Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


Nagising si Dei sa sikat ng araw. May kakaibang kaba siyang nararamdaman.

Ngayon ang araw ng balik niya sa Maynila kasama si Mang Ricardo.

Nagbalik ito noong isang araw at tumuloy muna sa isang maliit na hotel para makadalo sa Pasiyam ng Tatay niya.

Bumangon na si Dei at naghanda na. Maliligo muna siya bago mag-almusal.

Makatapos ay lumabas na siya sa silid para mag-agahan.

"Magandang umaga Dei." Bungad ni Tiya Anying.

"Magandang umaga po."

"Kumain ka na. Maaga daw babalik si Ricardo para sunduin ka."

"Sige po." Nagmadali na si Dei kumain. Ayaw niyang makaabala dahil alam niyang nakakaistorbo siya sa matandang lalaki na nagmamagandang loob sa kanya.

Ilang minuto lang at dumating na si Ricardo.

"Magandang araw po." Bati nito sa kanila.

"Mag-almusal ka muna Ricardo. Ihahanda na ni Dei ang gamit niya." Sabi Tiya Anying.

"Salamat pero busog na ako. Hihintayin ko na lang si Dei."

"Ikaw ang bahala. Nasa kusina lang ako." Sagot ni Tiya Anying.

Inayos ko na ang gamit ko para makaalis na kami.

"Ayos ka na ba? Pwede na tayong umalis." Sabi nito ng lumabas na ako sa kwarto ko.

"Opo. Tara na po para di tayo tanghaliin. Dadaan po muna ako sa dormitoryo para makapagpaalam sa kasera ko at sa mga kasamahan ko. Kukunin ko na rin po ang ibang gamit ko."

"Walang problema anak. Halika na."

Nagpaalam ako kay Tiya Anying at kay Annie at nagbilin na bisitahin ang puntod ni Tatay paminsan.

Mabigat man sa loob ko na umalis kaya lang kailangan kong tapusin ang requirements ko sa paaralan.

Sumakay na siya sa sasakyan nito.

"Ayos lang na matulog ka muna anak. Mahaba-haba rin ang biyahe."

"Sige po. Ayos lang po ako. Nakatulog naman ako ng maayos kagabi."

"Sige anak."

Napagmasdan ko si Mang Ricardo. Magandang lalaki ito kahit naman may edad na.

Matangos ang ilong, maninipis ang labi at may magagandang mata.

"Tawagin mo na lang akong Tito Ricky. Tutal naman ay doon ka na titira sa aking bahay." Sabi nito.

"Bakit po ninyo ako tinutulungan?"

"Katulad nga ng sabi ko, malaki ang utang na loob ko sa Tatay mo. Kung hindi dahil sa kanya, marahil namatay na ako. Utang ko sa kanya ang pangalawang buhay ko."

"Mabuti po talaga si Tatay. Isa siya sa mga taong hindi magdadalawang-isip na tulungan ang ibang taong nangangailangan kahit pa malagay siya sa peligro." Nangiti ako na maalala ang aking ama.

"Totoo yan anak. Mabuti si Manuel. Masuwerte ka sa kanya."

"Pero wala na po siya. Wala na akong katuwang." Maluluha na naman ako.

"Shhh... Pahinga ka muna. Malayo pa ang Maynila." Tumango ako  bago tumingin sa labas at pinagmasdan ang mga nadadaanang sakahan. Naaalala ko na naman si Tatay. Ang Tatay ko...Miss ko na siya.

****

Matapos dumaan sa dormitoryo para makapagpaalam, ay dumiretso na kami sa isang magara at malaking mansiyon.

Namangha ako dahil napakalaki nito at nakatayo sa isang 5000 sq.m na lupain.

Moderno ang bahay. Sa bungad pa lang ay halatang pangmayaman.

"Bahay po ninyo ito?" Tanong ko lay Tito Ricky.

"Oo iha. Dito ka na rin titira kasama ko at ng anak ko."

"May anak po kayo?"

"Meron. Pero saka na kita ipapakilala sa kanya."

"Nasaan po ang Misis ninyo?"

"Patay na siya. Nakakalimang taon na ang nakakalipas."

"Sorry po."

"Ayos lang. May sakit siya at di na niya kinaya ang sakit na iyon."

Tumango ako.

"Halika na. Sasamahan kita sa magiging silid mo."

Sumunod lang ako sa kanya.

Tinawag niya ang isang mayordoma at isang kasambahay para tulungan ako sa aking mga gamit.

Umakyat kami sa ikalawang palapag at dinala nila ako sa may dulo ng pasilyo kung saan doon daw ang magiging kwarto ko. Marami kaseng kwarto ang bahay. Di ko alam kung sinu-sino ang natutulog doon.

"Ayos na po sa akin sa maid's quarter." Sabi ko kay Tito Ricky ng mabungaran ko kung gaano kaganda ang kwarto na ipagagamit nila sa akin. Bukod sa malaki ito, naka-aircon, may sariling Tv at banyo. Hindi yata tama na tanggapin ko ito dahil di ko naman kaanu-ano si Tito Ricky.

"Huwag mo ng alalahanin iyon Dei. Maliit lang na bagay yan kumpara sa nagawa ng tatay mo para sa akin."

"Pero malaki na po ang naitulong ninyo sa akin, sa pagbayad lang ng utang namin sa ospital at pagpapalibing kay Tatay."

"Maliit na bagay lang yun iha. Isipin mong parte ka na rin ng pamilyang ito simula ngayon." Naluha ako dahil di ko iyon inaasahan.

"Maraming salamat po, Tito Ricky."

"Walang anuman. Marie, asikasuhin muna ninyo si Dei ha. At Dei, kung pupunta ka sa kolehiyo, may driver tayo. Tanong mo na lang kay Marie. Pupunta muna ako sa opisina at matagal akong nawala." Bilin nito bago siya lumabas.

"Mag-iingat po kayo at salamat po ulit." Tumango ito at ngumiti. Swerte pa rin pala ako.

Tinulungan ako ni Aling Marie at ni Digna na isa sa mga katulong na ayusin ang mga gamit ko sa maliit na walk in closet.

"Mabait si Ricardo. Huwag kang mahiya anak." Kwento ni Aling Marie.

"Yun nga lang yung anak, pasensiyahan mo na. Baka di mo magustuhan ang ugali. Pero bihira naman iyon dito dahil lagi sa mga babae niya. Mag-iingat ka sa kanya. Babaero iyon." Kwento naman ni Digna.

Babaero? Lalaki ang anak ni Tito Ricky?

"Shhh! Ikaw Digna dalahira ka. Basta anak iwasan mo na lang si Richard. Di naman kayo magkikita palagi dahil gabi na kung umuwi iyon o kaya naman umaalis agad sa umaga." Bilin pa ni Aling Marie.

"Salamat po Aling Marie at Digna. Malaking bagay na sa akin na mapatira dito."

"Walang anuman Dei. Nanay Marie na lang. Iyon ang tawag sa akin ng lahat dito."

"Sige po Nanay Marie."

Lumabas na sila. Curious ako kaya inikot ko ang kabuuan ng kwarto. Naka-centralized aircon ang kwarto na ito. May sariling Smart Tv, may malaking queen sized bed at sariling bathroom. Ang sarap siguro na maging mayaman. Ngayon ko lang ito mararanasan. Pero di ko naman ito sasamantalahin. Ayokong masabihan na gold digger dahil mas gusto kong kumita ng sariling pera. Kapag kumikita na ako, magpapaalam na ako kay Tito Ricky na aalis. Ayoko ng maging pabigat kahit kanino.

Nahiga ako sa kama. Nakaramdam ng antok dahil sa pagod sa biyahe.

Bukas ko na lang aasikasuhin ang requirements ko sa Kolehiyo. 


****

Nagising ako sa mahimbing kong tulog.

Wala na ako sa kwarto ko sa San Simon. Nandito na pala ako sa Maynila. Sa bahay nila Tito Ricky.

Nakita ko sa orasan na alas sais na ng gabi. Matagal pala akong nakatulog. Medyo maliwanag pa sa labas pero kumakalat na ang dilim.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya naisip kong lumabas sa kwarto at bumaba.

Nakarating ako sa kusina. Wala si Nanay Marie o si Digna.

Nakita ko ang ref. Naglabas ng baso at tubig mula dito.

Uhaw na uhaw ako. Ang sarap ng pakiramdam na masayaran ng malamig na tubig ang lalamunan ko.

"Sino ka?" Napatili ako sa nagsalitang tao sa likod ko.

"Po?"

"Magnanakaw ka ano? Tatawag ako ng security!" Nagpapanic na ako. Hindi ako magnanakaw.

"Hindi po ako magnanakaw." Paliwanag ko.

Hinawakan niya ako at kinaladkad.

"Huwag ka ng magdahilan! Sino ka at anong ginagawa mo dito? Magnanakaw ka at balak mong nakawan ang bahay namin!" Galit na galit ang lalaki. Napagtanto ko, ito ang anak ni Tito Ricky, siya yung Richard. May hawig kase sila.

"Hindi po. Parang awa na ninyo, bitawan po ninyo ako." Umiiyak na ako dahil nasasaktan ako sa hawak niyang madiin sa braso ko.

"Richard!" Sigaw ni Tito Ricky.

"Bitawan mo si Dei!" Utos pa nito.

"At sino na naman yan?" Isinalya niya ako kaya naman napasubsob ako sa paahan ni Tito Ricky. Nakita ko na kumuyom ang kamao ni Tito Ricky sa kawalangyaan ng anak.

"Huwag na huwag mo siyang sasaktan kahit kailan!" Banta ni Tito Ricky.

"At bakit Dad? Kabit mo ba yan? Anak?"

"Madumi ang utak mo!"  Nanonood lang ako sa kanila habang nakaupo sa sahig at himihimas ang tuhod kong tumama sa makinang na tiles ng kusina.

"Bakit kailangan mong dalin yan dito? Sino siya?"Nakasigaw dinang Richard na iyon sa ama niya. Bastos ito at walang galang sa sariling ama.

"Siya ang mapapangasawa mo! Naipagkasundo na kita sa kanya!" Sagot ni Tito Ricky na ikinagulat ko. Lalo na nung Richard.

"What? Are you out of your mind? Never Dad! Tignan mo siya! Ordinaryo, mumurahin ang damit? Di ako papayag!" Sigaw nito sa ama na nagpupuyos na sa galit.

"Oh no you won't! Kapag di mo pinakasalan si Dei, wala kang mamanahin sa akin kahit singkong duling! Tandaan mo yan!" Iyon lang at inalalayan na ako ni Tito Ricky na tumayo.

"That won't happen! You know you can't!" Sigaw ulit nito sa ama.

"Try me Richard James! Just try me! Let's go Dei. Doon ka na muna sa kwarto mo."

Narinig ko na may nabasag sa kusina. Malamang galit na galit yung Richard.

"Pasensiya ka na anak. Pero kailangan kong gawin iyon."

"Pakasal po? Di po ako makakapayag."

"Alam ko pero naisip ko na gusto ko siyang tumino. Anak bukas na natin pag-usapan."

"Pero po.."

"Basta anak. Ako ang bahala sayo." Iyon lang at iniwan na niya ako sa kwarto ko.

Napaupo ako sa sahig. Anong napasukan ko? Juskopo! Ayoko pang mag-asawa. Bata pa ako. Bente uno pa lang. madami pa akong pangarap. Di pa ako handa.

Sumakit ang ulo ko. Paano ko ito lulusutan? Nainis ako kay Tatay bigla. Kundi dahil sa buti niya, di magbabayad ng utang na loob si Tito Ricky, e di sin sana di ako malalagay sa kapahamakan na mapangasawa ang hayup at walanghiyang Richard na iyon. Wala sana akong problema..

Pero di ako makakapayag. Ayoko sa kanya. The feeling is mutual! Kung ayaw niya sa akin, ako din!





A/N No proofread na po ulit. Napahaba!





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro