Chapter 9
Chapter 9
August Gavine
Kanina pa ring nang ring ang alarm clock ko at kanina ko pa rin ito pinapatay. Wala akong rason para bumangon ng maaga dahil sabado ngayon. Sa pagkaka-alam ko ay may practice sila Claud ngayon pero half day lang. Gusto ko sana sumama kaso wala naman akong gagawin doon kundi tumunganga lang.
Tumagilid ako at tumambad sa akin ang sinag nang araw na sumisilip na sa bintana rito sa silid. Hindi ko naisara ang kurtina ko kagabi dahil sa pagod.
Pilit kong inabot ang kanina pa nag-iingay na alarm clock at in-off ito. Babalik na sana ako sa pagtulog kung hindi lang tumunog ang selpon ko. Pikit-mata ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hellow?" Inaantok kong bungad sa kabilang linya.
"Good morning!"
Sa hindi ko malaman na dahilan ay biglang kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Tuluyan nang nawala ang antok sa sistema ko dahil napalitan ito ng pagkabigla. She was too busy these past few days at hindi na kami nagkakapag-usap ng matagal. Malimit ko na rin naririnig ang boses nito.
"C-claud..." Tumikhim ako upang mawala ang tila nakabara sa aking lalamunan dahilan para mautal ako. "..na-napatawag ka?"
Base sa ingay na nagmumula sa kabilang linya ay nalaman kong nasa school na siya at kasalukuyang nag-eensayo.
"Nag text si tita sa'kin, hindi ka raw sumasagot sa mga tawag nya. Are you busy?"
"Hindi naman. Kakagising ko nga lang din."
Uuwi siguro si mama kaya siya tumawag. Kailangan ko maglinis sa buong bahay kung gano'n.
"Bumangon ka na it's already nine in the morning. Anyway, dadaan ako riyan mamaya after sa practice namin."
Gagi, wala akong stock sa ref dahil naubos na. Ano ipapakain ko sa kanya?
"Ano'ng oras ba uwian ninyo ngayon?"
Bumangon na nga ako at inayos ang hinigaan. Naka loudspeaker naman ang phone ko kaya malaya ko siyang nasasagot.
"Mga eleven o'clock siguro. Magluluto ka?"
Kung hindi ako magluluto, ano kakainin mo?
"Bibili ako ng buffalo wings kaya huwag ka ng magluto ng ulam."
Eh? As far as I remember she doesn't like those chicken wings. So, bakit siya bibili?
"O-okay." Nasabi ko na lang.
"I have to hang up tinatawag na kami ni coach. Bye!"
"Bye!"
Nang mawala na siya sa linya ay ilang segundo kong tinitigan ang cellphone ko habang tinatanong ang sarili kung anong nangyari kay Claud. May special occasion ba? I checked the date kaso wala eh.
Nag kibit-balikat na lamang ako at lumabas na sa kwarto. Agad kong tinungo ang kusina upang mag saing sa rice cooker. Afterwards kinuha ko na ang vacuum at nagsimula nang maglinis. Inuna ko na ang kitchen at ang dining. Pagkatapos ko mag vacuum ay pinunasan ko lahat ng nga bagay na makikita ko. Mula sa lamesa, upuan, mga appliances, even ang ref, ang mga vase hanggang sa mga bintana. Kulang nalang pati dingding ay punasan ko.
Pagkatapos ko sa kusina ay tinungo ko na ang sala. Hindi masyadong nagagamit ang mga sofa rito dahil minsan lang kami may bisita tapos hindi naman ako tumatambay sa sala. Si mama lang talaga kaso hindi naman siya palaging umuuwi. Hindi naman gaanong malaki ang espasyo rito, sakto lang para sa isang kagaya namin na maliit na pamilya. Kahit na hindi ako palaging tumatambay dito ay isa ito sa mga gusto kong lugar dito sa bahay.
Isa sa mga nagustohan ko rito ay ang malalaking bintana sa gilid na pahaba ang sukat. Dito kasi ako palaging nag se-selfie. Palagi rin itong background ng mga pictures ko noong bata pa ako dahil maganda ang view.
Ngayon na lahat kami ay abala ay nanatili na lamang itong nasa likod ng makapal at mahabang kurtina. Kinuha ko ang portable ladder na nasa basement at ginamit upang tanggalin ang kurtina para labhan.
Nang tuluyan nang mahulog ang makakapal na kurtina ay tumambad sa aking mga mata ang mga nalalantang tanim sa aming hardin. It's also one of the reason why I like the view here, the flower garden. Pero hindi na ito kasing-ganda noon.
Tinuloy ko na ang paglilinis at saktong alas diyes ako natapos. Tinungo ko muli ang kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref at uminom. May isang oras pa bago dumating si Claud kaya nagpahinga ako sandali para maligo.
May pintuan kami rito sa kitchen na nagsisilbing exit ng bahay at ito ang ginamit ko para puntahan ang hardin namin. May mga benches dito at pabilog na lamesa kung saan kami palaging kumakain ng snack noon ni Claud. Umupo ako sa isa sa mga bench para magpahangin.
Habang naka-upo ay napapa-isip ako. Kahit na wala akong kasama sa bahay hindi ko ramdam na nag-iisa ako dahil kay Claud. Pero minsan nami-miss ko rin na kompleto kami. May mga araw na gusto ko silang makasama pero hindi pwede dahil abala sila lahat. Si papa nasa abroad, si kuya nasa Maynila, at si mama ay palaging nasa trabaho nya.
Nauunawaan ko naman ang sitwasyon namin kaya nga kapag holidays or kapag umuuwi si papa ay lumiliban ako sa klase para maka bonding sila. Source of happiness ko kasi ang pamilya ko, bukod kay Claud.
Dahil sa pagmumuni-muni ay hindi ko na napansin ang oras. Nakita ko na lang si Claud na may kasama at papasok na sila sa gate. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay para pagbuksan sila.
"Hi, August!" Masayang bungad nang kasama ni Claud at hindi man lang nito napansin na hindi pa ako naliligo dahil niyakap nya ako kaagad.
Nang tignan ko si Claud ay masama lang itong nakatitig sa likod ni Jamila. Nang magtagpo ang mga mata namin ay tinaasan ko siya ng kilay.
"Sinama ko. Ang kulit kasi," walang gana nitong sabi na nanatiling nakatingin ng masama sa kasama.
Sobrang lawak ng ngiti ni Jamila habang sumisilip sa loob ng bahay.
"Pasok na kayo," anyaya ko sa kanila.
"Wow! Ang ganda ng interior ng bahay ninyo, August." Namamangha nitong wika. "Pero bakit mag-isa ka lang? Sabi kasi ni Claud kanina rito siya kakain dahil mag-isa ka lang daw."
Palagi naman 'yan dito kakain kahit meron akong kasama. Ewan ko kung gusto lang nya akong makasama or ayaw nya sa kanila.
"Busy sila lahat eh."
"Pero super close talaga kayo ano?"
Nilingon ko si Jamila at doon ko napansin na nakatingin ito kay Claud na may nanunuksong tingin. "Sabagay, best friend nga kayo 'diba?"
Kaagad nangunot ang noo ko sa narinig. I mean, alam kong mas may diin ang pagbigkas nito sa salitang best friend. Pero hindi ko na ito pinuna dahil walang reaksyon lang si Claud.
"Dito muna kayo sa sala, maghahanda lang ako ng makakain," sabi ko pero sabay nila akong pinigilan at nang nilingon ko sila ay sabay din nilang itinaas ang kanilang mga dala.
"We bought foods." Imporma ni Jamila na may ngiti sa mga labi. "Saan tayo kakain?"
"Sa dining, malamang." Sagot ni Claud sa kanya at bigla akong inakbayan. "Tara na,"
Nagtataka naman ako kung bakit tawang-tawa si Jamila sa likod namin. Lilingon na sana ako pero pinipigilan naman ako ni Claud. Pero masaya ako na nandito sila dahil hindi ako nag-iisa.
Nang nasa dining na kami ay walang pigil ang pagsasalita ni Jamila habang tahimik naman kaming dalawa ni Claud. I was busy preparing for the plates and some utensils and Claud was the one who put the foods they bought on the bowls.
"Hindi naman sana ako sasama kay Claud sa totoo lang pero sabi nya kasi mag-isa ka lang ngayon dahil busy sa work ang parents mo. So I decided na sumama na lang at bumili ng foods as my peace offering dahil sa ginawa ko sa'yo," mahabang sabi nito at may hagikhik pa sa huli.
Hindi ko maiwasan na hindi matawa sa tinuran nya. Ang cute kasi ni Jamila at sobrang dami na nitong na share kahit na isang oras pa lang siyang nandito.
"Alam mo ba may dog akong alaga, labrador. Okay lang ba na isama ko siya sa susunod?" Tanong nito habang hinihimay ang manok.
"Okay lang naman, wala namang problema," sagot ko.
"Sa susunod? May balak ka bang bumalik?" Asik ni Claud na tinignan na naman ng masama ang kaharap. Sinaway ko naman siya.
"Mabuti pa itong best friend mo, Claud mabait! No wonder you fell so hard."
Hindi ko narinig ang huling sinabi nito pero binalewala ko na lang dahil abala ako sa pag nguya. Nang mag angat ako ng tingin ay nahuli ko silang nagbulong-bulongan.
Halata sa mukha ni Claud ang inis habang si Jamila naman ay natatawa. We're they talking?
"Ahem. By the way, may kapatid ka ba, August?" Muli nitong tanong sa akin.
"Oo, college student."
"Wow! Kuya?"
"Yes."
Now that I got to know her other side ay mas gusto ko na siyang maging kaibigan talaga. Iyong katulad ni Claud na malayang nakakalabas-pasok sa pamamahay namin. Ipapakilala ko siya ni mama.
"Do you want to meet my mother, Jamila?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa plato ko. Naramdaman ko naman na pareho silang natigilan at nakatingin sa akin.
Pansin ko ang alanganin na ngiti ni Jamila habang napapatingin kay Claud. What's going on with this two?
"B-bakit naman may meeting with the parents? Hindi naman ako manliligaw."
Biglang nabilaukan si Claud kaya agad ko siyang binigyan ng tubig.
"Dahan-dahan lang Claud."
Inubos nito ang laman ng baso saka tinignan ako ng seryoso. Dahil sa ginawa nya ay napa-inom na rin ako ng tubig sa baso ko. Iba ang nararamdaman ko kapag nakatitig ako sa mga mata niya. Parang nanghihigop.
"Wala akong masyadong kaibigan, si Claud lang talaga meron ako. Kaya gusto kitang ipakilala sa mama ko bilang kaibigan ko."
Nakita ko ang malawak na ngiti ni Jamila. "Really? Fine let's be friends! I wanna meet your mom as soon as possible!"
Ang jolly ni Jamila pero hindi naman pilit. Halata na totoo ang lawak ng ngiti nito.
"You don't know each other yet. Bago mo siya ipakilala sa mama mo ay kilalanin mo muna siya, August." Suhestiyon ni Claud na hindi ko inaasahan. Ang straight forward nya tapos kaharap lang nito si Jamila.
Sasawayin ko na sana siya pero naunahan na ako ni Jamila.
"Hoy! Huwag kang magselos na magkakaroon ng bagong kaibigan ang best friend mo, Claudelle!" Sita nito tapos lumingon ito sa akin. "But Claud's right!" Bigla itong sumeryoso habang nakatingin sa akin kaya kinabahan naman ako bigla. "My name is Jamila Chen. Half Chinese pero lumaki na ako rito sa bansa dahil ayaw ko sa chinese family ko. I like spicy foods, noodles, sea foods, and sweets. I also love watching horror movies and comedies. I love volleyball but I also play table tennis and basketball. I also love playing instruments such as piano, guitar, and violin. I'm eighteen years old," huminga muna ito saglit bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "..and I like girls!"
Gulat akong nakatitig sa kanya dahil sa sobrang bilis nitong magsalita para bang hinahabol siya ng kung ano. Naiinitidihan ko naman lahat ng pinagsasasabi nya, lalong-lalo na ang huli. Nagulat ako, oo, pero alam ko naman na may mga gano'ng tao talaga. Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko para sa isang shake hands na tinanggap naman nito.
"I'm August Gavine."
"'Yon lang?" Nagtataka nitong tanong. "Ang dami kong sinabi sa akin tapos pangalan mo lang ang sinabi mo?"
Nagkibit-balikat ako sabay tingin kay Claud na seryosong nakatingin kay Jamila.
"One day is not enough to really know each other." Sabat nito.
"Oo nga naman, pero okay lang ba sa'yo, August na may kaibigan kang tulad na–..ko?"
Marahan akong umiling. What's with them naman para hindi ko sila matanggap? They're still human being. They breath air to live, eat foods to fuel their body, and go on with their lives like everyone else.
Silang dalawa ang nag-aabang sa maisasagot ko kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Wala namang rason para hindi kita matanggap na kaibigan."
"Do you find it weird if you see me kiss a girl?"
Ang tanong na iyon ni Jamila ang naging dahilan kung bakit muli ko na namang maalala ang ginawa ni Claud sa akin.
"What if halikan kita sa pisngi, hindi ka ba mandidiri sa akin?"
Mas nagulantang ako sa muling tanong nito dahil sobrang straight forward nya. Hindi ko talaga inaasahan na itatanong nya ang mga ito. Para akong nasa interrogation room.
"W-wait.."
"What if lang naman eh!"
"Jamila you're too much. Kumain ka na nga!" Saway ni Claud sa kanya.
Pero wala naman talagang mali sa pagiging kakaiba. Iyong tanong nya sa akin ay nabigla lang ako kaya hindi ako nakasagot. Kung hahalikan nya ako sa pisngi ay okay lang sa akin. Kung makita ko man siyang may kahalikan na babae ay wala lang din sa akin. Normal lang naman iyan, 'diba?
Nagpatuloy na kami sa pag kain hanggang sa matapos kami at nagligpit.
°°°°°•°°°°°
Kahapon lang ay sinabi ko sa sarili ko na okay lang makita si Jamila na may kahalikan na babae, pero ngayon na nakikita ko na ay hindi ko makayanan na titigan sila.
Nandito kami sa mall at plano naming mag sine sana ni Claud. Kaso biglang nakita namin si Jamila na may kasamang matangkad na babae na sobrang cute. Hindi namin sila kasama sa lakad namin ngayong dalawa dahil bonding time namin. Coincidence lang talaga na makita namin sila ngayon.
"Tss! Ang kalat talaga ng babaeng 'yan!" Rinig kong bulong ni Claud habang naka-akbay sa akin ang isang kamay at ang kabila naman ay may hawak na popcorn. "Okay ka lang? TMI 'yun sa'yo."
Natawa ako sa sinabi nito. Pero ok lang naman ako. May rason kung bakit umiwas kaagad ako kanina. Hindi ako nandiri, may naramdaman lang akong kakaiba.
"Pasok na tayo," yaya ko na lang sa kanya.
Nang makapasok na kami sa loob ng sinehan ay si Claud na ang naghanap sa seat namin. After nyang mahanap ay inalalayan nya akong maka-upo. Saktong pag upo namin ay nagsimula na ang palabas which is The Nun II. Hindi naman ako matatakutin at same kami ni Claud na mahilig sa horror at ito na rin mismo ang naging bonding namin noon.
Kain lang ako nang kain ng popcorn habang tutok sa pinapanood pero paminsan-minsan ay tinitignan ko si Claud. Kumakain din siya ng popcorn at paminsan-minsan ay napapapitlag. Ang cute nga nyang tignan dahil lumalaki ang maliit nitong mga mata dahil sa gulat. Nang muli ko siyang tinignan ay nahuli na nya ako kaya tawa lang ginawa ko.
"Sana pala nagdala ako cellphone." Sabi ko sa kanya. Umiling lang ito at tinap ang ulo ko.
"Focus ka sa harap, 'wag sa'kin."
Ginawa ko naman ang sinabi nya pero ilang minuto lang na nakaharap ako sa screen ay bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Hinayaan ko ang sarili ko na umidlip, nandiyan naman si Claud para gisingin ako.
Hindi ko na alam kung ilang minuto akong naka-idlip. Nagising na lamang ako ng may yumuyug-yog sa aking balikat. Nang magmulat ako ay mukha ni Claud ang nabungaran ko at sobrang lapit nya sa akin. Nakataas ang isang kilay nito.
"Tapos na ang palabas, sleeping beauty," aniya. "Tara na!" Hinigit nya ako kahit pa kakagising ko lang at hindi ko pa lubos nauunawaan ang nangyayari. Tinignan ko yung screen pero puro pangalan na lang ang nakikita ko.
"Luh! Tapos na?" Bulong ko sa sarili. Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Claud.
Gagi! Tinulugan ko lang 'yung ticket ko?
"Gutom ka na ba?"
Nandito na kami sa labas at kasalukuyang naglalakad sa kung saan man kami dalhin ng mga paa namin.
"Medyo. Kain tayo?" Aya ko rito. "Mag Chowking tayo, Claud. Gusto ko kumain ng Pork Chao Fan at 'yung Wonton nila."
Nginitian lang nya ako at saka umakbay sa'kin. "Tara na baka umiyak na 'yang mga bulate mo sa tyan."
Natawa ako sa sinabi nito. Kailangan ko itong lubos-lubosin dahil hindi na kami magkakapag bonding kapag nasa college na kami pareho. Isa pa may gusto akong malaman at tanging si Claud lang makakapagbigay sa akin ng sagot.
Sana lang ay hindi ko pagsisisihan ito.
- BM -
[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro