Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26


Richard can't believe that Dei was here in the flesh. She was elegantly and sexily dressed. Napakaganda ni Dei kaya di niya mailayo ang tingin niya buong gabi.

Dei pretended not to see him. Its like he did'nt exist at all. Yun ang nagpapasakit ng kalooban niya na ang babaeng dati ay binabaliwala niya nung nasa kanya pa ay di na niyang pwedeng malapitan o makausap man lang. Ayaw na ni Dei ng may kinalaman pa sa kanya. Kahit wala silang relasyon noon at arranged marriage lang ang sa kanila. Yung babaeng binalewala niya, ang siya ring babae na hindi nagpapatulog sa kanya at nagpupuno ng lahat ng sexual fantasies niya sa panaginip.

He was looking at her lika a hawk. Lahat ng galaw at kilos nito ay minamatyagan niya.

Habang nakatitig kay Dei, nagsink in na sa kanya ang katotohanang "nasa huli ang pagsisisi." Pero hindi pa siguro huli ang lahat. Kailangan niyang mag-isip ng dapat niyan gawin para mabawi si Dei. Kundi mababaliw siya sa kaiisip dito.

"Pare, di ka na kumibo diyan?" Tanong ni Atty Sam. Kaka-engage lang nito sa girlfriend na si Patricia kaya sila nagsasalu-salo ngayon.

Di niya pinansin si Sam at patuloy na sinundan ng tingin ang babaeng nagpapanginig sa pagkalalake niya.

"Aha! Kaya pala di ka makapagsalita diyan at di mo man lang mapansin si Martha ay dahil doon." Tinignan din kase ni Sam ang direksiyon ng tingin niya.

"Pare wala akong panahon kay Martha. Di ko siya magugustuhan kahit maghubad pa yan sa harap ko. Alam mo naman na ayoko sa mga babaeng clingy, baka mapikot ako." Tumango lang si Sam. Alam niya ang tipo ni Richard. At mukhang may nakakuha na naman ng atensiyon nito ngayong gabi. Di kase namukhaan ni Sam na si Dei ang tinititigan ni Richard.

"Pare, mukhang taken ata. May kasama e." Sabi ni Sam.

"Di ako papayag na maagaw sa akin si Dei." Bigla na lang niyang nasabi.

"Si Dei? Yun fake wife mo?" Takang tanong ni Sam.

"Yes. Kukunin ko siya sa lalaking yun. Di ako papayag na maagaw siya sa akin." Nakatingin pa rin siya kay Dei habang sinasabi iyon.

"Oh! Si Dei ba yun? Di ko nakilala. Ang laki ng transformation pare! She's so beautiful and sexy. Malayo sa Dei na nakilala ko last time." Nung una kase ay napansin niyang maganda nga ito pero di katulad ngayon na ibang-iba mula sa  huling kita niya. Kaya nagulat si Sam na si Dei pala iyon.

"Pare, di ba alam ni Dei ang tungkol sa fake marriage namin?" Tanong ni Richard.

"Di ko alam pare. Si Atty. Santillan lang ang nakakaalam. At ang Daddy mo. Representative mo lang ako nung palabas ninyong pre nup."

"Kailangan malaman ko. Si Daddy lang ang makakasagot nun."

"Bakit pare? Diba ayaw mo naman sa kasal na yan. Ito na. Malaya ka na."

"Hindi Sam. Ayokong lumaya. Kung yun lang ang dahilan para makuha ko si Dei, gagawin ko." Nagulat si Sam. Alam kase niya ang pagtutol ni Richard sa kasal niya kay Dei pero bakit kung kailan naghiwalay na sila, saka naman narealize ng lalaki na gusto pala niya ang idea ng kasal. Natatawa si Sam pero naisip niya, kung iyon ang magpapatino kay Richard, tanggap niya. Dapat lang na magbago na ito mula sa pagiging playboy.

Pagkakataon nga naman. Dati ang ayaw mo na pilit mong iniiwasan, siyang gusto mo na hindi mo na mahawakan.

Natawa si Sam.


****

Simula ng gabi na makita ni Richard si Dei sa Club Ibiza, di na siya mapakali. Ayaw niyang magsayang pa ng oras para maibalik ang asawa sa piling niya.

Kaya naman nagpunta siya sa Daddy niya para magtanong. Lahat kailangan niyang malaman.

"Dad?" Bati niya dito kinaumagahan din ng nagkita sila ni Dei kagabi.

"Why are you here? Nakuha mo na yun gusto mo Richard." Parang iritableng sagot ni Ricardo sa anak.

"I need something from you. At sana sabihin mo ang totoo."Si Richard.

"Ano yun? Wala akong panahon sa walang kwentang bagay Richard." Sabi ni Ricardo.

"Dad, please. Alam ba ni Dei na di totoo ang kasal namin?"

"Para ano pa?"

"Basta Dad, sagutin mo na lang."

"Huwag ka ng magtanong Richard. Di na importante iyon."

"Pero Dad importante sa akin iyon."

"At bakit?"

"Kase gusto kong mabawi si Dei. Mahal ko siya at ayokong mawala siya sa akin." Nagulat si Ricardo. Di niya inaasahan ang sagot ni Richard.

Tinitigan niya ang anak at naghahanap ng tunay na damdamin nito. Pero ang nakita niya ay isang lovesick fool na hindi mapakali dahil wala na ang babaeng mahal.

"Mahal mo si Dei?" Takang tanong ni Ricardo.

"Oo Dad. Kaya please tulungan mo ako. Di ko na kaya na mawala pa si Dei. Gagawin ko ang lahat para maibalik lang siya dito. Nakikiusap ako sayo."

Nag-isip pa si Ricardo kung sasabihin sa anak pero wala naman sigurong masama na maghangad na mapabuti ang anak. Pero babantayan pa rin niya si Dei sa abot ng makakaya niya. Hindi niya hahayaan na lokohin ito ni Richard.

"Binabalaan kita Richard. Kung lolokohin mo lang si Dei, huwag mo ng ituloy. Nananahimik na ang bata." Sabi ni Ricardo.

"Hindi Dad. Promise.  Kapag niloko ko si Dei, tanggalin na ninyo ang lahat ng mamanahin ko sa akin. Wala akong pakialam. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay bumalik si Dei." Sagot nito na bagsak ang mga balikat. Naawa si Ricardo sa anak. Nakakuha na ito ng katapat.

"Hindi niya alam na di totoo ang kasal ninyo. Di ko sinabi. Ayoko kaseng kamuhian ni Dei kapag nalaman niyang di totoo ang kasal ninyo."

"Pero Dad umaasa siya na may Annulment."

"Sasabihin ko rin naman na di nakarehistro ang kasal ninyo, sa tamang panahon."

"So totoo ang kasal namin pero di lang inerehistro?"

"Ganun na nga anak."

"Salamat Dad. Salamat!" Nagulat si Ricardo ng yakapin ng anak. Maluha-luha at masayang-masaya ito na umalis. Daig pa tumama sa lotto.








May balak si Richard. At alam niyang di magkakamali ang plano niya. May pagkakataon na siyang mabawi ang babaeng mahal. At gagawin niya iyon ngayon din.








A/N No proofread.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro