Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Paggising ni Richard hinanap niya agad si Dei. Pero siyempre, di niya iyon ipapahalata.

Nakaaayos na ang mga pinagtulugan nito. Malamang nasa kusina. 

Nag-isip pa siya ng sasabihin sakaling makaharap si Dei kaya lang laking gulat niya ng makitang wala ito doon. Saan kaya nagpunta? Maaga siyang gumising dahil iniisip niya na kausapin ito dahil alam niyang may mali siya. Pero di niya namalayan na wala na pala ito dahil di niya narinig na lumabas ito.

Naghintay pa siya ng sandali at baka may binili lang sa labas pero mag-aalas otso na ng umaga ay wala pa rin si Dei. Baka di papasok o baka naman pumasok na at di lang niya naramdaman.

Naligo siya agad at nagbihis. Kailangan niyang pumasok para malaman kung naroon na si Dei sa opisina.

Naisip niyang makipagkasundo dito dahil isang taon lang naman silang magsasama, pagkatapos noon ay maghihiwalay din sila. Kaya kahit ayaw niyang makipagkompromiso dito ay kailangan niyang gawin. Nakakapagod na rin kase ang pagtatalo nila. At alam ni Richard na siya ang pasimuno ng lahat.

Pagdating sa opisina, inaasahan niyang nandoon na si Dei, pero ayon sa receptionist, di pa rin dumadating. Mag alas nueve na ng umaga pero wala ito. Saan kaya nagsuot ang babaeng iyon?

Tatawag na sana siya sa  HR kung nagpaalam si Dei na aabsent ng biglang pumasok ang Daddy niya sa opisina.

"Dad." Bati niya.

"Let's talk, Richard. No beating around the bush." Umpisa ng Daddy niya.

"What is it this time Dad?"

"Kamusta kayo ni Dei?" Kinabahan siya sa tanong pero di naman malalaman kung magsinungaling siya.

"Ayos naman. Bakit mo naitanong Dad?"

"Huwag ka ng magsinungaling sa akin Richard. Alam kong nag-away kayo ni Dei. Ano bang ginawa mo na naman?" So nagsumbong na nga si Dei. Ang galing na babae.

"Ipinahiya niya ako kahapon sa harap nila Sam. Inaway ko."

"Paanong ipinahiya?" Ipinaliwanag niya ang nangyari.

"You know, Richard, mabuti pa nga na maghiwalay na kayo. Kawawa naman si Dei kung makikisama pa rin siya sayo." Sabi ng Daddy niya na akala niya ay kakampihan siya kahit pinalabas niyang siya ang tama.

"It's not my fault, Dad."

"It was your fault! Don't try to explain Richard. Hindi man ikinuwento ni Dei sa akin yang nangyari kahapon, pero alam ko ikaw ang may pakana kung bakit nangyari iyon."

"Wow Dad! Ako ang anak mo, pero naniniwala ka sa Dei na iyon?"

"Yes! Kase kilala ko ang batang iyon."

"I can't believe you can say that Dad. Nakakasama ng loob."

"Grow up Richard! Matanda ka na."

Di na siya sumagot. Napikon na siya pero ayaw niyang mas magalit ang Daddy niya dahil uuwi siya sa kankungan.

"Kinausap na ako ni Dei. Nagpapaalam na siya na ipawalang-bisa ko na ang kasal ninyo."

"What?" Kinabahan siya, baka makuha na ni Dei ang lahat ng kayamanan na para sa kanya.

"Huwag kang mag-alala! Di ko na itutuloy ang balak ko. Nakiusap si Dei na itigil ko na ang pangblackmail ko sayo."

"Buti naman. Dapat lang kase di sa kanya ang mga ari-arian natin." Nangisi pa siya.

"Wala siyang alam sa kontrata na mapupunta sa kanya ang kayamanan ko. Pinakiusapan ko lang siyang pakisamahan ka para matulungan kang magbago. Wala siyang makukuha sa akin, dahil iyon ang pakiusap niya sa akin. Sapat na ang makapagtrabaho sa kumpanya natin ang hiling niya. Pero mukhang pati iyon ay hindi na rin niya kukuhanin." Kwento nito. Nagulat siya. Minaltrato niya si Dei dahil iniisip niya na Gold Digger lang ito.

"Aalis na siya sa condo at ipapawalang-bisa ko na rin ang kasal ninyo. Bahala ka na Richard. Matanda ka na para pakialaman ko. Sana lang marealize mo yan bago man lang ako mamatay. At si Dei, hahayaan ko ng lumayo siya sayo dahil sinasaktan mo lang siya. Mabuti na rin na maghiwalay kayo, at least matatahimik na si Dei. She deserves to be happy, pagkatapos mamatay ng Tatay niya.  And I can't take that away from her. Magsaya ka na, malaya ka na."

Tumayo na ang Daddy niya at lumabas sa opisina.

Wala na si Dei. Pwede na siyang bumalik sa dati. Tapos na rin ang palabas. Wala na rin problema sa Daddy niya tungkol sa mana. Dapat nga magsaya na siya.

Ang tanong, masaya nga ba siya?

Imbis kase na matuwa siya, bakit parang may anong sumaksak sa dibdib niya?






****

Nagmamadali si Dei na nag-impake ng masigurong wala na si Richard sa condo.

Mabilis lang niyang nakuha ang mga gamit at umalis agad.

Kailangan niyang makakuha ng bagong matitirahan.

Tumawag siya kala Chloe at Meriam para humingi ng tulong kung saan siya pwedeng mangupahan. Tamang-tama ay bagong lipat si Chloe sa isang apartment sa may Taguig kaya niyaya na lang siya nito doon. Wala naman daw siyang kasama kaya makihati na lang daw siya.

Hulog talaga ng langit si Chloe. At least meron na siyang mapupuntahan.

Sumakay siya sa taxi para makarating kala Chloe. Naroon na si Meriam na nag-hihintay. Dating gawi, silang tatlo ulit.

"Musta Girl?" Tanong ni Meriam. Nasa kwarto niya sila kung saan sarili niya ito. Wala man sariling banyo pero sanay siya sa ganun. Inaayos na kase niya ang mga gamit niya sa cabinet.

"Ayos naman."

"Mukhang mayaman ka na day." Sabi ni Chloe.

"Ano ka ba? Di no! Nakabili lang ng ilang damit. Teka, saan ka nagwork, Meriam?" Tanong ni Dei.

"Diyan sa The Fort. Eto si Chloe sa BGC."

"Sa Makati ako. Ako lang pala ang malayo."

"Okay lang yun. Sa BGC din ako nakatira. Kasama ang foreign bf ko." Si Meriam.

"Wow! May jowa ka na? Ang taray aba!"

"Ganun talaga Dei. Tsaka at least di na ako mahirapan. Baka pumunta na rin ako sa States. Kase taga doon si John." Sagot ni Meriam.

"Eh ikaw, Chloe?"

"Ako? Wala no! Eh ikaw?"

"Lalong wala. Wala akong panahon sa ganyan."

"So it's a tie pala tayo. Buti pa si Meriam. Ahahaha!"

Parang nalimutan ni Dei ang pinagdaan. Sana lang bukas mailipat na siya ng ibang department. Para di na sila magkita ni Richard. Di na siya aakyat sa floor nito. Mabuti ng di na sila magkita. Kase di niya alam ang pwede niyang gawin at sabihin kapag nagkita sila. Sa dami ng pananakit na ginawa nito sa kanya, ayaw na niyang makita o makaharap ang lalaki kahit kailan.






A/N No proofread.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro