Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Tired and hungry, I have nothing but sleep in my mind.

It's been two months since my preparation for my thesis defense, and having it finally done and over with, I can now breathe.

Hindi pa ako nakakalimang minuto na nakaupo sa kama ko sa madilim na dormitoryong ito ay may tumatawag na sa aking lumang telepono.

"Hello?" Bungad ko.

"Si Nicomaine Mendoza po ba ito?"

"Ako nga po. Bakit po?"

"Pumunta na lang po kayo dito sa ospital sa San Simon ngayon din dahil nakaconfine ang Tatay ninyo dito.

"Ano po? Kamusta po si Tatay?" Kinakabahan na ako at maluha-luha sa balitang narinig ko. Si Tatay na lang kase ang magulang ko. Si Nanay ay matagal ng namatay mula ng ako ay limang taong gulang pa lamang.

Di alintana ang gutom at pagod sa ginawa ko sa buong araw ay napabangon ako sa aking kinauupuan.

"Basta pumunta na lang po kayo dito."  Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono.

Nagmadali akong maglagay ng ilang damit sa aking malaking backpack para umalis na at mapuntahan ang aking ama.



****

Parang napakatagal ng biyahe.

Gustuhin ko man na madaliin ang pagtakbo ng bus na sinasakyan ko papuntang San Simon ay hindi maari.

Magkakahalong kaba, luha at sakit ng dibdib ang nararamdaman ko habang hindi ko pa nakikita si Tatay.

Wala sanang masamang nangyari sa kanya dahil di ko kakayanin kung mawawala siya.

Makalipas ang tatlong oras ay nakarating ako sa bayan ng San Simon.

Agad akong sumakay ng tricycle kahit naman iisang daan na lang ang laman ng aking pitaka.

Hirap kami sa buhay at nagtratrabaho ako bilang crew sa isang fastfood para may pambayad sa mga pangangailangan ko sa kolehiyo at dormitoryo.

Ayoko rin kaseng pilitin din na aadalhan ako ni Tatay ng pera dahil alam kong mas kailangan niya iyon.

Mula ng magkolehiyo ako ay ako na ang gumagastos sa aking mga pangangailangan.

Nakaswerte ako ng makakuha ng scholarship sa isang malaking unibersidad sa Maynila.

Nang makarating ako sa ospital ay nagtanong agad ako sa nurse station.

Nasa public ward daw si Tatay ayon sa isang nurse doon.

Mabilis kong tinakbo ang kwarto kung nasaan si Tatay.

Pagpasok ay nakita ko na maraming nakahiga sa hilera ng mga kama sa loob ng ward.

Marahil tulad din namin ni Tatay ay mahirap din sila.

Nakita ko si Tatay na may oxygen na nakadikit sa kanya.

"Tay, anong nangyari? Bakit di mo sinabi sa akin e di sana nakauwi ako para alagaan ka." Bungad ko kay Tatay na napatingin sa akin. Nakatingala kase siya sa kisame.

"Anak, Dei wala ito. Bakit ka pa umuwi dito?"

"Tay naman. Uunahin kita siyempre."

"Di na kailangan. Mas mahalaga ang klase mo."

"Tay naman e. Huwag na ninyo alalahanin iyon. Ayos lang ako. Tapos na yung defense ko. Kaya pahinga muna ako."

"Talaga anak?"Pilit pinalalakas ni Tatay ang sarili.

"Oo Tay. Ako pa ba?"

"Mabuti naman anak. Matutupad mo na rin ang pangarap mo."

"Oo Tay. Mabibigyan na kita ng magandang buhay at di ka na mahihirapan magsaka."

"Anak naman huwag mo na akong alalahanin."

"Hindi Tay, gusto kong makaranas ka ng ginhawa. Kaya magpagaling ka na diyan at pupunta ka pa sa graduation ko. Isang buwan na lang yun."

"Gusto ko yan anak."

"Sige Tay, pahinga ka muna. Dito lang ako. Babantayan kita."

"Sige anak. Napagod din ako." Pumikit na siya. Maluha-luha ako dahil kita ko ang ibinagsak ng katawan ni Tatay sa loob lamang ng tatlong buwan simula ng bumalik ako sa Maynila para ipagpatuloy ang aking pag-aaral dahil graduating na ako.

Pumasok ang doktor at lumapit sa akin.

"Ikaw ba ang anak ni Mang Manuel?" Tanong nito.

Tumango ako.

"Halika muna sa labas at doon tayo mag-usap." Yaya ng doktor. Alam kong malalim ang usapang magaganap dahil mukhang ayaw niyang marinig ito ni Tatay.

"Tatapatin na kita Miss, pero malala na ang tuberkulosis ng tatay mo. Hindi na siya magtatagal. Napabayaan niya ito at hindi ginamot kaya halos maubos na ang baga niya."

"Doc? Di ko po alam na may TB siya."

"Marahil di niya ipinaalam sayo. Pero iha, kailangan mo rin matignan kung may TB ka dahil nakasalamuha mo siya. Nakakahawa ang sakit na iyon."

"Wala po kaming pera para doon. Unahin na po ninyo si Tatay."

"Saka mo na isipin iyon. Pero sa ngayon, sana ay maging bukas ka na sa isiping, sa sitwasyon ng Tatay mo ay maari siyang mawala anumang oras."

"Gaano po katagal?"

"Di ko alam iha. Ayokong magsabi ng oras. Pero sana magawan pa ng paraan."

"Gawin po ninyo ang makakaya ninyo. Hahanap po ako ng pera para mapahaba pa ang buhay ni Tatay."

"Gagawin ko ang magagwa ko iha. Maiwan na kita. Sana ay sundin mo rin ang payo ko na magpatingin. Mabuti na rin na magkasiguro tayo." Tumango na lang ako.

Napaupo ako sa gilid ng madilim na pasilyo. Di ko na alam ang gagawin ko. Walang-wala kaming pera.

Bahala na. Gagawa na lang ako ng paraan. Kahit pa ibenta ko ang sarili ko, gumaling lang si Tatay ay gagawin ko. Siya na lang ang katuwang ko sa buhay. Ayoko siyang mawala pa. Di pa ngayon. Di ko pa kase kayang mag-isa.








A/N No proofread.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro