Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

The whole of Sunday, after mass, we just stayed curled inside our room. So everyday, merong ganap. And I think it's not impossible na bigla na lang akong buntis sa susunod na buwan. But I want it na.   Being with Richard, narealize ko na I have a family na ulit na I can call my own.

During Monday, back to work. Richard drove me to Pasig before he went to his office. Sinabi ko ka mas gusto ko na sa hotel magtrabaho kaysa bumalik sa opisina ara naman may time kami na di magkasama. At least mamimiss namin ang isa't-isa.

I called Chloe to update my current status st para na rin kamustahin siya and Meriam. Masaya sila para sa akin.

Si Jake naman, I told him all about Richard. And he was glad, I did tell him. He said he was also happy for me.

Ginawa ko yun during my break.

Sa ngayon, Luane and me are waiting na matapos na ang shift namin. Any moment susunduin na ako ng asawa ko. He promised me that. Pwera na lang kung may out-of-town meetings and conference siya which I do understand.

Daddy Ricky wanted us to have dinner sa mansiyon. He was happy na nagkaayos na kami ni Richard. Finally, everything is falling into place. He was very thankful na napagbago ko daw si Richard.  And I am happy I did that.

Sana nga lang, totally nakapagbago na siya. But as I can see, he is. Ibang-iba na siya sa dating Richard na nakilala ko. 

He came around six in the evening. Nauna na si Luane na makauwi at sinundo siya ng boyfriend niya. Natrapik daw kase si Richard kaya nalate siya ng konti. Konti lang naman and I don't take it against him.

"Good evening babe. Sorry, nalate ako." Bungad niya sabay halik sa akin. Kinikilig ako at nakatingin ang valet attendant sa amin.

"Good Evening din. Tara na?" Yaya ko. Di ko pa siya matawag na babe. Di pa ako sanay.

Inalalayan niya ako sa pagsakay sa kotse bago siya sumakay.

On our way sa Makati, he was holding my hand during the drive. I can't help but feel kilig. Imagine, asawa na boyfriend ng sabay ang dating niya sa akin.

"So how was your day babe?" Tanong niya while he was driving.

"Okay naman. Nakakapagod. Ikaw?"

"Ayun, namiss kita."

"Ano nga?"

"Madami akong ginawa sa office pero mostly, naiisip kita." Kinikilig ako sobra. Wala akong masabi. Nahihiya pa rin kase ako.

"Ah okay."

"Ako namiss mo ba?"

"Ha?"

"Ang sabi ko namiss mo ba ako?"

"Oo naman. Why do you ask?"

"Wala lang. Naiisip kita kase buong araw na di tayo magkasama. Doon ka na kaya sa office magtrabaho."

"Richard? Napag-usapan na natin yun."

"I know. Kaya lang naiisip lang kita. Don't mind me babe."

"I'm sorry. I'll just think about it again."

"Thank you. Gutom ka na ba? Pwede naman tayo magdrive-thru. Medyo mabigat ang build up ng trapik sa Kalayaan." Kinikilig ako sa atensiyon at pag-aalala niya sa akin.

"Okay lang ako. Nakakahiya kay Daddy Ricky kung di na tayo kakain doon."

"Okay. Pero if you're hungry, sabihin mo lang ha."

"Opo. Just drive na po."

"Okay." He kissed my hands.

We arrived at Makati mga almost eight na ng gabi.

Lahat ng ilaw sa mansiyon ay bukas. Parang may malaking party.

"Dad insisted na festive ang dinner natin." Sabi ni Richard pagkababa namin sa kotse.

"Naku, nag-abala pa si Daddy."

"Okay lang yun. He was happy ayos na tayo."

"Talaga?"

"Oo. Kaya ayun parang nagpa-cater pa ata."

Natawa ako. Ganun ako kaimportante kay Daddy Ricky.

"Tara? Malamang naghihintay na sila."

"Sino sila?"

"Si Dad at yun mga tao sa bahay."

"Ah okay. Akala ko may bisita pang iba."

"Wala. Tayo lang. Tara na." Inalalayan niya ako papasok sa bahay.

Sinalubong kami ni Digna.

"Kamusta Dei? Sir Richard." Bungad nito sa amin.

"Ayos lang. Kayo ni Nanay Marie? Kamusta na?" Namiss ko sila talaga.

"Mabuti kami. Namiss ka namin ni Nanay Marie." Sagot nito.

"Ako din. Namiss ko kayo."

"O tara na. Malamang gutom na ang asawa ko." Awat ni Richard sa kamustahan namin ni Digna. Napatingin si Digna sa akin dahil nakita rin niya marahil ang pagbabago kay Richard.

Dumiretso na kami sa dining. Naroon na si Daddy Ricky.

"Magandang gabi po Daddy." Bati ko. Nagmano pa ako sa kanya. Pero niyakap niya ako ng mahigpit. Halos hindi ako makahinga.

"Salamat Dei anak. Mabait na siya. Nagbago na." Bulong ni Daddy sa akin.

Hinimas ko ang likod ni Dad bilang sagot.

"Dad, magseselos na ako. Bitawan mo na ang asawa ko." Awat ni Richard. Nagtawanan pa kami.

"Of course. Tara umupo na tayo. Marie, ilabas na ninyo ang mga pagkain." Utos ni Dad.

Inalalayan ako ni Richard umupo sa kanan ni Daddy. And he sat beside me.

"So, mabuti naman at pumayag kayo na magdinner dito. Namiss ko itong si Dei." Bungad ni Dad habang abala si Nanay Marie na maghain ng mga pagkain sa hapag.

"Kamusta Dei?" Si Nanay.

"Ayos naman po. Namiss ko po kayo. Mamaya tayo magkwentuhan" Sabi ko kay Nanay. Natutuwa naman si Daddy Ricky. Alam kase niya na close ako sa mga kasambahay sa mansiyon.

"Sige anak. Mamaya kwentuhan tayo nila Digna. Kumain na muna kayo."

"Kayo po?" Tanong ko.

"Pinauna na kami ni Sir Ricky na kumain. Kumain na kayo."  Umalis na si Nanay Marie at tumayo sa malayo para kung kinakailangan siya ay madali siyang makakalapit.

Nagsimula na kaming kumain. Namiss ko ang luto ni Nanay. Masarap siyang magluto.  Nakakagana talaga.

"So kamusta na kayo?" Tanong ni Dad habang kumakain.

"Ayos kami Dad. Finally umuwi na ang asawa ko." Sagot ni Richard.

"Mabuti anak. Sana alagaan mo si Dei." Bilin nito.

"Dad, no need to ask. Gagawin ko talaga yan."

"Gusto ba ninyo dito na tumira?" Tanong ni Dad.

"Gustuhin man namin Dad kaya lang gusto ko rin masolo muna ang asawa ko." Humawak pa si Richard sa kamay ko.

"Kunsabagay anak. Bilisan na at ng ako'y magka-apo." Nagblush ako. Nahiya ako sobra.

"Ginagawan ko na yan ng paraan, diba babe?" Baling ni Richard sa akin. Lalo na akong nahiya. Ngumiti na lang ako.

Nagkwentuhan pa kami. Kahit ano. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.






****







"Well, well, well! Did you miss me? You did not tell me na may bisita pala tayo. Sino siya?"  Turo nito sa akin.

Nagulat si Richard pati si Dad ay ganun din. Di ko alam kung sino siya. Pero sa pakiramdam ko, di maganda ang vibes ko sa bisitang ito.


A/N No proofread.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro