Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

After going to his Dad, Richard was desperate to look for Dei.

He has asked his Dad about it but the latter won't tell him anything. If ever daw na nakalaan sila sa isa't-isa, they will meet again.

Ang drama ng Daddy niya. Meron pang nalalaman na destiny kuno. Sa panahon ngayon, pinaghihirapan hanapin ang hinahanap. Hindi umaasa sa swerte.

He was going to go to the HR para sa paghire ng bagong PA niya kapalit ni Dei ng aksidenteng narinig niya si Cacai na nagtatanong kung bakit umalis na si Dei. Narinig din niyang tinanong din nito kay Miss Elena kung saan na lumipat ng trabaho si Dei. At di nga siya nagkamali, di ito nagresign, lumipat lang. Alam kase ni Richard na hirap si Dei sa pera dahil namatay na ang Tatay nito at kakatapos lang ni Dei sa kolehiyo.

Pinakinggan niyang mabuti ang kwentuhan ng dalawang empleyado. At tama nga, sa isa sa mga hotels nila ito nagtratrabaho.

So much sa destiny. Destiny nga ang nagturo sa kanya kay Dei kahit tutol ang Daddy niya na ituro ang whereabouts nito para masiguro kung mahal niya talaga si Dei ay siya dapat ang gagawa ng paraan para makita ito. At kung di niya makikita si Dei ay nangangahulugang di sila nakalaan sa isa'-isa. Pero kung makikita niya ito, ibig sabihin ay para sa kanya si Dei. And eto na nga. Pagkakataon na ang naglapit sa kanya kay Dei.

Wala siyang sasayanging panahon. Inutusan niya ang isa sa tauhan niya na napagkakatiwalaan na alamin kung anong oras ang shift ni Dei. Gugulatin niya ito. Susunduin niya ang babaeng mahal niya at ipagsisigawan sa lahat na asawa pa rin niya ang babae kahit di totoo.

Speaking of the marriage contract, nakuha niya kay Atty. Santillan ang dokumento. Siya mismo ang magrehistro nun. Di siya papayag na mawalay pa ang babae. Kahit pa ikagalit nito ang tungkol doon kapag nalamang di naman totoo ang kasal, at gagawin lang niyang totoo para mahawakan si Dei. Inutos niya kay Sam na irehistro ang kontrata ng kasal agad. So wala ng kawala si Dei. At least di na magalit si Dei sa Dad niya sa ginawang pagsisinungaling tungkol sa kasal. Siya na bahala kung paano niya kukunin ang pag-ibig ni Dei, basta ang mahalaga, may karapatan pa rin siya sa asawa.

****

Pilit niyang isinakay si Dei sa kotse niya matapos niyang ibroadcast sa buong empleyado ng Rich Plaza na asawa niya si Dei, dahil gustung-gusto na niya itong makausap.

"Anong problema mo Richard? Bakit mo sinabi iyon?" Galit na tanong nito sa kanya.

"Ang alin?" Patay malisyang sabi niya.

"Na asawa mo ako? Hindi nakakatuwa!"

"Bakit ikinakahiya mo ba ako?"

"Sa pagkakatanda ko, ayaw mong malaman ng iba yan, anong nangyari?" Bakas ang inis ni Dei kay Richard.

"Mahal kita." Simpleng sagot niya. Tumingin pa siya kay Dei. Natahimik naman ito dahil nagulat sa sinabi niya. Malamang nag-iisip ng sasabihin.

"Di ako naniniwala!" Bigla nitong sambit.

"Mamaya na tayo mag-usap. Nadidistract ako. Di ko alam kung magmaneho o uunahin kong hawakan ang kamay mo at sabihin sayong mahal na mahal kita para makita mo na totoo ang sinasabi ko." Nagkatinginan sila. Umiwas na lang si Dei na tumingin pa kay Richard. At si Richard naman ay tumingin na ng diretso sa kalsada. Kabado dahil alam niya na sukdulan ang galit ni Dei sa kanya. Alam niyang di magiging madali ang paghingi niya dito ng patawad at lalong mahirap makuha ang pagmamahal nito dahil sa dami ng mga nagawa niyang di tama sa babae.

****

Nakarating sila sa isang overlooking na lugar sa Antipolo kung saan maraming magsing-irog ang nagpupunta para magdate.

"Dito na tayo. Nagugutom ka ba?" Tanong ni Richard kay Dei.

"Hindi. Gusto ko ng umuwi." Nakasakay pa rin sila sa loob ng kotse.
Hinarap ni Richard si Dei. Si Dei naman ay tumalikod kay Richard

"Dei, sorry."

"Stop." Habang nakatalikod pa rin kay Richard.

"Makinig ka naman sa akin muna."

"Ano pa bang magagawa ko? Kinidnap mo ako tapos dinala mo ako dito! Paano ako makakauwi?"

"Ihahatid kita mamaya. Pagkatapos kong sabihin sayo ang gusto kong sabihin."

Di sunagot si Dei.

"Sorry Mahal." Nangisi si Dei. Mahal talaga.

"Ano yan?" Tanong ni Dei.

"Alin ba?" Takang tanong ni Richard.

"Bakit mahal?"

"Mahal. Yun ang tawag sa sa mahal mo. Sa itinitibok ng puso mo. Mahal." Umupo na ng diretso si Dei pero di pa rin siya humaharap kay Richard. Nakatingin lang siya sa mga ilaw sa labas.

"Alam ko! Bakit mo ako tinatawag na mahal?"

"Mahal kita. At nagsisisi ako kase sinaktan kita. Sorry kase ang tanga ko. Alam ko unanfmg kita ko pa lang sayo gusto na kita kaya lang iniisip ko na baka gusto mo lang kaming pagsamantalahan. Sorry. Alam ko mali ako. Pero di mo ako masisisi dahil bigla na lang nag-uwi si Dad ng babae, akala ko girlfriend ka niya o baka oportunista ka lang na may balak na masama sa amin."

"Grabe ka sa akin. Makajudge, wagas! Di mo nga ako kilala e."

"Kaya nga gusto kong magsorry kase alam ko mali na husgahan kita."

"..." Di makasagot si Dei. May kirot sa puso niya na di niya maintindihan. Awa ba sa sarili dahil ininsulto dahil sa estado ng buhay o kirot dahil nasaktan siya ni Richard?

"Boyfriend mo ba yubg kasama mo sa Ibiza?" Tanong ni Richard. Gusto niyang makasiguro.

"Hindi ako masamang klase ng babae. Alam kong kasal pa ako sayo, kaya di ako manloloko ng iba." Sagot ni Dei.

"Good. Akala ko kase may relasyon kayo."

"Di ako malandi, Richard."

"Alam ko. Natatakot lang ako na maagaw ka ng iba."

"Nagpapatawa ka ba? Walang tayo. Kasal tayo, oo. Pero diba sayo na nanggaling, sa papel lang yun. Kung gugustuhin ko, pwede kong gawin kahit labag sa batas, pero di ko ginawa, dahil respeto ko sayo."

"Salamat."

"Pero sana matapos na ito. Gusto ko ng mamuhay ng tahimik. Malayo sayo."

"Ayoko. Di ako papayag." Kinabahan na naman si Richard.

"At bakit?"

"Kase mahal kita. At asawa pa rin kita. Kaya gusto kong sabihin sayo na hindi na lang sa papel ang kasal natin, totoo na ito. Mahal kita at ikaw ang gusto kong kasama habang buhay."

"Nahihibang ka na ba?"

"Hindi ako nahihibang. Nababaliw ako sayo."

"Richard, di ko alam."

"Umuwi ka na sa condo. Magsama tayo. Papatunayan ko sayo na mahal kita. Pangako, ikaw lang." Pagmamakaawa ni Richard.

"Ang Annulment?"

"Mahal kita at handa akong ibigay sayo ang lahat, kahit talikuran ang lahat ng ari-arian namin, gagawin ko, maniwala ka lang. Please Dei, be my wife. My real wife. Hindi sa papel lang." Buong pusong deklara ni Richard.

"Paano kung di mo matupad?"

"Iwan mo ako. Maghanap ka ng iba."

"Pero.." Nagdadalawang isip si Dei. Di niya maintindihn kung bakit. Alam na niya wala naman pag-ibig na namagitan sa kanila. Siguro sexual tension kahit na di sila naging intimate pero bakit parang ayaw niya na gusto niyang subukan.

"Kapag sa isang taon na di ko napatunayan sayo na mahal kita talaga, iwan mo ako. Pero kapag napatunayan ko na totoo ang intensiyon at damdamin ko para sayo, habang buhay na kitang magiging asawa."

Nag-isip si Dei. Ano na nga bang desisyon niya.

"Huwag mio munang asahan na babalik agad ako. Hayaan mo munang pag-isipan ko ang mga sinabi mo. Ayoko ng magkamali."

"Okay. Ayaw din kitang madaliin. Pero sana hayaan mo akong patunayan ko na sayo na nagbago na ako at mahal kita."

"Bahala ka Richard. Ikaw lang makapagsasabi ng gusto mo."

"Gagawin ko yan. Para sayo Dei, mahal kita." Di na nakatiis si Richard, niyakap niya si Dei. Hinagkan sa buhok. Ang sarap lang sa pakiramdam niya na yakap niya ang babaeng mahal niya. Sa wakas, tapos na ang pagloloko. Pinapangako niya na di na niya uulitin. Kase mahal na mahal niya si Dei. Higit pa sa kanino.

Di muna niya ipipilit na mahalin siya ni Dei pabalik, pero ipinapangako niya na gagawin niya ang lahat para mahalin din nito. Sana, dumating na iyon.

A/N Tomorrow na po ulit.

No proofread.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro