Epilogue
Epilogue
August Gavine
Today is the day!
Today will be my last day at Josephina Academy!
Today will be a memorable event in my life!
Today is the day that I'm going to say goodbye to my colleagues, teachers, and friends as we embark on new challenges and difficulties and face new obstacles in our lives.
This will never be the end; this is only the beginning. High school life is one of the most cherished, vital, memorable, and challenging events of my life.
I met a lot of people, and their existence taught me a lot of things. I met new people who became part of my life.
All my hardships and sleepless nights are worth it. I successfully completed my high school journey. I'm not alone in this battle because I have my friends with me. Together, we will step out of our comfort zone and ready ourselves for another battle. We might be separated, but our journey will continue.
"Let's go!"
Nakangiting sumunod ako kay Tristan papasok sa gate ng Josephina Academy. Habang naglalakad ay binusog ko ang aking mga mata sa tanawin. Ang bakal na gate na sa tuwing bumubukas at sumasara ay gumagawa ng ingay. Si kuya guard na palaging sinisiguro ang kaligtasan namin, mula sa pagpasok at paglabas namin sa campus. Sa mga puno na nakahilera rito ay mga saksi sa mga tawanan, paghihirap, kilig, samahan, at pagmamahalan ng bawat estudyante rito. Ang mga buildings at classrooms na saksi rin sa bawat pandaraya sa exams, pagre-review kapag may oral recitations, at sa mga natutulog sa klase. Ang mga whiteboard na naging instrumento rin para ihatid sa mga estudyante ang aral na ibabahagi ng mga guro. Ang canteen na tambayan ng bawat isa kapag walang klase, dito maraming ganapan, mga tawanan, chismisan, ligawan, at kahit pambubully. Ang field na palaging puno ng estudyante na nagpapahangin, mga barkadang tumatambay, at nagsasagot sa kanilang mga assignment. Ang gym na parating may mga athletes na nagpa-practice, especially ang volleyball at basketball team.
Sa bawat sulok ng campus ay may ala-ala ng bawat isa sa amin. Sa mga hallway, banyo, sa mga stockrooms, sa locker room, sa likod na bahagi ng paaralan, at kahit sa waiting shed sa labas.
"Fall in line, graduates!"
Sumunod kaagad kami sa sigaw nang isang guro na nasa harapan. Kasama nya ang mga junior student na parte ng student council.
Lumingon ako sa likod, tinitignan ko si Claud kung ayos lang ba ito. She's wearing her toga, pero hindi nakatali, mukhang naiinitan siguro. Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay sumenyas ako na ayusin ang toga nya. Sumunod naman ito sa akin. Hinanap ko si Tristan, dapat ay katapat ko siya dahil same kami ng first letter sa apelyido namin.
"Alam nyo na cue ninyo ha!" Paalala nang facilitator. "Huwag lang kayo magmadali sa paglalakad."
Um-oo lahat. Habang naghihintay sa oras, panay ang pagbuga ko ng hangin. Kabado ako ngayon kahit na lalakad lang naman kami. I've been waiting for this day, pero hindi ako mapalagay. Baka matapilok ako sa gitna ang dami pa namang nanonood.
Kalmahan mo lang, August!
Ginawa ko naman ang binulong ko sa sarili ko. Kapag hindi ako kalmadong maglalakad mamaya ay baka matapilok talaga ako.
Nagsimula nang tawagin ang pilot section, which is kami. Sabay ang boys at girls sa pagpasok dahil sa kanan na hanay kami at sila sa kaliwa. Ang school ay may sariling photographer na nasa baba ng stage. Kukunan nila ang lahat ng nangyayari sa event na ito. Mula sa simula hanggang sa dulo.
Noon ay isa ako sa mga students na kumukuha ng litrato kapag graduation, ngayon ay isa na ako sa mga graduates. Sabihin man natin na sobrang bilis ng pagtakbo ng panahon, ramdam naman namin ang saya because we exerted a lot of effort to be part of this event. We are not just part of this big event actually, because we are the event itself.
Pagkatapos ng march namin ay nagsalita si Mrs. Gamao para sa welcome address. Lahat nakangiti na nakikinig, even the audience which our parents and guardians. Habang nakikinig ako ay dumako ang tingin ko sa mga panauhin, the VIP's na mga alumni ng school. Some are familiar dahil minsan na silang dumalo sa mga events noon sa school. Pero laking gulat ko nang may makita akong sobrang pamilyar.
Wala akong alam na dadalo siya sa graduation ko. Habang nakatitig sa kanya ay sobra-sobrang kasiyahan ang naramdaman ko. Isa si papa sa mga VIP. Now I remember na alumni rin si papa ng Josephine Academy. Nang mapatingin siya sa akin nag thumbs-up pa siya, dahilan para magtinginan sa akin ang mga kaklase ko.
Then minutes passed ay tinatawag na nila ang bawat isa. Aakyat na kami sa stage to get our diploma. Ang magbibigay ng diploma ay ang mga VIP, salitan sila, while si Mrs. Gamao naman ang huling tao na e-sha-shake hands namin.
"Gavine, August, Estrella!" Tawag sa akin ng emcee.
Naglakad ako na may ngiti sa labi dahil ang bubungad sa akin ay si papa na kapareho ko ring malapad ang ngiti. The way he look at me parang sinasabi nya sa akin na sobrang proud nya sa akin. Papalapit pa lang ako ay pumalakpak na siya, though hindi naman malakas sakto lang at tanging ang nasa malapit na panauhin ang nakakarinig.
"Congratulations!" Masayang bati nya sa akin.
Dalawang kamay ang gamit ko upang hawakan ang parisukat na certificate holder na kulay maroon, gano'n din ang ginawa ni papa at humarap sa camera. Pagkatapos ay nag shake hands kami at niyakap nya ako sabay bulong...
"I'm so proud of you, anak!"
Hinagod nya ang likod ko. Mahigpit akong yumakap pabalik dahil ilang taon ko rin siyang hindi nayakap.
"Salamat, pa!"
After ni papa ay may apat pang panauhin na bumati sa akin ay nakipagkamay sa akin.
°°°°°•°°°°°
Claudelle Tuliao
After what happened to my parents ay parang nawalan ako ng gana na dumalo sa graduation ceremony. Kung hindi lang dahil kay August ay hindi ako dadalo, even if ako ang valedictorian. Wala akong alam kung ano na ang status nilang dalawa, if they decided to separate, or mama choose to accept everything.
Sabay kaming apat na dumating sa campus at pansin ko ang excitement ni August sa araw na ito. Nang makita ko iyon ay parang nahawa na rin ako. As long as nandito si August ay ayos na ako.
"Tuliao, Claudelle, Villarama!"
Si tito Joseph ang may hawak sa diploma ko at nang magtama ang mga mata namin ay sobrang lawak ng ngiti nya.
"Congratulations, Claudelle!" Bati nya sa akin.
"Salamat, tito." Nakangiti kong sagot.
Pagkatapos kaming kunan ng litrato ay may sinabi pa siya sa akin.
"You should call me papa too."
Hindi kaagad ako nakapag react sa sinabi nya dahil ibang tao na ang nasa harapan ko. Nang makabalik na ako sa upuan ko ay hindi pa rin nawala sa utak ko ang sinabi nya. Alam na rin ba nya ang tungkol sa amin ni August?
Ngumiti na lang ako, it's a good thing kung alam nya.
Pagkatapos ng bigayan ng diploma ay nagsalita ang guest speaker namin which is si tito Joseph. It took him twenty minutes to convey his inspirational keynote to us. He also teased August during his speech. Then the emcee call out my name for my valedictory address.
Tahimik akong naglakas patungo sa stage. Every eyes of the audience are lock to mine, hindi naman ako kinabahan. But I hope she's here, both of them is here. As I touch the mic, I looked at everyone and give them a smile.
"Good afternoon ladies and gentlemen," panimula ko. "To our honored guests Mr. Edgardo Hamili, Mrs. Theresa Buencamino, Mr. George Vicente, and Mr. Jake Hilario. To our guest speaker Mr. Joseph Gavine." Isa-isa ko silang tinignan at nginitian, they did the same thing to me. "To our school principal Mrs. Rhea Gamao. Dear parents and loving families, faculties and staffs, friends and to my fellow graduates. We are gathered here today to celebrate the accomplishments of the Class of 2023."
As I open my mouth and deliver my speech to everybody, my mind is rewinding to what happened on my first day at this institution. I could say that high school was one of the most memorable and enjoyable stages of my life. Not just me, but everyone gains a lot of knowledge that I know we will carry on as we enter the next stage of being students. It was not all about success that happened to me here; I also encountered failure, anxiety, and fear, and I am proud to say that I conquered all of those through hardships and dedications to reaching my goal.
Now, while standing in front of the Class of 2023, I am proud to say that we did it! We reach our goal!
"I hope you can make the best of everything. May you have the best of luck with future endeavors. Whatever and whichever path we choose, we will forever share a common bond of being the 2023 graduating class of Josephina Academy. Once again, thank you and congratulations!"
Nagpalakpakan silang lahat. Bumalik naman ako kaagad sa aking seat. Nang matapos na ang ceremony ay kaagad kong hinanap si August. Alam ko na kaagad kung saan siya patungo. Nasa stage sila ngayon for picture taking. I was looking at them from a far when someone block the way. Magagalit na sana ako pero si mama ay humarang sa akin.
"Ma!?" Gulat kong tawag sa kanya.
"I'm sorry for coming late, it's just I made up my mind before going here. Natagalan din ako dahil kailangan ko pang puntahan ang papa mo."
Then papa showed up at kaagad humawak sa bewang ni mama at sa kabilang kamay nya ay hawak nya ang maliit na kamay ng isang batang lalaki.
"Pa!" Naiiyak kong banggit at kaagad ko silang niyakap. "This is the best graduation gift!" Bulong ko sa kanilang dalawa.
I tried to think a life na hindi sila kasamang dalawa sa isang bahay and I realized na parang hindi ako kompleto, hindi ako buo. I need their presence. I want them to fix their marriage. I want to spend more time with them as my parents, them as husband and wife. I don't want them to broke their vows.
"Umiiyak na si Claudelle!" Tudyo ni kuya na sisilip pa talaga ang mukha ko.
"Gagi!"
Tumawa naman sina mama sa tinuran ko. Nang mapatingin ako sa batang lalaki, na parang natataka na nakatingin sa akin, at nginitian ko siya.
"Let's take a picture!"
"Sige sige, tapos pa picture na rin tayo together with the Gavines."
Even though late silang dumating ay masayang masaya ako! Sobrang saya! Pagkatapos ng picture taking ay muli kong hinanap si August. Nawala kasi siya bigla.
"Claud, dali!"
Biglang may humila sa akin at dinala ako sa stage. Nakita ko naman doon sina Jamila at Tristan na dala-dala ang kanilang diploma. Nang tignan ko kung sino ang humila sa akin ay doon ko lang nalaman na si August pala ito.
"Kuya, picture!" Sigaw niya sa harapan, na doon yung camera man at si kuya June.
Naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko, habang ang kabilang kamay naman nya ay hawak ang kanyang diploma. We all smile at the camera, at limang beses pa yata kaming kinunan.
"Dali tayong dalawa naman," excited na sabi ng katabi ko.
Umakbay ito sa akin, halos same height kami ngayon dahil sa suot nitong sandal. Umakbay na rin ako sa kanya at malapad na ngumiti sa camera.
"Ooy, daya kami naman ni August!" Ang ingitera na si Jamila. Hinayaan ko na lang. Gano'n din ang ginawa ni Tristan.
"Kayo naman dalawa ni Jamila, Claud!" Suggest nito. Nagkatinginan pa kami ni Jamila at ang gaga umirap pa. "Dali na!"
But because we both love August, ginawa namin ang gusto nya. Nang matapos na kami ay nagpaalam na kami sa isa't-isa pero sabay kaming dalawa ni August na lumabas sa hall. Suot namin ngayon ang uniform namin dahil binalik na namin ang toga.
"Claud," marahan nyang tawag sa pangalan ko.
"Hmm?"
Hinawakan nya bigla ako sa kamay at humarap sa akin. Because she's wearing make up right now ay mas naging maganda siya sa paningin ko.
"Sabi mo no'n may hihilingin ka sa akin ngayon."
Ahh, naaalala pa pala nya. Inipit ko sa likod ng kanyang tenga ang kumawalang hibla ng buhok nya. Dahil matangkad siya ngayon ay hindi na ito masyadong tumingala sa akin at hindi ko na rin kailangan yumukod pa.
"Naibigay mo na," nakangiti kong wika. "I only want you, August, not just a friend but a person that I want to spend my life with."
"Uhmm.. 'yun lang?"
Tumango ako bilang sagot.
"Akala ko pa naman kung ano."
Natawa ako sa tinuran nya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa malayo. Naka pout din ang labi nya. Napadako ang mga mata ko sa labi nya .
"August." Masuyo kong tawag sa kanya. Hinawakan ko ang panga nya at pinaharap ko siya sa akin. Agad namang nagtagpo ang mga mata naming nangungusap. Bumaba ang tingin ko sa mga labi nitong may lipstick pa. Bigla namang umihip ang hangin dahilan upang sumayaw ang buhok nitong malayang nakabagsak.
"Hahalikan mo ba ako o hindi?" Kunot-noo nitong tanong. "Ang tagal eh!"
Natatawa kong inilapat ang labi ko sa mga labi nya. I was just planning to give her a peck pero bigla nya na lang ipinulupot ang dalawang balikat nya sa leeg ko at kinagat ang ibabang labi ko dahilan upang mas lumalim ang halikan namin. Our heads are both tilting to the side and back as she lean forward to deepen more the kiss. I cupped both of her cheeks to synchronize her movement. No tongue, just lips moving and my inner self want more.
"Hindi ko alam na ganyang pala ang anak natin, Ema."
Our lips immediately parted as we heard a familiar voice. Paglingon namin sa gilid ay bumungad sa amin sina tita Ema at tito Joseph kasama ang mga magulang ko. Naroon din ang parehong kapatid namin na parehong tinakpan ang mga mata ng stepbrother ko.
"Ma!" Hinihingal na bulalas ni August. Nang tignan ko siya ay napansin ko pa ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. "Pa!" Gulat na gulat ito pero alam kong nahihiya rin siya.
Kaswal ko lang tinignan ang mga magulang naming dalawa. Ang wala pang alam ay si tito Joseph, the rest ay may idea na sila.
"That was a passionate one!" Segunda ni papa at nagkatinginan silang dalawa ni tito at nag apir.
"Baka nakakalimutan ninyong nasa campus pa kayong dalawa?!" Seryosong wika ni mama habang nakatingin sa akin. "Claudelle?"
"Mamaya na iyang labing-labing ninyo, umuwi muna tayo."
Then sabay-sabay silang tumalikod sa amin at tinungo ang parking lot. Naiwan ulit kaming dalawa ni August.
"Hoo! Kinabahan ako ro'n."
"Pfft, marunong ka na palang humalik ngayon," parinig ko rito. "You found an expert teacher."
"Claudelle!" Saway nya sa akin.
"It's Claud." Pagtatama ko. "Tara na, baka bumalik pa sila."
Sabay kaming naglakad patungo sa parking lot habang magkahawak-kamay.
She said to me that, she was so blessed to have me in her life. So am I. Hindi lang naman siya naging best friend ko lang, naging pamilya ko siya, naging karamay, she's my safe haven and my favorite person.
We may end our journey today, as a high school students, but our memories will stay intact in our mind. A sweet memory to remember. But honestly para akong nanalo sa graduation na ito, not because I am the class valedictorian but because I can freely show and tell to the girl I love how I love her so much.
- BM -
[ Salamat ng marami sa mga nagbabasa ng akda kong ito. There will be book 2 at sana patuloy nyo pa rin itong basahin! See you again sa iklawang libro! ]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro