Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

o--- Chapter 1 ---o Tears o---

o--- Chapter 1 ---o Tears o---

All Rights Reserved 2012 (c) Endings

Alyssandra's POV

"Tabi!" Sigaw saakin ng isang babae at walang awang tinulak ako. "Lampa." Bulong ng babaeng walang awang tinulak ako saka pinagpatuloy lumakad.

Tumayo ako saka ko inayos ang uniform ko , "Ayos ka lang?" Tanong saakin ng isang lalaking naawa saakin dahil sa ginawang pagtulak saakin.

"Oo , ayos lang ako." Sagot ko nalang at hinintay na magsalita ang lalaki, "Ako nga pala si Kyle, and you are?" Tanong saakin ni Kyle.

"Ako pala si Alyssandra." Pagkakakilala at sagot ko kay Kyle at kami ay nakipagkamay sa isa't isa, at wala akong ngiting nabigay saka habang kami ay nakikipagkamay.

Inalis na namin ang mga kamay namin saka siya nagsalita, "Ano ang classroom mo?" Tanong niya saakin. "DC ang classroom ko, ikaw ano ang iyong classroom?" tanong ko sakanya , wala paring ngiting nabibigay.

"DC rin ang classroom ko , sabay na tayo pumunta sa classroom?" Pag-aya niya saakin , "Sige." Sagot ko sa kanya saka kaming nagsimula lumakad para makarating sa classroom namin.

"Oo nga pala." Sabi niya na parang may itutuloy , "Hindi ka ngumingiti." Sabi niya , napahinto siya ng paglakad kaya napahinto narin ako.

"Pasensya na at hindi ko magawa-gawa ngumiti..." Sabi ko sakanya , lumapit siya saakin saka ulit siya nagsalita. "Dapat hindi ko nalang tinanong, halika , pumunta na tayo sa classroom natin." Sabi niya at pag-aya saakin. "Sige." Sagot ko , saka ko ulit natandaan ang accidenteng nangyari saakin...

Accidenteng nangyari saakin kaya hindi ko magawang ngumiti at kasalanan nung accidenteng yun kung bakit nawalan ako ng mga kaibigan sa luma kong paaralan , ang dahilan para lumipat sa school na 'to...

o-- DC --o

"Eto na ang classroom , handa ka na ba pumasok?" Tanong niya saakin saka siya ngumiti , "Handang handa na." Sagot ko , hinawakan niya and doorknob saka dahan dahan niyang binubuksan ang pintuan.

Pagbukas ng pinto , bigla nalang ako natumba dahil sa may accidenteng nakatulak saakin , "Lampa." Narinig kong bulong ng isang babae , napatingin ako sa babae , kaparehong-kapareho nugn babaeng nakabangga saakin kanina.

Lumakad pababa ng paaralan ang babae , ako naman tumayo saka ko inayos ang uniporme ko. "Ang gulo dito no?" Tanong saakin ni Kyle. "Yeah..." Sagot ko nalang , dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Pasok na tayo sa loob?" Tanong saakin ni Kyle. "Sige..." Sagot ko saka kami lumakad papasok kasama ang mga dala naming bag.

 Nakapasok na kami sa loob ng classroom , at biglang may lumapit na babae saakin , "Pasensya na sa ginawa ni Rianne sayo , hindi naman niya sinasadya." Sabi saakin ng babae saka niya sinundan ung babae na si Rianne.

"Sungit talaga nung babaeng nakabangga sayo." Sabi saakin ni Kyle , "Para kang bakla pag-sinasabi mo ang word na sungit." Sabi ko sakanya. "Loko ka." Sagot niya saka niya ako binatukan ng mahina sa ulo ko.

Naghanap na kami ng mga upuan namin saka kami umupo , magkalayo ang upuan namin dahil may nakaupo na sa ibang upuan , kaya hindi kami nagka-tabi at makikipagusap sa isa't isa.

"Excuse Me!" Narinig kong sigaw ng babae saka niya sinigawan ang katabi ko , "MOVE!" sigaw niya, kaya bigla bigla nalang tumayo ang katabi ko saka lumipat sa ibang upuan , tumabi naman saakin si Rianne.

"Hello." Bati niya saakin , sasagot sana ako pero bigla nalang siya nagpatuloy sumagot. "Slow Talker, Don't Talk To Me." Sabi niya saka niya ako Inirapan.

Dumating ang guro namin saka pumunta ang guro namin sa kanyang lamesa at binaba ang mga gamit na dala dala ng aming guro.

"Kamusta kayo sa'inyong bakasyon?" Tanong saamin ng guro.

*o---o*

Ang bakasyon ko? Ang bakasyong ko na nagbago saaakin , ang dahilan kung bakit nawala ang mga tawa at ngiti ko.

*o---o*

"Kamusta naman ang mga kaibigan niyo?" Tanong saamin ng guro.

*o---o*

Kaibigan? Lahat ng kaibigan ko nawala dahil sa accidenteng iyon...

*o---o*

"Masaya ba kayo at palagi kayong tumatawa at ngumingiti sa'inyong bakasyon?" Tanong saamin ng guro...

*o---o*

Parehong nawala ang mga tawa at ngiti ko dahil doon...

*o---o*

Lumuha ako ng palihim , kinuha ko ang panyo ko saka ko pinunasan ang mga luha ko saka ako tumingin sa guro at pinagpatuloy makinig.

Pinagpatuloy ko makinig , kasama na ang nakaraan na nasa isip ko at hindi ko matanggal... na gusto ko talaga matanggal sa isip ko at makalimutan...

o--- Chapter 1 ---o Tears o---

All Rights Reserved 2012 (c) Endings

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: