Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

August Gavine

Sinabihan na ako nina Jamila na hindi ko kailangang seryosohin ang mga sinasabi sa akin ng mga tao. Pasok sa isang tenga at ilabas sa kabila, 'yan ang sabi sa akin ni Tristan. Ngayon kasi ay kailangan kong pumasok dahil may exam, ngayon ko pa ulit makikita si Claud pagkatapos nang tagpo namin noong gabing iyon. Ngayon din matatapos ang isang linggo na binigay ni Principal Gamao kay mama.

Wala siyang sinabi sa akin pero napapansin ko naman na palagi siyang wala sa bahay. She didn't mention about the video, pero alam kong ito ang pinag-aabalahan nya noong nakaraang araw. I'm hoping for this issue to be resolved. Gusto kong grumaduate kasama si Claud. Kahit ito lang, hayaan nilang ibigay sa akin ang bagay na ito.

"Wow! I thought wala na siya rito?"

"Oh my ghad! Hinayaan siya ni principal?"

"Well, baka may kapit."

Nasa hallway pa lang ako ng grade seven ay ang dami ko ng naririnig. Sa totoo lang ay pagpasok ko pa lang sa gate ay sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Natatakot ako dahil alam ko naman na may maririnig akong masasakit na salita mula sa mga estudyante. Pero wala na akong magagawa pa dahil nandito na ito. Kailangan ko itong harapin lalo na at marami ang tumutulong sa akin. Ayos na sa akin na may mga taong naniniwala na inosente ako.

"Hoy! 'Diba siya 'yong nasa video na kumakalat ngayon?"

"Hala! Oo nga! Pero naniniwala ka ro'n?"

"Siya naman talaga 'yun 'diba? Kita nga ang mukha nya eh!"

Napakuyom na lamang ako ng kamay habang naglalakad. Hindi man ako nakayuko ay nasa baba naman ang aking tingin. Takot akong makita ang mga mapanuri nilang mata. Takot akong ma komompirma na naniniwala sila sa nakita nila, kahit na alam ko na ang totoo.

Kahit na alam kong mangyayari ito ay takot pa rin akong kompirmahin ito. May bahagi sa aking pagkatao na gustong sumuko, at hayaan na lang ang lahat. But everytime I think about my friends who are willing to help me, lumalakas ang loob ko. They're the reason kung bakit hindi ako totally nalunod sa takot na nararamdaman ko.

"Bakit nandito pa rin ang haliparot na'yan? Our parents have already passed the petition for that bitch to be thrown away at Josefina Academy!"

Petition? Huli na nang mamalayan kong nilingon ko pala ang babaeng nagsasalita. Our eyes met. Dagliang tumaas ang kilay nito at naglakad papalapit sa akin.

"Gulat ka yata? Tama ang narinig mo at nasa opisina na sila ni principal! You might be here right now, but today might be your last day here at Josephina Academy!"

Kunot-noo ko siyang tinignan. Tama nga ang sinabi ni Principal Gamao na may mga magulang na gusto akong ipatapon.

Ano'ng gagawin ni principal ngayon?

"Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa rito 'no? You're a disgrace in this institution at nandidiri kaming makita kang pakalat-kalat dito!"

Wala akong balak patulan pa siya. Alam ko ang totoo, at kung sarado ang isipan nya sa katotohanan ay hindi ako magsasayang ng laway na depensahan ang sarili ko. Nakita ko ang kamay nitong papalapit sa ulo ko, she was about to grab my hair, but a hand stopped her. Paglingon ko sa aking likod ay nakita ko roon si Claud, nakatayo at masamang nakatingin sa babaeng sasabunutan na dapat ako.

"C-claudelle." Bulalas ko.

Nakapusod ang mahaba nitong buhok at malayang ginagalaw ng hangin ang bangs nya. Naka suot lang ito ng puting t-shirt at may nakapatong na polo sa kanyang balikat. Pero mas napako ang tingin ko sa mga mata nitong nanlilisik.

"Bitawan mo'ko!" Asik nang babae. "Kaibigan mo'to hindi ba?" Bigla itong ngumiwi na tila nandidiring tumingin kay Claud.

Nakita ko ang pag lingon ni Claud sa akin pero umiwas ako ng tingin.

"Huh! Ikaw 'yung running for valedictorian sa batch natin, but you're siding this bitch? Aren't you afraid na madungisan ng isang malanding babae ang pangalan mo rito?"

"Stop blabbering." Walang ganang wika ni Claud at binitawan ang kamay nito at ako naman ang hinawakan nya. "You don't know anything."

Hinila na ako ni Claud papalayo sa babae, tahimik lang din naman akong sumunod sa kanya hanggang sa huminto kami sa harapan ng isang nakasaradong pinto. Gulat pa ako nang walang pagdadalawang-isip nitong pinihit ang doorknob. Mabuti na lang at kaagad ko siyang napigilan.

"Te-teka, bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kita hinihintay, nasa loob na sila."

"Huh?"

"You'll know."

Binuksan na nito ang pinto kaya nakita ko na kung sino-sino ang nasa loob. Five middle-aged women are sitting on the long couch. Nakaupo naman sa isang single couch si Principal Gamao, habang sa katapat na couch nang limang ginang ay nandoon si mama, katabi niya sina Tristan at Jamila.

"Good morning!" Magalang na bati ni Claud sa lahat.

"G-good morning," mahinang bati ko.

Nakita ko pang umismid ang limang ginang nang tumingin sila sa akin. May ideya na ako kung sino-sino sila.

"Maupo na kayong dalawa," utos ni principal na kaagad naming sinunod ni Claud.

Saktong pag upo ko ay nagsalita ang isa sa mga ginang.

"Mrs. Gamao, as one of the shareholders of this institution, I have the right to complain about the scandalous video of this shameless lady here. I am very disappointed about this issue. Lalo na at mga high school pa sila."

"Hindi siguro napalaki ng tama ng kanyang magulang kaya lumaking walang respeto sa sarili."

Tinignan ko si mama para makita kung ano ang reaksyon nya sa sinabi ng dalawang ginang na nasa kanyang harapan. Pero walang emosyon ang mukha nito na parang walang narinig. She's too calm at tila hindi nainis sa narinig.

"I wonder why may nakapasok na tulad niya rito. I mean, inalam mo ba ang background ng bawat estudyante rito bago ninyo pinapasok, Principal Gamao?"

What? Ano'ng akala nila sa akin? What did they think about my mother? She's not just someone else!

"Pumunta ka pa rito kung mananahimik ka lang!" Singhal niya kay mama. But my mother only look at her like she doesn't hear anything.

Hindi ba siya apektado sa mga sinasabi nila?

"I'm not here to entertain your pettiness. I'm here to defend my daughter, who's wrongly accused," sa bawat salitang binibitawan ni mama ay parang sobrang bigat nito dahil hindi man lang nakaimik ang limang babae sa kanyang harapan.

She looked at them with elegance na sumakto sa suot nito suit na kulay beige.

"Mrs. Gamao gave me one week to present proof that my daughter isn't the girl in the video. I am here to present it. I'm going to show you the original video and also the person behind this mess."

Alam na nila?

Tinignan ko si mama na nakangiti na ngayon. Lumihis ang tingin ko sa gilid nito, nakatingin din sina Jamila at Tristan sa akin na may malalapad na ngiti. Then nilingon ko si Claud na katabi ko lang. Marahan naman nya akong hinawakan sa kamay.

"Listen carefully." Bulong nito sa akin kaya binalik ko ang atensyon ko sa mga nag-uusap.

"What? And do you even believe in this woman, Mrs. Gamao? Sobrang linaw ng video at mukha ng anak nya ang nandoon!" Asik ng isang ginang.

"I am a journalist. I seek the truth, and I study what is strange for me, especially when it comes to my daughter. Our company has its own IT professional, and I showed them the video, and they said it's fake. Now I'll show  you the original."

Kaya pala may laptop sa lamesa na nasa gitna. When she played the video ay hindi ako nanood, dahil alam ko naman talaga na hindi ako ang nandoon, instead I watched their reactions, especially the five woman.

Gulat silang nanood pero nakikita kong hindi nila gusto ang nakikita ngayon.

"Then look at the video na kumakalat sa campus."

The next video played is the one with my face.

"Sa unang kita ko sa video ay alam kong edited na ito. Kilala ko ang anak ko at pinalaki ko siyang may respeto sa sarili at sa mga taong nasa paligid nya. She's  timid around other people, but when she's with her friends, she's so hyper. She's kind to everyone, and I never raised her to be someone like in the video. Bilang ina ni August ay nasasaktan ako na nakikitang unti-unting nawawala ang hyper na anak ko dahil lang sa video na iyan, na sinadyang ilagay ang mukha nya," she paused and look at me with full of emotions. "I don't want to see my daughter slowly eaten by darkness, and thanks to her friends who are willing to help her."

Tinignan nya isa-isa sina Jamila, Tristan, at Claud na ngumiti rin sa kanya pabalik. Hinawakan ko ang kamay ni mama habang nakatingin sa limang ginang na masamang nakatitig sa akin.

"Ang sabi ni mama ay gusto nyang isapubliko ang pangyayari na'to dahil posibleng mangyari rin ito sa ibang estudyante sa school. Pero para sa akin, ayokong palakihin pa ang issue. Honestly, I don't really care about what the other students think about me. All I want for now is to punish the person behind this, at maka graduate kasama ang mga kaibigan ko," I said full of sincerity.

Alam ko hindi na mawawala sa kanilang ala-ala ang video, pero wala na akong pakialam doon. Hindi ko naman katawan ang nakita nila, mukha ko lang. If they are going to kick me out, even if we present solid evidence, then maybe I'll just accept their decision.

"Then who's behind this, Ema?" Kaswal na tanong ni Mrs. Gamao. "I'm sure you already know who."

Gusto ko rin malaman kung sino ang may gawa nito. Ang nasa isip ko lang ay si Eva, pero wala naman akong mahanap na rason para gawin nya ito sa akin.

"Estudyante rin dito at tinawagan ko na ang ina nya. She'll be here any minute by now."

Saktong pagkasabi ni mama no'n ay bumukas ang pinto ng silid. Lahat kami lumingon sa pinto at tinignan kung sino ang bagong dating. Gulat na gulat ako nang makita ang pigura ng isang pamilyar na babae. Gano'n din ang naging reaksyon ni Claud. Katabi nang babae na bagong dating ay si Eva na nagtatakang nakatingin sa amin.

"Why are you all here?" Maarte nitong tanong sa amin. "Why I am here either?"

"Sit down, Mrs. Dizon. I guess you have to know something about your daughter, Eva Dizon."

I don't know if my eyes are just playing tricks right now, pero pareho lang kami ng reaksyon ni Claud. It means, what I'm seeing right now is real. Mama ni Eva ang kabit ni tito Calvin.

"I am here to present the petition made by the parents of the students at Josefina Academy. But after knowing the truth right now, I think it's unnecessary. Sa ngayon ay ang gusto namin ay kapayapaan para sa mga anak namin, at siguridad na safe sila sa loob ng campus," wika ng isa sa mga ginang.

"We're going to settle this matter right now Mrs. Castro." Sagot sa kanya ni Mrs. Gamao. "There will be no incident like this happen again in the school."

"Uhmm, pasensya na late ako. Kailangan ko pa kasi ihatid ang anak ko sa nanny nya. I'm confused why I am here, hindi ako kabilang sa mga magulang na nagbigay ng petition sa nangyari. I saw the video, but I chose to keep quiet."

"It's not about the petition why you are here, Mrs. Dizon. It's about you daughter."

Tinignan niya ang mama ko na may tanong sa mga mata, then she looked at Eva na ngayon ay gulat na gulat. Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ni Claud. Pero napalunok na lamang siya ng laway nang makita si Claud na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

"But my Eva is innocent." Giit pa ni Mrs. Dizon.

"Talaga? Kung iyan ang paniniwala mo, then I'm afraid you don't know your own daughter," panimula ni mama. "Tell your mother what you did," utos nya kay Eva na may panghahamon na tinig. "That's the least you can do right now—admit your crime."

"What? Ano'ng crime? Wala akong alam sa sinasabi ninyo! Claud, ano 'to?" May himig ng galit ang boses nya.

"I already told you, Claud, but you didn't listen. So technically, this is your doing. I only did what you want!"

"Claud, you knew this would happen! You knew something would happen to your friend if you continued hanging out with her! I warned you before, but you didn't listen, so it's your fault!"

"That video will be my ticket to get you, Claud. She's probably weeping every night, and people will never see her the way they did before. Magiging kahihiyan na siya sa school at hindi siya makaka graduate. You brought that to her, Claud, because you didn't listen."

Kaming lahat ay tumingin sa ball pen na nasa ibabaw ng mesa. Dito nanggagaling amg boses ni Eva, hindi ko alam kung papaano ito na record ni Claud at kailan ito nangyari.

"W-what?!"

Gulat at takot ang nakikita ko sa mukha ni Eva ngayon. Hindi nya alam kung saan siya titingin. Mukhang wala ring alam ang mama nya dahil nagulat din ito sa narinig mula sa recorder. Even the five women na nandito pa rin ay nagulat din. Hindi sila makapaniwala na si Eva ang may gawa ng lahat.

"Eva?" Kunot-noong tanong ng kanyang ina sa kanya. "Bakit mo 'to ginawa?" Biglang sigaw nya, nakita ko naman na napaigtad si Eva.

Nakayuko ito ngayon, hindi makatingin ng diretso sa kanyang ina na parang natatakot siya. Pansin ko rin ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Pero hindi ako nakaramdam ng awa. Siya lang naman ang sumira sa pangalan ko, at dinumihan ang reputasyon ko rito sa school. Muntik na akong hindi maka graduate dahil sa kagagawan nya!

"Why would you do that? Nababaliw ka na ba? Hindi ka ba nag-iisip? Sobrang uhaw mo ba sa atensyon kaya mo ito nagawa?" Patuloy na sigaw ng mama nya.

"No!" Asik ni Eva at tumayo.

There's a hint of sadness in her eyes nang mapadako ang mga mata nya sa akin. For a moment nakaramdam ako ng awa sa kanya, slight lang naman.

"I will never apologize to what I did!"

"Eva!" Saway ni Mrs. Dizon sa kanya.

"You don't have to," malamig na wika ko at sinalubong ang madilim nitong tingin. "The moment you did that, you already lost, Eva. Your pettiness brought you to your downfall. Hahayaan ko si Mrs. Gamao na mag desisyon sa kaso mo, tatanggapin ko ito kahit ano."

She smirk at seemed like she didn't believe me. "Nagbabait-baitan ka ba?" Sarkastikong tanong nya. "I'll do everything para manatili sa skwelahan na ito!" Desididong anunsyo nya.

"I doubt that. I think we're done here, Mrs. Gamao. Salamat sa oras."

Tumayo na si mama at naglakad patungo sa pinto. Habang ginagawa nya ito ay madadaanan nya sina Eva at ang mama nya. She only look at them with no hint of emotion. Wala siyang balak magsalita, tanging tingin lang kanyang ginawa.

"Let's go, August!"

Nagpasalamat muna ako kay Mrs. Gamao bago ako umalis. Sumunod naman sina Jamila, Tristan, at Claud sa akin. Akala ko pa nga ay mananatili si Claud at magtatanong sa mag-ina, pero hindi nya ginawa ito.

Nakita ko kanina ang gulat sa kanyang mga mata. Hindi ba nya alam na mama ni Eva ang babae ni tito Calvin? Alam kaya ni Eva na naging kabit ng mama nya ang papa ng babae'ng nagugustohan nya?

"Pumasok na kayo sa room ninyo," utos ni mama bago nagpaalam na uuwi na siya.

Hindi man nya tinapos ang meeting ay alam kong nasa amin ang pabor ni principal. May solid kaming proof na hindi totoo ang video at si Eva ang may kagagawan ng lahat.

"Pasok na ako ha?! See you sa canteen mamaya!" Paalam ni Jamila at umalis na. Sumunod din si Tristan na nauna sa room, naiwan kami ni Claud sa hallway. Tahimik lang akong naglalakad at naghihintay sa kanya na maunang magsalita.

"August!"

Bahagya akong tumingala upang salubongin ang tingin nya. Naghintay naman ako sa susunod nya pang sasabihin.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong nito na may malamlam na mga mata.

Lihim akong napangiti. Oo, nagalit ako sa kanya noong gabing iyon. Pero hindi naman nagtagal ang galit na naramdaman ko dahil na realize ko na hindi nya magagawa sa akin iyon. Alam ko na mahal nya ako.

Hindi ako sumagot, hinawakan ko lang ang kamay nya at marahan na hinila at nagpatuloy sa paglalakad.

"Thank you," sabi ko makalipas ang ilang minuto. "Dahil hindi ka naniwala sa nakita mo."

Humigpit ang pagkahawak nya sa kamay ko.

"I'm sorry if wala ako noong mga oras na kailangan mo ako. Pero babawi ako sa'yo, promise!"

Tumango ako at ngumiti. Babawi siya sa akin, meaning nito manlilibre siya ng kahit na ano basta gusto ko. Yes!

"Tungkol naman sa video, alam ko na hindi iyon ikaw dahil walang birthmark sa likod ang babaeng nasa video."

Pagkasabi niyang iyon ay inilagay nya ang kamay nya sa likod ko, sa parte kung nasaan ang birthmark ko. Kaagad naman akong lumayo dahil sa gulat. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya, pero tawa lang ang ibinalik nya sa akin.

"I've seen everything."

"Claud!" Saway ko habang namumula ang mukha dahil sa hiya. Pero tinawanan lang nya ako na parang aliw na aliw sa naging reaksyon ko.

- BM-

[ Hope you enjoyed reading this part! Don't forget to vote and comment. Thank you and have a good day! ]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro