Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One - Surprise, Surprise

Maraming estudyante ang nagkalat sa hallway ng College of Engineering, kasalukuyan kasing idinaraos ang election day ng Student Government. Nakipagsiksikan si Ice para pumila kung saan sila dapat bumoto. Kasunod niya ang dalawang kaibigan na sina Julienne at Laurie.

"Grabe ha, it's so mainit. Nag-oover time ang aking mga sweat glands," reklamo ni Laurie.

"Nasa Pilipinas ka, natural na mainit." Si Julienne. Bagama't pinagpapawisan na rin ito, hindi ito mareklamo kagaya ng kaibigan nilang si Laurie.

"Kaunting tiis na lang girls, turn na natin. Kung bakit kasi hindi puwedeng sabay-sabay na pumasok eh marami namang upuan." Ani Ice.

"You've been telling me the same thing for the past thirty minutes or so," hirit ni Laurie.

"Alam mo.." panimula ni Julienne.

"Ssshhhh..quiet!" saway ni Ice, "'ayan na it's our turn."

Hindi na hinintay ni Ice ang mga kaibigan, nagpatiuna na siyang pumasok sa silid kung saan sila naka-assign na bumoto. Nakaupo na silang tatlo at nag-uumpisa nang magsulat ng pangalang napipisil nila para sa mga puwestong nakalista sa pisara.

"Julie.." tawag ni Ice sa katabing si Julienne.

"O?" Sumagot si Julienne pero hindi tumingin kay Ice, nasa sinusulatang balota ang pansin nito.

"Sino itong Nathaniel Morales? Fifth Year din siya pero hindi ko 'ata kilala?"

Sabay na napalingon ang dalawang kaibigan ni Ice sa direksyon niya.

"Seriously? Hindi mo kilala ang papable na si Nathan?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Laurie.

Iling lang ang sagot ni Ice. Hindi talaga niya kilala.

"Nate Morales, one of the reigning chess champions natin. Ka-team siya ni Erick Soler," bahagyang umusod ni Julienne palapit sa upuan ni Ice at naging pabulong ang boses nito, "'yung crush mo?"

"Talaga? Never heard of him." Kunot ang noo ni Ice, hindi talaga niya kilala ang tinutukoy ng mga kaibigan.

"Saang planeta ka ba nakatira?" Si Laurie, "kaloka ka, kaklase din natin siya sa ilang major subjects."

Irregular students silang tatlo, mas matanda lang siya ng isang taon kay Julienne at dalawang taon naman kay Laurie. Sa P.E. sila nagkakilala last semester at hindi nagtagal ay naging malapit sila sa isa't-isa kahit na magkakaiba ang personalidad.

Graduating na sila pero last semester lang nakumpleto ang P.E. subjects na dapat ay second year pa lang natapos na nila. Ayaw kasi nila sa P.E. kaya may mga semester na ipinagpapaliban nila ang pag-eenroll sa subject na iyon. Hanggang sa wala na silang choice, hindi sila gagraduate kung hindi kumpleto ang apat na P.E. courses nila.

"Tapos na ba kayo?" agaw ng tagabantay sa atensiyon nilang tatlo.

"Ay sorry. Tapos na ako. Kayo?" Si Ice.

"Done." Sagot ni Julienne.

"Ako rin. Tara na." Tumayo na si Laurie at naunang lumapit sa ballot box kung saan nila ihuhulog ang kapiraso ng papel na sinulatan nila kanina.

Lumabas na sila ng designated classroom for voting at nagkayayaan na pumunta sa cafeteria. Nagutom daw si Julienne. Kahit na hindi naman siya gutom, napahinuhod na rin si Ice. Si Laurie naman ay gustong takasan ang mainit na panahon, air conditioned kasi ang cafeteria ng St. Francis de Sales gaya ng mga silid-aralan nito.

Si Julienne lang ang pumila para makabili ng pagkain, naiwan sa mesa nila sina Ice at Laurie. Nagbilin na lang sila ng tubig sa kaibigan. Habang hinihintay nila na makabalik si Julienne, siya namang pagpasok ng isang grupo ng mga estudyante.

Abala si Ice sa pagpili ng kanta mula sa playlist niya nang maramdaman niya ang pagsipa ni Laurie sa paa niya sa ilalim ng mesa. Nang tingnan niya ang kaibigan, ngumuso ito sa direksyon ng grupo ng kakapasok lang na mga estudyante.

Naintriga naman si Ice, nilingon din niya ang mga ito. May bitbit na chessboards ang mga estudyanteng lalaking kakapasok lang. Nagsisimula na silang mag-set up ng chess pieces sa board na nakalatag sa mesang inokupa nila.

"Chess Team?" tanong ni Ice kay Laurie.

"Oo. Kasama ang crush mo, hindi mo napansin?"

Tiningnan muli ni Ice ang grupo ng mga ito. Kasama nga ng mga ito si Erick Soler, ang crush niya. Sinulyapan lang niya ang hinahangaan at ibinaling ang pansin sa kaharap.

"Ngayon nakita ko na siya. End of story."

"Ibang klase ka magka-crush ano? Isang sulyap lang ok ka na?" Natatawang puna ni Laurie.

"Ano ba dapat? Moon-eyed ako habang nakatitig sa kanya gaya ng iba d'yan?"

"Sino'ng moon-eyed?" Putol ni Julienne, nakabalik na pala ito.

"Kako isang sulyap lang kay Erick ok na siya," si Laurie.

"Hindi ko kailangan titigan siya ng titigan, ok na ako doon."

"Magkaiba naman kasi kayo Laurie, ikaw parang sinisilihan kapag nakikita mo o nakakausap si Nelson. Iba naman si Ice, isang sulyap lang n'yan kay Erick busog na."

"Shhh..marinig ka." Nag-aalalang saway ni Ice kay Julienne.

"Hindi niya maririnig, isa pa maingay naman sila."

Magsasalita pa sana si Ice nang mapatigil siya dahil biglang humawak sa braso niya si Laurie at parang baliw na niyugyog siya.

"Si Nathan!" impit na tili nito.

"Saan?" halos magkapanabay na tanong nina Ice at Julienne.

"Papalapit sa table ng Chess Team," sabi nito pero hindi tumitingin sa tinutukoy, sa kanilang dalawa nakatuon ang mata nito.

"Crush mo ba si Nathan? Ba't ganyan ka kung umarte?" nagtatakang tanong ni Julienne.

"Gaga hindi. Loyal ako kay Nelson."

"Eh bakit nga?" hindi na nakatiis si Ice, nagtanong na rin.

"Kasi kasama si Nelson!"

Lumingon na rin si Ice sa direksiyon ng grupo ng Chess team. Kilala niya si Nelson, so malamang 'yung matangkad na katabi nito ang tinutukoy ni Laurie na si Nathaniel Morales.

Hindi niya mabistahan ang mukha, nakatalikod kasi ito. Matay man niyang isipin, hindi talaga niya kilala ang lalaki. Bumaling siya sa kaibigan at nagkibit-balikat.

"So siya pala 'yung tinutukoy ninyo. Mukhang mas guwapo pa rin si Erick."

"Ay naku girl, milya-milya ang layo ng karakas niyang si Nathan kay Erick mo. Wait until you see his face. Tingnan ko lang kung hindi ka magbago ng crush." Tila siguradong pahayag ni Julienne.

"Hindi ako nagka-crush kay Erick dahil lang pretty boy siya, hindi ako basta-basta nagkaka-crush. The reason why I like Erick because may character siya at may brains, hindi lang basta mukha."

"Brains ba kamo? Dean's lister si Nathan since first year. Character? Get to know him." Nakakaloko ang ngiti ni Laurie.

"Para ano? Hindi naman ako interesado sa kanya."

"This Friday, Acquaintance Party na ng College of Engineering. Mas makikilala natin ang mga kaklase natin base sa description na ilalahad ng magiging random partner nila for that night. Makinig ka sa kung sino man ang makakapartner ni Nathan." Si Julienne.

"Same as the previous years ba itong Acquaintance?" tanong ni Ice.

"Oo. Saya di ba? Kaya huwag kang aabsent," sagot ni Laurie.

Taon-taon kasi tuwing second semester Acquaintance Party ng College of Engineering, random na pinapareha ang bawat estudyante sa kanilang kaklase sa pamamagitan ng palabunutan.

Kung sino ang makakakuha ng parehong numero na nakasulat sa isang piraso ng papel ang magiging magkapareha. Bawat klase ay sabay-sabay na magkakaroon ng Acquaintance Party sa gabing iyon.

Kikilalanin ng magkapares ang isa't-isa sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga personal na bagay tungkol sa kapareha. Nasa parehong magkapareha na rin ang desisyon kung ano'ng mga bagay ang pahihintulutan nilang ihayag ng isa't-isa sa buong klase.

Dumating ang Biyernes, alas otso na ng gabi. Tinatalunton ng tatlong magkakaibigan ang hagdan paakyat sa Room 204 kung saan naroon ang Acquaintance Party ng klase nila.

Dapat kaninang alas siete y medya pa sila nandito kung hindi lang sinumpong ng pagsama ng tiyan si Laurie. Medyo late na sila, hindi naman siguro magagalit ang class adviser nilang si Professor Gaitan.

Pagdating nila sa pintuan ng classroom, pumirma silang tatlo sa attendance sheet. Pagkatapos ay pinabunot sila ni Professor Gaitan ng numero at tiningnan sa listahan kung sino ang makakapareha nila sa gabing ito.

"Shit! Si Nelson ang makakapartner ko!" hindi mapigilan ni Laurie ang impit na pagtili nang makitang si Nelson ang nakabunot ng number 9 sa listahan, kagaya ng nabunot ni Laurie.

"Nariyan na si Nelson, puntahan mo na siya para mapag-usapan ang ilalahad ninyo mamaya sa buong klase." Napangiti si Professor Gaitan sa nakikitang excitement ng estudyante.

"Yes sir," bumaling si Laurie sa kanila, "maiwan ko na kayo girls, wish me luck." Iyon lang at walang lingon-likod itong pumasok sa classroom.

"Good luck," sabay na pahabol nina Ice at Julienne.

"Sino ang susunod?" tanong ni Professor.

"Ako po." Mabilis na prisinta ni Julienne. Hinayaan na lang ni Ice na mauna ang kaibigan, hindi naman siya excited kaya ayos lang.

"Sino ang makaka-partner mo Julie?" curious na tanong ni Ice nang makabunot na si Julienne.

"Teka hinahanap pa ni Professor, baka wala pang nakabunot ng number 28."

"May nakabunot na. Si Balmaceda."

"Ah si Martin. So paano, mauuna na ako?" paalam ni Julienne.

"Sige. Susunod na ako maya-maya ng kaunti."

"Ikaw na Miss Zuniga."

"Opo," lumapit siya sa mesang kinalalagyan ng kahon at bumunot ng isa. Dahan-dahan niyang binuksan ang naka-rolyong kapiraso ng papel, number 1 ang nabunot niya. 

Ipinakita niya iyon sa adviser at inilista naman nito ang numerong nakuha niya.

"Wala ka pang kapartner, Ice. Mayroon pang hindi dumarating. Hintayin mo na lang na lapitan ka niya mamaya, 9:00 PM pa naman mag-uumpisa ang activity. Marami pa kayong oras ng magiging ka-partner mo kung sakali."

"Sige po." Tinapon niya sa nakitang basurahan ng nabunot na numero.

"Kung nagugutom kayo ay marami namang pagkain sa loob."

"Ok sir."

Nang makapasok siya sa loob ng classroom nila ay hindi niya maiwasang ma-impress sa naging hitsura nito ngayon. May disco ball na umiikot sa kisame, kumikislap sa tama ng makukulay na ilaw na nakakalat sa paligid ng silid.

Sa isang sulok naman ang buffet table na puno ng iba't ibang pagkain at hindi kalakihang make-shift stage. Maluwag naman ang lugar lalo na at naging dalawang silid ang sakop nito ngayon, nakita niyang tinanggal ang movable partition na naghihiwalay sa silid nila at katabing silid nito.

May kanya-kanyang silid na nakatoka sa bawat section at year level. Malaki naman ang building ng College of Engineering kaya hindi naging problema ang space.

Nasulyapan niya sina Julienne at Laurie kasama ang mga kapartner nito sa gabing iyon. Kinawayan siya ng mga kaibigan kaya nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa direksiyon nila.

"Sino ang partner mo tonight Ice?" tanong ni Nelson nang makalapit siya sa umpukan nila. Hawak nito ang isang lata ng softdrink na paunti-unti nitong sinisimsim.

"Wala pa, sabi ni Prof ako pa lang ang nakabunot ng number 1," nakangiting sagot ni Ice.

"Ikaw na lang ang wala pang assigned partner. Tuloy nakakaintriga, sino kaya ang mamalasin na makabunot ng number na nabunot mo?" tatawa-tawang sabi ni Laurie.

"Sobra ka. Sinuwerte ka lang eh," palihim na kinindatan ni Julienne si Laurie.

"Kung sino man siya, goodluck sa akin." Si Ice.

"Uh-oh." Ani Laurie, lampas-lampasan kay Ice ang tingin. Kumunot ang noo ni Ice at nilingon kung sino ang umagaw sa atensyon ng kaibigan.

"Dito ba ang punta n'yan?" paanas na tanong ni Julienne sa mga kaibigan, parang wala silang ibang taong kasama samantalang nakamasid lang sina Nelson at Martin.

"I think so," tila wala sa sariling sagot ni Ice.

"Hi. Ice Zuniga, right?" tanong ng lalaking kanina lang ay pinapanood nilang naglalakad palapit sa kanila. Ngayon ay nasa harapan na ito ni Ice.

"Yes. Nathaniel Morales? Ikaw ang nakabunot ng number 1?" paniniguro ni Ice.

Naapakamot sa batok ang binata, sumilay ang isang maliit na ngiti sa mga labi nito.

"Unfortunately, oo. Ang malas mo ngayong gabi, sa isang boring na katulad ko pa ikaw na-partner."

"Hindi naman siguro." Sagot ni Ice.

"Ehem. Hi Nathan." Singit bigla ni Laurie.

"Hello Laurie, Julienne. So kayo-kayo ang magkapartner tonight?" nakangiting baling ni Nathan sa mga kaibigan ni Ice pati na rin sa dalawang lalaking nakatayo sa tabi nina Laurie at Julienne.

"Oo. Na-late ka yata?" Si Nelson. Base sa pananalita nito, mukhang malapit ito kay Nathan.

"Flat tire."

"Martin, kaunti na lang ang natitirang oras natin. Maya-maya lang magpi-present na tayo sa klase." Ani Julienne sa katabi.

"Oo nga ano, tara pag-usapan na natin kung ano ang gagawin mamaya."

"Ok. Alis muna kami guys, medyo maingay dito hindi kami magkarinigan." Hindi na hinintay ni Julienne na makasagot ang mga kasama at umalis na ito kasama si Martin.

"Kami rin. Although magkakilala na kami nitong si Laurie, kailangan pa rin namin pag-usapan. Tara," Inakay ni Nelson si Laurie at sumunod naman ang kaibigan pagkatapos mag-iwan ng isang makahulugang tingin kay Ice.

Napailing na lang si Ice sa inakto ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang big deal sa kanila na si Nathaniel ang kapartner niya sa gabing ito.

"So, shall we start?" tanong ni Nathan. Isang mahinang tango ang isinagot ni Ice sa binata.

Makalipas ang mahigit dalawampung minuto, nag-umpisa na ang activity nila. Nakapag-present na sina Julienne at Martin samantalang sina Laurie at Nelson ay hindi pa. Random din kasi ang pagbunot ni Professor ng number kung kaninong team ang magpi-present.

"Team 1," walang kaabug-abog na anunsiyo ni Professor Gaitan, "Zuniga and Morales."

Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ni Ice. Hindi siya sanay na center of attention. Sinulyapan niya ang katabi, cool pa rin si Nathan. Hindi man lang niya kinakitaan ng kahit ano'ng bahid ng tensiyon o kaba, hindi gaya niya na nag-uumpisa nang parang hinahalukay ang sikmura.

Halos sabay silang tumayo mula sa kinauupuan at umakyat sa make-shift stage. Buong kumpiyansang kinuha ni Nathaniel ang microphone mula sa stand at nag-umpisang magsalita.

"Hello classmates. Magandang gabi," nakangiting inilibot nito ang mga mata sa kabuuan ng silid. Tumugon naman ang mga kaklase nila sa pagbati ni Nathan.

Kapagkuwa'y bumaling kay Ice ang kasama. Ngumiti rin ito sa kanya. Dahil kinakabahan, alanganin ang ngiting iginanti ni Ice.

"My partner for tonight is Ice Zuniga. Classmate natin siya sa mga major subjects but gaya ko, kakaunti lang ang alam natin about her. Dahil sa activity natin tonight, napag-alaman ko na last semester na niya dito sa St. Francis. Dapat matagal na siyang graduate kaya lang na-delay because of financial constraints. She's currently working part time to support her studies," sinulyapan nito si Ice bago nagpatuloy, "She likes black for color, punk rock for music and she takes her coffee black, no sugar. She said she's blunt."

"Oh come one, give us the juicy details!" sigaw ng isang kaklase nila mula sa likuran na umani ng tawanan.

"I'm getting to that, 'wag ka masyadong atat Lucas," natatawang pakli ni Nathan kapagkuwa'y sumulyap uli kay Ice bago nagpatuloy, "Sorry folks but she's taken."

"By who? Kilala ba natin?" dinig ni Ice na tanong ni Lucas.

"By me. She's my girlfriend. She's the one I've been telling you about." Walang gatol na sagot ni Nathan, ni walang kakurap-kurap at seryoso rin ang mukha. Walang bakas ng kahit pinakamaliit na ngiti sa anyo nito.

Bigla ang pamumutla ng mukha ni Ice. Literal na nalaglag ang mga panga nina Julienne at Laurie sa narinig na pahayag ni Nathan.

"Ice?" humihingi ng paliwanag na tawag ni Julienne sa kaibigan na tila napako sa kinatatayuan sa ibabaw ng make-shift stage.

Iisa ang katanungan nila. Paano'ng nangyari iyon?

********************

A/N: Say hi to Ice Zuniga over there → → → → →

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro