o--- Chapter 3 ---o Rianne and her memories with her Mother o---
o--- Chapter 3 ---o Rianne and her memories with her Mother o---
All Rights Reserved 2012 (c) Endings
(The Story)
Rianne's POV
"Rianne , kain na!" Narinig kong tawag saakin ng nanay ko , "Nag-aaral pa ako!" Sigaw ko at sagot ko sa nanay ko.
"Rianne , anak , Punta tayo sa SM!" Narinig kong pag-aya saakin ng nanay ko, "Nag-aaral pa ako!" Sigaw ko sa nanay ko.
"Rianne , anak , Samahan mo ako dito sa baba!" Narinig kong pag-aya saakin ng nanay ko , "Nag--aaral pa ako!" Sigaw ko sa nanay ko.
Palagi ko nalang sinisigaw na "Nag-aaral pa ako!" sa nanay ko , gusto ko kasi maka-pasa ng 3rd year para makatulong sa pamilya at maka-unlad kami.
"Rianne , anak , Kain na!" Narinig kong tawag ulit saakin ng nanay ko, "Nag-aaral pa ako!" ... yan palagi ang sinasagot ko sa nanay ko...
Hanggang sa dumating ang araw na exam na at papatunayan sa exam kung talagang nag-aral kami , ng nakatanggap ako ng balita galing sa principal kaya ginawa nilang excuse ang pagpunta ko sa hospital at wag wuna mag-take ng exam.
Pagkarating ko sa hospital ,hinanap ko agad ang room ng nanay ko , nung nalaman ko na kung saan ang room ng nanay ko , mabilis akong pumunta sa room saka binuksan ang pinto.
Nakita ko ang nanay ko , nakaupo sakanyang higaan , tumingin saakin saka siya ngumiti . "Anak , napadalaw ka?" Sabi ng nanay ko saakin.
"Ano ba yan mommy! Nag-tatake ako ng exam para maka-unlad ang pamilya natin tapos bigla ko nalang maririnig na nasa hospital ka ngyon!" Pagka-sigaw at pagka-sermon ko sakanya. At alam na alam ko na talaga , na mali ang aking ginagawa.
"Upo ka." Sabi ng nanay ko habang nakangiti , na parang wala siyang narinig. Sumunod nalang ako saka ako umupo katabi ng higaan ng nanay ko.
"Kamusta ang pag-aaral?" Tanong niya saakin , naka-ngiti parin siya. "EWAN!" Masungit kong sigaw at sagot saaking nanay kaya napatayo ako.
"Please nanay, kung gusto mo maka-unlad at makapag-kuha ako ng magandang trabaho para maging masaya ang buhay natin , please , wag mo PO ako bigyan ng problema!" Sigaw ko , lumabas nalang ako ng kwarto niya saka nalang ako nag-desisyon umuwi.
Pagka-uwi ko , nakita ko ang dad ko na parang hinihintay ako, "Anak , magbantay ka wuna ng bahay, doon wuna ako sa hospital kasama ang mommy mo , okay lang ba?" Tanong saakin ng tatay ko.
"Wala akong paki! Mag-aaral nalang PO ako!" Sigaw ko saka pumasok sa kwarto ko saka ko to sinarado at ni lock.
Kinuha ko ang mag libro ko saka ako nag-aral para matuloy ko na ang exam ko bukas at makapasa ako ng walang kahirap hirap.
o-- Next Day --o
Walang kahirap-hirap kong ginawa ang exam, tatlo ang exam sa isang araw at meron pang dalawang araw na natitira para sa 6 pang exams.
Still , wala pa akong lakas ng loob para pumunta sa hospital para humingi ng tawag sa mommy ko para sa ginawa ko kahapon sa kanyang kwarto sa hospital.
o-- 2nd Day --o
Nag-puyat ako para sa exam na 'to dahil mahirap ang magiging exam namin ngyon sa Math , Science , saka sa TLE.
Kaya talagang naghirap ako mag-review para kinabukasan walang hirap kong gawin ang exam. The Result? walang hirap ko nagawa ang exam.
o-- 3rd Day --o
Huling araw na ng exam , kinabukasan , papasa na ang mga test results saka ko na makikita ang mga results ko sa exam.
Nagkaroon rin ako ng loob na pumunta sa hospital para ipakita ko sa nanay ko na pasadong pasado ako sa nakuha kong exam.
o-- The Day After --o
Pinasa na ang test-papers namin saka ako nakakuha na matataas na mga markha by each subject , proud na proud talaga ako sa sarili ko kaya nung time na uwian , excited na talaga ako makauwi at makapuntang hospital para makita ng mommy ko ang test results ko.
"Nandito na ako sa bahay!" Sabi ko habang binubuksan ko ang pinto , pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang kabaong at nakita ko si daddy , mga pinsan ko , ang tita , tito ko , at iba ko pang mga relatives.
"Ma?" Mapa-luha kong sabi dahil nakita ko si Mommy na nakahiga sa loob ng kabaong , hindi humihinga , nakapikit at saka puting puti na parang walang dumadaan na dugo sa kanyang katawan.
"Dad, ano nangyari?" Napapaluha kong tanong sa Dad ko. "Namatay na ang mom mo , Yesterday night lang , ngyon lang nilagay sa kabaong , sorry anak , wala na ang mommy mo at pasensya na at hindi ko sinabi sayo ng maaga." Sabi ng Dad ko , pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Hindi! Hindi! Impossible!" Sigaw ko , binato ko ang bag ko sa sahig saka ako lumapit sa kabaong ni Mommy saka ko to niyayakap at tumingin sakanya.
"Ma, hindi eto totoo diba? kunyari lang to diba?!" Napa-sigaw ako at napalakas lalo ang iyak ko , "Ma, sabihin mo saakin please... hindi eto totoo..." Hindi ko na talaga mapigilan umiyak.
Napa-upo nalang ako sa sahig saka ko pinunas ang walang hinto kong mga luha sa mata, "Ma... pasensya na sa ginawa ko..." Sabi ko at hindi ko narin makaya...
Mabilis rin akong pumunta sa kwarto ko , naririnig ko ang mga pinsan kong tinatawag ang pangalan ko , pero hindi ko sila pinansin at pagka-pasok ko sa kwarto ko , sinarado ko eto at ni-lock.
"Rianne? Anak? Alam kong masakit mawala si Mommy, kaya sana... tumigil ka na sa pag-iyak..." Naririnig ko si Dad na nagsasalita , naririnig ko rin siyang umiiyak...
Hindi ko mapigil ang sarili ko , sinisisi ko ang sarili dahil inuna ko pa ang pag-aral at naging masama ako sa mommy ko! hindi ko na talaga kaya! ang sakit lang ng pakirandam...
Tumayo ako saka humarap sa salamin , nakita ko ang sarili ko sa salamin , mukhang kawawa dahil sa mga luha kong nilabas.
Bigla bigla ko nalang kinuha ang bote ng softdrink malapit sa higaan ko saka ko binasag ang sarili ko sa salamin...
Tumalsik saakin ang mga bubog , nagdugo ang kamay at paa ko ... hindi ko talaga pigilin ang pagsisi ko sa sarili ko ... kasalanan ko kaya namatay ng malungkot si Mommy...
Bumukas ang pinto , nakita ko si Daddy na hawak hawak ang susi ng kwarto ko , mabilis siyang tumakbo saakin saka niya ako inalayan at sinusubukan niya ako gamutin.
"Hindi naman malala ang natamo ko sa bubog at sa tingin ko ay magagamot eto ng mabilis ...
Araw araw , segusegundo , minuminuto , oras oras , halos palagi ko nalang natatandaan ang ginawa ko sa mommy ko , wala akong ginawang mabuti bago mawalan ng hininga ang mommy ko...
Hindi ko narin siya nadalaw sa hospital , iniisip ko na malungkot siya dahil hindi ko na siya dinadalaw at gusto niyang marandaman ang pagmamahal ko , mga yakap ko , halik ko , at iba pa...
Hindi ko talaga matanggal sa isip ko at palagi ko iyon naalala... kaya bago nilibing ang mommy ko sa sementeryo ... naglagay ako ng bulaklak sakanyang kabaong at sinabing... ------
"Paalam Ma , Mamimiss kita..."
o--- Chapter 3 ---o Rianne and her memories with her Mother o---
All Rights Reserved 2012 (c) Endings
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro