Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8

August Gavine

Okay na kami ni Claud at balik na rin kami sa dati. Maaga siyang pumupunta sa'min at sa bahay na rin siya kumakain ng agahan. Sabay na rin kaming pumapasok at umuuwi. Ang nag bago lang ay naging busy na siya sa extra curricular nya.

"Excuse po."

Nakuha ang buong atensyon ko sa pumasok na baba na pamilyar na sa aking mata. Nakasuot ito ng puting jacket at itim na jogging pants.

Luminga pa ito sa paligid, siguro hinanap nito ang teacher namin. Nang mapansin nito na walang guro sa loob at bumaling ito ng tingin kay Claud, na ngayon ay inaayos na ang mga gamit nito.

"May practice kayo?" Tanong ko sa kanya.

Dahil dito ang magiging venue para sa interhigh ay tila pressured ang grupo nila Claud, lalo na at talo sila last year.  Medyo mahigpit na rin ang coach nila at maaga pa lang ay nagsisimula na sila sa kanilang training. Magiging abala na rin si Claud dahil sa papalapit na interhigh. Well, hindi lang naman siya dahil maging ako ay magiging abala rin.

Parte ako ng student publication at kahit na last year ko na this year ay hindi ako bumitaw sa aking pwesto.

"Gano'n na nga," sagot nito. "Hihintayin mo ba ako mamayang uwian?"

Hindi naman maiiwasan ang ganitong pangyayari dahil parte ito ng buhay namin bilang estudyante. Sa katunayan ay hindi lang pagod ang nararamdaman ng lahat kundi fulfilling din. Lalo na sa katulad ko na huling taon na rito.

"Oo."

"Wala ka bang gagawin mamaya?"

Nag-isip naman ako kung meron ba. Sa na-aalala ko hindi ko kinuha ang mabigat na trabaho sa publication kaya hindi ako magiging abala hangga't hindi pa interhigh.

"Wala naman, pero pupunta ako mamayang uwian sa office then diretso na ako sa gym after."

Marahan itong tumango at saka isinukbit ang bag sa balikat nito. Hinatid ko lang ito ng tingin hanggang sa makalapit siya sa taong naghihintay sa kanya sa labas. Nang makalapit na si Claud sa kanya ay lumingon ito na may malapad na ngiti sa mga labi at nakita ko rin ang pag ngiti ni Claud sa kanya.

Marahas akong napabuntong hininga at tinignan ang notebook ko na wala namang nakasulat. Hindi ko maiwasan na pansinin ang ngiti na iyon ni Claud.

Maganda si Jamila at sa napapansin ko ay marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Matangkad din ito, maputi, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng kanyang mga mata, pati pangangatawan nito ay nakaka-akit din. Mas feminine tingnan si Jamila kaysa kay Claud at kapag magkasama sila ay parang ang perfect nilang tingnan dalawa.

Dumaan ang mahabang oras at lunch break na nga. Hindi na bumalik si Claud sa classroom pero baka nasa canteen na ito at baka hinihintay ako. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at lakad-takbo ang ginawa ko papalabas sa classroom.

Pagdating ko sa canteen ay halos wala na akong mauupuan dahil sa rami ng estudyante na kumakain. Tinungo ko muna ang counter at bumili ng tanghalian. Habang naghihintay sa order ko ay biglang may lumapit sa akin.

"Hi!" Nakangiti nitong wika at may hawak itong tray ng pagkain. "Ikaw si August, 'diba?" Ani nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. "Sorry, alam ko hindi ito ang tamang oras pero..."

Kunot-noo ko lang siyang tinititigan dahil hindi ko alam kung ano ang gusto nito sa akin. Hindi ko siya kilala pero napapansin ko siya sa campus.

"Pero?"

"Pwede ko ba makuha ang number mo? I mean no harm. Gusto ko lang makipagkaibigan."

Wala akong ma-isip na sasabihin sa narinig ko. Ngayon lang naman ito nangyari sa'kin dahil buong buhay ko si Claud lang ang naging kaibigan ko. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip kasi ano naman ang motibo nito? Bakit? Paano nya ako nakilala? Hindi naman ako sikat sa school.

"August!"

Isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa akin sa realidad. Nilingon ko ang pinanggalingan nito at sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Claud.

"Heto na ijha." Kaagad kong kinuha ang order ko sa na hawak nong tindera.

"Salamat po."

Marahan kong kinuha ang order ko pagkatapos kong magbayad. Paglingon ko kay Claud ay kaharap na nito ang lalaking kausap ko kanina.

"Claud." Tawag ko sa kanya pero nanatili lamang itong nakatingin sa kaharap.

"Ano'ng kailangan mo kay August?" Malamig na tanong nito. "Kita mo ba na lunch break ngayon? Kailangan kumain no'ng tao at iniistorbo mo lang siya."

Marahan ko siyang hinigit para tumigil dahil mukhang natakot yata 'yung lalaki sa kanya. Nginitian ko naman ito at saka marahan na itinulak si Claud. Nang malayo na kami sa counter ay saka ko lang siya binitawan.

"Sino ba 'yun?"

"Hindi ko rin alam. Bigla lang kasi siyang sumulpot," pag-amin ko. Kahit ako ay lihim na napapatanong sa sarili kung sino ang lalaking iyon. Oo, napapansin ko siya sa campus pero ano naman ang rason nito at bakit nya ako kinausap bigla?

Hindi na nagsalita pa si Claud at nakasunod lang ako sa kanya. Huminto kami sa table na malapit sa wall at pansin ko na may nakaupo na rito. Pipigilan ko sana siya kaso pagtingin ko sa taong naka-upo ay natigilan ako.

"Claud, 'yung tubig?" Bungad nito sa kasama ko. Nakita ko pa ang paglipat nang tingin nya mula kay Claud patungo sa akin.

"I forgot. Maupo ka muna riyan, August."

Ginawa ko naman ang sinabi nito at nasa tapad ko ngayon si Jamila na nakatitig sa akin na parang sinusuri ako. The last time we met ay sobrang mean nito sa akin. Paano naman siya naging kaibigan ni Claud?

"I think I've seen you before. Have we met?" Rinig kong tanong nito kaya tumingala ako para salubongin ang tingin nya.

Nakataas ang kilay nito pero hindi naman siya nagmumukhang maldita sa paningin ko. Siguro dahil na rin sa sobrang ganda nito. Nakapusod ang mahaba nitong buhok tapos nakasuot din ito ng jersey. Ngayon na natitigan ko na siya ng mabuti ay napansin ko kung gaano ka tangos ang ilong nya at maliit din ang labi nito. Sobrang kinis din ng mukha, parang walang mga pores.

"S-siguro?" Sasabihin ko ba ang totoo? Pero hindi naman siguro nito malalaman. "Kasi iisang school lang naman tayo nag-aaral so for sure nakita mo na ako."

Oo nga, sa iisang school lang kami pumapasok pero bakit ngayon ko lang nalaman na may kaibigan pala si Claud na Jamila ang pangalan.

"Sabagay." Nagkibit-balikat ito. "Pero naririnig kita mula kay Claud. You two are best friends, right?"

Marahan akong tumango bilang sagot.  Napansin ko na hindi pa sila nagsisimulang kumain kaya hinintay ko si Claud para sabay-sabay na kaming tatlo. Tahimik lang naman ang nasa harapan ko kaso nararamdaman ko naman ang pagtitig nito sa akin.

Nang dumating na si Claud ay diretso itong umupo sa tabi nito at bigla akong nakaramdam ng pananakit sa dibdib. Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimula ng kumain. Nag-uusap silang dalawa tungkol sa interhigh at nakikinig lang naman ako habang kumakain.

Pakiramdam ko nagseselos ako kay Jamila at naiinis ako ngayon sa sarili ko kung bakit ko ito nararamdaman. Hindi ko alam kung kailan sila nagkakilala at kung paano sila naging close. Wala man lang sinabi sa akin si Claud tungkol sa kanya at hindi man lang nya ito pinakilala sa akin knowing na magkaibigan kaming dalawa. Pakiramdam ko tuloy dahil sa sobrang focus ko sa acads last year ay parang ang daming naging ganap sa buhay ni Claud na hindi ko alam.

"Naaalala ko na!" Biglang sigaw ni Jamila pero hindi naman sobrang lakas. "That's why you're so familiar to me, August!" Tuloy nito sabay turo sa akin.

"Ha?"

"Nagkita na kayo?" Tanong ni Claud dito at tinignan ako.

"We met outside the gym. Tinarayan pa nga kita eh! Well, sorry for what I've done. Sobrang wala ako sa mood no'n dahil sa classmate ko."

Wala akong balak aminin na namumukhaan ko siya pero dahil sa na-alala nya ako ay wala na akong magagawa kundi ang umamin.

"Ah, oo nga. Ikaw nga 'yun!" Sabi ko na lang at alam ko na nahahalata ako ngayon ni Claud. Sa kanilang dalawa, siya ang mas may alam tungkol sa'kin. Kaya nang napadako ang tingin ko sa kanya ay walang emosyon lang itong nakatitig sa akin.

"Ano naman ang ginagawa mo sa labas nang gym, August?" Tanong nito.

"I think she's there because of you pero sa naalala ko ay hindi ka pumasok," muling singit ni Jamila. "Then you hurriedly went outside, Claud kasi sabi mo pupunta ka nang canteen."

Umiwas ako ng tingin. Kapag tumagal pa ako rito ay magkakasala na talaga ako.

"Kailangan ko na palang bumalik. Okay lang ba na mauna na ako sa inyo?" Paalam ko.

"Yeah, sure. Punta ka mamayang hapon sa gym ha?"

Tumango ako bilang sagot at saka nagpaalam na sa kanilang dalawa. Hindi ko maramdaman na nagpapanggap na mabait si Jamila sa harapan ko. Madaldal ito at magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Kaya lang hindi ko gusto ang pagiging close nito kay Claud.

Kaya gusto kong makawala sa presensya nila ay dahil ayokong kamuhian silang dalawa, lalo na si Claud. Nang nasa classroom na ako ay lihim kong kinurot ang sariling pisngi.  Pagkaupo ko ay biglang nag vibrate ang cellphone ko, nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot. Sa palagay ko alam ko na ang rason kung bakit ito tumawag.

"Claud, napatawag ka?"

Wala akong marinig na ingay nang nga estudyanteng nag-uusap mula sa kabilang linya kaya siguro wala na ito sa canteen.

"Hindi mo inubos ang tanghalian mo kanina. Hindi ka ba komportable sa presensya ni Jamila?"

"Medyo naparami lang ako ng order pero busog na ako." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na hindi ko gusto ang pagiging close nila ni Jamila.

"Talaga ba?"

"Oo. Bakit naman ako hindi magiging komportable sa inyong dalawa?" Natatawa ko pang sabi.

"She's a friend of mine tapos best friend kita. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano ko siya ipakilala sa'yo kaya hindi ko na lang ginawa. Siya 'yung naging ka close ko sa volleyball team at matagal na nya akong kinukulit na ipakilala ko siya sa'yo," narinig ko ang marahan nitong tawa na parang may naalala.

Dahil sa sinabi nito ay nagsisi tuloy ako sa naramdaman ko. Nainis ako kay Jamila sa mababaw na dahilan. Dapat ay magpasalamat ako rito dahil nagkaroon ng kaibigan si Claud at hindi ito nag-iisa noong sobrang abala ko sa acads ko.

"Ipakilala mo ako ng maayos sa kanya sa susunod." Sabi ko pa.

"Yeah sure!"

"Claud," wala sa sarili ko siyang natawag kaya kaagad kong tinakpan ang labi ko dahil sa nangyari.

"Hmm?"

"Wala, sige na baka may gagawin ka pa riyan."

Nang matapos na ang tawag ay binalik ko na ang cellphone ko sa loob ng bag.

°°°°°•°°°°°

"Saan ka?" Untag ni Tristan na bigla-bigla na lang lumitaw sa aking harapan.

"Sa school publication office, bakit?"

Nagsimula na akong maglakad papalabas ng room at sumabay naman ito sa akin. Habang magkasabay kaming naglalakad ay bigla akong may nagpagtanto. Hindi na ako attracted kay Tristan.

"Hoy, tahimik mo yata?"

Paano nangyari na nawala na lang ang crush ko sa kanya bigla? Nilingon ko siya na ngayon ay nakatingin lang sa harapan. Gwapo pa rin naman siya sa mga mata ko pero 'yung kilig na kumikiliti sa aking sistema ay wala na.

"H-ha?"

"Ganyan ka ba kapag hindi mo kasama ang favorite human being mo?"

Favorite human being?

"Ha??" Naguguluhan na tanong ko habang nakataas ang dalawang kilay.

"Ha? Ha? Hakdog! Walang kwentang kausap!" Bigla nito sabi sabaya lakad ng mabilis. Hindi ko na lang siya tinawag dahil nagmamadali ako.

Ano kaya ang nangyari ro'n? May regla yata. Tinungo ko na nga ang daan papunta sa office. Wala naman akong gagawin do'n bukod sa magtanong kung ano ang update. Pagdating ko ay bumungad sa akin ang editor in chief namin na si Clark. Nakaharap ito sa laptop nya habang nagtitipa.

"Good afternoon!" Bati ko rito. "Update, meron ba?"

Tumingin lang ito sa akin saglit at bumalik na sa ginagawa.

"Mabuti naman at naisipan mong magpakita rito. May package na dumating galing kay principal, baka gusto mo tignan."

May box nga sa coffee table na nandito sa gitnang bahagi ng opisina. Hindi naman kalakihan at sa tingin ko rin ay alam ko na ang nilalaman nito. Matagal na namin gustong bumili ng bagong camera dahil dalawa lang ang meron kami at hindi ito enough lalo na at sobrang daming events na nangyayari sa school. As for me gusto kong kunan lahat ng mga scenes during event pero hindi kaya dahil nga dalawa lang ang meron kami.

"Camera yata 'to, Clark." Wika ko. "Kailan ba 'to dumating?"

Sinimulan ko na ang pag bukas gamit ang gunting na nasa table lang din. Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay kaagad nag ningning ang mga mata ko. Camera ang laman nito at hindi mamahalin pa.

"Sabi ni principal e-record daw natin ang event dahil ipo-post natin ito sa blog ng school."

Marahan akong tumango habang nakatitig sa bagay na nasa loob ng box. Excited na ako sa darating na interhigh.

"Ikaw din ang inatasan ni sir Richard sa videos at kasama mo naman na ang isang newbie as her training."

Oo nga pala, marami kaming newbie this year dahil halos kami lahat ay ga-graduate na sa taong ito.

"Maganda kung gano'n. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko rito na mukhang focus na focus sa ginagawa.

"Uuwi ako pagkatapos nito. May collaboration tayo with the SSG officers sa darating na interhigh at may meeting tayo bukas para rito."

"Okay. After school ba ang meeting?"

"Oo at kasama sina sir Richard at sir Niel."

Hindi lang pala si Claud ang magiging abala para sa paparating na event, ako rin pala. Ngayon na nakipag-collaborate ang SSG officers sa amin ay pakiramdam ko gusto ng principal na maging maganda ang kahihinatnan ng event. Ang school namin ang mag ho-host at parang ayaw nitong magpatalbog sa ibang school.

Nagpaalam na ako kay Clark na aalis na dahil padilim na rin ang langit. Nang makalabas na ako sa office at lakad-takbo ang ginawa ko patungong gym. Baka tapos na sila ngayon at hinihintay na lang nila ako.

Pero bago ang pumunta ro'n ay tinungo ko muna ang canteen at bumili ng dalawang Gatorade para sa kanilang dalawa ni Jamila. Then few minutes passed nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa loob ng gym.

Inilibot ko muna ang paningin ko para mahanap ko silang dalawa. Nakita ko naman sila kaagad, nakaupo sa isa sa mga bench at parehong suot nila ang jersey nila. Hindi nila ako kita dahil nakatalikod sila sa direksyon ko at wala rin akong balak na tawagin sila.

"Gagi, Claud ang lala! For almost ten years? Tapos wala man lang siyang idea? Ang lala mo!"

"Shut up!"

Iyan ang naabutan kong pag-uusap nila na hindi ko maintindihan. I mean hindi ako nag e-eavesdrop sa kanilang dalawa, iyon lang talaga ang narinig ko nang makalapit na ako sa kanilang dalawa.

"Umamin ka na lang kasi, malay mo may chance."

Dahil sa takot na baka may marinig pa akong hindi ko dapat marinig ay pinaramdam ko na sa kanila ang presensya ko. Sabay ko na idinikit ang Gatorade sa mga pisngi nila at sabay din silang lumingon sa gawi ko.

"Sa inyo 'yan." Sabi ko at kinuha naman nila ito.

"Kanina ka ba riyan?" Tanong sa akin ni Claud.

"Thanks for this, August."

"Welcome. Ngayon lang ako dumating. Tapos na ba kayo?"

Nakita ko ang pagbuga nang hangin ni Claud na parang nabunutan ng tinik. Pakiramdam ko tuloy may usapan sila na ayaw nyang marinig ko.

"Oo, naghihintay na lang kami sa'yo. Tara na?" Sagot ni Jamila at inayos na ang mga gamit nito. "Same lang naman ang direksyon ninyong dalawa papauwi 'diba?"

"Oo, bakit?"

"Wala lang, baka kasi wala kang kasama papauwi, mahirap na."

Ngumiti ako sa sinabi nito. Mali talaga na nainis ako sa kanya. Ramdam ko naman na mabait ito. Mali na nainggit ako sa kanya. Hindi naman siya mahirap magustohan bilang kaibigan. 

Sabay kaming lumabas ng gym at pumunta sa parking lot. Ngayon ko lang din nalaman na may motor din pala si Jamila.

"Una na ako sa inyo! Ba-bye!"

Nag wave ako para mag ba-bye sa papalayong si Jamila.

"Angkas na."

Sinunod ko naman ang sinabi ni Claud at saka sinuot ang helmet.

"Kumapit ka," ani nito at ginawa ko naman.

Habang binabaybay namin ang kalsada papauwi ay naisip ko na gusto kong maging kaibigan si Jamila. Gusto ko siyang maging ka-close katulad ni Claud.

"Claud, may ganap ka sa sabado?" Tanong ko sa kaharap na focus na focus sa pagmamaneho.

"Wala, bakit?"

"Gala tayo, sama natin si Jamila."

Tango lang ang naging tugon nito sa akin. Aayain ko siya bukas. Sana lang ay pumayag ito.

- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro