Chapter 4
Chapter 4
August Gavine
Pagkatapos no'ng nangyari kagabi ay hindi ko alam kung papaano ko ia-approach si Claud. Sabado na ngayon at hindi ko rin alam kung itutuloy ko pa ba 'yung plano ko sa araw na ito. Dapat sana ay pupunta kami ngayon sa batis at mag picnic na kami lang dalawa. Nakabili na ako ng mga kailangan ko sa pagluluto at isu-surprise ko siya dapat sa kanila.
"Hoy!"
Maagang umuwi si kuya galing maynila at maaga rin umalis si mama sa trabaho. Stuck ako ngayon sa bahay kasama siya.
"Ano?" Inis ko siyang tinignan dahil kanina pa nya ako kinukulit. "May pupuntahan ako kaya 'wag mo'ko kulitin."
"Pupunta ka kina Claudelle?" Biglang tanong nito. Bago ako sumagot ay tinignan ko muna siya ng mabuti. Kailan naging interesado si kuya kay Claud? Napansin siguro nito na nakatitig na lang ako sa kanya dahil bigla niyang hinalimos sa mukha ko ang kanang palad nito. "Ang malisyosa mo!" Saway nito sa akin.
"Tsk. Ba't mo tinatanong?" Malditang tanong ko rito.
"Sasama ako, pupuntahan ko si Clinton."
Akala ko si Claud ang sadya nito, si kuya Clinton pala. Sa bagay, hindi rin sila masyadong nagkikita dahil ngayon lang ulit umuwi si kuya. Sobrang busy na rin niya dahil graduating students.
"Kukunin ko lang ang motor sandali," sabi nito at lumabas na nang bahay.
Actually kanina pa ako ready umalis mga bandang alas siyete ng umaga. Kaso ilang oras din akong nag-iisip kung itutuloy ko ba ang pagpunta ko sa kanila.
Ilang segundo ang dumaan ay narinig ko na ang busina nang motor ni kuya. Dali-dali akong lumabas ng bahay at nilapitan siya. Nang maka angkas na ako sa motor ay tinignan ko ang cellphone ko kung may text ba galing kay Claud. Kaso wala eh. Usually kapag weekend siya ang nauunang mag 'good morning' sa'kin dahil tanghali na ako nagigising.
Bumuntong hininga ako nang minuto lang ang lumipas ay huminto na ang motor. Ang bilis magpatakbo ni kuya, akala siguro nito nasa racing siya. Simula no'ng nakababa na kami sa motor ay nanatili lang akong nasa likod at palinga-linga sa paligid dahil baka nasa labas lang si Claud. Nang makapasok na kami sa bahay nila ay nagsimula na akong kabahan, hindi mapakali ang mata at pinagpapawisan.
Teka nga! Ba't ako ang nagkakaganito? Siya ang humalik! Ba't ako apektado masyado?
Tama. Kalma lang dapat. Wala akong kasalanan at higit sa lahat hindi ko choice ang nangyari. It was all her fault.
Tama!
I nod my head para kumbinsihin ang sarili. Mabuti na lang at tumalab dahil unti-unti na akong kumakalma.
"Claud! Kuya mo nasaan?"
Kaagad akong umayos ng tayo dahil sa pangalan na tinawag ni kuya. Nang tuluyan ko na siyang makita ay tila lalabas na ang puso ko sa ribcage ko. Nag expect talaga ako na magugulat siya 'pag nakita nya ako o siguro maging awkward siya sa'kin kaso walang gano'n na nangyari.
Parang normal lang nya akong tinignan. 'Yung tipong wala siya ginawang kasalanan sa'kin. Tinignan lang nya ako na parang wala lang. Mas ako pa nga itong gulat na gulat makita siya sa sariling pamamahay nya.
Ang unfair!
"Nasa kwarto nya po."
Mas dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko nang marinig ko ang malumanay nitong boses.
Bakit ako pa ang mas apektado sa ginawa mo?
"Maiwan na kita riyan, August." Paalam ni kuya na muntik ko nang higitin. Ayokong maiwan kasama si Claud.
Bakit pa ba ako pumunta rito?
Dapat normal na araw lang ito sa aming dalawa. Naiinis ako ngayon makita siyang kalmado habang ako ay heto't tuliro sa ginawa nya.
"Tatayo ka lang ba riyan?" Rinig ko na tanong nito. Wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha na parang walang nangyari. "Sabi mo may pupuntahan tayo ngayon. Kaya ka ba naririto?"
Tang'na! Umaakto na siya ngayon na parang normal lang ang lahat. Te? Amnesia? Pero sige, aakto rin ako na parang walang nangyari pero hindi ibig sabihin na kakalimutan ko ang ginawa nya sa'kin.
Ngumiti ako ng malapad, pero hindi pilit. Lumapit ako rito at kaagad inakbayan siya kahit na hanggang balikat lang nya ako. Pilit ko pang inabot ang malapad nitong balikat, pero siya na mismo ang um-adjust. She bend her knees enough para hindi ako mahirapan na akbayan siya. Narinig ko pa siyang marahan na tumawa sa ginawa nya.
"Gala tayo?" Aya ko rito. "Nagpaalam na ako kay mama," binawi ko na ang kamay na naka akbay sa kanya at tumayo na rin siya ng tuwid.
Siya na ngayon ang umakbay sa akin na walang kahirap-hirap. Ramdam ko ang paghagod nito sa braso ko at hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa ginawa nya.
"Saan?"
"Do'n sa batis na nakita natin no'n. Pumunta ako ro'n last week at sobrang ganda nang tubig," excited na sabi ko sa kanya. "Mag te-tent tayo tapos do'n na rin tayo magluluto. Nakabili na ako ng mga lulutuin natin."
Nakita ko siyang tumango sa mga sinasabi ko. "Ito ba 'yung lakad na sinabi mo kay Tristan?"
Kumawala ako sa akbay nya at kumaripas ng takbo patungo sa kwarto nito.
"Ako na bahala sa dadalhin mo ha?" Sigaw ko habang umaakyat sa hagdan.
"Huwag kang tumakbo, August!"
Hindi ako nakinig at nagpatuloy sa pagtakbo. Nang makapasok na ako sa kwarto nya ay dumiretso na ako sa closet kung nasaan ang mga damit ni Claud. Alam ko puro mga t-shirt and loose na sleeveless ang mga damit nya tapos mga sport shorts at jogging pants. Hindi ko pa nakikita si Claud na nagsusuot na seksi tignan.
Sa totoo nga nyan ay boyish style ang pananamit nito, dahil na rin siguro sa dancer siya at athlete rin. But I remember na may binigay ako sa kanya na two piece, at iyon ang dadalhin ko. Natawa ako sa ginawa ko but at the same time ay excited. Gusto ko makita si Claud na babae'ng-babae.
Nang makita ko na ang hinahanap ay kaagad ko itong nilagay sa bag at sakto rin na pumasok si Claud. Kumuha na lang ako ng t-shirt nya at shorts tapos kunwari kumukuha rin ako ng mga undergarments nya.
"Ako na," sabi nito sabay agaw sa sports bra na hawak ko. "Ikaw na lang ang mag lagay sa bag."
"Okay po, mahal kong Claud!" Magiliw na tugon ko. Success kasi ang ginawa ko eh.
"Hanggang bukas ba tayo?" Panimula nito sa usapan. "Paano kung umulan? Safe ba'ron?"
Umakto akong nag-iisip. As far as I remember tinignan ko ang weather forecast ngayong linggo at sinabi naman do'n na mataas ang sikat ng araw at walang chance na umulan.
"Bukas ng tanghali. Wala ka bang pending na gawain?"
"Wala. Baka ikaw meron."
Umingos ako sa sinabi nito habang siya naman ay nilingon ako na natatawa. Hindi na ako tamad na estudyante ngayon no? Sinanay ko ang sarili ko last year na gawin lahat ng mga gawain ko every free time ko. Kaya pagdating nang weekend ay gala na lang ang aatupagin ko.
Ginawa ko rin ito para mas marami akong memories kay Claud. Kapag natuloy ang balak nya ay malimit ko na lang siyang makita at makasama.
Pagkatapos namin ay siya na ang nagdala sa bag at lumabas na sa kwarto. Sakto naman na nasa sala sina kuya at naglalaro ng ML.
"Kuya!" Tawag ko. "Aalis kami ni Claud!"
"Ge! Bye!"
"Ingat kayo, Claudelle!" Pahabol ni kuya Clinton.
"Opo!" Sabay naming dalawa.
Nasa garahe nila ang scooter na palagi nitong ginagamit at gagamitin din namin ngayon. Kailangan pa namin bumalik sa bahay upang kunin ang mga gagamitin namin mamaya. Actually, na prepare ko na lahat.
Dalawang malalaking bag ang dala namin patungo sa batis na nasa kabilang baranggay lang naman. Hindi rin mahirap ang daanan patungo roon pero kailangan namin mag lakad ng mga twenty minutes patungo sa lokasyon nang batis. Naki-park na lang kami sa isang bahay para may mag bantay sa motor at para hindi manakaw.
"Okay ka lang?" Sinilip pa nito ang mukha ko kung okay lang ba talaga ako. "Hindi ka ba nabibigatan?"
Marahan akong tumango habang may sumisilay na ngiti sa aking mga labi. Kahit na sobrang init nang sikat ng araw ay hindi ko ramdam dahil sa malamig na simoy nang hangin. Hindi naman gaano ka lakas pero sakto lang para hindi kami pawisin.
Pagdating namin sa batis ay kaagad akong humiyaw. Hiyaw dahil sa pagkamangha sa tanawin sa harapan. Yung tubig parang mga kristal na kumikislap na nanggagaling sa sinag ng araw.
"Ang gandaaaaaaa!"
Narinig ko ang tawa ni Claud kaya nilingon ko siya. Nakatingin din ito sa batis na halatang namamangha rin.
"Itayo na natin ang tent?" Aya nito at tumango naman ako. "Tara." Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinila malapit sa batis. Hinayaan ko na lang siya dahil inaalalayan nya akong pumanaog sa malubak na daan.
Sa ilalim nang puno ng mangga kami nagtayo ng tent. Habang inaayos pa ni Claud ang tent ay nag handa ako ng mga maliliit na kahoy na kakailanganin namin para sa bonfire mamayang gabi. Nang makakuha na ako ng mga kahoy ay inayos ko ang parte kung saan kami magluluto nang kakainin namin sa hapunan.
Nakapagdala na rin pala ako ng tanghalian namin ngayon na inilagay ko lang sa dalawang large-sized tupperware.
"Kain muna tayo!" Aya ko sa kanya sabay abot no'ng tupperware at isang kutsara. Naglatag ako ng malong sa lupa para rito kami uupo habang kumakain.
Nilingon ko si Claud na tahimik na kumakain. Gano'n pa rin, walang emosyon pero alam ko na nasisiyahan siya sa ginawa ko. Pero habang pinagmamasdan ko ang mukha nya ay biglang na-alala ko 'yung kagabi.
Itatanong ko ba 'yun? Pero paano kung aalis na naman siya bigla? Iiwan nya ako rito?
"'Yang pagkain mo ang atupagin mo, hindi ang pagtitig sa'kin."
Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang bigla-bigla na lamang siyang lumingon sa aking gawi at hinuli ang aking tingin. Hindi kaagad ako naka-iwas dahil ang bilis nang pangyayari. Ang tanging nagawa ko na lang ay pag usog pa-atras dahil sa gulat.
Sumilay naman kaagad ang nanunukso nitong ngiti dahilan upang magsimula na namang bumilis ang pagtibok nang puso ko. Ito kaagad ang nangyayari sa'kin kapag nakikita ko siyang ngumingiti at lalo na kapag naririnig ko ang boses nito. Kaya napapatanong na rin ako sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Ano ang ibig sabihin nang nararamdaman ko?
"Tubig?" Alok nito at tumango naman ako. Pero uminom muna siya bago nya binigay sa akin ang bottled water. Habang nilalagok nito ang tubig ay napapatingin ako sa makinis nitong leeg na gumagalaw kada lagok nya. Pinamulahan ako bigla ng pisngi sa mga na-iisip ko kaya umiwas na lang ako ng tingin. Nang binigay na nito sa akin ang bottled water ay kinuha ko lang ito na hindi siya tinitignan. Huli na nang ma-realize ko na nag indirect kiss kami.
Pero sabi ko nga, ako lang ang nagbibigay ng malisya sa lahat nang nangyayari dahil wala namang epekto kay Claud ang mga ito.
Pagkatapos namin kumain at magligpit ay nag desisyon akong maligo na. Pumasok ako sa tent at doon naghubad. Suot ko na rin kasi ang damit na gagamitin ko sa pagligo. Nang makalabas na ako sa tent ay hindi ko na makita si Claud. Hindi ko na rin hinanap dahil alam ko na nasa paligid lang iyon.
Tumakbo ako patungo sa batis at kaagad lumusong sa malamig na tubig. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang kasama ko na may dala-dalang mga panggatong.
"Claud! Ligo na!" Kumaway pa ako habang nagtatalon. Nakita ko naman siyang tumango saka nilapag ang dala-dala.
Nagtataka pa ako nang dumaan ang ilang minuto ay hindi pa sumunod si Claud sa'kin. Pero baka abala pa 'yun sa paghahanap ng masusuot. Napahagikhik ako sa naisip. Tinago ko kasi lahat nang mga undergarments nya sa secret compartment nang bag ko at iniwan lamang ang two piece na regalo ko sa kanya.
Nang lumabas na ito sa tent ay hindi na maipinta ang naging hitsura nito. Nakasuot pa rin siya ng puting oversized t-shirt at shorts. Habang papalapit ito sa akin ay unti-unti kong nakikita ang masamang tingin nito.
"August!" May banta sa boses nito kaya ngumiti na lang ako at lumayo sa kanya. Pumunta ako sa parteng malalim at nang hanggang dibdib ko na ang tubig ay saka lang ako huminto.
"Maligo ka na kasi!"
"Ibalik mo 'yung undergarments ko." Utos nya pa pero umingos lang ako bilang sagot.
"Hubarin mo 'yang suot mo! Tayo-tayo lang naman ang nandito."
Siguro narealize na nito na wala na siyang magagawa pa lalo na at alam ni Claud kung gaano ka tigas ang ulo ko. She sighed in defeat pero hindi ito naghubad. Lumusong ito sa tubig na suot pa rin ang t-shirt at shorts.
"Ang daya!" Maktol ko pa. Naka two piece kasi ako.
Lumangoy ito patungo sa parte kung saan ako nakatayo at nang bumalik na siya sa ibabaw ay saktong magkaharap kami. Kaagad namula ang pisngi ko nang mabungaran ang basang-basa nitong mukha na kagagaling lang sa paglangoy. Sabi nila pogi at maganda raw si Claud. Tama nga naman ang naririnig ko.
Singkit ito, matangos ang ilong, manipis ang mga labi at makinis ang mukha na kahit pores ay wala. Bukod do'n ay hindi rin pangkaraniwan ang height nya, which is isa sa mga hinahangaan ng ibang estudyante sa school. Dahil basa ang buhok nito ay hindi na tumatabon ang bangs nya sa kanyang noo kaya buong mukha nya ang nakikita ko ngayon.
"Ano?" Untag nito sa mga na-iisip ko. Kumurap pa ako para bumawi sa pagkabigla. Pero hindi sadyang bumaba ang tingin ko sa itim na bra na bumabakat sa suot nitong puting t-shirt. Kaagad ako tumagilid at binaling ang paningin sa mga kahoy.
"Hindi ka dapat nagsusuot ng ganyan. Paano kung may makakita sa'yo?" Panimula nito sa isang usapan. "Hindi bukas ang isipan ng lahat kaya bilang babae, tayo ang mag adjust."
"Well baka nakakalimutan mo, mahal kong Claud na wala sa pananamit 'yun kung hindi nasa utak ng tao," kontra ko sa sinabi nito.
Totoo naman kasi na wala naman sa pananamit kaya ka nababastos. Dahil iyon sa mga taong sobrang babaw ng isip.
"Kabastos-bastos ba ako ngayon, sa tingin mo?" Hamon ko sa kanya sabay taas ng aking kamay. Kaso hindi ito sumagot at bigla-bigla na lang tumalikod at lumangoy. Ang bastos kausap! Sumbong ko nga 'to kay tita.
Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang namumula nitong mukha bago tumalikod. Hindi ba siya naseksihan sa'kin?
Akitin ko kaya 'tong si Claud?
- MB -
[ Thank you for reading! Don't forget to vote and leave a comment! Have a great day!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro