan.
"Call my father's secretary and ask for my schedule. Siya na ang bahalang magbigay ng araw kung kailan ako available. I will meet with your father."
Agad lumiwanag ang kanyang mukha sa aking sinabi. Hindi ko napaghandaan ang agaran niyang pagyakap sa akin! Mabilis na nagwala ang puso ko lalo pa't bahagyang dumampi ang aking labi sa kanyang makinis na balikat.
"Thank you, Thelonious! Thank you!"
I absentmindedly put my hand on her back. Marahan kong hinaplos ang kanyang lantad na likuran.
"Get some rest. We'll talk again tomorrow."
Nanatili ang malaki at matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang bitiwan ako pero tuluyan na akong hindi nakagalaw nang ilapit niya ulit ang sarili sa akin. Before I could even think about it, she was already pressing her lips on mine.
I felt my body heat rise at that. Awtomatiko akong napapikit nang marahan niya pang haplusin ang aking pisngi bago ako pakawalan matapos makuntento sa mabilis na paghalik.
"We had too much practice tonight and I like every second of it. Thank you ulit, Auxerre..." she said before pulling away from me... this time, ako naman ang parang gagong natulala habang nakatitig sa kanyang lumalabas ng aking sasakyan.
Tang ina, Soraia...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro