Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Six - Boom

Nanlaki ang mga mata ni Ice nang mapagsino ang may-ari ng mga matang kanina lang ay ina-admire niya. Paanong nangyari na katabi niya si Morales? Wala siyang natandaang nangyaring ganito kagabi.

"Good morning beautiful," malat ang boses na bati nito kay Ice. Hindi man lang nagulat sa nakikitang reaction ng dalaga. Nag-inat pa ito bago muling isiniksik muli ang sariling ulo sa balikat ng katabi.

"Bakit katabi kita?" pilit na kumakawala si Ice sa kapit-tukong si Nathan.

"Shh..not too loud. Tulog pa silang lahat." Saway ni Nathan. Hindi man lang nito pinansin ang nauna niyang tanong.

"Wala ako sa mood makipaglokohan sa iyo Morales," dinakma niya ang buhok ni Nathan sa bandang likod ng ulo nito at itiningala para matitigan niya ito sa mata. Her eyes narrowed in warning.

"Masungit ka pala sa umaga." Tila hindi apektado na nakangiti pang turan ni Nathan.

Mas lalong naningkit ang mga mata ni Ice. Nag-isang linya na yata ang kilay niya sa ginagawang sadyang pag-iwas ni Nathan na sagutin ang tanong niya.

"Hey chill, aga-aga nagsusungit ka na. May nakahiga na sa mattress ko kagabi. Ayaw ko siyang katabi kaya.." ibinitin nito ang sasabihin.

"Kaya dito mo isiniksik ang sarili mo sa mattress namin ganun?"

"It's either you or Miles." Parang giniginaw na nangaligkig pa ito, tila diring-diri sa ideya na makatabi si Miles sa pagtulog.

"Ano ba ang ayaw mo kay Miles? Sobrang ganda kaya niya."

"Ikaw nga ang tatanungin ko, kung ako ikaw ano ang gugustuhin mo sa kanya bukod sa magandang mukha?"

"Ako ang unang nagtanong tapos babatuhin mo lang din ako ng isa pang tanong." Sinabunutan ni Ice si Nathan bagay na ikinatawa nito. He untangled her hands away from his hair.

What happened next ay hindi inasahan ni Ice. He brought her fingers to his mouth and bit playfully on them. Sa pagkabigla ay marahas na binawi niya ang kamay. Dahil sa bilis ng naging reaction niya ay gumalaw ang tuhod ni Ice na kasalukuyang nakaipit sa mga binti ni Nathan. Maagap namang napigilan ni Nathan ang pag-igkas ng tuhod ng dalaga.

"Spare the family jewels Ice. Nakasalalay sa akin ang pagdami ng magandang lahi ng Morales!"

Hindi na niya napigilan ang pagtawa pagkatapos magsalita ni Nathan. His face was hilarious. Mabilis namang inagapan ni Nathan ang bibig ni Ice dahil siguradong magigising ang mga kaklase nila. Ganoon pa man kahit nakatakip ang palad ni Nathan sa bibig ni Ice, hindi ito natigil sa kakatawa.

"Ang agang harutan ah. Uso ang mag-extend ng tulog." They heard Julienne mumbled before she turned on her side paharap kay Laurie sa kabila.

Natigil sa katatawa si Ice pero saglit lang. Sabay na silang natawa ni Nathan sa tinuran ni Julienne.

"Ingay mo kasi." Ani Nathan.

"Kasalanan mo. Tsk, tumalsik na tuloy ang antok ko."

"Breakfast na lang tayo, imposible nang makabalik pa tayo sa pagtulog pareho. What do you think?" Tanong ni Nathan.

"Tara. Pero libre mo." Bumangon na si Ice.

"Sige. Kita tayo sa front door in ten?"

"Okay." Iyon lang at inimis na ni Ice ang pinaghigaan. Tiniklop niya ang ginamit na kumot at isinauli kay Nathan. Pagkatapos ay kanya-kanya silang pasok sa banyo. Si Ice ang gumamit ng banyo na nasa tabi ng servant's quarters habang si Nathan naman ay doon sa banyong kanugnog ng guest room nina Nelson.

Halos sabay din silang natapos, nagkatawanan pa nga sila nang magkita sa kitchen. Magkapanabay na tinungo nila ang front door at lumabas, si Nathan papuntang garahe samantalang si Ice ay tinungo ang bakal na gate. Dala ni Nathan ang truck nito na kasalukuyang naka-park sa garahe nina Nelson. Si Ice na ang nagbukas ng gate at nang makalabas na ang sasakyan ay muli na niyang isinara iyon.

Nathan sat behind the wheel and let the engine run idly while waiting for Ice to finish securing the gate. Hindi nagtagal ay bumibiyahe na sila patungo sa branch ng Pancake House sa labas lang ng village nina Nelson. Hindi naman kalayuan ang lugar kung kaya wala pang twenty minutes ay narating na nila iyon.

Tuloy-tuloy silang pumasok sa lugar at umorder ng makakain. Pareho silang umorder ng Caramel Banana Walnut Waffle pero magkaiba lang sa side, country sausage ang pinili ni Nathan at crispy bacon crisps naman ang kay Ice. Nathan chose Cappucino to go along with his order and brewed coffee for Ice.

"Nga pala, what time kayo pumasok ni Nelson kagabi?" naisipang itanong ni Ice habang ngumunguya.

"Around 2:00 AM na yata."

"That late? That means kaunti lang ang naitulog mo? Magsi-six pa lang ngayon."

"Apparently." Tumingin si Nathan kay Ice, "Tama yata ang prediction mo kagabi about me and Phoebe."

"Ha?" Nabiglang tanong ni Ice, "Don't tell me break na kayo?"

"Mukhang doon ang kahahantungan." Kibit-balikat na tugon ng binata.

"Wait, rewind. Paano nangyari iyon? Nagkita ba kayo after na makapasok ako?" Naguguluhang tanong niya.

"No. 'Yong tawag na iyon mismo, she asked for space." He scoffed. "It's as good as over, right?"

"Not necessarily. Sometimes, nangangailangan din tayo ng space para makapag-isip. Ginawa na rin namin ni Kurt iyon. Sa amin kasi although hiningi ko iyon sa kanya, hindi ibig sabihin noon free kaming makipag-date sa iba. In my case, he must have misunderstood kasi habang nag-iisip ako, 'ayun kung sinu-sino ang kasama."

"So it is safe to assume may pag-asa pa kami?"

"Tanungin mo muna ang sarili mo, umaasa ka pa ba?" Balik tanong ni Ice.

"I don't know Ice. I don't know anymore."

"Kung kaya pang isalba, gawin mo. Mararamdaman mo naman kung hindi na." She smiled at him, trying to ease his pain. Tumango lang si Nathan at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya si Ice na umorder ng take-out para dalhin sa mga kaibigan niya. She's hoping na gising na ang mga ito sa pagbabalik nila. Bitbit ang inorder ay lumabas na sila ni Nathan. Pababa na sila sa isang baitang na konkretong entry step ng restaurant nang namali ng apak si Ice. Dumaplis ang sapatos niya sa gilid ng semento kung kaya nakabisala ang pag-apak niya.

Napasigaw siya sa sakit when she felt her ankle twist. Bago pa man siya bumagsak, nadaluhan na siya ni Nathan. Sumigid ang sakit sa paa niya nang itangka niyang igalaw iyon. Yes, her ankle was indeed sprained.

"Kaya mo bang tumayo?" Nag-aalalang tanong nito kay Ice. Umiling ang dalaga. Masama ang lagay ng paa niya. Maya-maya lang ay alam niyang mamamaga na ito kapag hindi naagapan.

"Get on my back." Alok ni Nathan.

"What?"

"I said get on my back. Hindi mo kayang maglakad. Akina ang mga bitbit mo," kinuha nito sa pagkakahawak ni Ice mga plastic ng take-out na inorder niya kanina.

"Can't you just support me or something papunta sa truck mo?"

"And then what, you're just going to hop along the way? Medyo nasa dulo ng parking lot ang truck ko."

Wala na nga talaga siyang choice dahil kahit dalhin pa ni Nathan ang truck nito malapit sa entrance ng restaurant, walang lulugaran iyon dahil makitid lang naman ang space doon. Hindi kakasya ang sasakyan nito.

"Mabigat ako, huwag kang magrereklamo mamaya kung mabalian ka."

"Ang dami pang satsat. Bilis na." He said impatiently.

Mumbling under her breath, kumilos na si Ice. Inalalayan siya ni Nathan na makatayo para masigurong walang bigat niya ang mapunta sa injured niyang paa. When she managed to stay upright, he turned his back on her and bent his knees.

"Put your arms around my shoulders, not directly on my neck. You'll choke me to death." Natatawang saway nito kay Ice nang makasampa ang dalaga sa likod niya.

"Stop giving me ideas if you still want to live Morales."

"Subukan mo. Hagis kita sa d'yan sa highway." Pabirong banta ni Nathan. Ginantihan naman iyon ni Ice ng mahinang pagsabunot sa buhok nito. Natawa na lang silang pareho habang nilalakad ni Nathan ang natitirang espasyo papunta sa truck nito.

Hindi nila napansin ang isang pares ng mga matang tila nagliliyab sa galit habang nakasunod ang tingin sa kanilang dalawa. Nilakumos nito ang hawak na paper cup, hindi alintana ang likidong lumigwak sa kamay nito.

"Akin ka lang Nathan." Bulong nito sa sarili bago itinapon sa tabi ang hawak at umalis sa lugar na iyon.

Habang nagbibiyahe sila pabalik sa bahay nina Nelson ay sinubukang tawagan ni Ice sina Laurie at Julienne pero parehong hindi sumasagot ang dalawa. Pihadong tulog pa ang mga ito.

"Try Nelson. Baka gising na iyon." Sabi ni Nathan kasabay ng pagbigay nito kay Ice ng sariling cellphone. Tinanggap naman ni Ice iyon at hinanap ang number ni Nelson sa contacts ni Nathan at nagdial. Tatlong ring lang at sinagot na ni Nelson ang telepono.

"Yo bro, where you at? Kasama mo ba si Ice?" bungad kaagad ni Nelson.

"Nels, ako 'to. Nagbreakfast lang kami sa Pancake House, pabalik na kami diyan. Nathan's driving. I'm putting you on speaker." Pagkatapos pindutin ang loudspeaker ay ipinatong ni Ice sa dashboard ang cellphone ni Nathan.

"Nelson bro, pakisalubong kami sa gate. Ice sprained her ankle and I need help with these take-outs na dala namin para kina Julie at Laurie. I assume tulog pa sila?" Si Nathan.

"Oo, sleeping like newborn babies."

"I need ice packs too and some bandages to wrap Ice's ankle with bago ko siya dalhin sa doktor para matingnan ang paa niya," patuloy ni Nathan.

"Consider it done bro. Anything else?"

"That's all. Thanks."

"Okay. See you in a few." Iyon lang at natapos na ang pag-uusap nilang dalawa.

Hindi nagtagal ay natatanaw na nilang pareho ang gate ng bahay ng mga Cruz. Ilang sandali pa ay nakahimpil na sa tapat niyon ang sasakyan ni Nathan. Naunang bumaba ang binata mula sa sasakyan. Siya namang paglabas ni Nelson at tinulungan si Nathan sa mga bitbit nito.

Pagkatapos maipasa kay Nelson ang mga dala ay binalikan nito ang truck at binuksan ang pinto sa bahaging kinauupuan ni Ice. This time he didn't carry her on his back. Bagkus ay binuhat niya ito. Nangunyapit naman ang dalaga sa leeg niya.

"Are you sure kaya mo ang bigat ko?"

Hindi kumibo si Nathan. Basta na lang nito isinara ang pinto ng sasakyan gamit ang paa nito at humakbang na papasok sa loob ng bahay.

"You were saying?" mayabang na tanong nito kay Ice habang tinatalunton nila ang daan papasok.

"Oo na, ikaw na si Muscle Man."

Nasa front door na si Nelson, inaabangan ang pagpasok nilang dalawa ni Nathan. Nakabukas na rin ang pinto para hindi na mahirapan si Nathan sa pagbubukas niyon dahil karga siya nito.

"Sa living room mo na dalhin si Ice bro. Naihanda ko na rin ang kailangan mo."

"Thanks." At doon na nga rin sila tumuloy. Iniupo siya ni Nathan sa sofa. Umupo rin ito at kinuha ang injured niyang paa upang ipatong sa kandungan nito. He removed her rubber shoes then her striped red and yellow socks.

Sinipat ni Nathan ang paa niya. Namumula na iyon at nag-uumpisa na ring mamaga.

"Kailangan muna natin lagyan ng ice pack ito for about ten to twenty minutes. Mamaya na natin i-wrap ng bandage tapos dadalhin kita sa doktor." Ani Nathan. Kumuha ito ng ice pack at pagkatapos balutin ng tela ay ipinatong sa paa niya.

"Hindi na kailangan. Sprain lang naman, sigurado akong hindi ako nabalian."

"We can do something about the swelling pero paano naman ang sakit? Kailangan pumunta tayo sa doktor dahil hindi ka puwedeng basta na lang uminom ng gamot."

"Wala akong allergies sa OTC pain relievers gaya ng Ibuprofen or Naproxen kaya okay na ako doon. Kailangan ko lang ingatan na huwag mapuwersa itong paa ko," she insisted.

"Are you sure?" paniniyak ni Nathan, hindi pa rin kasi siya kumbinsido.

"Oo. Paa ko ito kaya alam ko."

"Sige. Pero maapektuhan ang mobility mo niyan for the next forty eight hours. Paano ka papasok sa school?"

"Problema ba iyon? Aalilain muna kita pansamantala," tumaas-baba ang kilay ni Ice, hinting on something. Nasakyan naman agad ni Nathan ang ibig niyang ipahiwatig. Naiiling na natawa na lang ito.

"Oo na ba iyan?" pangungulit ni Ice.

"Oo." May magagawa pa ba siya? Siyempre wala.

"Pero kakailanganin ko magsaklay for the mean time. Alangan namang hanggang sa bahay namin bitbitin kita."

"Puwede rin naman ah, yaya mo ako hanggang sa inyo."

"Ayoko. Magigisa ka lang doon ng dalawang hinayupak kong kapatid." Iniisip pa lang ni Ice ang posibleng mangyari kapag napunta si Nathan sa kanila ay sumasakit na ang ulo niya. Hindi siya titigilan ng makukulit niyang kapatid sa katatanong.

"Talaga?" tila kumislap pa ang mga mata nito nang marinig ang sinabi niya, "E di masaya pala sa inyo kung ganoon."

"Ano'ng masaya doon? Nakakarindi ang ingay kamo. Kaya huwag mo nang pangarapin utang na loob." 

"One of these days isama mo nga ako sa inyo nang makilala ko naman ang mga kapatid mo pati parents mo."

"At bakit gusto mo silang makilala?" nagdududang tinapunan niya ito ng tingin.

"Wala lang, masama bang makilala sila? Magkaibigan naman tayo."

"Ah basta, bawal ka umapak sa bahay namin. Baka galisin ka din sa amin, maalikabok doon. Hindi kami mayaman, hindi bagay ang kutis mo doon."

"Balat kalabaw ako don't worry," pakli ni Nathan.

Umingos lang si Ice. Iginalaw-galaw niya ang paa. Kapagkuwa'y tinanggal ang nakapatong na ice pack at iniumang ang dalawang kamay kay Nathan.

"Help me up, naiihi ako."

"Doon ka na lang sa tabi ng guest room mag-CR mas malapit iyon at hindi mo na kailangan bumaba sa basement."

Ibinaba muna ni Nathan ang paa ni Ice na nakapatong sa kandungan nito bago ito tumayo para alalayan ang dalaga. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Ice para alalayan ito sa dahan-dahang pag-ahon nito mula sa kinauupuan.

Medyo masikip ang lugar para sa kanilang dalawa kung kaya bahagyang umatras si Nathan para bigyang daan ang papatayong si Ice ngunit hindi niya natantiya ang layo ng mesitang naroon.

Kasabay ng bahagyang paghatak niya kay Ice ang pag-atras niya. Dahil hindi naman siya nakatingin, bumangga ang likod ng tuhod niya sa mesitang naroon bagay na naging dahilan para mawalan siya ng balanse. Napapikit na lang siya when he felt himself fall, bringing Ice along with him. Automatically, he wrapped his arms around her to protect her and cushion her fall. Pareho silang hindi nakapiyok ni Ice sa bilis ng pangayayari.

They landed with a thud sa mismong sofa na kinauupuan nila kanina. He heaved a sigh of relief, mabuti na lang at hindi sahig ang binagsakan nilang dalawa. But his relief was short-lived.

The first thing which registered on his brain was the sweet scent of caramel and banana. Pagkatapos ay ang pakiramdam ng isang malambot na bagay against his lips. Wait, ano'ng meron sa bibig niya? Could it be? Hindi niya naituloy ang iniisip dahil nagsimulang sumikdo ang dibdib niya.

Ice felt the beginnings of Nathan's erratic heartbeat. When they fell, napapikit na lang siya. Realization dawned on her nang maramdaman niya ang biglang pagririgodon ng dibdib ni Nathan. Her heartbeat leapt in response to his; they found their lips pressed against each other.

********************

A/N: Soundtrack for the last scenes ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro