CHAPTER 11
Chapter Eleven
At Your Service
"Trouble?" napatuwid ako ng upo ng sumalampak si Toine sa harapan ko.
I was at the library. Alam niyang kapag gusto ko ng katahimikan dahil sa mga bumabagabag sa akin ay dito ako pumupunta.
Isang linggo na ang lumipas simula ng halikan ako ni Soraia sa party na iyon pero hanggang ngayon ay kusa pa rin akong binabalikan ng mga alaala.
Pure silence was enough for me to remember how soft her lips were. Pakiramdam ko kapag inalala ko pa ng maigi ay malalasahan ko pa iyon.
Damn her.
"Not a big thing. I just want to rest for a bit."
"Rest, huh?" he mocked. Umiling ako dahil wala na naman akong kawala sa kanya. "Is it because of those stupid Chinese?"
I nodded as a response kahit na ang totoo, kahit gulo rin iyon at malaking isipin ay mas matimbang sa akin ang mga nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Soraia.
My brother gave me advice, but my head drifted away from the real topic. Walang ibang pumasok sa utak ko kung hindi ang araw-araw na pangungulit sa akin ni Soraia tungkol sa proposal niyang maging alipin ko kapalit ng walang kasiguruhang meeting sa kanyang ama.
I was honest with her when I told her how stupid she was for thinking about that dahil kahit na malakas ang atraksiyon ko sa kanya ay totoong wala namang pinagkaiba para sa akin ang mga babae. I can get a fine girl anytime I want and she was not that really special. Kahit mga anak mayaman o may posisyon sa lipunan ay kaya kong makuha ano mang oras ko gustohin. There was nothing she can offer that I already could get for free. Wala akong mapapala kung aalipinin ko siya. Masyadong mababang offer iyon kapalit ng oras ko.
Toine was convinced that I was bothered by other stuff. Mabuti na ring iyon ang paniwalaan niya kaysa ang mga totoong naiisip ko dahil kapag nalaman niya ay mas mababaliwan lang siya sa akin.
I scratched my right eyebrow when I saw Soraia's name popped on my screen after I study for my exam tomorrow.
Slave:
Hindi ako titigil Thelonious hangga't hindi ka pumapayag. Wala akong pakialam kung makulitan ka sa akin. It's important to me. Alam kong kalabisan at walang kwenta ang kapalit pero wala akong maibibigay sa 'yo. We're broke. Kung hindi naman ay hindi rin naman ako magmamakaawa sa 'yo. Please, just one meeting? Hear what he wanted to say, please?
I did not reply. I always hate the thought of people wanting me because of what I can give to them. Kaya rin wala kaming masyadong kaibigan ni Toine dahil lahat ng tao ay gusto lang makatikim ng kung anong kaya naming ibigay. We can literally turn stone to something valuable. Ang isang taong walang kwenta ay kaya naming bigyan ng pangalan sa lipunan. That's what Rozovsky's do, fucking magic.
My phone beeped again. I lazily glanced at my screen.
Slave:
Tell me what do you want? Anong kailangan kong gawin para pagbigyan mo ako?
Slave:
Thelonious, please? How about a year of being your slave, huh? Hindi pa ba sapat 'yon? You can tell everyone in the university that you are my master. Kahit ano gagawin ko.
Umiling ako't imbes na sagutin ang mga texts niya ay iniwan ko lang ang aking telepono sa lamesa at lumabas para hanapin si Toine. I needed fresh air and ears to listen to me, but my brother was nowhere to be found.
"Where is he?"
"Sir Thelonious ang sabi po ay kasama sila Sir Nial. Pinapasabi na mag-aral ka na lang daw para bukas at huwag na silang sundan sa club."
"What club?"
Umiling ang kasambahay. "Nakalimutan ko na po ang pangalan pero hindi po sa Rock Chatters."
I nodded at our maid and then head out to the patio. Ilang minuto akong napirmi doon pero dahil hindi mapakali ay muli akong bumalik sa kwarto.
I snatched my phone on the table and finally decided to reply to Soraia.
Ako:
You're fucking desperate.
Slave:
I am and I know that pero kailangan kita at kakapalan ko na ang mukha ko.
Ako:
I don't need you, Soraia. Your presence is making me sick. Try my brother instead.
Slave:
He has a girlfriend Thelonious!
I almost choked on my own breath at that. Fucking what?
Ako:
Anong pinagsasasabi mo? Baliw ka na?
Slave:
You didn't know?
Mas lalong nagdikit ang mga kilay ko at may diing nagtipa ng mga mensahe pabalik sa kanya.
Ako:
Stop bugging me. Stop lying and stop being so fucking desperate. Have some class. Nawala na ang angas mo at pagiging elegante dahil sa pera. It's fucking disgusting.
Slave:
I can swallow your harsh words. You can say whatever you want to say sanay na ako pero totoo ang sinasabi ko. Hindi ako sinungaling! Your bother has a girlfriend. I saw them in the club and he treats her differently than his usual flings. He was a gentleman, Aux. He really cares for the girl at itataya ko ang buhay ko diyan! Alam ko ang mga hilatsa ninyo kaya alam ko ring may relasyon sila isang tingin pa lang. And no, desperada ako oo pero hindi ako maninira ng relasyon!
That pisses me more. Hindi lang ang patuloy niyang pangungulit kundi lalo na ang sinasabi niya tungkol sa kapatid ko.
Is that the reason why Toine was being so busy lately? Maliban sa mga utos ni Dad ay abala na rin siya sa babae? Since when did that fucker knew how to treat someone special?
A girlfriend... gusto kong matawa. Binalikan ko si Soraia.
Ako:
And why would you think na wala ako niyan? You don't know me. You hated me.
Slave:
I hated you at aaminin kong hindi pa rin naman nawawala 'yon pero sigurado akong wala kang girlfriend. Know your enemies, right? Kilala kita. Alam ko lahat ng tungkol sa mga ginagawa mo. You are your father's right hand and soon to be the king to his kingdom. You only want sex from girls and nothing else, Thelonious. You are not the type of a man who would pursue a girl. Iyon ang kaibahan n'yo ng kapatid mo at tama ako do'n.
Ako:
You really had the nerve to talk to me this way.
Slave:
Please, Auxerre.
Napahilot ako sa aking sintido nang mabasa iyon. I've never heard that for too long now. Talagang alam ng babaeng ito kung saan kukunin ang atensiyon ko.
Mabibigat ang mga naging pagpindot ko sa aking telepono sa muling pagsagot.
Ako:
No, Soraia. Stop fucking bothering me now kung ayaw mong mas mapabilis ang paglubog ng pamilya ninyo. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko sa 'yo.
Slave:
I'll make you change your mind, Thelonious Auxerre. Hindi ako susuko.
I did not reply to her anymore. Mas lalong bumigat ang ulo ko lalo na ng maalala ang mga sinabi niya tungkol sa kapatid ko. Dahil tuloy doon ay hindi ako nakapag-aral ng maayos.
I was distracted so I stopped reading. I just waited for Constantine to get home.
Malaki ang ngisi ng gago habang palapit sa akin ilang oras ang nakalipas. He was drunk again. Natatawa ako nitong niyakap. Tinapik ko ang balikat niya.
"Anything you want to tell me, Toine?"
He puffed his vape and blows it in the air. Mukhang good vibes ang loko, taliwas sa kung anong nararamdaman ko ngayon.
"Nothing naman–Oh, wait, there's one thing pala. Pakopya ako bukas. I don't have time to study anymore, Aux. I'm high as fuck brother."
Naiiling akong naupo sa tapat niya. Kung hindi lang nabanggit ni Soraia ang bagay na 'yon ay iisipin ko na lang talagang sabog ang kapatid ko.
"Any girl you want to talk to me about?"
That made him stop vaping. Napaupo siya ng maayos at tila nahimasmasan ng kaunti.
"Aux—"
"Where did you meet her?"
That made him swallowed hard. Doon pa lang ay may ideya na ako.
"Tangina ka." I cut him off, alam nang totoo nga ang mga sinabi ni Soraia sa akin kanina.
"Bro, you don't understand. She's different—"
"Saan mo nakilala? Do I know her? Gaano kayaman ang pamilya niya? Matino ba ang mga magulang niya? Is she still in school? Higit sa lahat, magugustuhan ba 'yan ng ama mo para sa 'yo?"
Wala siyang naapuhap na sagot.
"Tangina ka talaga." I cursed him again.
Nagpatuloy siya sa pag-va-vape. Masyadong kalmado sa gitna ng sitwasyon. It's probably because of the marijuana in his system.
Damn it, I can't wait for that to wear off so I could slap him with the truth! This fucker!
I let Toine go. Ipinagpaliban ko ang pakikipag-usap sa kanya tungkol sa babae niya pero naging abala kaming pareho kaya halos nakalimutan ko na rin 'yon.
I aced all the exams. Toine got high scores, too, maliban sa dalawang subject na kinopya niya sa akin but he did good.
"What the fuck..." hindi ko napigilang sambit nang matanaw ang palapit na babae sa akin matapos kong lumabas sa restroom.
"Thelonious!" Nakangisi siyang huminto sa harap ko, ibang-iba ang aura ngayon sa aura nito noong nakaraang linggo na parang kada minuto ay gusto akong saktan o 'di kaya naman ay luhuran.
Frank and Micky looked at each other, nalilito rin gaya ko. Naglakad ako paalis sa aking pwesto kaya muli kong narinig ang pangalan kong tinawag niya.
My eyes winced when she hurriedly blocked my way.
Hinihingal niyang inabot sa akin ang isang invitation sa kung saang hotel.
Magkadikit ang kilay na sinipat ko iyon. "The fuck is this?"
She smirked confidently. "You were invited here tomorrow, right? It's a ball and you need a date so I volunteered myself—"
I cut her off by laughing. Tumawa rin ang mga alagad ko pero hindi nagpatalo si Soraia. She was indeed... something...
"I am the best date you could have, Thelonious!" Giit niya habang paatras na naglalakad sa harapan ko. "I am classy, I am a social butterfly, I'm elegant and above all, I am freaking gorgeous! Everybody will be mesmerize to see me as your date."
"No fucking thank you—"
"Are you sure about that?"
I stopped mid-step to face her. "I don't need a plus one for a stupid party. I don't even know about that event."
Naglaro ang ngisi niya sa mga labi. Lumihis ang titig niya sa mga lalaking nasa likuran ko. Nawalan na ako ng dahilan para hindi lingunin ang mga ito nang tapikin ako ni Frank sa balikat.
"Aux, you have to attend that ball. Hindi ba sinabi mo sa amin 'yan last time? Your father also asked you to bring a plus one. You know the 'you're not getting any younger sentence?'"
Marahas akong napabaling pabalik kay Soraia dahil sa sinabi ni Mickey. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti at pagkatapos ay kinuha na ang kamay ko para ilagay ang pilit ibinibigay na imbitasyon.
"You need my service so there ya go! Problem solved! You also have my number so don't hesitate to call me! Bye, Auxerre!" Aniya at patakbo na akong iniwan dahilan para wala na akong maisagot.
Damn it.
~~~~~~~~~~~
Unlock and read the completed version of this story on Patreon! Click the link on my bio to subscribe or simply message me for details. Thank you!
✨
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
P.S
Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro