Ten - Color Me Scared to Death
Nanigas si Ice sa pagkabigla sa walang babalang paghalik sa kanya ni Nathan. Alam niyang dapat siyang magalit sa kaibigan sa kapangahasang ginawa nito pero kusang nagsara ang mga talukap ng mga mata niya. Kasabay ng pagpikit ni Ice ay ang pagkalat ng isang nakakapanghinang kilabot sa buong katawan niya. She went limp for reasons unknown to her.
Hindi niya napaglabanan ang panlalambot ng tuhod, naitukod ni Ice ang magkabilang palad sa pinto ng truck ni Nathan na kinasasandalan niya. Nakatunog yata ang binata sa nangyayari sa kanya kung kaya ang mga kamay nitong kanina ay nasa magkabilang gilid niya ngayon ay bumaba sa beywang niya. Nang dumapo ang magkabilang palad nito sa beywang ni Ice ay nakaramdan ang dalaga ng pagsigid ng init sa kabila ng suot niyang t-shirt.
Hindi man gumaganti sa halik ni Nathan si Ice ay sapat na sa binata ang reaction na nakukuha niya mula sa dalaga. Mas mabuti na iyon kesa sa blatant rejection na inasahan na niyang matatanggap pero hindi nangyari. Hindi pa nangyayari dahil siguradong shocked pa si Ice.
Pero pihadong kapag nahimasmasan ito ay hindi lang sampal ang aabutin niya. Baka nga hindi na siya kausapin nito kahit kailan. But Nathan was willing to risk it all. Kesa manghula siya nang manghula, he took matters in his own hands. Gusto niyang madiskubre kung ano ang meron sa kanilang dalawa at ganoon na lang kung mag-alala siya para sa dalaga.
Sa tingin niya kasi he would never find out kapag hindi siya kumilos dahil kung si Ice ang hihintayin niya walang mangyayari. The girl is as stubborn as a mule. Mas matigas pa ang ulo nito kesa sa kanya. With one last gentle bite on her lower lip, he decided to stop kissing her and face the consequences.
Handa na rin naman siya kung ano man ang mangyayari. Ang importante sa kanya wala siyang pagsisihan dahil hindi niya ginawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa beywang ni Ice at kinintalan ng isang masuyong halik ang tungki ng ilong nito.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Ice sa binata nang tuluyan na siya nitong bitiwan. Bumiling sa kaliwa ang ulo ni Nathan sa lakas ng pagkakasampal ni Ice. Hindi ito nagreklamo kahit na nang humarap uli ito sa dalaga. Walang makikitang bakas ng pagsisisi sa mga mata ni Nathan.
Bagkus, parang naghahamon pa ang tingin na ipinukol nito kay Ice. May kung ano'ng damdamin ang pinukaw ng halik na iyon ni Nathan sa kanya. Iyon mismo ang bagay na ikinaiinis ni Ice kaya niya nasampal ang binata. He doesn't have the right to rouse such feelings lalo na at hindi siya handa para doon.
"I'm not sorry." Matigas na sambit ni Nathan.
"You should be! Akala ko ba magkaibigan tayo? That was foul, Nathan!"
"Nagpapakatotoo lang ako. Tell me Ice, ganyan ka ba katigas para hindi maramdaman na may kung ano'ng meron sa pagitan nating dalawa?" Gagad ni Nathan. Nakikita ni Ice ang pag-igting ng mga ugat nito sa leeg sa pagpipigil na sumigaw.
"For god's sake Nathan! Kaka-break ninyo lang ni Phoebe, kami rin ni Kurt. Isn't it too soon for this?" Parang nahahapong napasandal uli si Ice sa truck ni Nathan.
Bahagyang kumalma ang binata sa nakikita kay Ice. He took a step closer to her ang touched her face with the tip of his forefinger. Napapikit si Ice, sumisigid na naman ang kakaibang kilabot na naramdaman niya kaninang hinalikan siya ni Nathan. This time, nagmumula ito sa bawat bahaging dinadaanan ng dulo ng daliri ng binata.
Napalunok si Ice nang magsimulang mag-iba ang kabog ng dibdib niya. Ayaw na muna niyang i-entertain sa isipan kung ano ang ibig sabihin ng mga ikinikilos ni Nathan o ang reaction niya dito. Masyadong maraming nangyari, her brain can hardly keep up.
"Phoebe is irrelevant sa ating dalawa Ice. Ang sinasabi ko lang, I'm willing to find out what's this thing between us. It's too soon to say I love you dahil alam kong hindi ka maniniwala. Ako rin naman, hindi ko pa tiyak kung ano itong nararamdaman ko sa iyo. Pero ang alam ko, hindi ito wala lang." He said softly.
She bit her lip, tila nagtatalo ang kalooban. Tumingala ito kay Nathan at nagsalita, "Ipokrita ako kung sasabihin kong wala lang ito. I must admit hindi kita sinampal sa dahilang hinalikan mo ako ng walang paalam."
Nagulat man, hindi nagpalahata si Nathan. Nilukuban ang binata ng isang masayang pakiramdam sa kaalamang hindi naman pala nagagalit sa ginawa niyang kapangahasan ang dalaga. "Then what?" Hinawi niya ang tumabing na buhok ni Ice sa gilid ng kaliwang mata nito at inipit sa tainga ng dalaga para mas lalo niyang makita ang mukha nito.
Ice bent down her head suddenly feeling shy and exposed. She toed the small rock she saw near her feet. Nahihiya siyang magsabi kung ano ang tumatakbo sa isip niya. This is a first, normally naman kasi hindi siya nangingiming sabihin sa binata kung ano ang iniisip niya. Pero ngayon parang gusto niyang pagsisihan ang binitiwang mga salita.
"Hey, it's okay. You can talk to me," masuyong itinaas ni Nathan ang mukha ng dalaga by gently cupping her chin.
"You made me confused."
Nathan sighed pero tumango siya tanda na naiintindihan niya si Ice. He dropped his hand and took a step back. "I know it is a bit too much but I'd like to ask you one thing."
"Ano iyon?" Kumabog na naman ang dibdib ni Ice sa narinig pero pinili niyang huwag itong pansinin. Sinikap niyang i-focus ang atensyon kay Nathan.
"Kapag handa na tayong pareho, puwede bang bigyan natin ng pagkakataon itong bagay na namamagitan sa ating dalawa?"
She smiled shyly and nodded her head.
"Can we seal the deal with another kiss?" Pilyong tanong ng binata.
"Sobra na 'yan ha? Pananamantala na ang tawag diyan!" Pinandilatan ni Ice si Nathan.
"Can't blame me for trying." Nakatawang sabi ni Nathan bago nito inakay si Ice papasok sa bahay ng mga Cruz.
Miles was trying her best na itago ang matinding galit at selos na nararamdaman niya nang magkasabay na bumaba sa basement sina Nathan at Ice. Inaalalayan pa ng binata ang babae sa siko habang naglalakad itong nakasaklay. Ang arte lang talaga. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Ice at nasilo nito si Nathan ng ganun lang.
Sumalubong ang mga kaibigan ni Ice sa kanilang dalawa ni Nathan. Naikuwento kasi ni Miles kanina ang nangyari. Napatayo rin si Nelson when the two of them came into view. Nag-aalalang mga tanong mula sa iba pa nilang kaklase ang narinig niya bago niya hinamig ang sarili at tumayo para lumapit sa dalawa kahit na ang gusto talaga niyang gawin ay sabunutan si Ice.
"Nate," singit ni Miles mula sa likod ng nagkukumpulan nilang kaklase.
"Miles. Heto ang susi ng truck ko, magpahatid ka na kay Nelson. Sorry kanina binabaan kita, kamuntik na kaming madisgrasya ni Ice." Sabay abot kay Miles ng susi.
"Salamat. Ayos lang ba kayo?" Kunwari ay concerned na tanong ni Miles. Kailangan niyang magpanggap sa harap ni Nathan.
"Oo. Salamat." May kasamang ngiti ang sagot ng binata sa kanya bago siya tinalikuran para harapin ang mga tanong nina Laurie at Julienne.
Pagkatapos maibigay kay Nelson ang susi ay sumunod siya sa kaklase paakyat para umuwi. Labag man sa kalooban niya ay wala na siyang magawa dahil halatang ayaw iwanan ni Nathan si Ice. Naiinis siya pero kailangan niyang magtimpi. Tuloy ay wala silang imikan ni Nelson habang nagda-drive ito.
"Miles, magkaibigan naman tayo di ba?" Basag ni Nelson sa katahimikan.
"Oo. Why?"
"Gusto ko sanang hilingin sa iyo na tigilan mo na si Nathan."
"What do you mean?"
"I knew what have you been doing behind his back." Simple pero malaman ang binitiwang pahayag ni Nelson, nasa kalsada nakatutok ang mga mata nito.
Marahas na bumaling kay Nelson si Miles at hinawakan ang binata sa braso, bumabaon ang mga daliri nito sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. "Paano mo nalaman?"
"Kay Phoebe."
"Y-you m-mean.." Utal na sambit ni Miles. Ibig sabihin ay wala itong alam sa ginawa niya bukod sa paninira niya sa relasyon ni Phoebe at Nathan.
"Bakit mo iyon ginawa? Hindi ko alam na ganyan ka kadesperada para makuha si Nathan. Pero sa ginawa mo mas lalo ka lang niya lalayuan. Hindi ako nagsumbong kay Nathan na alam kong ikaw ang may kagagawan kung bakit naghiwalay sila ni Phoebe dahil magkaibigan din tayo."
"Please huwag mong sasabihin sa kanya Nels, ayaw kong kamuhian ako ni Nathan. Please," naiiyak na pakiusap ni Miles sa binata.
Bumuntong-hininga si Nelson. Naiipit siya sa dalawang nag-uumpugang bato. Alam niya ang damdaming inaalagaan ni Miles para kay Nathan pero alam rin niya hindi masusuklian ni Nathan ang nararamdaman ng dalaga.
"Hindi ako magsusumbong kay Nathan pero kapag nagtanong siya sa akin ay sasabihin ko ang totoo. Iyan lang ang tanging maipapangako ko sa iyo."
"That's good enough. Thank you Nels."
Natapos na din nila ang unang phase ng project nila na pinaglamayan nila ng ilang gabi sa bahay nila ni Nelson. Naipasa na rin nila sa instructor ang pinaghirapang project at ngayon ang araw na ibabalik na sa kanila ang graded plates. Kanina pa tapos ang klase at kagat na ang dilim sa buong paligid pero naroroon pa rin sila sa SFDSU at naghihintay ng assessment ng guro. Kailangan nila iyon para sa phase two ng proyekto.
Galing sa labas si Nathan at kababalik lang niya. Tapos na sa assessment sa kanya ang guro, lumabas lang siya para sumaglit sa Chess Club. Hinihintay niyang matapos ang mga kaibigan kung kaya hindi pa siya nakakauwi. Nagtaka siya nang hindi niya mahagilap si Ice.
"Lau, si Ice?" tanong niya sa kaklase na katabi ni Nelson sa upuan.
"Nag-CR lang iyon." Sagot ni Laurie na hindi tumitingin kay Nathan.
Sumandal sa kinauupuan si Nathan at humalukipkip. Sinikap niyang makinig sa guro baka sakaling may mapulot pa siya na puwede niyang gamitin sa sariling project. Si Julienne na kasi ang ina-assess nito. May nagtawanan mula sa likod niya kung kaya napalingon din si Nathan sa direksiyon ng mga kaklase. Babaling na sana siya sa unahan nang mahagip ng tingin niya ang isang bagay na tila pamilyar sa kanya.
Kunot-noong tinitigan niya ang nakaagaw sa kanya ng pansin. Mula sa isang gym bag na nakapatong sa upuan ay nakita niya ang isang itim na hoodie sa ibabaw nito. Kung tutuusin walang interesante sa bagay na iyon kaya lang nakita niyang may accents ito na kulay pink. Ang mas lalo niyang ipinagtataka ay kawangis iyon ng nakita niyang suot ng taong tumulak kay Ice sa escalator sa mall.
Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano dahil kilala niya ang may-ari ng upuang kinapapatungan ng gym bag pati na rin ang gym bag mismo. Kay Miles iyon. Baka naman nagkataong magkatulad lang ang hoodie ni Miles at ng taong nagtangka kay Ice? Unti-unti niyang binalikan ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Mula noong acquaintance party hanggang sa nangyari sa mall. Pati na rin ang ang pagkakapulot niya ng parehong hoodie ni Miles sa hagdan sa basement.
Hindi kaya? Hinanap ng mga mata ni Nathan si Miles pero hindi niya makita ang dalaga sa loob ng silid aralan. Kinakabahan na siya pero pinanaig niya utak, hindi ito ang panahon para mag-panic. Dumukwang uli siya sa gawi nina Nelson, "Si Miles?"
"Lumabas din, halos kasunod lang ni Ice. Nakalimutan daw niya ang cellphone niya sa kotse." Pakiramdam ni Nathan ay nanlaki ang ulo niya sa narinig, sunod-sunod na rin ang kabog ng kanyang dibdib.
Nagulat ang mga kaklase nila nang biglang tumayo si Nathan at mabilis na lumabas, hindi na nito pinansin ang pagtawag ng mga kaibigan maging ang nagtatakang guro. Aandap-andap ang kaloobang nagpunta siya sa ladies room para tingnan kung naroon si Ice pero wala nang tao doon. Pagkatapos ay patakbong binaba niya ang hagdan. Nakasalubong niya ang isa pa nilang kaklase na paakyat naman.
"Lucas, nakita mo ba si Ice?"
"Kausap si Miles sa parking lot kanina lang. Bakit?"
"Shit!" Iyon lang tinakbo na kaagad ni Nathan ang direksiyon ng parking lot. His fear already took hold on him. Wala na siyang naiisip pa kundi ang kaligtasan ni Ice. Bakit ba hindi niya kaagad napagtagpi-tagpi ang pangyayari?
Narating na niya ang parking lot kung at nagpalinga-linga siya pero hindi niya matagpuan ang dalawang babae. Kahit ang kotse ni Miles na kanina lang ay naka-park di kalayuan sa truck niya ay hindi niya makita. Nasaan na ang dalawa? Dinukot niya mula sa bulsa ang cellphone at sinubukang i-dial ang number ni Miles. Nag-riring lang ang telepono nito pero hindi ito sumasagot.
Napamura uli si Nathan. Saan dinala ni Miles si Ice? Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng babae dahil hindi ganoon ang pagkakakilala niya dito. Hindi alam ang gagawin, napasandal na lang si Nathan sa truck niya. Nasa ganoon siyang ayos nang madatnan siya nina Julienne, Nelson at Laurie.
"Ano ang nangyayari? Bakit hindi pa bumabalik si Ice?" Nag-aalalang tanong ni Nelson.
"Kasama niya si Miles. Sinubukan kong tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko." Ani Nathan, fear written on his face.
"Ano?! Baliw na talaga ang babaeng iyon. Hindi ko akalain na magagawa niya ito out of desperation. Akala ko pa naman malinaw na ang usapan namin." Si Nelson.
"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Nathan. Napatuwid siya ng pagkakasandal sa truck niya.
"Si Miles ang nagpi-feed ng kasinungalingan kay Phoebe kaya nakipaghiwalay sa iyo ang pinsan ko. Nag-usap kami kamakailan lang, sinabi kong alam ko kung ano ang mga pinanggagawa niya. Nangako naman siyang titigil na basta huwag ko lang sabihin sa iyo." Pag-amin ni Nelson.
"Shit! Hindi iyon ang inaalala ko. Nitong nakaraan ilang beses nang kamuntik mapahamak si Ice. Hula ko ay si Miles ang may kagagawan."
"Teka, bakit hindi namin alam ito?" Nababaghang tanong ni Julienne. "Nathan? Ano ang nangyayari? Walang naikukwento si Ice."
"Ayaw lang niyang mag-alala kayo," panimula ni Nathan. Pagkatapos noon ay ikinuwento na niya ng buo ang pangayayari pati na rin ang suspetsa niya tungkol kay Miles dahil sa hoodie na nakita niya.
"Lintek talaga itong si Miles." Gigil na sambit ni Laurie.
"Ano ang kailangan nating gawin guys? Baka kung ano na ang nangyayari sa kaibigan natin," naiiyak na saad ni Julienne.
"I-report na natin sa pulis." Suhestiyon ni Nelson.
Magsasalita pa sana si Nathan nang mag-ring ang cellphone niya. Ayon sa caller ID niya ay si Miles ang tumatawag. Itinapat niya ang hintuturo sa bibig para ipaalam sa mga kasama na huwag silang maingay bago niya tinanggap ang tawag. "Miles."
"Wrong dear, hindi ito si Miles." Anang boses babae sa kabilang linya.
"Sino ka? Nasaan si Miles at si Ice?!" Hindi na napigil ni Nathan ang sarili at napasigaw na siya.
"You'll find out soon enough. I'll send you the directions but I am warning you, huwag kang magkakamaling magsumbong sa mga pulis kung gusto mong madatnang buhay ang mga babaeng ito. I have eyes watching you." Then the call got disconnected.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro