Chapter 3
Chapter 3
August Gavine
Habang papauwi kami ni Claud ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Wala nga rin akong natandaan sa discussion dahil puro Claud ang laman ng isip ko. Ngayon naman ay sasama ako sa kanya, magbibihis muna raw siya sandali bago pumunta sa amin. Ang totoo talaga ay ihahatid lang nya ako sa amin tapos uuwi siya sandali para magbihis. Kaso makulit ako at gusto kong sumama sa kanila.
Pagdating namin sa kanila ay kaagad akong kumaripas ng takbo papasok sa loob ng bahay. Medyo may kalakihan ang bahay nila Claud. May apat silang guestrooms na nasa second floor tapos tatlo naman ang kanilang banyo, isa sa itaas at dalawa sa baba. May dalawang kwarto naman sa baba, kwarto nang parents niya at nang isa niyang kuya na si kuya Clinton.
"Hoy! Huwag masyadong malikot!" Rinig ko na sigaw nito pero hindi ko siya pinakinggan at nag tuloy-tuloy sa pagpasok sa loob.
Pagdating ko sa sala nila ay nadatnan ko si Tita Criselda na nagbabasa ng libro. Kaagad naman niya akong nakita at binungaran ako ng isang matamis na ngiti.
"Tita!" Magiliw na tawag ko sa kanya at nilipatan siya para mag mano. "Ganda natin ngayon ah?"
"Ikaw talagang bata ka. Ba't ba sumisigaw si Claud? May ginawa ka na naman ba?" Natatawa niyang tanong. Hindi magagalit si tita Criselda sa'kin kahit na galitin ko pa si Claud, ako palagi niyang kinakampihan.
Nang tuluyan nang makapasok si Claud sa loob ay masama lang niya akong tinignan at saka nag tuloy-tuloy nang umakyat sa itaas kung nasaan ang kwarto niya. Pero hindi pa man siya nakatapak sa pangatlong baitang ay muli itong lumingon sa gawi ko. Kitang-kita ko naman ang mapanuri nitong mata.
"Ano?" Tanong ko sa kanya habang ginagaya siya.
"Ma!"
Akala ko ako, si tita pala. Tinignan ko naman ang mama niya na prenteng naka-upo sa sofa.
"I know, dear."
Hindi ko sila na gets. Nagpalitan pa sila ng tingin bago nagpatuloy si Claud sa pag-akyat sa taas.
"Tita," panimula ko. Itatanong ko lang kung ano 'yung kanina.
"Sumunod ka kay Claud sa itaas at baka mabagot ka lang dito. Nag text pala si mama mo sa'kin na sa bahay niyo kakain si Claud. Sabay na rin kayo umalis."
Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla namang tumayo si tita na may pilit na ngiti. Iniiwasan niya ba ako? Magtatanong lang naman ako eh.
Dahil ayoko rin namang maiwan sa sala ay umakyat na lang ako sa itaas at tinungo ang kwarto ni Claud. Dire-diretso lang ang pasok ko which is very normal lang sa akin, gano'n din naman si Claud sa amin. Pagpasok ko ay nadatnan ko siya na naka-upo sa kama niya. Suot nito ay isang itim na female boxer at puting sleeveless na hanggang bewang ang butas sa gilid kaya kitang-kita ko ngayon ang itim nitong bra.
Kaswal lang akong pumasok sa loob pero hindi nakatakas sa aking paningin ang gulat na gulat na mukha ni Claud nang makita niya ako. Natigilan pa nga ito.
"On mo nga 'yung aircon!" Utos ko rito sabay tapon sa sarili sa malambot nitong kama, bahagya pa nga akong lumubog dahil sa lambot.
Napansin ko ang pagtayo nito at ilang segundo lang ang dumaan ay naramdaman ko na ang lamig na nagmumula sa aircon na dumadampi sa balat ko. Umayos ako ng higa kaya nakikita ko na ngayon ang ginagawa niya. Kasalukuyan niyang hinuhubad ang sleeveless na suot. Nakaharap ito sa'kin at hindi naman nito napansin na nakatingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi pansinin ang magandang hubog nitong katawan, lalong-lalo na ang medyo may kalusugan nitong bundok.
I look at her from her waist up to her chest at tinuloy ko pa ang tingin patungo sa mukha niya na dapat pala hindi ko ginawa. Sa sandaling tumingin ako sa mukha niya ay saktong nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Kaagad akong umiwas at tumagilid upang hindi nito mapansin ang nag-iinit kong pisngi.
Kahit malamig dito sa loob ng kwarto ay bigla akong pinagpawisan. Gagi, pakiramdam ko ang sama kong kaibigan.
Lord? Bakit ito nangyayari sa'kin? Hindi naman ako ganito noon ah? Ano po'ng nangyayari sa'kin?
Pareho naman kami na may boobs, lord pero bakit ako nakakaramdam ng ganito? Oo, matangkad siya, maputi, slim at maganda pero bakit siya pa?
Wala sa sariling napahawak ako sa sarili kong dibdib na ngayon ay kumakabog ng husto.
Kailan 'to nagsimula? Bakit nagkakaganito?
"August!"
Dahil sa bigla nitong pag tawag sa akin ay napabalikwas ako ng bangon. Hindi ko na siya tinignan at nauna nang lumabas sa kwarto niya na walang imik. Hindi ko na rin siya hinintay at dumiretso na ako sa scooter niya na nasa gilid ng kalsada. Hindi ko na nga rin pinansin si tita na nakita kong papalabas mula sa kusina.
Nang maramdaman ko na ang presensya niya ay nanatili lamang akong nakayuko. Hindi naman din niya ako pinilit na kumapit sa kanya pero mabagal lang ang takbo ng motor. Nang malapit na kami sa bahay ay bigla siyang nagsalita.
"May problema na naman ba?"
Napapikit ako dahil iba ang dating sa akin ang malumanay nitong pag tanong. Kulang na lang sabunutan ko na ang sarili kong buhok upang bumalik sa dati itong nararamdaman ko.
"W-wala," awkward na sagot ko.
"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?"
Tang'na Claud itigil mo na 'yang pagtatanong mo!
Bumibilis ng husto ang pintig ng puso ko kapag naririnig ko ang malumanay nitong boses. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko siya. Wala naman akong na-aalala na nagkakaganito ako noon sa kanya. Bigla-bigla lang itong umusbong na hindi ko namalayan at ni hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa'kin.
"August?"
"Wala nga, promise!" Pinilit ko ang sariling pagaanin ang boses ko upang hindi siya manghinala. "May iniisip lang ako."
Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa bahay namin. Ako ang unang bumaba at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila ng marahan at nang nasa harapan na nya ako ay dahan-dahan nitong in-unlock ang strap ng suot kong helmet at maingat na tinanggal. Inayos pa nga nito ang buhok ko na medyo nagulo dahil sa pagtanggal niya.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang ginagawa niya ang lahat ng iyon. Hindi ko mawari ang emosyon na naroon. Ganito siya palagi sa akin at hindi ko naman ito binibigyan ng ibang kahulugan dahil magkaibigan kami.
"H-hindi mo naman kailangang gawin 'to," bulong ko rito sabay talikod at naunang pumasok sa bahay.
Nadatnan ko si mama na nagluluto. Nilapitan ko siya at nagmano saka hinalikan ko rin siya sa pisngi.
"Si Claud nasaan?" Iyan kaagad bungad nito. Pero hindi na ako sumagot dahil pumasok na sa kusina ang hinahanap niya. "Do'n muna kayo sa kwarto mo, August at tatapusin ko lang itong niluluto ko. Tatawagin ko lang kayo kapag kakain na."
Sabay kami ni Claud na tumango. Pagkatapos no'n ay sabay na kaming pumunta sa taas. Pagpasok namin sa kwarto ay hindi muna ako nagbihis. Humilata kaagad ako sa kama at pumikit saglit. Ramdam ko naman ang presensya ni Claud na umupo sa tabi ko. Binuka ko ang isang mata ko para tignan kung ano ang ginagawa nito.
"Ano'ng iniisip mo?" Untag ko sa kanya dahil napansin ko na sobrang lalim ng iniisip niya. Hindi ito lumingon sa gawi ko at nanatiling nakatingin sa pader.
"Am I weird?"
Hindi ako nakasagot dahil nagtataka ako kung bakit tinanong niya ako ng gano'n. Kilala ko na si Claud bilang tahimik at hindi palakaibigan. Sa'kin nga lang siya madaldal eh dahil pinipilit ko siyang kausapin araw-araw. Siguro sa ibang tao na hindi siya gaano ka kilala ay masasabi nila na weird siya. Pero gano'n na talaga ang personality niya simula bata pa lang.
"Hindi. May nagsabi ba sa'yo na weird ka?"
Makakatikim 'yang nag tawag sa'yo na weird. Sa gandang 'yan?
"How I wish you still consider me not after learning the truth. Anyway, mag bihis ka na papanaog muna ako."
Hinayaan ko na lang siyang lumabas kahit na gusto kong itanong 'yung sinabi niya. Nang makalabas na siya ay nagbihis na rin ako. Sinuot ko lang 'yung puting oversized t-shirt ko at denim na bermuda short. Pagkatapos ay lumabas na rin ako habang tinatali ang buhok.
Pagkababa ko ay nadatnan ko silang dalawa na nasa kusina. Hindi muna ako pumasok at tinignan lang silang dalawa. Matagal ko nang napapansin na super close silang dalawa. Ang ginagawa ni mama ay naghahain ng mga niluto niya habang si Claud naman ay nilalagyan ng mga pinggan ang lamesa.
"Ayos lang ba si August sa school, ijha?" Malumanay na tanong ni mama. "Alam mo naman 'yun masyadong hyper. Hindi ka ba nahihirapan do'n?"
Nilipat ko ang tingin kay Claud na ngayon ay tapos na sa kanyang ginagawa. Walang emosyon ang mukha nito, which is normal lang kay Claud.
"Okay lang naman po, tita at sanay na ako kay August. Mas komportable nga po ako kapag naririnig ko ang boses niya."
Napangiti ako sa narinig. Hindi ko alam ang bagay na 'yun. Aminado ako na maingay ako at masyado rin akong hyper lalo na kapag komportable ako sa mga kasama ko.
"May ideya na ba siya?"
Kaagad nangunot ang noo ko sa tanong na iyon ni mama. Ideya? Ano'ng ibig niyang sabihin? Muli ay napatingin ako kay Claud na tila nagulat sa tanong ni mama. Hinintay ko na sumagot ito ngunit bigla itong lumingon sa gawi ko dahilan para umakto akong kararating ko lang sa kusina.
"Wow! Ang bango naman!" Masayang hiyaw ko at tumakbo patungo kay mama. Sinilip ko ang mga bowl na nasa mesa.
"Aba siyempre ako ang nag luto!"
"Kakain na tayo?" Excited na tanong ko. "Tabi tayo, Claud!"
Nilapitan ko siya't hinila sa malapit na upuan. Pinaupo ko muna siya bago ako umupo sa pwesto ko. Kaharap namin si mama na ngayon ay nilalagyan na ng kanin ang kanyang plato.
She cooked chicken adobo and curry tapos may fried chicken pa. Hindi naman halata na mahilig kami sa chicken no? Mabuti na rin at mahilig din si Claud sa manok. Naglagay na ako ng kanin sa plato, nilagyan ko na rin sa kanya.
"Salamat," rinig kong sabi nito kaya nginitian ko siya. Binigyan ko rin siya ng adobo at fried chicken. "Salamat," muling sabi niya at tumango naman kaagad ako bilang tugon.
"Siya nga pala uuwi ang kuya mo bukas."
Umingos ako sa sinabi ni mama. Ano nama'ng meron kung umuwi 'yun? Kapag nasa bahay si kuya ay palagi lang din 'yun mang-iinis sa'kin. Pakiramdam ko nga may gusto 'yun kay Claud dahil parati niya akong tinatanong tungkol sa kanya. Ang ewan lang kasi ilang taon ang agwat niya sa kaibigan ko. Wala bang magagandang babae sa skwelahan nila't sa kaibigan ko pa siya may enteres?
"Ilang araw siya rito?"
"Babalik din siya sa lunes. Kaya lang daw siya uuwi ay dahil may kukunin siyang gamit."
Tumango ako bilang tugon. Nandito siya sa weekend, mabuti na rin at may lakad ako sa sabado dahil hindi ko siya makakasama sa bahay. Kaso lang buong linggo ko rin siya makikita.
"Dito ka na lang matulog Claud gabi na rin at isa pa sabado naman bukas."
Nakita ko siyang tumango sa sinabi ni mama. Ilang beses na rin siyang natulog dito, gano'n din naman ako sa kanila, at palagi rin namang alam nang mga mama namin. Palagi nga rin silang supportive sa mga lakwatsya naming dalawa. Kaya nga rin super close kami ni Claud ay dahil na rin sa closeness ng mga magulang namin.
Sa katunayan nga nyan ay close rin ang mga kuya namin, pero mas matanda si kuya Clinton ng dalawang taon kay kuya June. Tapos kapag may okasyon sa amin ay palagi silang present at gano'n din ang pamilya namin sa kanila.
"Sa kwarto mo'ko matutulog," rinig ko na wika ni Claud nang tumayo si mama upang kumuha pa ng kanin sa rice cooker. "Tabi na lang tayo."
Gano'n naman talaga ah? Bakit pa siya nagpapaalam?
"Kailangan pa ba sabihin 'yan?" Natatawang tanong ko sa kanya. Hindi naman ako nakarinig ng sagot mula kay Claud kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
Pagkatapos nang hapunan ay napagpasyahan namin dalawa na manood ng movie sa sala. Dahil dumiretso si mama sa kwarto niya ay in-off ko ang mga ilaw sa sala at tanging ang liwanag na nagmumula sa flat screen T.V ang nagbibigay ilaw sa amin. Bago pumasok si mama sa kwarto niya kanina ay nagluto pa ito ng popcorn at nag-order ng pizza para sa movie marathon namin ni Claud. Hinintay pa nga niya na dumating ang in-order bago kami nilisan.
"Woa!" Hiyaw ko nang halikan nang leading man ang leading lady niya. "Gagi, halikan kaagad!"
Tahimik lang si Claud sa isang tabi habang nanonood. Ako lang talaga ang maingay.
"Oy, Claud kapag ba may nagugustuhan ka na ay sabihan mo'ko ha? Walang lihim-lihim!" Untang ko rito dahilan para makuha ko ang atensyon nito. "Promise, hindi kita aasarin kapag nakita natin siya sa campus," I gave her an assuring smile may kasabay pa nang pagtaas ng kilay.
"Wala akong crush sa campus," pagtatama niya sa sinabi ko.
"Wala? Taray ah? Sa rami nang mga kalalakihan na nahuhumaling sa'yo ay wala ka man lang nagugustuhan?" Eksaheradang tanong ko. Kasi ang unusual lang kung wala talaga siyang crush. Kumagadt ako sa pizza na hawak ko habang naka abang sa isasagot niya.
She looks troubled dahilan para mas lumapit pa ako lalo sa kanya.
"Eeehh may crush ka na no? Halata sa mata mo!" Tinuro ko pa ang mata niya at sinilip ko pa ang mukha niya para asarin lang siya. Ayaw magsalita eh.
"W-wala nga. 'Wag masyadong malapit, August!"
Hindi ako nakinig sa sinabi nito at mas inilapit ko pa ang sarili sa kanya para asarin siya lalo. Alam ko naman na hindi siya magagalit sa'kin dahil lang sa inasar ko siya.
"Yeeeeiiii. Who's the lucky guy?" Muli kong asar. Pero bigla na lang niya akong hinawakan sa balikat at mabilis na tinulak pahiga sa sofa. Aminado akong mas malakas siya sa'kin dahil bukod sa dancer siya at athlete rin.
Nanlalaki ang mga mata ko na nakatitig sa kanya. I saw some unfamiliar emotions in her eyes. We've been like that for a couple of seconds.
"C-claud." Tawag ko sa pangalan nito pero nanatili siyang nakatitig sa'kin na nakakunot-noo. "Cla—"
Hindi natuloy ang pagtawag ko sa pangalan nya sa pangalawang pagkakataon dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari. She closed the distance between us and kissed me on the lips. I was too shock to push her away, pero siya na rin mismo ang lumayo sa akin. Nagkatinginan pa kami saglit at nakita ko ang gulat at takot sa mga mata niya.
"Shit!" Rinig ko na bulong nito sa hangin sabay tayo at kuha sa susi nito na nasa center table. Hindi ko nagawang pigilan siya sa pag-alis dahil nabigla rin ako sa nangyari. Huli na nang marealize ko na alas nueve na nang gabi.
But why did she kiss me?
- MB -
[ Thank you for reading! Don't forget to vote and leave a comment! Have a great day!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro