Side Story 2
Side Story 2 (College)
Clinton Tuliao
He went to Manila for college while I stayed here in our province to pursue my dream. For someone who has been too dependent to their best friend, it was hard to adapt a sudden changes with my environment alone. I absentmindedly call his name sometimes, a hobby that I have to stop.
Realizing how hard to change my usual routine I mentally asked myself, was it hard for him too? Does he absentmindedly calls my name too? Does he miss me too?
The last time we met it was emotionally memorable and I still remember it like it was yesterday.
"Semestral break ni June, 'diba?"
"Hmm."
"Kaya pa la nakita ko siya kahapon sa mall kasama si August namimili ng groceries."
"Hmm."
"Hindi ka ba gagala sa kanila? I heard nasa Cebu si Ema."
"May lakad ako ngayon." Pagdadahilan ko.
Nakita kong tumango si mama at pinapatuloy ang ginagawa. Simula no'ng umalis si June papuntang Maynila ay hindi na niya ako kinausap pa. No text, calls, and chats. He has my number, we're friends on my social media accounts and he didn't event think of reaching out.
I once gave him an update about my college life, pero wala ni isang reply man lang. I don't know why. I don't know what's going on between us. The last time I checked okay lang naman kami at wala naman akong ginawang ikasasama ng loob niya.
Now that he's home, I'm afraid to see him. Mountains of what if's has been bugging me this whole time and it affects me mentally.
"Not going to see your best friend? May nangyari ba sa inyo?" Usisa ni Claudelle na nasa tabi ko lang nanonood ng T.V.
"Oo nga. Usually ikaw itong excited pumunta sa bahay nila," puna pa ni mama na ngayon ay nasa akin na ulit ang atensyon.
"May lakad nga kasi ako, okay?"
"Umiiwas ka ba kay June?"
Umiiwas? Ako? Baka siya 'tong iniiwasan ako! He didn't even inform me na uuwi siya ngayong semestral break nila.
"Of course not!"
"Sounds defensive to me," Claudelle muttered but still it reaches my ears kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Pupunta ako mamaya sa kanila, samahan mo'ko."
"May lakad nga ako," I dejected.
"Resenting, are we? You sound like a jealous boyfriend." Tudyo sa akin ng kapatid ko na may kasamang tawa. Sarap bigwasan tuloy.
"Naku, kung may hindi kayo pagkakaintindihan dalawa ay kailangan niyo 'yang pag-usapan." Payo ni mama.
"He's the one to blame. Anyway I have to go."
Kaagad akong tumayo at hindi na hinintay ang kung ano pang mga salitang lalabas sa mga bibig nila. It's too obvious na kampi nila sila kay June. Si June na malambing. Si June na thoughtful. Si June na always nakangiti. Bla bla bla. Tsk!
Gamit ang motor ay lumabas ako ng bahay at binaybay ang kalsada patungo papalabas ng village. Medyo may kalamigan ang hangin dahil sa makulimlim na ulap sa itaas. Anumang oras ay bubuhos na ang malakas na ulan, pero hindi ko na pinansin ito at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
Walang eksaktong destinasyon basta lang ay makalayo ako sa bahay. Naisip ko kasi na baka dumalaw siya sa amin kaya simula no'ng maka uwi siya ay maaga akong umaalis at gabi na ako uuwi. I just told them na galing ako sa bahay ng isang kaibigan but the truth is tumatambay lang ako sa 7/11 at doon na rin kakain.
But today ay wala talaga akong ma-isip na lugar. Sana lang ay hindi ako abutan ng ulan sa daan. Hininto ko ang motor sa tabi ng isang café na palagi kong tinatambayan noong highschool. Malapit lang kasi ito sa school namin noon.
Pagpasok ko ay pumwesto kaagad ako sa table na malapit lang sa glass wall. Eksaktong pag upo ko ay bumuhos ang malakas na ulan.
"Order, sir?"
"One hot Americano and a slice of Pistachio Cheesecake."
"Iyon lang po ba?"
"Yes."
Nang makaalis na ang waiter ay tumingin ako sa labas. Nasa tabi lang ng daan ang café kay kitang-kita ko ang mga nagdadaanang sasakyan at dahil makulimlim ay naka-on ang mga headlights nila. Wala na ring mga naglalakad na commuters dahil nakahanap na sila nang masisilungan. Naka suot na rin ng raincoats ang mga motorista pero may iilan din na basang-basa na sa ulan.
Nakamasid lang ako sa labas hanggang sa dumating na ang order ko. Nagpasalamat naman ako sa crew ng café bago ito umalis. Dahil na rin sa nilalamig na ako ay hinigop ko na ang mainit na kape sa aking harapan. Saktong nasa bibig ko na ang mug nang may mahagilap akong pamilyar na tao at ito ang dahilan kung bakit naudlot ang pag-inom ko.
The second I realize who was the man standing few meters away from me, a sudden surge of tremor gradually overpower to my system. Good thing I managed to take a sip without spilling a drop of coffee.
In my head, I keep yelling, hoping he doesn't notice me. Because, in all honesty, I'm not sure how to approach him. I also hope he has some sensitivity and would not talk to me because of all these silent months. He'll be a hypocrite if he walks up in front of me and asks how my life is doing.
Dumaan ang ilang minuto na hindi ko nakikita mag mukha niya sa aking harapan kaya nakahinga ako ng maluwag. As much as I want to take my exit in the café, I can't because of the heavy rain. Tahimik na lang akong kumain ng cake at humigop ng mainit na kape sa tabi.
Inaliw ko na lang ang sarili ko sa mga puno na marahas na sinasayaw ng hangin. I was in the midst of being comfortable when someone interrupted my peace. When I stared at the person in front of me, all of my nervousness that had been building up came rushing out at once. My hands began to tremble uncontrollably, so I decided to place them on my lap, under the table, out of his line of sight.
"Yow! What's up? Pupuntahan na sana kita sa inyo kaso naabotan kami ng ulan sa kalsada."
He casually sit on the unoccupied chair and I just noticed that he's with someone. Umupo rin ang kasama nito sa isa pang upuan.
"I'm sorry kiniladkad kasi ako ni June." Hinging paumanhin nito saka nilakihan ng mata ang kasama. "Gagi, muntik nang mabuhosan ng kape ang dress ko, June."
"Sorry. He's my best friend kasi and I want you to meet him. Remember the guy that I've been talking about?"
Nakita kong natigilan ang babaeng kasama niya saka tumingin sa akin gamit ang mapanuring mata, then segundo lang ang dumaan ay nginitian niya na ako animo'y hindi ko siya nakitang nangilatis.
Bumalik ang tingin ko kay June na ngayon ay malapad ang ngiti.
"Clinton, this is Vira and Vira, this is Clinton."
Hindi ko pa man nailahad ang kamay ko ay kusang kinuha na ito ni Vira. Wala man lang sense of boundaries and babaeng ito. But anyway I just let her because it looks like they're super close.
"Nice to meet you!" Hilaw na bati ko at binawi kaagad ang aking kamay, hindi naman nito nahalata.
"I didn't know na gwapo pala ang bff mo, June. Bakit hindi ka nag maynila? With that look? Ugh! Ladies will drool and feast you. Ano'ng kurso mo?"
She didn't sound overreacting and it looks like she's just being natural in front of me. Hindi rin nito itinago ang pagiging ususera.
"I'm taking up Secondary Education major in English."
"Wow! Future educator ang peg! Bakit ba usually sa inyo are wearing glasses? Can't deny the fact that those males are such a hottie! Especially you! May girlfriend ka na ba?"
Ok! I'll take it back! She's overreacting! Wala ring preno ang bibig niya and I am starting to wonder kung saang panig ng pinas nakilala ni June ang babaeng ito.
As I was busy answering to her questions, June's eyes were glued to her while wide smile plastered on to his lips. His orbs sparkled in amusement as he turned his full focus on the girl beside him. The moment I saw admiration in his eyes, I knew that there's something going on between them.
"Wow! NGSB ka pala?!" Hindi makapaniwalang wika ni Vira.
"He's picky when it comes to girls, V."
"Gano'n ka rin naman ah? You and your standards!"
"But I got you!"
"Hey! I'm even more than your standards noh!"
Para silang may sariling mundo dalawa at tila ba naging hangin na lang ako sa paligid nila. Sila na nga itong bigla na lang lumapit at namulabog sa katahimikan ko, ginawa pa akong audience sa huli.
"Teka muna ha, banyo lang ako." Vira excused herself and went to the C.R.
Naiwan kaming dalawa ni June sa table at ramdam ko ang awkwardness ng hangin na pumapaligid sa aming dalawa. He was busy sipping his own coffee while I was just waiting for him to speak. But I'm tired of waiting kaya ako na ang kumausap sa kanya.
"Girlfriend mo si Vira?" Diretsong tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin gamit ang kalmado nitong maga mata. "Nililigawan." Pagtatama niya.
I nodded my head while my hands that are on my lap slowly forming a fist. I could feel all my muscles tense up as I grasp the words he just said.
Did I get my hopes up?
To the point that I could find myself alone on the ground, trying to get up on my own?
"Clint? Ayos ka lang?"
Dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito ay nakalimutan kong nakatingin lang pa la si June sa akin. His eyes were asking right now kaya inayos ko ang sarili ko. I acted like nothing is wrong. That I was fine hearing those hurtful words, though he's not aware of it.
"Y-yeah," I fake a smile and turned my sight on the side, avoiding his eyes. Napansin ko na tila humihina na ang ulan sa labas.
"You're not mad at me, are you?"
"Of course not!" Another lie.
"No I mean, these past few months that I didn't reach you out."
I feel like I am not yet ready for this topic kaya inunahan ko siya. Alam ko na kasi na gagawa lang siya ng mga excuses like busy siya sa studies, marami siyang paperworks, at kung ano-ano pa na alam ko naman ay hindi totoo. Ako lang, bukod sa pamilya niya, ang mas nakakakilala sa kanya. Alam ko kung kailan siya magsasabi ng totoo at hindi.
"I understand. College is so challenging kaya I know you're maintaining your grades dahil sa scholarship mo." Sabi ko na lang pero sa isip-isip ko, kaya niya namang maglaan ng oras para sa kaibigan niya.
Kaibigan pa ba kaya ang tingin nito sa akin?
"Anyway, I have to go. May gagawin pa kasi ako." Pagdadahilan ko ay tumayo na kaagad, sakto namang kababalik ni Vira galing banyo.
"Are you leaving?"
"Ahh yeah. Nice to meet you and have a fun with your date, you too."
Hindi ko nakita ang reaskyon ni June nang papaalis na ako at dire-diretso na rin ang naging lakad ko. Nang nasa motor na ako't nag da-drive ay doon ko lang naramdaman ang sakit na nagmumula sa aking dibdib.
I suppressed my feelings for a long time because he's my best friend and I valued our bond more than the feelings I felt for him. It wasn't easy. There are times that it was too heavy for me to hide the truth.
There was even a time na akala ko ramdam na niya at natatakot ako dahil baka mandiri siya sa akin. Everytime he teases me I always take it seriously but I always hide it and always put a boundary.
Minsan nga hindi na ako pinapatulog ng sarili kong nararamdaman. Malala na kasi lalo na noong hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Parang may kulang sa bawat araw ko 'pag hindi ko siya nakita at naka-usap. Him alone could complete my day.
Pero mukhang hanggang pagiging kaibigan lang talaga ang role ko sa buhay ni June. He has Vira now. May laban ba ako sa kanya? Wala.
Nang makauwi ako sa bahay ay kaagad kong nakita si Claudelle kasama si August na naglalakad patungo sa kwarto ng kapatid ko. Sa may kusina naman ay nakita ko si mama na umiingiling habang nakatingin sa dalawa. Nang makita niya ako ay dali-dali siyang lumapit.
"Bakit basa ka? Akala ko ba may pupuntahan ka?"
"Yeah, galing na ako roon. Pasok na ako sa kwarto ma!" Paalam ko.
When I was about to turn around I heard her asking,
"Are you okay, Clinton?"
No, I'm not.
"Oo naman po. Magbibihis lang po ako saglit."
Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. It triggered when mom asked me if I am okay.
Hindi ako okay. Sobrang hindi! Galit ako! Galit na galit ako sa sarili ko kasi ang daming pahiwatig akong napansin na hindi ito ituloy, pero sige pa rin ako nang sige. Mahal ko eh!
Kahit na patago, mahirap pa rin na balewalain itong nararamdaman ko para kay June. Wala rin akong magawa kung hindi ang hayaan ang sarili ko ma malunod, kahit na ako lang mag-isa.
I did expect this, pero hindi ko in-expect na ganito pala ka sakit. Sobra, na parang napunit ang puso ko. Akala ko kasi makakahanap ako ng starting point, pero hindi pala. Hindi pa nga ako nagsisimula ay talo na ako. Siguro oras na para itigil ko na itong kahibangan ko.
- B M -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro