Chapter 22
Chapter 22
August Gavine
Sobrang tahimik ni Claud ngayon. Nagdadalawang-isip akong kausapin siya. Alam ko sobrang apektado siya sa nakita nya. Kinakain ako nang guilt ko dahil hindi ko sinabi sa kanya ng maaga. Kung sinabi ko sa kanya 'yun, magiging ganito kaya siya ka apektado? I think yes. It's more painful siguro kung sa akin pa galing ang katotohanan.
Pero malalaman siguro ni Claud ng maaga kung nagsalita ako. But I was unsure that time. Hindi ako naniniwala sa nakita ko no'n. Doubtful pa ako kung si tito nga ba ang nakita ko.
"Okay dismissed!"
Kanya-kanya kami ng ayos sa mga gamit namin at nag handa ng umalis, pero si Claud ay gano'n pa rin. Nasa mesa pa rin nya ang gamit nya at hindi umiimik. She's having a thousand yard stare right now.
"Claud!" Mahinahon kong tawag sa kanya. Good thing narinig nya ako at kaagad umayos. Nakatingin na ito sa akin, pero wala pa ring buhay ang kanyang mga mata. Alam ko kung bakit sobrang apektado siya sa nangyari. She loves her father so much. Si tito rin ang motivation nya para mag-aral ng mabuti. Tito came from a very poor family, Claud knew that, kaya kumayod si tito nang kumayod para makamit ang pangarap nya.
Palaging sinasabi ni tito na hindi naging hadlang sa kanya ang kahirapan, bagkus ay ginawa nya itong dahilan upang makamit ang kayang pangarap. Sobrang hinahangaan ni Claud ang ama nya, and now that she learned something about him, something that will ruin their family, nagtatalo ang isip nya. I wanted to give her space para makapag-isip, pero alam ko rin na hindi iyan ang kailangan nya. She need distraction from the pain.
"Gala tayo?"
Nag-isang linya ang kilay nito at pagkaraan ng ilang segundo ay tumawa.
"Nagiging bad influence ka na," ani nito at nagsimula ng ayusin ang kanyang mga gamit.
I shrugged. "Wala namang gagawin ngayon eh!" Pagdadahilan ko. "Ngayon lang naman."
Nang matapos na siya sa pagliligpit ay seryoso nya akong tinignan. Napalunok pa ako ng laway dahil sa tindi ng titig nito. Sana pumayag siya, hindi ako komportable sa pagiging tahimik nya ngayon. Iba ang katahimikan ni Claud ngayon, may halong kalungkutan.
"Give me a reason why I should say yes."
Napakurap ako sa sinabi nito. Nakatitig pa rin ito sa akin ng diretso sa mata habang nagsasalita gamit ang malamig na tono.
"Ayokong nakikita kang malungkot. Hindi ako sanay," I honestly said. "Alam kong tahimik kang tao, pero iba ka ngayon. Kaya gusto ko gumala tayo para makalimutan mo pansamantala ang mga naiisip mo ngayon."
Marahan itong tumango at tumayo. Hindi ito umimik at tinalikuran na lang ako. Ayaw ba nya sa ideya ko? Napabuga na lang ako ng hangin. Ayaw ko mamilit.
"Akala ko ba gagala tayo? Ba't nakabusangot ka riyan?"
Kaagad lumiwanag ang mukha ko nang sabihin nya 'yon. Nakatayo na siya ngayon malapit sa pinto habang nakatingin sa akin, hinihintay ako, at nakalahad ang isang kamay. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakangiti akong tinanggap ang kamay nito at magkahawak-kamay kaming lumabas sa classroom.
Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang sa makasakay na ako sa motor nya. She didn't let go of my hands until we reached the parking lot. Maraming nakakita sa amin at napapataas ng kilay kapag napadako ang kanilang mga mata sa kamay naming dalawa. Pero hindi ko na iniisip pa ang mga iniisip ng ibang tao, ang mas importante sa akin ngayon ay si Claud.
I don't want her to fall into sadness. I don't want to see her change. I don't want to see her grimace. I don't want to see her force a smile for me. I just want her to stay the same. Of course, I can't force her to do what I want, but I also don't want her to be depressed. Simply because I care for her, I love her, and I only want what's best for her. Hindi kasama ang negative vibes sa mga bagay na gusto kong mangyari sa kanya.
But it's inevitable, kasi nandito na eh, we can't turn back the time. I just have to wait for her to accept the truth. Alam ko mahirap, pero alam kong matapang at malakas si Claud, kaya alam ko rin na ma o-overcome nya ito.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap. She's still driving and I think may destination na siya sa utak.
"Sa seven eleven, bili muna tayo ng pagkain."
Ilang minuto ang dumaan ay huminto ang motor nya sa pinakamalapit na seven eleven. Bumili kami ng drinks at snacks, more like junk foods. May binili naman akong toasted sandwich para sa aming dalawa. Pagkatapos namin mamili ay balik na naman kami sa motor. Hindi na ako nagtanong sa kanya, dahil naging pamilyar na sa akin ang daan kaya alam ko na roon ang patungo namin.
Huminto kami sa tapat ng isang pamilyar na bahay. Kaagad din kaming nakilala nang may-ari kaya hindi na kami nahirapan kung saan namin ipa-park ang motor. Dahil wala kaming dalang tent, nag offer ito sa amin na kaagad din namin hiniram ni Claud.
Huli na namin na realize na pareho kaming naka uniform at wala kaming dalang ibang damit. Parehas na lang kaming nag kamot sa ulo at tumawa. Nang maitayo na ang tent ay kumain muna kami ni Claud. The silence between us is serene, kaya panatag ang loob kong hindi umimik kasi alam kong hindi na nag-iisip si Claud ng kung ano-ano.
"Hindi pa alam ni mama kaya iniisip ko ang mga posibleng gawin o sabihin ko. Kasi kapag nalaman na nya, alam ko sa akin siya lalapit at huhugot ng lakas. Gusto ko kapag dumating ang araw na iyon ay natanggap ko ng buo ang lahat para hindi ako matibag. Ayokong maging mahina sa araw na iyon," kwento nya sa akin habang hawak-hawak ang sandwich, at nakatingin sa payapang batis.
"Hindi mo ba sasabihin kay tita ang totoo?"
Marahan itong umiling na may malungkot na ngiti sa mga labi. Bumaba ang tingin nito. "Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Sobrang mahal ni mama si papa, kaya alam kong masasaktan siya ng matindi rito. Isa pa, mas dapat si papa ang magsabi ng totoo."
"Kasi iyon ang akma? O kasi hindi mo rin matanggap?"
Alam ko naman ang sagot. Sobrang obvious ni Claud, sa mga emosyon na pinapakita nya these days, alam ko hindi niya matanggap. It's reasonable naman. Her feelings and her reactions are all valid and I understand her. Marahan kong tinapik ang kanyang likod.
"It takes time. I may not know the pain you're in right now, but I know time will heal it. Accepting the truth is impossible for you, but it's only for the mean time. Alam mo, palaging sinasabi sa akin ni mama na communication is the key. It will never be the same, but it will heal the pain."
Muling tumingin ito sa batis na nasa harapan at nakita ko kung paano isa-isa nitong in-unbotton ang mga botones ng polo nya. Marahan itong tumingin sa akin na may ngiti sa mga labi.
"I know at salamat dahil nariyan ka at sinasabi ang mga iyan sa akin. You're my sane tablet. You keep on reminding me, that everything is fine."
Ramdam ko ang panginginit ng mga pisngi ko. And sweet nang compliment nya sa'kin, kahit na hindi akma na kiligin ako sa mga oras na ito. I tried to hide my red cheeks pero hinawakan ni Claud ang mga palad ko.
"Ligo tayo?" Aya nito na ngayon ay natanggal na ang polo nito at tanging ang bra na lamang ang pang-itaas nya. Lantad ang kaputian nito dahil sa itim na sports bra.
"W-wala akong dalang damit," iniwas ko ang tingin ko sa harapan dahil iba na ang nasa isip ko. Mga ala-ala na alam ko naman na hindi buo, but I think my body remembers what happened that night.
Bigla akong nag init, hindi lang sa pisngi ko pero buong katawan ko. Parang naging limited na lang din ang hangin sa paligid at nahihirapan akong huminga.
"C-claud, tumalikod ka. Ginugulo mo buong sistema ko."
Nang sabihin ko iyon ay tumayo na ako at lumayo sa kanya. Nagpahangin ako malapit sa batis, nakita ko naman na nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin. Ginawa kong pamaypay ang palad ko, hindi kasi sapat ang hangin para humupa ang init na nararamdaman ko ngayon. Ano'ng spice ba ang hinalo nila tita at tito noong ginawa nila si Claud? Bakit sobrang hot nang anak nila?
"August!" Tawag nito.
She's wearing a black boxer bra, and black cycling shorts. Tila ba lumiwanag siya lalo dahil naka itim siya.
"Ayokong maligo!" Kaagad na alma ko nang malapit na ito sa akin.
"Sus! Sabi mo need ko ng distraction?"
"Oo, sinabi ko nga 'yun."
She suddenly leaned forward, enough for our height to be on the same level. Our eyes met.
"Distract me then, August."
Tita Criselda, anak niyo po ang landi! Naramdaman ko ang kamay nito na dahan-dahan tinatanggal ang pagkabotones nang polo ko. Hindi ko magawang pigilan siya dahil pareho kaming nakatingin sa isa't-isa, diretso sa mata. Her hands moves like a pro. She successfully unbuttoned my polo without looking. Sumilay naman ang nang-aakit nitong ngiti nang bumaba ang kamay nito sa palda ko.
"T-teka!" Pigil ko sa kanya, nakahawak na rin ako sa kamay nitong dahan-dahan binababa ang zipper nang palda ko. "I said wait."
"Why?" Malambing na tanong nito. "Ayaw mo ba talagang maligo?"
Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa mga mata nitong nangungusap. Sinabi ko sa kanya na distraction ang kailangan nya, pero hindi ko sinabi na maging ganito siya. It's... it's too much. Ang taas ng sikat nang araw, kung makalandi eh!
"A-ako na," nahihirapan kong sabi, kinakapos na naman ako ng hininga. "Kaya ko naman."
Pero tila wala itong narinig at tinuloy ang pag baba sa zipper nang palda ko. Hindi ko na rin siya mapigilan dahil nangyari na. Naramdaman ko na lang ang hangin na tumatama sa hita ko. Nasa lupa na rin ang palda, mabuti na lang talaga at hindi maputik.
"Let's go!" Hinawakan nya ako sa isang kamay at marahan na hinila patungo sa tubig.
Nang nakaloblob na kami ngayon sa tubig ay hindi na ako masyadong nakaramdam ng init, malamig kasi. Lumalangoy ako paminsan-minsan at tumitingin sa paligid, baka kasi may ahas sa ilalim at makagat kami. Pero alam ko naman na wala, I'm making sure na ligtas kami.
"Hindi rin naman pala masama na nag cutting tayo," natatawang wika ni Claud. Basa na ang buhok nito at nakataas na rin ang bangs nya. Expose na ngayon ang noo nito na sobrang kinis. Hindi naman malaki ang noo nya, sobrang ganda nya rin tignan kapag wala siyang bangs.
Ewan ko lang ha, pero sobrang feminine nya tignan kapag wala ang bangs nya. Napansin siguro nito nakatitig lang ako sa kanya, ay bigla itong lumapit at kaagad ni-level ang height namin.
"Mas gusto mo kapag wala akong bangs?" Malambing nitong tanong.
"H-huh?" Tila natauhan ako sa ginawa ko. It's too late for me to get off of her long arms.
"Alam mo ba na masama ang mag cutting class? Kapag nalaman ito ni tita Ema ay talagang malalagot ka."
"Tayong dalawa ang nag cutting, bakit ako lang ang malalagot?"
Muli na naman itong ngumiti. "Sino ba'ng nag-aya?"
I pointed myself with my index finger while raising her a brows. "But still, tayong dalawa ang nag cutting. Hindi naman tayo nag cut para mag sugal, mag computer, or what."
"Pero date itong matatawag."
May point siya, pero. "We're both girls, Claud." Sabi ko.
"Nasa isang relasyon tayo, remember?"
Tama naman, pero kahit na. If someone sees us here, masasabi nila na walang malisya itong ginagawa namin. We do look like two best friends.
"Kahit na, people will never know." Mahina kong wika at umiwas ng tingin. Again, she leaned forward and whispered something in my ear.
"I can make you cum, even if I'm a girl."
"Claud!" Impit na sigaw ko, not expecting her to say that. Sobrang init na rin nang pisngi ko. Tumawa naman ang huli na parang wala lang sa kanya ang naging reaksyon ko. "Ang bastos mo!" Saway ko.
"Pero totoo naman. Try natin?"
This time natampal ko na siya sa balikat at hinayaan na nya akong makalayo. Nakapaskil pa rin ang pilya nitong ngiti na ikina-iinisan ko. Minutes later I found myself cornered by her long arms. Nakatalikod ako sa kanya habang siya naman ay nakayakap sa akin. Gano'n lang kami, naging okay naman na ako at hindi na ako nahihiya. But I was shock when I feel a wet lips touched my neck. It was quick pero nag-iwan ito ng kiliti sa parteng iyon.
"Tsk! Tigil na," saway ko pero ang gago ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.
"I need more distraction."
Alam ko acting na lang ito pero sige, hahayaan ko na lang siya. I wanna make her feel na hindi siya nag-iisa, at hindi ako aalis sa tabi nya kahit ano pa ang mangyari. We were like that for a couple of minutes. Tahimik lang naman kami, pero iyong tahimik na hindi awkward. Paminsan-minsan ay dinadampian nya ng halik ang leeg ko. Ayos lang naman sa akin dahil behave ang kamay nito na nakapulupot sa bewang ko.
"August." Pabulong na tawag nito sa akin dahil malapit lang naman ang bibig nya sa tenga ko. Marahan kong sinandal ang ulo ko sa balikat nya.
"Hmm?"
Humigpit bigla ang pagkayakap nito sa akin, sabay dampi ng isang halik sa aking leeg. "Ayos lang sayo na wala tayong endearment?"
Napa-isip naman ako. I don't think I want to call her babe, baby, honey, or darling. Hindi dahil awkward pakinggan or dahil ayaw ko lang. Sobrang common na kasi nito, ayaw kong may kapareha.
"Ayos lang, ikaw?"
"Bakit ayos lang sa'yo? Ayaw mo 'yung sweet names?"
"Hmm... I prefer calling you by your name. Sweet na para sa'kin ang pangalan mo. Ikaw?"
Narinig ko ang mahina nitong tawa. "Ayokong may kapareha ako, so I also prefer calling you August."
"Sus gaya gaya."
Tumawa ito sa inasta ko. I'm glad she's not thinking about her dad. Hinarap ko siya. I wrapped my arms around her nape and deliberately put our bodies together. Tumaas naman ang isang kilay nito habang may sinusupil na ngiti sa mga labi.
"Bakit dito mo naisip na pumunta?"
Kaagad itong sumagot na parang alam na nito na itatanong ko ito sa kanya.
"Memorable sa akin ang lugar na ito. Nang sinabi mo na kailangan ko ng distraction, ito kaagad ang naisip ko. Kasi payapa, tanging nga kuliglig at mga huni ng ibon ang naririnig ko at nakakapag-isip ako ng matino."
Ngumiti ako sa narinig. "Kailangan mo talaga ako. Paano na lang kaya kung wala ako no? Sino mag re-remind sa'yo na kailangan mo munang mag pause sa pag-iisip ng mga negative vibes?"
"It's also nice here during the night." Mahinang bulong nito. Kinunotan ko siya ng noo.
"Kasi nakaka star gazing ka?"
"No."
"Dahil payapa? Gano'n din naman sa umaga ah?"
Tumawa ito ng marahan at niyakap ako. Damang-dama ko naman ang dibdib nitong sa mukha ko talaga tumama.
"Dahil tahimik, walang tao, at walang disturbo. We can do naughty things witho–"
Tinampal ko siya sa likod dahilan para tumigil siya sa pagsasalita. She chuckled and tightened the hug. "Sobrang sarap mong yakapin," bulong nito.
Hinayaan ko lang siyang yakapin ako habang nakaloblob kami sa tubig. Hindi naman masakit ang araw dahil sa malamig na hangin. Nang umahon na kami ay nasa likod lang ako ni Claud, watching her back. Nakita ko siyang dinampot ang uniform ko isa-isa.
"Uuwi na tayo?"
Lumingon ito sa akin. "No. Gusto mo na ba umuwi?"
Umiling ako. Ayoko pang umuwi. Gusto ko pang manatili rito kasama siya.
"Good. Pwede tayo manatili rito hanggang gabi. I'll text tita Ema na dumiretso tayo rito."
"Konsintidor," asar ko sa kanya na pareho naming tinawanan.
After a while nakita ko nalang ang sarili na naka-upo sa isang malaking bato habang nakatingin sa malayo. Si Claud ay kakatapos lang kumuha ng mga panggatong at ngayon ay kaka-upo lang sa katabing bato ko.
"I want to be honest." Simula ko. Gusto kong umamin sa kanya.
"Hmm? Sa ano?"
Seryoso akong tumingin sa kanya, but deep inside hinihiling ko na sana hindi siya magalit sa pananahimik ko. But I'm still going to understand her, kahit ano man ang sasabihin nya.
"Kinakabahan ako sa pagiging tahimik mo, August." Marahan na sabi nito.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Nakita ko noon si tito na may kasamang bata at babae. One time lang naman at hindi ko masabi sa iyo ito dahil hindi ako sigurado sa nakita ko. Hindi ko rin kayang paniwalaan ang nakita ko, kasi kilala ko si tito na mapagmahal na ama at asawa. Kung sasabihin ko naman sa'yo, hindi ko rin alam kung papaano."
Nakatingin lang ako sa mga mata nya habang sinasabi sa kanya ito. Ayokong may tinatago ako dahil bago naging kami, best friend ko siya. We don't hide secrets.
"Thanks for telling me this, but it's fine with me. Kilala kita at naiintindihan ko ang rason mo."
Hinawakan ko ang kamay nito, just a simple gesture that telling her that I'm always there for her. No matter what happens, mananatili ako sa tabi nya kahit ang pagkakataon pa ang gumawa ng dahilan para magkahiwalay kami.
- BM -
[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro