Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31


Hindi na mapalagay si Dei dahil alas sinko na ng hapon. Meron silang date ni Richard. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam. Kinakabahan na excited sa date nila later.

Ayaw man niyang pumayag sa date sa isip niya kaya lang, gusto rin niyang bigyan ng pagkakataon si Richard.  Tutal asawa pa rin niya ito.

"Para kang trumpo diyan! Di ka mapakali!" Sita ni Luane sa kanya.

"Susunduin daw ako ni Richard." Matipid niyang sagot sa kaibigan.

"O e ano naman? Asawa mo naman diba?"

"Asawa? Sa papel! Pero hindi kami mag-asawa as in mag-asawa na magkasama sa iisang bubong."

"E bakit ayaw mo pa kase umuwi sa kanya? Nagpapabebe ka pa kase." Pang-aasar ni Luane. Di naman kase alam nito ang tunay na dahilan sa kasal nila.

"Basta. Hayaan mo na ako." Sagot na lang niya.

"Hmmp! Bahala ka. Pero girl, sa tingin ko gusto mo rin kaya lang ayaw mo lang sabihin. Walang masama na tanggapin ang idinidikta ng puso. Baka mamaya bigla ka na lang atakihin sa puso. Bahala ka! Ikaw din." Di pa din siya tinitigilan ni Luane.

"Trabaho na. Puro ka tsika." Balik niya dito.

"Ay oo nga pala! Asawa ka at manugang ng mga may ari. Sorry po Madame. Hehehe."

"Tumigil ka na nga. Pareho lang tayong trabahador."

"Kase nga ayaw mo tanggapin na asawa ka ni Sir Richard."

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga!" Kunwari napikon siya dahil alam niyang di siya tatantanan ni Luane. Nagtawa pa kase ito ng layasan niya.

Sa isip niya, sino ba naman ang di mahuhulog sa kagandahang lalaki ng asawa? Kaya nga lang, natrauma siya sa sama ng ugali nito dati at pagiging babaero. Bagay na laging sumasagi sa isip niya kaya hindi niya ito mapagkatiwalaan.

Pero dahil mag-asawa sila, alam niya sa sarili niya na kailangan niyang matutunan ang pagtitiwala kay Richard kung gusto niya talagang magka-ayos sila. At kung hindi naman, dapat ay tapusin na nila ang kasal para naman tuluyan ng makamove on. Pero bakit ganun, yun salitang move on ay nagpapasikip sa dibdib niya to the point na para siyang di makahinga. Posible nga kayang nahuhulog na siya o sadyang natutuwa siya sa nakikitang effort mula dito. Kung ano man iyon, sana tama ang piliin niya.





****

"Pare, ayan ang sinasabi ko sayo. Nakarma ka ano? Ngayon ikaw na naghahabol sa mga chikababes. The great Richard James Faulkerson, napatino ng isang babae. Parang imposible pero posible pala dahil sa pag-ibig. Ahahaha!" Pang-aasar ni Sam sa kaibigang si Richard na hindi mapakali dahil iniisip ang gimik na gagawin para sa date nila ni Dei.

"Wag ka nga! Tulungan mo ko!"

"Alam mo pare, simple lang problema mo. Magpakatotoo ka. Ano ba ang magpapasaya kay Dei? Ano bang tipo si Dei? Siya ba yun typical na babae na nadadala sa mamahaling regalo? O siya yun simple na mas gusto na iparamdam yun pag-aalaga at pagmamahal ng lalaki sa kanya?"

"Di siya mahilig sa regalo. Tinatanggihan niya mga binibigay ko."

"Wow! Buti pa si Dei. Si Pat ko, ayun materialistic. O tapos?"

"Siya yun tipo ng simple, hindi magsasabi ng gusto niya at hahayaan niya na ako magdesisyon. Pareng Sam, ngayon lang ako naka-encounter ng ganun. Nahihirapan ako."

"Kaya hulog na hulog ka Chard. Paano ba naman, swerte ka kay Dei pagnapasagot mo."

"May I remind you Sam, asawa ko na. Kailangan maiuwi ko na at baka maunahan ako nung isang nanliligaw."

"May kasabay ka na nanliligaw?"

"Nakakainis yun gagong yun! Kumukulo ang dugo ko sa hayup na Jake na yun!"

"Woooh! Teka baka ako masapak mo pare!" Awat ni Sam.

"Nakakainis nga kase!"

"Alam mo, kahit ilan pa kasabay mo, nagkakatalo kung sino ang pinakamaganda at pinakamatindi effort." Payo pa ni Sam.

"Paano nga?"

"Simple lang pare, magpakatotoo ka!"

"Anong magpakatotoo?"

"Ipakita at iparamdam mo ang pagmamahal mo. Di kase napag-aaralan ang love pare, kusa itong nararamdaman. Yun mga bagay na magpapasaya sa kanya, malalaman mo kung nakafocus ka sa needs niya. Kusa mo na lang malalaman ang dapat mong gawin para mapasaya siya."

"Paano mo nalaman?" Parang tangang tanong ni Richard.

"Siyempre, nakita ko na ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Si Patricia my love."

Napaisip si Richard. It should come naturally. Hindi staged. Ayon sa narinig kong corny na rap, "Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.."

Tama, itutuon ko ang atensiyon ko kung paano ko maipararamdam kay Dei na mahal na mahal ko siya sa lahat ng gagawin ko. Iyan ang nasa isip ni Richard.

Wala naman siyang gustong mangyari kundi makasama ang babaeng mahal niya. At si Dei iyon.






A/N No proofread.








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro