Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eleven - Who Are You?

"Sino ang tumawag?" Halos magkasabay na tanong ng tatlo kay Nathan.

"Ang taong may hawak kina Ice at Miles."

"Ibig sabihin hindi si Miles ang may pakana ng lahat ng ito?" Si Nelson. Iling ang isinagot ni Nathan.

"Kung hindi si Miles, sino?" Nababaghang tanong ni Julienne.

"Wala akong ideya. Sa ngayon kailangan nating paghandaan ang pagligtas kina Miles at Ice." Ani Nathan.

"Humingi na tayo ng tulong sa mga kinauukulan." Sabi ni Nelson.

"Ikakapahamak nina Ice ang bagay na sinasabi mo bro. Hindi ko alam kung sino ang espiya ng taong iyon, malay natin nasa paligid lang. Please, pag-isipan nating mabuti ang mga hakbang na gagawin natin."

Lumapit si Nelson at may ibinulong kay Nathan. Matamang nakinig ang binata at sa huli ay napatango. Kung ano man ang sinabi ni Nelson ay hindi narinig nina Julienne at Laurie.

"Umuwi na muna tayo at magpahinga, kayo rin." Baling ni Nathan sa dalawang babae.

"Sa tingin mo, mapapakali kami hangga't hindi namin alam kung ano na ang nangyayari sa kaibigan natin?" Sabi ni Laurie.

"Okay, sumama na lang kayo sa akin sa bahay. Doon na lang tayo maghintay ng instruction ng dumukot kina Ice at Miles. Ano?"

"Tara." Sang-ayon ng tatlo. Kay Nelson sumabay ang dalawang babae samantalang mag-isa si Nathan sa truck niya. Sinundan niya ang minamanehong sasakyan ni Nelson hanggang sa bahay nito.

Inip na inip na si Nathan. Palakad-lakad siya sa harap ng tatlong kaibigan na kagaya niya ay tensyonado ring naghihintay ng balita mula sa abductor nina Miles at Ice. Ang mas lalong mahirap ay ang kaalamang hindi sila maaring humingi ng tulong sa mga pulis. Mukhang mapapasayaw sila sa kung ano ang tugtuging ipapatugtog ng kumuha sa dalawa.

"Maupo ka nga Nathan. Nahihilo kami sa iyo," reklamo ni Julienne.

"Butas na ang carpet nina Nelson sa kakalakad mo." Segunda ni Laurie.

"Sorry." Naupo na rin siya sa tabi ni Nelson na kasalukuyang abala sa pagti-text sa cellphone nito.

Dalawang oras mula nang sawayin ni Julienne si Nathan ay siya namang pagtunog ng cellphone ng binata. He jumped on his feet samantalang napaunat naman ang mga kaibigan niya sa pagkakaupo. Agad na dinampot ni Nathan ang cellphone mula sa mesita nina Nelson. Tiningnan niya ang screen, ito na nga ang hinihintay nila kanina pa. He tapped on the screen para basahin ang text na ipinadala ng taong dumukot kina Miles at Ice. Napapaloob doon ang instruction kung paano siya makakarating sa lugar na nakasaad sa text pati na ang mga paalala tungkol sa mga bagay na hindi niya dapat gawin.

"Ano ang sabi?" Tanong ni Nelson nang makitang tapos nang basahin ni Nathan ang text.

"Pinapapunta ako sa isang address mamayang ala-una ng madaling araw. Malinaw ang nakasaad na hindi ako puwedeng magsama ng kahit na sino."

"Paano 'yan? Hindi mo kayang iligtas sina Miles at Ice na mag-isa. Paano kung may hired goons pala siya doon?" Nag-aalalang turan ni Laurie.

"Kailangan nating magplano." Bumaling si Nathan kay Nelson." Tawagan mo si Lucas, kailangan natin ang expertise niya sa pagkakataong ito. Kausapin mo na rin tungkol sa sitwasyon at siguruhin mong wala siyang pagsasabihan ng tungkol dito."

"Okay," sabi ni Nelson pagkatapos ay tumalikod para gawin ang iniutos ni Nathan.

"Kayong dalawa naman, tawagan ninyo ang mga magulang ni Ice. Siguradong nag-aalala na sila dahil gabi na hindi pa umuuwi ang anak nila. For the mean time kailangan ninyong magsinungaling, sabihin ninyong kasama natin si Ice dito sa kanila ni Nelson at may tinatapos na project."

"Parang hindi tamang ilihim natin sa kanila ang tunay na kalagayan ng anak nila Nathan." Sabi ni Julienne.

Napabuntung-hininga na lang si Nathan. He combed his left hand through his hair. "Ayaw ko rin gawin, Julie. Kaya lang kailangan. Naiintindihan naman ninyo di ba?"

Sabay na tumango sina Julienne at Laurie. "Ako na ang tatawag sa parents ni Ice." Nag-volunteer na si Laurie.

"Sige Lau," ani Nathan.

"What about Miles' parents?" Naisipang itanong ni Julienne.

"Out of the country ang mga magulang ni Miles sa ngayon. Sa susunod na buwan pa ang balik nila." Si Nelson ang sumagot, tapos na itong makipag-usap kay Lucas.

"Nakausap mo na si Lucas? Ano ang sabi niya?" Usisa ni Nathan sa kaibigan.

"Hihintayin niya ang address ng warehouse na itinext sa iyo. Tapos maghihintay tayo ng feedback mula sa kanya."

Dinukot ni Nathan mula sa bulsa ng pantalon ang cellphone at ibinigay kay Nelson. Nang mabasa ang text kung nasaan nakasaad ang address, ibinalik na ni Nelson ang cellphone ni Nathan. He grabbed the cellphone with his left hand and stuffed it back inside his pocket.

"Gaano katagal ba tayo dapat maghintay?" Naiinip na tanong ni Laurie.

"Hopefully hindi gaano. Alam naman ni Lucas ang sitwasyon." Sagot ni Nelson.

Maya-maya ay nakatanggap ng text si Nelson. Galing daw kay Lucas. Pagkatapos ay tumayo ito at umalis. Sasaglit lang daw siya sa kuwarto. Matiyagang naghintay ang tatlong naiwan sa living room. Si Nathan palakad-lakad uli, si Julienne kagat-kagat ang mga kuko sa kamay at si Laurie naman ay ang mga hibla ng sariling buhok ang napagdiskitahan.

Nang magbalik si Nelson ay may dala na itong mga papel. Lumapit ito sa kanila at inilatag sa mesitang naroon ang bitbit. "Heto ang plan ng warehouse na ipinadala ni Lucas sa e-mail ko," panimula ni Nelson.

"Saan niya nakuha iyan?" Si Julienne.

"Sa database ng City Building Office." Sagot ni Nathan.

"Di ba bawal iyon?" Mulagat ang mga mata ni Laurie.

"Oo. Pero wala tayong ibang paraan para makuha ang kopya nito bukod sa pasukin ito ni Lucas." Depensa naman ni Nelson.

"Hindi na mahalaga kung bawal o hindi, buhay nina Ice at Miles ang nakasalalay dito," pakli ni Nathan.

"May tatlong paraan kung paano makakapasok sa warehouse," isa-isang itinuro ni Nelson ang mga daan ayon sa kopya ng plano, "Mas mainam kung sa pinaka-obvious na daan ka pumasok bro. Ako na ang bahala sa mga entrance sa likod at sa gilid."

"Teka, paano mo gagawin iyon? Ikaw lang mag-isa Nels." Sabi ni Laurie.

"Ako na ang bahala, may tutulong sa atin. Pag-alis ni Nathan mamaya pupuslit ako sa likod. Pihado kasing may nagmamanman sa atin dito sa bahay para makasigurong tumutupad sa usapan si Nathan."

"Sasama kami!" Singit ni Julienne.

"Julie.."

"Kaibigan natin si Ice. Hindi kami mapapakali dito kapag nagpaiwan kami Nathan." Putol ni Julienne sa sasabihin ni Nathan.

Nathan sighed. "Alright. Pero mag-iingat kayo. Alalahanin ninyong nakasalalay sa ating lahat ang kaligtasan nina Miles at Ice, kailangan walang mahalata ang kung sino man ang nagmamatyag sa atin para hindi mapahamak ang dalawang nasa mga kamay nila."

"Promise." Magkapanabay na sagot nina Julienne at Laurie.

"I'll try to buy you sometime while inside the warehouse but please make sure to come on time. Hindi ko masisiguro ang kaligtasan nilang dalawa nang mag-isa lang." Pakiusap ni Nathan kay Nelson.

"Okay bro."

"Alright. Everything is set. The rest ikaw na ang bahala," ani Nathan kay Nelson. Tumango si Nelson at tinapik ang kaibigan sa balikat.

"Now what?" tanong ni Laurie.

"Now we wait some more." Tinapunan ni Nathan ng sulyap ang relong pambisig. Kalahating oras pa ang natitira bago ang napipintong pag-alis niya. Pakiramdam niya iyon ang pinakamahabang thirty minutes sa buong buhay niya.

Nang sa wakas ay matapos ang paghihintay niya ay dali-dali siyang nagpaalam sa mga kaibigan para umalis. Hindi matapus-tapos ang pagbibilin niya kay Nelson kung kaya halos itulak na siya ng kaibigan palabas ng pinto. Moments later, nasa kalsada na ang binata at binabaybay ang daan patungo sa address na nakasaad sa text na natanggap niya kanina.

Habang papalapit siya ng papalapit sa lugar ay nag-uumpisa naman siyang saniban ng matinding kaba. Nakasalalay kay Nelson ang magiging kapalaran nilang tatlo nina Ice at Miles. Sa oras na makapasok kasi siya sa loob ng warehouse ay hindi na niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya.

Narating na niya ang sinasabing address. Makailang ulit niyang tiningnan kung tama nga ba ang numerong nakikita niya. Nang makumbinsi ang sariling hindi siya pinaglalaruan ng sariling mga mata, bumaba na siya sa sasakyan at tinungo ang nakasaradong gate.

Bago siya kumatok ay inobserbahan muna niya ang paligid. Halos puro nagtataasang pader ang nakikita niya. Ang huling bahay na nakita niya kanina ay dalawang block pa ang layo mula sa kinaroroonan. Halatang puro warehouses ang mga nakapalibot na building sa lugar. Kahit magsisisigaw ka ay walang makakarinig sa iyo.

Kumatok na si Nathan. Hindi nagtagal ay may sumilip mula sa peephole bago tuluyang nagbukas ang pedestrian gate. Pumasok si Nathan at sinalubong siya ng dalawang lalaki. Mas matangkad siya sa dalawa pero mas malaki naman ang katawan ng mga ito. Pawang nakasuot ang mga ito ng itim na beanies.

Ang isang lalaki ay tadtad ng tagiyawat ang mukha at ang kasama nito ay may peklat sa itaas ng upper lip na halatang mula sa operasyon, posibleng may bingot ito noon. Hinawakan siya sa magkabilang braso ng dalawang lalaki samantalang nakasunod naman sa kanya ang nagbukas ng gate.

"Lakad." Itinulak siya sa likod ng lalaking nagbukas ng gate. Ito ang pinakamatangkad sa lahat, mas matangkad pa sa kanya kaya pinangalanan niya ito sa isipan niya bilang si Tangkad.

Sumunod naman si Nathan sa iniutos sa kanya ni Kuya Tangkad. Hindi siya nagreklamo ni gaputok. Mahigpit ang hawak sa magkabilang braso niya nina Kuya Pimples at Kuya Bingot. Muntik na siyang matawa nang maproseso ng isip niya kung ano ang nabuong bansag niya sa tatlo.

Damn. Calling them Kuya even sounds so gay to him. He thought he would just drop the Kuya and call them Tangkad, Pimples and Bingot instead. Mas lalong sumidhi ang kagustuhan niyang tumawa. Pigil na pigil niya ang sariling mapangiti dahil baka kung ano ang gawin ng tatlong ito sa kanya.

He welcomed the emotion, kahit paano kasi kumalma na ang nararamdaman niyang takot at kaba kanina. That way, mas makakapag-isip siya kung ano ang dapat gawin habang wala pa sina Nelson. He's on his own, for now. May kalakihan ang warehouse na iyon, puno ng mga bariles at naglalakihang kahon. Habang naglalakad ay tinandaan ni Nathan ang dinaanang pasikot-sikot hangga't kaya niya. Magagamit niya iyon sakaling makasilip siya ng pagkakataong tumakas kasama sina Miles at Ice.

Tumambad sa paningin ni Nathan ang dalawang babaeng magkahiwalay na nakaupo at nakatali sa isang silya. Naiilawan ng isang bombilya sa gitna ang lugar. Butas-butas rin ang kisame sa uluhan nila, may mangilan-ngilan pang bahagi ng plywood ang nakalaylay.

Nagkalat ang basyo ng mga bote sa gilid bagamat wala namang kalat sa kinalalagyan nina Miles at Ice. Gulo-gulo ang buhok ni Miles, humulas na rin ang make-up nito. Makikitaan ng bakas ng pag-iyak ang dalaga, hindi rin maipagkakaila ang sindak at takot na nakaukit sa magandang mukha nito.

Bukod doon, tila hindi naman sinaktan si Miles. Then he saw Ice. She just sat there, devoid of any emotion. Tagus-tagusan sa bintanang tinakpan ng pinagtagpi-tagping karton ang tingin nito. Her bloody right knee was peeking from the ripped part of her jeans. Her arms and hands were tied at her back against the chair gaya ni Miles. Napatiim-bagang si Nathan sa nakita but he restrained himself. Kailangan muna niyang isantabi ang nararamdaman sa pagkakataong ito.

Miles saw him first, gawa na rin siguro ng ingay na nilikha ng sapatos niya against the floor. "Nathan!"

Ice's head whipped towards his direction. Maliban sa bahagyang panlalaki ng mga mata nito ay hindi ito masyadong nag-react. Mas mukhang galit pa nga ito nang makita siya.

"Nandito na ako, pakawalan n'yo na sila." Malumanay na turan ng binata.

"Hindi kami ang magpapasya niyan." Sagot ni Tangkad sa likuran niya. Muli siya nitong itinulak pasulong. Kung hindi siya hawak ni Bingot at Pimples sa magkabilang braso malamang sumubsob na siya.

Noon lang niya napansin ang isa pang bakanteng silya hindi kalayuan sa kinauupuan nina Miles at Ice. Hula niya ay para iyon sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil doon siya isinalya ng dalawang lalaki bago nila pinagtulungang itali siya sa upuan.

"Hintayin mo si Ma'am," ani Bingot nang matapos silang itali si Nathan sa silya. Umalis na ito sa pagkakauklo at isa-isa silang sinuyod ng tingin. Bahagyang nagtagal ang tingin nito kay Miles.

"Bakit ninyo ginagawa sa amin ito? Ano ba ang atraso namin sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ni Miles.

"Walang personalan Miss, trabaho lang." Si Pimples ang sumagot.

"Magkano ba ang ibinayad niya sa inyo? Dodoblehin ko basta pakawalan n'yo lang kami," singit ni Nathan.

"Huwag mo nang tangkaing suhulan ang mga tauhan ko dahil hindi sila babaliktad kahit ano pa ang gawin mo," anang isang tinig mula sa dilim na ikinalingon nilang lahat.

"Ma'am," magkapanabay na bati ng tatlo, tinanggal pa nila ang mga suot na beanie.

"Maaari na ninyo kaming iwan. Ipapatawag ko na lang kayo kung kinakailangan," utos ng boses babae pero hindi pa rin makita ni Nathan kung sino ang nagsasalita dahil hindi pa rin ito lumalabas para ipakita ang sarili.

Umalis ang tatlong lalaki at naiwan sila sa loob ng silid. Kahit ano'ng sipat ni Nathan ay hindi talaga niya makilala kung sino ang babae dahil hindi niya ito makita. Pamilyar sa kanya ang boses, sigurado siyang narinig na niya iyon minsan bago pa man mangyari ang lahat ng ito pero hindi niya matandaan kung saan.

Mula sa dilim ay lumabas ang isang pigura ng babaeng nakasuot ng itim na hoodie. Nakataas ang hood ng suot nito kung kaya hindi nila mabistahan ang mukha. Mahaba ang buhok ng babae base na rin sa ilang hibla ng buhok nitong nakalabas sa hoodie niya. She's wearing a black skintight jeans paired with dark blue slip ons.

She approached Ice. She tilted Ice's chin to get a better view of her face. Ice glared at her na ikinaaliw yata ng babae dahil natawa ito, "She looks ordinary. I don't get it why of all people siya ang nagustuhan mo Nathan."

"Sino ka ba talaga? Ano ang kailangan mo sa amin?" Si Nathan.

Humarap sa kanya ang babae at sa isang iglap ay pinitserahan nito si Nathan. "Hindi mo ba talaga ako nakikilala, ha Nathan?" Madiin ang pagkakabigkas ng babae sa bawat salitang binibitiwan nito. Nang walang makuhang sagot mula sa binata ay bumitaw ito at bahagyang lumayo.

"Funny but the last time nagkaharap tayo ang ganda pa ng ngiti mo sa akin," nagpalakad-lakad ito sa harap nila. "Akin ka lang Nathan. Tayo ang itinadhana para sa isa't-isa. Lahat ng balakid ay aalisin ko, starting with her." Sabay turo kay Ice.

"Huwag mo siyang idamay dahil wala siyang kinalaman dito!" Napasigaw na si Nathan. Ang takot na naramdaman niya kanina ay nanumbalik, mas higit na matindi.

"Please, pakawalan mo na ako. Wala naman akong kinalaman dito. Silang dalawa lang naman ang kailangan mo di ba?" Pakiusap ni Miles.

"Shut up!" galit na sansala ng babae, "kapag nainis ako sa iyo ibabalato kita sa mga tauhan ko!" Dagdag pananakot pa nito.

Kapagkuwa'y unti-unti nitong ibinaba ang hood na nakasuklob sa ulo nito. Nang tuluyang matanggal ang hood ay pinalis nito mula sa mukha ang nakatabing na buhok.

"Ikaw?!" gulat na bulalas ni Nathan.
























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro