Five - Beautiful Eyes
Ice watched Kurt get in the car. With a final wave and a sad smile, he drove off. Tapos na, she thought. Nakakapanghinayang pero ganoon talaga ang buhay. She turned her back para bumalik na sa loob ng bakuran nina Nelson. Nang maisara na niya ang bakal na gate, napasulyap siya sa front door. Nakatayo doon si Nathan, pinagmamasdan siya.
Nakita kaya nito ang eksena sa pagitan nila ni Kurt? Humakbang siya palapit sa binata na walang halong pagmamadali. Tumigil siya sa harap ni Nathan ngunit hindi naman nagsasalita ito. Basta lang nakatunghay sa kanya tila hinihintay siyang unang magbukas ng usapan. Noon niya napagtanto na nakita nga nito si Kurt. She heaved a sigh. Saan siya mag-uumpisa?
"Hey." Lakas-loob na panimula ni Nathan.
"Hey back at you," tugon ni Ice na ikinatawa ni Nathan ng mahina. Tumikhim ito na parang nag-aalis ng bara sa lalamunan.
"Wanna talk about it?" he asked, testing the waters.
"Yeah, I think so," Ice produced a pack of cigarettes from one of her jean's pockets. May nakaipit din na lighter sa loob niyon. Pinanood lang siya ni Nathan sa ginagawa. He noted she's wearing ripped jeans again. Wala pa siyang nakikitang pantalon ni Ice na hindi punit sa bandang tuhod.
Walang salitang inalok siya ni Ice ng sigarilyo. Umiling si Nathan, "I don't smoke."
"Figures." She started blowing smoky perfect circles in the air.
Nangangawit na siya sa kakatayo kung kaya't pinili niyang maupo sa front steps ng pinto ng bahay ng mga Cruz. Hindi pa niya feel na pumasok sa loob at harapin ang mga kaibigan. Pihadong bobombahin siya ng samu't-saring tanong. Dito na muna siya habang hindi pa niya nauubos itong sigarilyo.
"Come on, sit. I don't bite." Tinapik-tapik pa ni Ice ang katabing espasyo ng kinauupuan ni Ice. Tumalima naman ito. Masunurin naman pala, aniya sa isip. "I assume you saw us earlier?" paniniyak niya. Tango ang isinagot ni Nathan.
"I didn't mean to." Depensa nito sa sarili.
"That was Kurt, my boyfriend. Or rather, he's officially my ex just about twenty six minutes ago." Sabi ni Ice na sinipat pa ang relo.
"Oh. I'm sorry."
"Yeah. I'm sorry too but a part of me is kind of glad," nagbuga uli siya ng usok saka bumaling kay Nathan, "ang sama ko bang tao?"
"Wala ako sa posisyon para sagutin iyan dahil hindi ko naman alam ang buong kuwento sa pagitan ninyo ni Kurt."
"Right." Tumango-tango si Ice. "Three years din kami ni Kurt. He messed up by the end of our second year. Dahil mahal ko 'yong tao, I gave him another chance. But it seemed that from then on it became a vicious cycle of him messing up and me forgiving him. We spent the greater part of our last year fighting, making up and then we're back to square one. Eventually, I got burned out. Kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao darating ka sa puntong mapapagod ka na lang dahil paulit-ulit na." Pinatay ni Ice natitirang baga sa ngayo'y upos na niyang sigarilyo.
"Mahal mo pa ba siya?"
"Oo. But I can honestly say that it has long started to wane. Kaya nagpasya akong tapusin na, there is no use dragging it on."
"By now I think he's starting to realize your worth now that it's over."
"I don't know. Baka. Anyway, hindi ko na problema 'yon." She bumped her shoulder against his, "Kanina pa ako daldal ng daldal dito, bakit lovelife ko lang ang pinag-uusapan natin? What about yours?"
Napakamot sa batok niya si Nathan, his grin impish. "There's nothing to tell believe me. Kasing boring ng Sunday afternoon ang buhay pag-ibig ko."
"The great Nathan Morales? Boring ang lovelife? Come on. Stop pulling my leg."
"Wala talaga," natatawang tanggi ni Nathan.
"So wala lang si Love?" tudyo ni Ice.
"Damn. Hindi na talaga ako makakapagkaila sa iyo. There has been a rumor that I'm involved with Nelson's cousin, Phoebe. It's true, she's my girlfriend for about a year now," sabi ni Nathan, ginagagad ang reaction ni Ice. Ang tanging nakita niya ay ang kahandaan nitong makinig kaya nagpasya siyang magpatuloy. "It's only a year and yet we're on the rocks already."
"We're quite a pair. Isang kaka-break lang at isang papunta din yata sa direksyong iyon," sabi ni Ice. "But don't get me wrong, it's not as if I am wishing na matulad kayo sa amin ni Kurt. I am just stating a possibility."
"I know."
"Ano ang dahilan ng uncertainties mo?" si Ice.
"Marami. Gaya mo, lahat iyon pinalampas ko dahil sabi niya I only need to trust her and everything will be fine. Kaya lang kasi kapag tinatanong ko siya lagi niyang sagot nasa akin na daw kung pagkakatiwalaan ko siya o ibang tao ang paniniwalaan ko. Hindi ko siya naringgan na ipinagtanggol niya ang sarili o binigyan niya ako ng assurance na wala lang ang lahat ng mga naririnig ko. Alam mo'yon?"
"Hmm..sounds familiar. I don't mean to fuel anything pero sa ganyan din kami nag-umpisa before I found out na totoo ang sabi-sabi na ginagago ako ni Kurt."
"I loathe to ask this pero tingin mo posibleng ginagago kaya niya ako?" parang batang tanong ni Nathan.
"Hindi ko siya kilala para masabing oo o hindi. Kahit ikaw mismo hindi mo mapatunayan kung totoo ang mga naririnig mo tungkol sa kanya. Ikaw ang mas nakakaalam niyan dahil ikaw ang boyfriend niya."
Tumango-tango si Nathan, naintindihan ang puntong tinutumbok ng salitang binitiwan ni Ice. Walang anu-ano'y nagring ang cellphone ni Nathan. Kinuha ng binata mula sa bulsa niya ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Phoebe. Napatingin siya kay Ice, nagdadalawang-isip kung sasagutin ba o hindi.
"Go ahead. Papasok na ako para makapag-usap kayo." Kumilos ang dalaga para tumayo pero pinigilan siya ni Nathan sa galang-galangan.
"Stay." Pati siya ay nabigla rin sa nasabi. Hindi niya matukoy ang eksaktong dahilan kung bakit pinigilan niya si Ice at kung para saan. Pero huli na para bawiin niya ang nasabi dahil bumalik ulit si Ice sa pagkakaupo.
Nakaupo na si Ice sa tabi ni Nathan pero hindi pa rin nito binibitawan ang pagkakahawak kay Ice kahit na nang sagutin na nito ang tawag. Nagtataka man ay hindi na lang kumibo si Ice. Mukhang hindi rin naman aware si Nathan sa inakto.
"Phoebe." Bati ni Nathan sa girlfriend na kausap sa telepono. Hindi naman naririnig ni Ice kung ano ang sinasabi ng babae sa kabilang linya pero ganoon pa man bahagya siyang dumistansiya kay Nathan.
She doesn't want to eavesdrop, medyo awkward kasi ang pakiramdam niya. Panaka-naka ay nararamdaman niya ang salitang pagluwag at paghigpit ng hawak ni Nathan sa kanya. Tumingin siya sa binata habang nagsasalita ito. Malumanay pa rin naman ang boses ni Nathan pero kabaliktaran ang bukas ng mukha nito. Parang nagtatagis ang mga bagang at nagpipigil yata ng inis.
"Stop it. Walang basehan ang mga sinasabi mo. Whoever is feeding you those lies better get his or her story straight," medyo tumaas na ang boses ni Nathan kasabay ng paghigpit ng hawak nito kay Ice pero pinili ng dalaga na manahimik. "Fine!" Sigaw ni Nathan sa telopono sabay pindot para tapusin ang usapan.
Iyon ang piniling pagkakataon ni Ice para dahan dahang kalasin ang hawak ni Nathan sa kanya. Noon lang din yata naging aware si Nathan kaya nabigla ito.
"I'm sorry."
"Okay lang. Sabi ko na dapat pumasok na ako."
Naihilamos ni Nathan ang mga palad sa mukha. Frustrated na humugot at bumuga ng hininga ito. "No, mas nakabuti pa nga na nandito ka. At least I have someone to talk to about this mess I am in."
"Umiinom ka ba? Idaan na lang natin sa ma-boteng usapan 'yang suliranin mo sa puso," pabirong suhestiyon ni Ice.
"Nah, I don't drink." Pagkatapos ay tumawa si Nathan saka idinugtong, "good boy naman ako pero bakit ganito?"
"Oo nga, nakakasuka ang pagiging straight mo. Hindi ka naninigarilyo, hindi ka rin pala umiinom. Maging santo ba ang pangarap mo sa buhay?"
"May bad experience lang ako sa alcohol kaya hindi ko na sinubukang tumikim ulit."
"Pero umiinom ka dati?"
"Hindi ko naging regular na gawain if that's what you mean. Nasa subok stage pa lang ako noon kasi umiinom din ang mga barkada ko noong high school. That was after our Senior Prom sa bahay ng isang kaklase. Nalasing yata ako, hindi ko alam ang pinanggagawa ko. The next day nalaman ko na lang nagka-girlfriend pala ako dalawa pa."
"Nasaan ang bad experience doon?" Natatawang tanong ni Ice.
"Having three girlfriends at a time is bad. At the end of the day kahit isa walang natira. I was in a relationship with a certain girl nang mangyari iyon. Siya din ang prom date ko. Imagine her rage when she found out after na maihatid ko siya sa kanila magigising siya kinabukasan hindi na siya nag-iisa sa buhay ko."
Susundan pa sana ni Ice ng pagtatanong nang bumukas ang front door. Sabay silang napalingon.
"Nandito lang pala kayo. Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Nelson na kay Nathan nakatingin.
"Bakit? Na-missed mo na ako? Mas kailangan ako ni Ice, kaya tiis ka muna diyan." Tatawa-tawang pakli ni Nathan.
"Isauli mo na sa mga kaibigan niya si Ice dahil lonely ang remaining members ng Powerpuff Girls sa loob kulang ng isang member."
"Kailan pa kami naging Powerpuff Girls?" tanong ni Ice kay Nelson.
"Ewan ko sa mga kaibigan mong baliw. Nawawala daw si Buttercup kaya ipinahanap ka ni Laurie."
"Ako?" turo ni Ice sa sarili, "Buttercup?" sabay baling kay Nathan for confirmation.
"Come to think of it, parang fitting nga sa personality ninyong tatlo ang mga cartoon characters na iyon. Laurie is a perfect Bubbles, Julienne for Blossom tapos ikaw kay Buttercup." Sang-ayon ni Nathan. Hindi nito mapigil ang pagtawa habang nagsasalita.
"Sumakay ka pa," pabirong binatukan ni Ice ang katabing si Nathan.
"Babae ka ba? Ang sakit mo mambatok."
"Lalaki ako noong past life ko. Ngayon lang ako ipinanganak na babae." Hindi pa siya tapos magsalita pero kumilos na ang kamay niya para batukan uli si Nathan.
Natatawang umiwas naman ang binata sa kanya. Nahuli nito ang kaliwang kamay niyang babatok sana dito. Sinubukan ni Ice ang kanan naman ang gamitin pero gaya ng nauna ay nahuli uli ni Nathan ang kamay niya. Hawak na nito pareho ang magkabilang kamay ni Ice kaya hindi na niya magawa ang naunang balak. Kahit ano'ng gawin niyang hatak sa kamay ay hindi iyon pinapakawalan ni Nathan.
"Ano ka ngayon?" Nang-aasar na nakangisi si Nathan kay Ice.
"Bitaw." Pati si Ice ay hindi mapigilan ang tawa.
"Ayaw." Umiling pa si Nathan na parang bata.
"Bitaw sabi e," pag-uulit ni Ice. Iling pa rin ang isinagot ni Nathan habang nakakalokong nakangisi pa rin.
"Ehem," napalingon silang pareho kay Nelson, nakangiti din ito habang nagmamasid sa kanila.
Pasimpleng binawi ni Ice ang mga kamay na hawak ni Nathan. Hindi naman siya nakaramdam ng pagtutuol mula kay Nathan. Ice rubbed her palms on her jeans. Ang awkward ng sitwasyon, nakalimutan nilang kasama pala nila si Nelson. Ang kulit kasi ng Morales na ito.
"As I was saying, hinahanap na nina Laurie si Ice kaya ako nandito," pinaglipat-lipat ni Nelson ang tingin sa dalawa, "shall I go back and tell them susunod na lang si Ice?"
"No, papasok na ako." Tumayo na si Ice mula sa kinauupuan.
"Okay. Kapag kailangan na ninyong magpahinga may mga foldable mattress na akong naibaba doon sa basement. 'Yon lang kinulang sa kumot. May mga unan na rin doon." Dagdag pa ni Nelson.
"'Yon ang nakalimutan kong dalhin. Pero ok lang, makiki-share na lang ako kay Julie mamaya," bumaling si Ice kay Nathan, "una na ako."
"May spare blanket sa loob ng backpack ko sa ilalim ng table ko. You can use it." Alok ni Nathan.
"Okay." Iyon lang at tumalikod na si Ice.
Sabay nilang pinanood ni Nelson ang papalayong si Ice. Si Nelson ang unang bumasag sa katahimikan sa pamamagitan ng pagtikhim bagay na kumuha sa atensiyon ni Nathan.
"What's with you and Ice?" walang prenong tanong ni Nelson.
"Nothing."
"Wala nga ba?" paniniyak ni Nelson.
"Seryoso pare wala. Magkaibigan lang kami ni Ice."
Tumango lang si Nelson at inakbayan ang kaibigan. "Tara. Maglakad-lakad muna tayo. Mukhang marami kang kailangan ihinga."
Pagdating niya sa basement nakita ni Ice na nakaupo na sa mattress na inilatag sa sahig ang dalawa niyang kaibigan. Their tables were pushed further on the wall para magkaroon ng space para mahigaan nila.
"Welcome back." Tudyo ni Julienne.
"Julie, don't start." Parang pagod na pagod na nahiga si Ice sa mattress.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Laurie.
"Nagdrama pa ako sa harap ni Nathan."
"Nakita ni Nathan si Kurt?" si Julienne.
"That and more. Bukas na lang natin pag-usapan. Teka nga pala saan nga ba banda yung table ni Nathan?" Napabangon si Ice.
"Bakit?" halos magkapanabay na tanong ng dalawang kaibigan niya.
"Kunin ko daw sa backpack niya 'yong spare blankie. Nakalimutan kong magdala."
"Katabi ng table ni Nelson." Sabi ni Julienne.
Walang salitang tumayo si Ice at tinungo ang itinuturong table ni Julienne. Natagpuan din niya ang sinasabing lamesa pati na ang backpack. Kinuha niya iyon mula sa ilalim ng mesa at binuksan. Nakita naman niya agad ang kumot. Kasasara lang niya sa bag nang marinig niya ang boses ni Miles.
"Kay Nathan 'yan ah. Bakit mo kinukuha?"
Hindi muna siya sumagot. Ibinalik na muna niya sa dating kinalalagyan ang bag bago hinarap si Miles, yakap ang kumot ni Nathan sa kanyang dibdib.
"Malamang sinabihan niya ako na gamitin ang kumot niya. Paano ko naman malalaman na nandito ito kung hindi, di ba?" hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay habang nagsasalita.
Naghintay siya sa sasabihin ni Miles pero wala siyang narinig. Nakatingin lang ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. Nilagpasan na niya ito para bumalik sa mga kaibigan.
Inayos na nina Ice ang hihigaan. Pagkatapos nilang ligpitin ang mga gamit ay kanya-kanya na silang higa. Sa puwesto sa tabi ng mga mesa nila ang pinili ni Laurie, napapagitnaan nilang dalawa ni Ice si Julienne. Maluwag pa naman silang tatlo, kasya pa nga kahit isa pang tao. After saying goodnight to her friends, Ice turned on her side at nagtalukbong ng kumot para matulog.
Sometime past 5:00 AM nang gumalaw uli si Ice para pumihit sa kabilang side. Pero nahirapan siyang gawin dahil parang may pumipigil sa kanya. May naramdaman siyang mabigat. She's feeling cozy too.
Iminulat niya ang mga matang nanlalabo pa sa antok. Unfamiliar set of arms and legs were draped around her, restricting her movements. It didn't feel like Julienne's though. So kanino? She felt something blowing on her shoulder. Naalarma siya, ano ang bagay na iyon?
She forced her eyes wide open. A mop of messy black hair greeted her, nakasiksik sa balikat niya. That thing she felt on her shoulder ay ang paghinga pala ng pangahas na tumabi sa kanya. Gumalaw ito at nagmulat ng mata.
It's unfair for those eyes to be that beautiful, she thought. Pero kaninong mga mata iyon?
********************
A/N: Kurt Sujico, Ice's Ex-Boyfie. He's so sayang </3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro