Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirteen - Nathan's Penchant

Napalis ang ngiti niya nang makita kung sino ang iniluwa ng pinto. Hindi si Phoebe ang inaasahan niyang makita sa mga oras na iyon. Bagamat bahagyang nakaramdam ng iritasyon, hindi niya ipinahalata sa babae ang nararamdaman.

"Phoebe."

"Aren't you glad to see me?" tanong ng babae sa kanya habang papalapit ito sa kinahihigaan niyang hospital bed. May bitbit itong isang bungkos na bulaklak.

"Where's everyone? Bakit ka nandito?"

"Your parents went home para makapagpahinga, salitan kami sa pagbabantay sa iyo. Mamaya papalitan nila ako para ako naman ang makauwi." Kung napansin ni Phoebe ang pag-iwas niyang sagutin ang tanong nito ay hindi na niya nakitaan ang dalaga ng kahit na anong indikasyon.

"Gaano katagal na ako'ng tulog?"

"You're out for the last twenty four hours or so," sagot ni Phoebe. Inilagay nito sa bakanteng vase sa bedside ni Nathan ang mga dalang bulaklak. Nabalot ng katahimikan ang silid. Hindi alam ni Nathan kung ang ang sasabihin aa dalaga, ni hindi niya magawang itanong kung bakit ito naroon at nagboluntaryong bantayan siya.

Phoebe cleared her throat nang maubusan ng gagawin ang mga kamay. "Nate, can we talk?"

Humugot ng isang malalim na hininga si Nathan bago tumango. Hinila ni Phoebe ang isang silya patungo sa gilid ng hinihigaan ni Nathan at umupo. Pinanood lang siya ni Nathan sa ginagawa at matiyagang naghintay na mag-umpisang magsalita ang dalaga. Phoebe took his hand on hers at saka siya tinitigan. Bakas ang alinlangan sa mga mata nito.

"Nakausap ko si Miles," panimula ni Phoebe. "I'm sorry kung nagkulang ako ng tiwala sa iyo. I still love you Nate, please give me another chance. Can we start over again?"

Mataman siyang tinitigan ni Nathan. Alumpihit na si Phoebe dahil wala siyang narinig na kahit ano mula sa binata. Then, his free hand lifted at hinawi ang tumabing na mga hibla ng buhok sa mukha niya. She looked at him and smiled widely.

Umalis na si Phoebe nang dumating ang mga magulang ni Nathan. Tuwang-tuwa ang ina niya nang makitang nagkamalay na siya. Na-check na rin siya ng doktor niya at nakausap na rin niya ang mga bumisitang pulis tungkol sa nangyari. Bagama't tutol ang mga magulang, nagpasya si Nathan na hindi na magdedemanda laban kay Jean sa kondisyong magpapagamot ito. Ngayon ay inip na inip na siya. Kanina pa niya inaabangan ang pagdating ng mga kaibigan dahil ayon sa mga magulang niya ay sinabi ni Nelson na babalik na ang sila para bisitahin siya.

May mahihinang katok siyang narinig mula sa pinto. His eyes lit up, baka sila na iyon. "Pasok," sabi ni Nathan. Bumukas ang pinto at pumasok sina Nelson, Julienne at Laurie. Nadismaya siya nang makitang hindi kasama si Ice.

"Kamusta ka na Nate?" Si Laurie, may bitbit na mga prutas at inilagay iyon sa lamesang malapit sa bintana.

"Okay na. Kayo lang?" Hindi na niya napigilang magtanong.

"Ha? Hindi pa ba nakakadalaw si Ice?" takang tanong ni Nelson. Umiling si Nathan at nagkatinginan ang tatlo.

"Hindi ba kayo magkakasama?" tanong ulit niya.

"Hindi. Akala nga namin madaratnan namin siya dito. Kaninang umaga pa siya nagpaalam na mauunang dadalaw sa iyo." Ani Nelson.

"Hindi siya nagawi dito. Bukod sa mga magulang ko, si Phoebe, doktor at mga pulis lang ang napadalaw dito."

"Teka tawagan ko," boluntaryo ni Julienne saka tumalikod upang tawagan si Ice. Hindi pa nakakapag-dial si Julienne ay bumukas ang pinto at iniluwa ang hinahanap nilang kaibigan.

"Speaking of the angel and the devil walks in," ani Laurie.

"Hi. Sorry hindi ako natuloy kanina. Mahaba-habang paliwanag sa bahay eh." Hinging paumanhin ni Ice habang papalapit sa grupo.

"How are you?" tanong sa kanya ni Nathan na ikinatawa ni Ice. Umupo ito sa upuang kanina lang ay okupado ni Phoebe.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, hindi ako ang nabaril."

"Bigla akong nagutom. Tara kain tayo," biglang singit ni Laurie. Nagkatingin silang tatlo nina Julienne at Nelson at sabay na sumang-ayon.

"Ikaw na muna ang magbantay kay Nathan. Susundan lang namin sa canteen ang parents niya kakain din kami." Sabi ni Nelson.

"Teka, paano ako? Gutom din kaya ako. Puwede bang hintayin na natin na makabalik sila para may kasama siya dito?" Protesta ni Ice.

Umiling si Julienne at isinukbit ang mga braso sa magkabilang braso nina Nelson at Laurie. "Papahatiran ka namin ng pagkain dito kung nagugutom ka, basta ikaw muna ang magbabantay kay Nathan," pinal na saad nito. Nang akmang magrereklamo pa si Ice ay hinila na nito ang dalawang kaibigan palayo at mabilis na umalis.

"Hindi man lang nagpaalam," tatawa-tawang komento ni Nathan nang mawala na sa paningin nilang pareho ang mga kaibigan. "So, ano na?" Baling ng binata kay Ice.

"Ano'ng ano na?" Maang na tanong ng dalaga kay Nathan. Hindi niya alam kung ang tinutukoy nito.

"Remember what we agreed on sa tapat ng bahay nina Nelson?" He asked, taas pa ang isang kilay. Biglang nailang si Ice sa klase ng tingin ni Nathan sa kanya.

"Ah..ano kasi." Atubiling sagot ng dalaga, napakagat-labi pa. Umilap ang mga mata nito, hindi niya kayang salubungin ang titig ni Nathan.

"Ano'ng ano kasi?"

"HindibanagkabalikankayoniPhoebe?" Dahil sa bilis ng pagsasalita ni Ice ay wala siyang naintindihan.

"What?" Ikiniling pa ni Nathan ang ulo sa direksyon ni Ice, "Speak a little bit slower, para kang may hinahabol na kung ano."

Humugot muna ng malalim na hininga ang dalaga bago sumubok uli. "Hindi ba nagkabalikan kayo ni Phoebe?" Sa wakas ay maayos na tanong niya. Kumunot ang noo ni Nathan sa narinig. "Saan mo naman napulot ang balitang iyan?"

"Narinig ko kanina," yuko ang ulong pag-amin ng dalaga. Saglit na lumalim ang gatla sa noo ng binata pagkatapos ay umaliwalas ang mukha nito at napalitan ng ngiti.

"So ibig sabihin nandito ka pala kaninang umaga?" Paniniyak ni Nathan. Tango lang ang sinagot ni Ice pero hindi ito tumingin sa binata. His index finger tilted her chin para makita niya ang kabuuan ng mukha ni Ice. He smiled when she looked away. "You should have stayed para alam mo ang buong kuwento. Hula ko nang marinig mo lumayas ka na agad eh."

"Parang ganoon na nga."

"Silly girl," he let go of her chin. He chuckled at ginulo ang buhok ni Ice. "Gusto niyang makipagbalikan pero paano ko gagawin iyon kung nararamdaman kong hindi na ako magiging masaya sa kanya?"

"So hindi kayo nagkabalikan?"

"Nope. May usapan tayo di ba?" paalala ng binata sa kanya. "Don't tell me nakalimutan mo na iyon?"

"Hindi pa naman ako ulyanin." May kasamang irap ang sagot ni Ice.

"So with that being said, puwede na ba nating umpisahan?"

"Saka na kapag magaling ka na."

"Bakit? Hindi ba puwedeng ngayon na?"

"Atat ka?" Ganti ni Ice.

"Malamang! Ang hirap mo kayang basahin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo diyan sa kukote mo."

"Gago!" Pabirong hinampas ni Ice ng unan si Nathan. Nabitiwan naman niya bigla ang hawak nang umaray ang binata, "Naku sorry, sorry. Napalakas yata ang hampas ko. Patingin baka dumugo ang sugat mo." Nag-aalalang sabi ni Ice. Sa pagkataranta hindi na niya naisip kung ano ang ginagawa, basta na lang niya itinaas ang laylayan ng puting t-shirt ni Nathan para tingnan ang sugat nito.

Hinayaan naman siya ng binata, humiga pa ito at pinagsalikop ang magkabilang palad sa likod ng ulo. Prenteng-prente ang pagkakahiga at nakakaloko ang ngiti. "Sige lang, hindi naman ako shy type. Alisin na lang kaya natin itong t-shirt ko para makita mo ng mabuti? May abs naman ako, sigurado akong hindi ka madidis-appoint."

Pagkarinig sa sinabi ng binata ay noon lang nag-sink ink sa utak ni Ice kung ano ang tinititigan niya nang mga sandaling iyon. Nagmummurang six-pack abs ang itinatago ni Nathan sa likod ng manipis na pang-itaas nito. Parang napasong binitiwan niya ang damit ng binata. Pero huli na, parang nakapagkit na sa utak niya ang hitsura ng abs ni Nathan. Malamig sa loob ng kuwarto pero pakiramdam ng dalaga ay pinagpawisan siya. She felt something warm crept on her cheeks.

Bago pa man siya makalayo ay hinatak ni Nathan ang kamay niya. Napasubsob si Ice sa dibdib ng binata. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla ay agad nitong ikinulong ang mukha niya sa mga kamay nito. "It's the first time I saw you blush," tudyo ng binata. "I think I like the flustered Ice than the cold Ice. But then, I like everything about you."

"Teka, ang sugat mo."

"Nasa kabila naman ang sugat ko don't worry." Hindi pa rin siya nito binibitiwan.

"Bitaw na, mamaya mapasukan tayo dito kung ano pa ang isipin."

"Bakit, ano ba ang ginagawa natin?" tanong ng binata pagkatapos ay namungay ang mga mata nito, "Wala pa nga tayong ginagawa."

"Nathan.." naalarmang sambit ni Ice. Hindi ito ang Nathan na nakasanayan niya, mapanukso.

"What?" halos pabulong na tanong nito, diretso ang tingin sa mga mata niya. Hindi makaapuhap ng sagot si Ice lalo na nang ilapit pa ng binata ang mukha nito sa kanya. "You have something to say?" hindi pa rin nagbabago ang tono ng pananalita nito, pabulong na parang mapanghibo.

"You're scaring me."

Idinikit ni Nathan ang noo sa noo ni Ice at pumikit. Napapikit na rin ang dalaga, halos mabingi na rin siya sa bilis ng tibok ng puso niya. Naramdaman niya ang isang masuyong halik na ikinintal ni Nathan sa noo niya bago nito ipinulupot ang braso sa katawan niya para sa isang yakap. She can hear his hearbeat dahil nakalapat sa dibdib ng binata ang isang tainga niya. They stayed that way for God knows how long. Hindi siya umalis, ni hindi niya tinangkang kumalas mula sa yakap nito. She felt at peace.

"Ice?" maya-maya ay basag ni Nathan sa katahimikan na pumagitna sa kanilang dalawa. Tinangka niyang umalis pero hinigpitan ni Nathan ang yakap sa kanya kaya nanatili na lang siya doon.

"Ano iyon?"

"I'm sorry if I scared you. We'll take things slow from now on."

"Okay."

"Okay?" paniniyak ni Nathan.

"Okay."

"Ice?"

"What? Bakit ba ang kulit mo?" tuluyan na siyang kumawala sa mga bisig ng binata ni Nathan.

"Never mind. Come here." Inabot uli siya nito para sana yakapin pero umiwas siya. Sa halip dinuro niya ng hintuturo ang dibdib nito. Nahagip ni Nathan ang daliri niya at hinatak siya uli palapit. Nakatawang kinagat niya ang kamay ni Nathan na hindi pa rin bumibitaw sa daliri niya.

He playfully swatted her behind dahilan upang manlaki ang mga mata niya sa binata. "Ang bilis mo makatsansing ah!"

"Hindi tsansing iyon. 'Eto ang totoong tsansing," deklara ni Nathan at pagkatapos ay tinusok nito ang magkabilang tagiliran ni Ice. Napaigtad ang dalaga sa magkahalong gulat at kiliti. Napahalakhak tuloy siya na sinabayan naman ng binata ng malakas ding tawa.

Halos sabay din silang natigil pareho at nagkatitigan. May bakas pa rin ng ngiti ang mga mukha nila. Dahan-dahang inabot ni Ice ang leeg ng t-shirt ng binata at pinitserahan. Hindi naman nagreact si Nathan, hinayaan lang niya kung ano ang susunod na gagawin ng dalaga.

"You know what?"

"What?" ganti ni Nathan.

"I've changed my mind. Let nature run its course," sabi ng dalaga at tumaas-baba ang kilay. Hindi bobo si Nathan para hindi maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Ice. Napahalakhak ito. "Finally," sabi ni Nathan bago niya tuluyang sinakop ang mga labi ng dalaga para sa isang halik.

Napahigpit ang yakap ni Nathan sa dalaga when he heard her sigh. He kissed her hard, as if intent to brand her. He felt her bit on his lower lip. Napangiti tuloy siya na hindi naman nakaligtas kay Ice. "Stop laughing," nakangiti ring saway nito sa kanya. Saglit niyang inilayo ang sarili sa dalaga para matitigan ito. He liked how smokey her eyes had become at natutuwa siya na siya ang dahilan noon. He swiped his thumb over her moist lips and felt the beginnings of desire in his core.

He kissed her again with renewed intensity na siya namang ibinalik rin ng dalaga sa kanya. Malabo pa ang mga bagay-bagay sa pagitan nila ni Ice but he'll be damned if hahayaan niyang makawala ang babaeng ito. Alam na niya that he's attracted to Ice and that it's snowballing rapidly into something bigger than physical attraction. Patunay ang parang pagpiga sa lalamunan at puso niya sa takot noong masilayan ang dalagang nakatali sa upuan nang dukutin ito nina Jean. Pati na rin ang automatic na pagharang niya ng sarili sa dalaga nang matantong nanganganib ito.

Nakarinig sila ng ingay mula sa pinto kung kaya mabilis na kumalas si Ice pero pinigilan niya ang dalaga. Pinanlakihan siya nito ng mga mata dahil ilang sandal na lang ay makakapasok na ang kung sino mang nasa labas.

"Nathan!"

"We don't need to hide what's going on between us babe. Let them see how crazy I am about you."

Nasa ganoon silang ayos nang maabutan ng mga kaibigan nila. Shock was an understatement. Nakaawang ang mga labing pinaglipat-lipat ng tatlo ang tingin kay Ice na nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Nathan at ang binata naman ay tila balewalang nakatingin din sa kanila.

"What took you so long?" kalmadong tanong ni Nathan, hinagod pa nito ang buhok ni Ice. She took a peek at her friends at pinamulahan ng mukha nang makita ang reasiyon nina Nelson, Julienne at Laurie.

"Kayo na?" Si Laurie.

"Papunta na doon," pareho silang natawa ni Ice sa naging sagot niya kay Laurie.

"Oh good. May patutunguhan naman pala." Ani Julienne sabay upo sa nakitang sofa sa loob ng silid.

"Should I congratulate you bro?" tanong ni Nelson. Nag-fist bump pa ang dalawa.

"Bitiwan mo nga muna ako." Sabi ni Ice na sinunod rin ni Nathan. Umayos siya ng pagkakaupo sa kama ng binata pero agad ding hinuli ni Nathan ang kamay niya na nakita ng mga kaibigan nila. Tumikhim si Nelson at sinamahan sa pagkakaupo sina Laurie at Julienne. When Ice blushed, bumunghalit ng tawa si Nathan.

"Sige pagtawanan mo pa ko. Hihintayin ko ang paggaling mo nang masapak kita. Mukhang kailangang-kailangan mo eh." Ani Ice.

Sasagot pa sana si Nathan pero bumukas uli ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Nathan. Nailang tuloy si Ice dahil hawak pa rin ni Nathan ang kamay niya, hindi ito bumitaw kahit pa kaharap na nila ang mga magulag nito.

"Oh good, nandito ang mga kaibigan mo." Sabi ng Mama ni Nathan pero sa magkahawak nilang kamay nakatingin. Nakamasid lang din ang Papa ng binata.

"Magandang araw po, Tita, Tito." Halos sabay na bati nina Nelson, Julienne at Laurie.

"Magandang araw din salamat sa pagdalaw," nakangiting baling ng Mama ni Nathan. Tango naman ang sagot ng Papa ng binata.

"And who's this young lady son?" tanong ng Papa ni Nathan. Sumulyap muna si Nathan sa dalaga bago bumaling sa mga magulang. "Si Ice Zuniga po, future girlfriend ko."

Nakita ni Nathan na parang namilipit si Laurie sa gilid at si Nelson at Julienne naman ay nagsikuhan. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Ice, hinintay ang reasiyon ng mga magulang. Matagal na tinitigan ng ginang si Ice, walang kangiti-ngiti. Sinalubong naman ni Ice ang tingin ng Mama ni Nathan habang nakamasid sa kanya.

Kapagkuwa'y humakbang ito palapit kay Ice. "Nice meeting you iha. I like you already." Sabi nito sabay yakap sa dalaga. Nabigla silang pareho ni Nathan pero napangiti na rin lalo na nang tumawa ng malakas ang Papa ng binata.

"Come on, let me tell you stories about my son's childhood." Inakay nito si Ice palayo kay Nathan.

"Ma!" protesta naman ng binata na ikinatawa ng Papa nito at mga kaibigan nila.

"Oh don't worry, I won't tell her you have a penchant for girls who wears tattered shorts and jeans gaya ng suot ni Ice ngayon." Kumindat pa ang Mama ni Nathan bago siya tinalikuran.

"Kaya pala!" tukso nina Julienne at Laurie.

"Oh god, kill me now," pabagsak na sumandal na lang si Nathan sa mga unan niya habang umaalingawngaw ang tawanan sa silid.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro