Prologue
“Chef Iris!” Someone called me. Tinignan ko kung sino tumawag sa akin. Si Lea lang pala, akala ko kung sino na.
Nasa labas ako ng office ngayon, kakatapos ko lang kumain ng lunch.
“What is it Lea?” I asked her.
"May na-recieve po akong email mula sa Philippines Branch. May problema daw po sa restaurant."
"Sige, paki-forward na lang sa akin 'yung mismong email para mabasa ko details kung ano man ang problema."
"Sige po, ma'am."
Pumasok ako ng office at naupo sa desk ko. Binuksan ko ang laptop ko para basahin ang sinasabing email. Binasa ko ang email, sinasabing nagkaroon ng medyo malalang problema, kaya kinakailangan ko pumunta doon. Mabilis lumipas ang oras na at gabi na pala. Umuwi ako ng bahay, naabutan ko doon si Aira na naghahanda ng makakain sa dining table.
"Oh, kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin ng makita ako habang naghahanda.
"Hindi pa, ang dami ko kasing tinapos na trabaho." Saad ko at naupo sa upuan.
"Balita ko nagkaroon ng problema doon sa isang branch ng restaurant mo?" Saad niya at naupo na din.
Pinsan ko si Aira sa father side. Dito sila naka-tira since I am five years old I think. Dito na din siya pinanganak at nagka-boyfriend. Seven years na nga sila. Minsan nga di ko maiwasan na mainggit sa tagal ng relationship nila.
"Ah, oo. Hindi naman malalang malala. May kailangan lang ako asikasuhin." Sinimulan ko na manguha ng kanin.
"Uuwi ka ba? Nakapag-pa-book ka na ba? Kailan flight mo? Sinong kasama mo?" Sunod-sunod niyang tanong na para bang wala ng kinabukasan kung makatanong.
"Dahan-dahan sa tanong, oy. Mahina ang kalaban. Isa lang kausap mo." Natatawang pagkakasabi ko sa kanya.
"At sagot sa mga tanong mo. Oo, oo, in two days, mag-isa lang ako. Sa susunod dahan-dahan naman sa pagtatanong. May itatanong ka pa ba? Kung wala na kakain na ako para makapag-pahinga na din."
Hindi naman siya umimik kaya nagpatuloy na ako kumain. Pagka-tapos ko kumain ay pumanaog na ako sa kwarto ko. Nag- half bath muna ako at nahiga sa kama. Bago ako matulog ay nag-book muna ako ng flight. Luckily hindi pa fully booked. Natulog na din ako ng magawa ko 'yun.
One day before my flight. I've already packed my things. My flight has two stop-over. One was in Florida and the other one was in South Korea. From South Korea to Philippines. It takes two days to land in the Philippines.
I'm already in the plane. Looking the view from the window of the plane. I'm going home after what? Almost eight years being in North Carolina. After days, I've already landed in the Philippines. I can't help to smell the air. Ugh! Wala pa rin pinagbago, polluted pa rin. Tanghali na ng makarating na ako. May lumapit sa akin na driver.
"Uh, ma'am. Ako po si Larry, bagong driver sa bahay niyo. Inutusan po kasi ng daddy niyo si Mang Andres kaya ako pa ang inutusan na sunduin kayo." Pakilala niya sa akin.
"Ah, ganoon ba? Sige, saan ba 'yung sasakyan?" Tanong ko sa kanya.
"Hintayin niyo na lang po ako dito. Kukuhanin ko lang po ang sasakyan." Aniya at umalis para kuhanin ang sasakyan. Maya-maya ay may pumarada sa harap ko na kotse. Bumaba doon si Larry at pinagbuksan ako ng pinto para makasakay ako. Nang makasakay ako ay nilagay niya ang mga bagahe ko sa compartment. Matapos niya gawin 'yun ay pumasok na siya ng kotse at nag-drive pauwi.
Nang makarating kami sa bahay ay nakita ko na inaayos ang garden. Sa tabi kasi ng parking naka-pwesto 'yung garden. Pumasok na ako sa loob ng bahay, nasalubong kk si Manang Lina.
"Manang, nasaan po sila Mommy?" Tanong ko.
"Nasa hapag sila hija. Dumiretso ka na lang doon kung nagugutom ka, kung hindi naman ay dumiretso ka na lang sa kwarto mo para makapag-pahinga. Alam ko na may jetlag ka."
"Pakisabi na lang po sa kanila na dumiretso na ako sa kwarto ko. Nakakain na din po kasi ako kanina pauwi dito. Nagpa-daan lang po ako sa isang fastfood since na-miss ko po 'yung fastfood"
"Sige, hija." Aniya at pumunta na ako sa kwarto ko.
Nahiga ako sa kama ko at naisipan ko na i-activate muli 'yung mga social media account ko since ang tagal na noong hulo ko itong buksan. Nang ma-i-activate ko na ay naglabasan ang mga notification at messages sa akin. Kabilang na doon 'yung mga kaibigan ko, kaklase ko at 'yung taong pilit ko na kinakalimutan. Nakita ko 'yung mga chat nila. Siguro sa susunod ko na lang sila kakausapin. Isipin ko muna 'yung restaurant sa ngayon.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Gabi na akong magising mula sa pagkakatulog, tinignan ko ang oras 6:38 PM na. Gabi na, kaya pala kumukulo na tiyan ko. Nag-ayos lang ako at bumaba na din para kumain. Naabutan ko doon sila mommy na kumakain.
"Oh, hija gising ka na pala. Maupo ka na dyan," Aniya. "Rita, dagdagan mo ang pagkain nagising na si Iris."
Dumating na din ang ulam. Sinimulan ko ng kumain. Mabilis naman kamin natapos kumain kaya napag-pasyahan namin na tumambay na lang muna sa living room. Kinamusta naman nila ako tungkol sa paglalagay ko sa North Carolina.
"Kamusta naman ang feels sa North Carolina?" Tanong ni mommy.
"Okay naman, mommy. Ang dami ko napuntahan. Mapa- North Carolina or out of North Carolina ay napuntahan ko." Sagot ko naman.
"Kamusta naman ang pinsan mo doon? Kamusta naman pakiki-tungo sa iyo doon?" Tanong uli ni mommy.
"Ayun, masaya naman siya doon. Spoiled na spoiled ng asawa. Mabait naman asawa ni ate Aira. Sa mga tao naman doon ay ayos lang din dahil approachable naman. Nakakilala din ako ng ibang Pilipino roon." Dire-diretso ko na pahayag.
"Hanggang kailan ka naman dito mamalagi?"
"Titignan ko pa, pero baka may 2 months din siguro ako dito. Balak ko mag-patayo ng bookcafe. Naisip ko kasi na puro restaurant ngayon kaya naisip ko na magpatayo ng bookcafe. Bihira kasi ngayon ang bookcafe. Bibisitahin ko na lang 'yun habang on-going ang construction."
"Oh, that's a good idea. How about you condo? What's you plan about it?"
"Ipina-repaint ko lang 'yun at magpapalit lang ako ng ibang furniture. May nautusan na ako na mag-repaint noong nasa North Carolina pa lang ako. Ang aasikasuhin ko na lang 'yung mga furniture na ipapalit ko. Need ko din talaga bumalik ng condo kasi susunod sa akin si Lea dito Sa Pilipinas," ani ko at tumayo na sa sofa. "Akyat na po ako i-che-check ko din pa po kasi mga email ko."
Umakyat na ako sa kwarto para mag-check ng email. Ilang linggo ang nakalipas ay naayos ko na din ang problemasa restaurant. Tapos na din ang renovation sa condo kaya nakalipat na din ako. Malapit lang ako condo ko sa may restaurant kaya di na ako mahihirapan. Nag-grocery na ako kasi paubos na stock ko sa condo. Dadating pa si Lea kaya kailangan ko na dagdagan ang stock. Wala pang exact date kung kailan dadating si Lea pero ang sabi niya sa akin ay next week daw ang dating niya dito sa Pilipinas.
Pumunta na ako sa Wet Market. Mas gusto ko kasi dito mamili kesa sa mga Supermarket. Fresh na nga mga mabibili mas makakatipid pa. Mabilis ko lang natapos ang mga gulay at karne. After ko doon sa wet market ay dumiretso ako sa isang mart para mamili ng instant food at canned goods. Umuwi na din ako nang matapos ako.
Ngayon ko i-me-meet 'yung architect na mag-de-design ng bookcafe. Sa restaurant ko ang location kaya less hassle sa akin dahil malapit lang naman. Three on the afternoon ang call time. Lumabas na ako ng office dahil 2:45 PM na. Nasalubong ko naman 'yung isang chef din.
"Balita ko, Chef Iris. Magpapagawa daw kayo ng business uli bukod sa restaurant?" Tanong niya.
"Ah, oo. Sayang naman kasi naka-ipon lang 'yung pera, so why not magpatayo ng bagong business para umikot ang pera diba?"
"Yeah, you're right."
"Mauuna na ako at baka nandoon na 'yung Architect."
Nakarating ako sa mismong restaurant. Sa tabi ng bintana ko napili na pumuwesto habang nag-hihintay. Pumatak ng alas tres ng hapon ngunit hindi pa ito dumarating. Naisipan ko muna na magpadala ng pagkain dahil hindi pa nga pala ako nag-ta-tanghalian. Kumakain ako ng dumating ang Architect.
"Hello, I'm sorry. I'm late. I'm Architect Lee."
That familiar voice... I know whose voice it is. The voice of someone that I badly want to forget. Looks like fate comes to us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro