Four - Relationships & Awkward Moments
"Err..awkward." Parang wala sa sariling sambit ni Ice.
Bumunghalit ng tawa si Nathan. Sapo nito ang tiyan na humakbang papalapit sa kanya. Inabot nito ang libreng kamay ni Ice at inilagay ang ginawa nitong papel na rosas. Yari iyon sa mismong papel na kinuha nito kanina sa loob ng kahon ng sigarilyo ng dalaga.
"I made these for you, something to remember me by at ang araw na naging magkaibigan tayo."
Napatitig si Ice sa tatlong kulay pilak na rosas sa palad niya. Napangiti siya at tumingin kay Nathan.
"Kaya patay na patay sa iyo si Miles dahil sa mga ganito mo eh."
"Baka ma-comatose iyon kung ginawan ko rin siya ng ganito. I wouldn't dare. Sa iyo lang kasi alam kong ipinanganak kang immuned sa charms ko."
"Minsan subukan mo rin na magpaka-humble ha?" Inilagay ni Ice ang mga papel na rosas sa loob ng sling bag niya.
"You don't find me attractive talaga?" biglang sumeryoso ang mukha nito.
Napasulyap si Ice sa kaharap, pinigilan niya ang sarili na matawa sa nakikitang anyo nito. She cleared her throat first before deciding to answer. "You're hot. There's nothing wrong with my eyes kasi nakikita ko naman iyon. Ang kulang lang siguro sa akin eh pagnanasa sa iyo." She said, trying to maintain a straight face.
Nathan's jaw literally dropped. "You...you.."
"What? Shocking? Face it Nathan, hindi lahat ng babae pareho ang mga preferences. Nagkataon lang siguro na hindi ako tinatayuan sa iyo."
"Ice!" tila naeeskandalong bulalas ng binata. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Si Ice naman ay ngingiti-ngiting humihithit-buga.
"Dumi ng utak mo dude. Hindi ako tinatayuan ng balahibo sa iyo kapag kasama kita o madikit ka sa akin." She dropped the cigarette butt on the pavement and stepped on it.
"Nasabi ko na ba sa iyo na bawal ang manigarilyo sa loob ng campus?" Naalalang itanong ni Nathan. Iling lang ang isinagot ni Ice dito. "Disciplinary action ang katumbas ng paglabag ng rule na iyon."
"I break rules from time to time. So sue me. Isa pa, iyon ay kung magsusumbong ka."
Napailing na lang si Nathan sa tinuran niya. "Tara na nga lang, balik na tayo. Lumalalim na ang gabi."
Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang tagpong iyon, nakapagpaalam na silang tatlo sa mga magulang nila tungkol sa pagsama sa mga kaklase sa paglalamay ng project nila sa bahay nina Nelson. Much to their surprise, hindi sila nahirapang magpaalam sa mga magulang.
Tinext na rin ni Nelson ang address ng bahay nito kung kaya't heto silang tatlo ngayon sa tapat ng gate ng mga Cruz, nagtuturuan kung sino ang pipindot sa doorbell para mapagbuksan sila.
"I-text mo na lang kaya?" Ani Laurie kay Julienne.
"Ikaw ang may number ni Nelson, bakit ako ang uutusan mo? Tawagan mo na lang para mas mabilis."
Habang nagtatalo ang dalawang kaibigan ay pahinamad na napaupo si Ice dahil nangangawit na siya. Gutom na rin siya, hindi pa siya nagdi-dinner simula nang madismiss ang panghuling klase nila sa araw na iyon. Natapos ang klase nila ng alas otso ng gabi. Quarter to nine na ng mga oras na iyon kung kaya medyo mainit na rin ang ulo niya.
She zoned out, shutting her friends' voices. She hummed a tune under her breath para kahit paano ay maibsan ang nararamdamang pagkainip. Hindi nagtagal ay narinig niyang bumukas ang bakal na gate. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sumunod sa mga kaibigan.
"Good evening girls. Pasok kayo." Bati ni Nelson sa kanila.
Sabay na gumanti ng pagbati sina Julienne at Laurie. Ice mumbled something akin to a greeting. Hinagod rin niya ng tingin ang kabuuan ng bahay ng kaklase. They must be loaded to afford such spacious house, aniya sa isip. Pero hindi halata kay Nelson na may sinasabi ang pamilyang kinabibilangan nito. He just doesn't look the part, down to earth din kasi.
"Tara, sumunod kayo sa akin. Nasa basement silang lahat."
"Sinu-sino ang nandito tonight?" tanong ni Julienne.
"Almost half of the class. You'll see pagdating natin sa basement." Iginiya sila ni Nelson papasok ng bahay, dumaan sila sa maluwang na living room tapos tumuloy sa kusina. Gumilid sila sa servant's quarters at tumigil sa tapat ng isang pinto na ayon kay Nelson ay maghahatid sa kanila pababa sa basement.
Pinihit ni Nelson ang pinto at binuksan, bumulaga sa kanila ang isang hagdan pababa. May liwanag sa dulo niyon at nauulinigan nila ang tugtugin na nagmumula sa basement. May panaka-nakang tawanan din silang naririnig.
"Parang hindi project ah, party yata ang meron sa basement," komento ni Laurie.
"Ganun talaga para hindi antukin. Mahaba pa ang gabi. Tara." Nagpatiuna na si Nelson sa pagbaba, sumunod naman silang tatlo sa likod ng kaklase.
Nabungaran nila ang mga kaklaseng abala sa kanya-kanyang project. May nakikita pa naman silang bakanteng mga mesa malapit sa dingding, doon silang tatlo dinala ng kanilang mga paa sa pangunguna pa rin ni Nelson.
"Here, puwede kayo dito. Wala na rin namang darating tonight so you can claim this space as your own. Kapag kinailangan ninyo ng tulong, huwag mag-atubiling lumapit kanino man sa mga nandirito dahil ang purpose ng pagtitipon natin dito ay magtulungan. Alright?" Nelson was smiling amiably habang nagsasalita, bagay na naging dahilan siguro ng pasimpleng pamimilipit ni Laurie sa kilig. Patagong kinurot ni Ice ito sa braso nang matigil. Inirapan lang siya ng kaibigan at ibinaling ulit nito ang undivided attention kay Nelson.
"Thanks Nels." Ani Julienne at inokupa ang mesang nasa gitna.
"Akin 'yong table na nakadikit sa wall." Ice called out.
"Iyong-iyo na dear. Dito ako sa may dulo." Si Laurie naman ay lumigid sa kanan at inokupa ang tinutukoy na mesa.
"Ok na kayo dito? Babalikan ko na rin 'yong sarili kong ginagawa. Kung nagugutom kayo akyat lang kayo sa kitchen maghalungkat lang kayo doon. Fully stocked ang ref pati na ang pantry."
"Abuso na iyon Nels, ok na kami dito. Pero just in case may dala naman kaming pagkain." Itinaas ni Julienne ang bitbit na plastic. Bumili talaga sila ng makakain bago tumuloy sa bahay ng mga Cruz.
"Alright. Nandoon lang ako banda sa may pinto kung kakailanganin ninyo ako." Sabi ni Nelson sabay turo.
"Ako, lagi kitang kailangan. Puwede bang lumipat ka na sa puso ko?" Mahinang nagmomonologue si Laurie habang tutok ang mga mata nito kay Nelson pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Ice.
Pasimple niyang sinipa ang paa ni Laurie sa ilalim ng mesa pero sa kamalas-malasan ay hindi yata ito nakaramdam. Hinintay niyang tumalikod si Nelson bago inabot ang buhok ni Laurie at pabirong sinabunutan.
"Aray! Para saan 'yon?" hinimas nito ang nasaktang anit.
"Kalandian mo, bawasan." Pinandilatan ni Ice ang kaibigan sabay amba ng ruler dito.
"Hindi naman ako narinig eh!" Pagmamaktol pa ni Laurie.
"Aantayin mong marinig ka? Kaya lagi na tine-take for granted ng lalaki eh." Si Julienne naman ang nagsermon.
Hindi sumagot si Laurie, napalabi na lang ito. "Hala, trabaho na. Sinasayang ninyo ang oras!"
Kasalukuyang kunot-noong nirerebisa ni Ice ang ginawang solution sa problem na konektado sa project niya nang may naglapag ng isang mug na may lamang umuusok na kape sa tabi niya.
When she looked up, she was greeted by a beaming Nathan. "Thank you." Sabay abot sa mug at paunti-unting sumimsim, being extra careful lest she scald her tongue. Napapikit siya nang malasahan ang mapait na lasa ng kape. Black coffee, just the way she likes it.
"Kami, walang kape?" tudyo ni Laurie.
"Dalawa lang ang kaya kong bitbitin mula sa kitchen e," Nathan smiled sheepishly while scratching his nape.
Umusog si Laurie palapit kay Ice saka bumulong, "Haba ng hair mo bruha ka. Ano'ng lasa ng kapeng tinimpla just for you ni Papable Nathan huh?"
"Bitter. Black coffee nga e."
Tinusok ni Laurie ang tagiliran ni Ice bilang sagot sa parungit niya. "'Pag ito natapon kakalbuhin kita Laurie Dawn."
Laurie raised both of her hands in surrender at sa wakas ay tinigilan na rin si Ice. Sinulyapan ni Ice ang kanina pa nakamasid sa kanila na si Nathan. Parang aliw na aliw ito sa palitan nila ni Laurie. Biglang nagring ang cellphone nito sa bulsa. Kinapa ng binata ang bulsa at inilabas ang cellphone. Hindi nakaligtas kay Ice ang pagsulyap nito sa kanya bago nag-excuse sa kanila para tanggapin ang tawag.
"Love. Gabi na ah, why are you still up?" Narinig ni Ice na sabi ni Nathan bago ito tuluyang tumalikod sa kanilang magkaibigan.
"Sino iyon?" Nang-iintrigang tanong ni Laurie sa katabing si Julienne.
"Ang alin?"
"Love daw, narinig kong sabi ni Nathan. May call sa phone eh. Girlfriend?"
Tumingin si Julienne kay Laurie, "Ewan, baka. Di ba nga may tsismis na sila daw ng pinsan ni Nelson na si Phoebe. Naalala mo 'yong madalas na pumunta kay Nelson sa classroom last year? Siya iyon."
"Hindi pa naman confirmed na sila na di ba?" sabay tingin kay Ice.
"O, bakit may ganyan?" taas ang kilay na sita ni Ice sa kaibigan habang sumisimsim pa rin ng kape.
"Kasi bet ko si Nathan for you e. Kesa dun kay ano, you know."
"Ayan ka na naman sa match-making mo. Leave Ice alone." Sermon ni Julienne kay Laurie.
"Hindi lang talaga ako boto doon. Pasensya!" Defensive si Laurie.
"Ke boto ka o hindi, wala ka na doon. Kaibigan tayo, suporta ang kailangan ni Ice sa kung ano man ang gawin niyang desisyon." Dagdag pa ni Julienne.
"Opo Inay." Laurie ducked when she saw a balled piece of paper came sailing towards her, courtesy of Julienne.
"Magkikita kami mamaya," singit ni Ice na nagpalingon sa dalawa niyang kaibigan.
"Mamaya? Saan? Dito?" Sunod-sunod na tanong ni Laurie.
Tango lang ang isinagot ni Ice. Inilapag niya sa mesa ang wala nang laman na mug. "Kailangan naming mag-usap. Tinext ko siya kanina, hindi ko na maipapagpabukas pa e."
"Alam ba niya ang address dito?" Si Laurie ulit.
"Sinabi ko. Hindi ko maisingit sa schedule natin ang pakikipagkita sa kanya kaya naisip ko ito na ang chance. Anyway, hindi ko naman siya papasukin dito nakakahiya kay Nelson."
"Samahan ka namin?" alok ni Julienne.
"Kahit hindi na. Dito na lang kayo." Tanggi ni Ice.
"Okay."
"Ano'ng oras daw siya pupunta?" Tanong ni Laurie.
"On the way na daw eh. Dala niya 'yong kotse niya. Magti-text na lang siya 'pag nariyan na siya sa labas."
Hindi pa nagtatagal mula nang bitiwan ni Ice ang mga salitang iyon ay siya namang pagtunog ng cellphone niya. Iyon na nga ang hinihintay niyang text.
"He's here. Labas muna ako." Iyon lang at tumayo na si Ice mula sa kinauupuan at tinungo ang hagdan palabas ng basement. Nadaanan niya ang ilang kaklase sa kitchen kasama si Nathan. Kaumpok nito ang grupo ni Miles, naroon din si Nelson.
"Ice, saan ka pupunta?" tanong ni Nelson.
"Diyan lang sa labas. May kakausapin lang."
Tuloy-tuloy na lumabas si Ice, hindi niya pinansin ang nakasunod na tingin ni Nathan sa kanya. Alam niyang mamaya lang ay magtatanong ito pero sa ngayon kailangan muna niyang harapin ang taong iyon.
She saw him leaning on his car nang makalabas na siya sa bahay nina Nelson. He saw her too. Binuksan ni Ice ang gate at nilapitan si Kurt, her soon-to-be ex-boyfriend. Dapat noon pa niya ginawa, siya lang itong tanga na umaasa na magbabago ito.
"Honey." Malapad ang ngiti nito sa kanya. He's still in his usual office garb. Hindi niya alam kung galing pa ito sa opisina sa ganoong oras, pero pupusta siyang sumabit na ito sa kung saang gimikan.
"Hi." She came up to him and gave him a peck on the cheek.
"What do you want us to talk about?" Typical Kurt, hindi nagpapatumpik-tumpik. She smiled. Come to think of it, iyon ang isa sa nagustuhan niya dito. He doesn't beat around the bush.
She released the breath she didn't realized she'd been holding. "Let's end this sham of a relationship."
Naging speechless si Kurt. Inarok ng mga mata nito kung seryoso nga ba si Ice sa sinabi. Much to his dismay, she's dead serious.
"May magagawa ba ako para mabago ang isip mo?" tanong nito sa kanya.
"Unfortunately, wala. We used to be so good together Kurt, hindi ko alam what went wrong and we're reduced to this."
Napayuko ang binata, still holding her hand. It was his fault, ilang beses na siya pinagbigyan ni Ice pero hindi siya natututo. He can't blame her if she wants out.
"I used up all of my chances, haven't I?" malungkot ang ngiting tanong ni Kurt kay Ice. She nodded.
"I'm sorry Kurt. Paulit-ulit mo na ako'ng sinaktan. Hanggang dito na lang ang kaya ko."
Suminghot si Kurt, senyales na nag-uumpisang humulagpos ang kontrol nito sa sariling emosyon. Lalong humigpit ang hawak nito sa mga kamay ni Ice.
Bumitaw si Ice sa pagkakahawak ni Kurt sa kanya at niyakap ang binata. She sobbed softly. Hindi siya yari sa bato para hindi maapektuhan sa pagtatapos ng isang relasyong ilang taon din nilang sinikap na i-work out.
Bagamat masakit, may isang bahagi ng pagkatao niya ang parang nakalaya sa isang tanikala na sa matagal na panahon ay gumapos sa kanya. Mahal niya si Kurt pero mahal din niya ang sarili.
Ngayon niya higit na naiintindihan na hindi sapat ang pagmamahal lang para manatiling magkasama ang dalawang tao. Kurt held her tight. Alam nilang pareho na ito na ang huling pagkakataon na magagawa nila iyon sa isa't-isa.
"Ako ang nakikipagbreak pero ako naman ito'ng iiyak-iyak," hilam sa luhang pagak na natawa si Ice sabay kalas sa pagkakayakap niya kay Kurt.
Kurt held her face in his hands at looked deeply into her eyes. "I wish you happiness. I may be a total failure as a boyfriend but I can be a better friend if you'll let me."
"I know." This time, totoong ngiti na ang pumunit sa mga labi ni Ice.
"With that being said, can I kiss you goodbye?"
Instead of answering, inabot niya ang batok ni Kurt and brought his face closer to her. She closed her eyes when his lips pressed against her own. She tasted the salt in his kiss. Hindi niya alam kung luha ba niya o luha ni Kurt ang sanhi noon.
Sadyang mapagbiro ang tadhana, bumukas ang front door at iniluwa noon si Nathan. Iyon ang tagpong inabutan nito na naging dahilan upang mapako siya sa kinatatayuan, hindi niya alam kung paano magre-react.
Alam niyang hindi tama na manatili siyang nakatayo doon at pinapanood si Ice pero hindi niya maigalaw ang mga paa sa pagkabigla. Nakita niya ang paghihiwalay ng dalawa at ang ngiting ipinamalas ng kasamang lalaki ni Ice.
Ice smiled at the guy. Hindi pa niya nakikitang ngumiti ng ganoon ang kaibigan. Ipinilig niya ang ulo. Bago pa man siya mahuli ni Ice na nanonood, he turned his back at bumalik sa loob.
He closed the door pero hindi pa niya binibitawan ang door knob. Maraming tanong ang nagpa-pop out sa isip niya. Who's the guy? Hindi niya alam na may boyfriend si Ice.
Ano naman sa iyo? Truth is, wala siyang makapang sagot.
********************
A/N: Sweet Julienne Torente on Media
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro