Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

August Gavine

Nandito ako ngayon sa clinic ng school namin para humingi ng gamot sa sakit ng ulo. Pakiramdam ko nga ay lalagnatin ako nito. Mabuti na lang talaga at kasama ko kanina si Tristan sa canteen dahil napansin nito ang pagiging matamlay ko. Siya na rin mismo ang ang um-order ng lunch ko dahil sobrang naliliyo ako kanina.

"Mis Gavine, mas makakabuti para sa'yo na dumito ka muna sa clinic at magpahinga. May contact ka ba sa mama or papa mo?" Tanong sa akin ng school nurse namin na nasa harapan ko at nakatingin sa akin.

Marahan lamang akong tumango at dahan-dahan na inihiga ang katawan sa malambot na kama. "Wala po akong dalang phone," mahinang sagot ko habang nakapikit ang mga mata.

Hindi ko dala ang selpon ko dahil nasa room pa namin 'yung bag ko. Pero ayoko rin naman na mag-alala si mama sa'kin lalo na at working hours nya ngayon. Lagnat lang naman ito, iinom ko lang ito ng gamot ay magiging okay na ako.

"Okay sige. Magtatawag na lang ako ng classmate mo para samahan kang umuwi mamaya," rinig kong muling wika nito pero hindi na ako sumagot. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na kahit magsalita ay nahihirapan ako.

Mabuti at wala kaming quiz ngayong hapon, discussion lang tapos hindi rin mahirap ang subject.

"Good afternoon, nurse."

"Good afternoon, mis Tuliao."

Bigla akong nanigas sa narinig na boses. Bakit siya nandito? Sinabihan ba siya ni Tristan?

"Pakibigay po kay August."

May ibibigay siya? Gustong-gusto kong tumayo at sumilip mula sa kurtinang nagsisilbing tabing sa kinaroroonan ko. Kaso wala talaga akong lakas para gawin ito.

"Okay sige, ijha."

Hindi ko na ulit narinig ang boses nito at umasa ako na baka naglalakad ito patungo sa kinahihigaan ko. Pero nadismaya lang ako dahil ang sunod na narinig ko ay pagbukas at pagsara nang pinto. Umalis siya kaagad.

Ni hindi man lang nagtanong kung kumusta na ang lagay ko!

Parang nanghina ako sa nangyari. Ito naman ang gusto ko 'diba? Halata naman noong una na wala siyang balak magsalita, bakit nag suggest pa ako ng ganito? Ako tuloy ang kawawa.

Ilang oras akong nakapikit at dinaramdam ang sakit ng ulo at panghihina ng katawan. Hindi ako nakatulog dahil sa kaka-isip kay Claud at sa sitwasyon namin ngayon. Kapag hahayaan ko na ganito kami, posibleng masira ang relasyon namin bilang magkaibigan.

Hindi ko alam kung anong oras na pero nakaramdam ako ng gutom bigla. Binuksan ko mga mata ko at bumangon sa hinihigaan. Marahan ko rin binuksan ang nakatabing na kurtina dahil balak ko nang lumabas at umuwi. Pero natigilan ako sa kalagitnaan ng paghahawi ko sa tabing dahil bumungad sa akin si Claud na naka-upo sa isang mono block chair malapit sa kinahihigaan ko. Nasa kandungan nito ang bag ko.

Nang makita nya ako ay mabilis itong tumayo at lumapit sa akin.

"Tara na," ani nito at marahan akong hinawakan sa kamay. Kaagad ko namang naramdaman ang mainit nitong palad. Hindi kaagad ako nakagalaw at tila gulat na gulat makita siya rito. "August?" Untag nito sa akin.

Kumurap-kurap muna ako mga tatlong beses saka napagtanto na nakatunganga lang ako.

"Ah?"

"Uwi na tayo." Marahan nya akong hinila papalabas. Huminto muna kami sa tapat nang table nang school nurse. "Salamat po."

"S-salamat po."

Tumango lang ito sa amin. Sabay kaming lumabas ni Claud sa clinic habang nakahawak ito sa aking kamay. Habang tumatagal ay parang may nararamdaman akong kiliti sa sistema ko. Kaya iniwaksi ko ang kamay nito nang tuluyan na kaming lumabas. Huminto naman siya dahil sa ginawa ko at hinarap ako na may seryosong mukha.

"A-ano?" Mahinang tanong ko habang kinakabahan. Pakiramdam ko kasi nagalit siya sa ginawa ko. "Uhmm, kasi ma..mainit yung kamay mo kaya...kaya–" hindi ko na makuhang ituloy ang sasabihin dahil bumuntong hininga ito.

"Kailangan mong kumain para maka-inom ka ng gamot. Tara na."

Hindi na nya ako hinawakan at naunang naglalakad. Pagdating namin sa parking lot ay agad kaming sumakay sa scooter nya.

"Kumapit kang mabuti."

Hindi ako sumagot pero bigla na lang nitong kinuha ang dalawa kong kamay at hinila kaya nakayakap na ako sa kanya ngayon. "Kapit sabi."

Kapit ba 'to? Yakap 'to eh! Pero hindi na ako nag maktol pa at baka tuluyan na siyang magalit sa akin. Pagdating namin sa bahay ay siya na mismo ang nagbukas nito gamit ang susi na kinuha nya sa bag ko. Hinayaan ko na lang din siya, total gawain ko naman 'yun at nanghihina rin ako.

"Dumiretso ka sa kwarto mo, maghahanda ako ng hapunan."

Hindi ito nakatingin sa akin nang sabihin nya iyon. Nilagay lang nito ang bag namin sa sofa rito sa sala tapos tinungo na nya ang kitchen. Sinundan ko siya. Nakatingin lang ako sa likod nya habang abala siya sa ginagawa. Kumuha ito ng mga gulay sa ref at karne ng manok, inilapag lang muna nya ito sa lamesa tapos nagsaing ito ng kanin sa rice cooker.

Kung hahayaan ko ang sarili na namnamin itong pakiramdam na ito, may Claud pa rin ba akong makikitang inaasikaso ako kapag hindi naging maganda ang kahihinatnan nito?

Lihim akong umalis sa pwesto ko at tinungo ang kwarto upang makapagbihis na ako. Dahil medyo giniginaw ako ngayon ay may kakapalan na t-shirt ang sinuot ko at nag jogging pants na rin. Pagkatapos ay pumanaog ako't muling tinungo ang kusina.

Abala pa rin ito sa panghihiwa ng mga gulay.

"Claud!" Marahan kong tawag sa kanya at pinapanatili ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Umupo ka lang dyan, 'wag ka nang tumulong."

Sinunod ko naman ang sinabi nito. Nakatitig ako ngayon sa flower vase na nasa gitna nang lamesa. Hindi totoo ang mga bulaklak na nakapaloob dito dahil sabi ni mama malalanta lang daw dahil hindi ma-aarawan.

"Hindi mo naman kailangan magluto," wika ko habang nakatitig sa  repleksyon ko sa vase.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya kaya nilingon ko siya. Nilalagay na nito ang mga gulay sa kumukulong tubig na nasa kaldero.

"Kaya ko naman ang sarili ko."

Nilagay nito sa lababo ang pinaglagyan nya nang mga gulay saka humarap sa konkretong dingding sabay buntong hininga. Nang makita ko iyon ay alam kong lilingon na siya sa gawi ko kaya agad akong bumalik sa pagtitig sa sarili kong repleksyon.

"Do you really think hahayaan kitang mag-isa rito? Naalala mo 'yung araw na mataas ang lagnat mo't wala rito si tita? Ako ang tinawagan mo at nagpaluto ka sa'kin dahil wala kang lakas magluto. So..," tumigil ito bigla saka nakita ko ang anino nito sa gilid ko. "Ano'ng pinagkaiba noon sa ngayon, August?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nyang iyon kaya hindi ko siya nilingon. Ayoko rin makita ang nagtatanong nitong mga mata.

"Galit ka ba?" Muling tanong nito na hindi ko inaasahan. "Tungkol pa rin ba ito sa ginawa ko?"

This time nilingon ko na siya. Sasabihin na ba nito ang dahilan nya?  Bumalik na ito sa pagluluto at tanging likod na lamang nito ang nabungaran ko. Naka-uniform pa pala ito pero may apron naman siyang suot.

"B-bakit?"

Bakit mo iyon ginawa, Claud?

"I'm sorry."

Sorry?

Bakit siya nagso-sorry? Pagkakamali ba'ng maitatawag iyon kung hindi naman siya lasing? Parehas kaming nasa tamang huwisyo? Okay naman siya no'n eh.

"I shouldn't have done that," marahan pa itong natawa saka nilingon ako. "Did I make you uncomfortable?"

Nakangiti siya ngayon pero pansin ko na hindi ito umabot sa mga mata nya. Tila ba'y nasasaktan siya sa sinasabi nya ngayon.

Umiling ako bilang sagot dahil hindi naman talaga ako nandiri sa ginawa nito. Nagulat lang. Sa katunayan nga ay parang nasagot nito ang tanong na tumatakbo sa utak ko. Pero ito rin naman ang naging puno't dulo nang mga tanong na gumugulo sa akin.

"So, okay na tayo?"

"Okay naman tayo," sagot ko rito.

"Ahh kaya pala iniiwasan mo'ko? Dahil okay tayo?"

Nag-iwas ako ng tingin. Nagsisimula na siyang magsandok ng ulam sa mangkok at inilapag nito sa lamesa. Kumuha na rin ako ng dalawang plato at mga kubyertos na gagamitin naming dalawa.

"Kumain na tayo," ani nito at umupo sa tapat ko pagkatapos nitong ilapag lahat ng niluto.

Tinolang manok na may patatas, nang makita ko iyon ay hindi ko maiwasan na ngumiti. Ito 'yung pinaluto ko sa kanya noong nilagnat ako at wala si mama.

"Salamat kasi kahit iniiwasan kita ay ginawa mo pa rin ito."

"Sino pa ba ang gagawa nito kundi ako? Ako lang naman ang best friend mo."

Nagsimula na itong kumain habang ako ay nanatiling nakatingin sa pagkain na nasa plato. Paulit-ulit kong naririnig 'yung huling sinabi ni Claud at tila binuhusan ako ng malamig na tubig.

Kailangan kong gumawa ng paraan para mawala itong nararamdaman ko. Hindi ito pwede. Hindi maaari at hindi akma sa aming dalawa.

Ayokong ako ang magiging dahilan na masira ang pagkakaibigan namin. Tama. Ito nga ang dapat kong gawin.

"Kumain ka na para maka-inom ka na nang gamot."

Sinunod ko ang sinabi nito. Nang matapos na kami ay siya na rin mismo ang naghugas. Tinungo ko na lang ang kwarto ko nang maka-inom na ako ng gamot. Humilata kaagad ako sa kama at binalot ng kumot ang sarili dahil bigla akong nakaramdam ng ginaw.

Ilang minuto ang dumaan ay narinig ko ang pagbukas nang pinto at agad na nanuot sa aking pang-amoy ang pamilyar na bango ni Claud.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Masuyong tanong nito sabay upo sa gilid ng kama at inilagay ang palad sa aking noo. "Medyo bumaba na ang lagnat mo ngayong naka-inom ka ng gamot."

Hindi ako sumagot at nanatiling nakapikit, alam naman nito na gising ang diwa ko dahil tumatango ako 'pag may tanong siya.

"Sinabihan ko na si tita na may lagnat ka pero sabi nya hindi siya makaka-uwi dahil sobrang busy nya ngayon."

Hindi naman bago. Hindi rin ako nagtatampo, para sa amin naman ang ginagawa ni mama. Isa pa, passion nya ang ginagawa nya at ayokong maka-abala pa. Babawi naman siya sa'kin 'pag may oras na talaga siya.

"Pahiram ng damit, dito ako matutulog."

Nagmulat ako ng mata at tinignan siya na nasa harapan ko parin. "H-hindi na kailangan," pigil ko sa balak nito kaso tinaasan lang nya ako ng isang kilay at tinalikuran. Tinungo na nito ang closet ko at kumuha ng pantulog at panty na hindi ko pa nagagamit.

"Magbibihis lang ako, matulog ka na riyan."

Nang makalabas na ito ay napabalikwas ako ng bangon sabay yapos sa aking dibdib na ngayon ay sobrang bilis ng pagkabog. Chi-neck ko ang kama ko kung kakasya pa ba kami rito kasi biglang lumiit ito sa paningin ko.

Dali-dali kong kinuha ang bedsheet ko at pinalitan ng bago, pati mga punda nang unan ko. Dahil sa pagmamadali ay muntik na akong madapa, mabuti na lang nakakapit ako sa upuan. Tumutulo ang pawis ko sa noo nang matapos ako at tila ba'y nawala ang lagnat ko bigla at bumalik ang lakas ng katawan ko.

Sa takot na baka maabutan ako ni Claud na nakatayo ay minadali ko ang paglagay nang bedsheet at mga punda sa labahan at tinakbo ang distansya patungo sa kama. Saktong pag balik ni Claud ay nasa ilalim na ako ng kumot ko. Kaso nga lang hindi na ako nilalamig at sobrang init na sa pakiramdam.

"August." Tawag sa akin nito pero hindi ako sumagot at nagtutulog-tulugan. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa gilid ko at sinipat ako muli sa noo. Mabuti na lang at napunasan ko kanina ang noo at wala ng bakas nang pawis. Ilang minuto rin siya sa gilid ko at ramdam ko naman ang titig nito sa akin.

Nang tumayo na ito ay doon lang ako kumalma. Naramdaman ko naman siyang gumapang sa kama at humiga sa tabi ko.

"Goodnight." Bulong nito at in-off na ang switch na nasa gilid. Dalawa kasi switch sa kwarto ko dahil tamad na akong tumayo para patayin ang ilaw.

Wala akong lampshade rito dahil hindi ako nakakatulog kapag may ilaw kaya alam ko na tanging ang liwanang sa loob ng kwarto ko ay ang sinag ng buwan na sumisilip sa bintana. Malakas ang loob ko na dumilat dahil hindi naman nito malalaman na gising ako. Marahan kong binaba ang kumot dahil pinagpapawisan na ang likod ko. Dahan-dahan din akong humarap sa kanya na mahinang humihilik.

Halata sa mukha nito ang pagod. May practice siguro ito kanina, tapos nagluto pa siya. Ang swerte naman yata ng taong mamahalin nito. Hindi siguro sila makakaramdam ng lungkot kay Claud, katulad ko.

- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro