Chapter 21
Chapter 21
August Gavine
Sabi nila kapag in love raw ang isang tao ay palagi itong nasa good mood. Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na iyan dahil parating naka ngiti si Claud. Grabi, ngayon ko lang siya nakitang masaya. Noon kasi nakabusangot lang ito at ako lang ang kinakausap. As for me, palagi naman akong masaya. Sinasaway nga ako nila mama noon dahil sobrang hyper ko raw. Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.
"Punta tayo mamaya sa National Bookstore," sabi ko sa katabi ko na nagbabasa ng libro.
"Saan mo naman ilalagay? Puno na ang mga bookshelf mo rito." Tinuro nito ang mga nakahilerang nga libro sa gilid. "Pinadalhan ka rin ni tito ng isang box na manga set."
Marahan kong hinahaplos ang kanyang mahabang buhok. Nandito kami sa kwarto ko, nakaupo ako at nakasandal sa headboard ng kama habang siya ay nakahiga at ginawang unan ang mga binti ko. Wala kaming pasok dahil weekend, pero may project kaming ginagawa, by pair, at siya ang ka pares ko. Katatapos lang namin gawin ang project at nagpapahinga muna sandali. Si mama naman ay nagdadala, oras-oras, nang snacks kaya busog din kami pareho.
"May bagong release na libro, gusto kong bilhin."
"Hindi mo pa nga natapos basahin lahat nang nandiyan, bibili ka na naman?"
Ngumisi ako. Totoo kasi sinabi niya. Hindi ko pa natapos basahin ang mga binili ko last year at sa nag daan pang taon. Kada may bagong release na libro ay bumibili ako. Kapag may nakita akong libro at gusto ko ang title ay binibili ko, kahit na hindi ko kilala ang author.
"Goal ko ang bumili nang bumili, dahil kapag bored ako rito sa kwarto ay may libro akong mababasa."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Claud, kaya kaagad akong ngumiti. Tanghali pa naman at maganda ang sikat ng araw, sobrang linaw din ng langit. Bumangon na ito at inayos ang suot. Kinuha nya ang mga gamit nya at in-arrange nya rin ang mga gamit ko na nasa lamesa sa gilid. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglilinis ito.
"Ramdam ko ang titig mo," wika nito. "Pupunta tayo sa National Bookstore pagkatapos ko rito."
Kaagad akong pumalakpak sa tuwa at saka tumayo na at nag ayos ng sarili. Naka cotton short lang ako na kulay puti at itim na oversized t-shirt. Kumuha lang ako ng kulay blue na corduroy shorts, at puting crop top. Habang nagbibihis ako sa gilid may bigla akong naalala. Hindi ko pa ito naitatanong kay Claud, ever.
"Claud!" Tawag ko rito habang hinuhubad ang t-shirt ko. Saktong pag lingon nya ay naka bra na lang ako at cotton shorts.
"Hmm?"
"Do you still remember the first time we met?" Tanong ko rito na ngayon ay nasa harapan ko na at hawak ang crop top na susuotin ko. Marahan nya itong ibinigay sa akin at umupo sa gilid ng kama.
"Nagsimula lahat sa isang cotton candy. Nakita kitang umiiyak dahil inagaw ang binili mong cotton candy. Naka-upo ka lang sa lupa habang umiiyak."
Tama. That was the first time I met Claud. Simula bata pa lang ay may bangs na talaga siya at mahaba ang buhok. Gustong-gusto kasi ni tita Criselda ang gano'ng style. Super cute rin niya noon, chubby face kasi si Claud tapos favorite nyang kainin ay 'yung tinitindang turon sa tapat nang school namin. Malalaman ko talaga na galing siya sa pagkain nang turon dahil sa puting asukal na nasa gilid ng bibig nya.
"Siraulo kasi 'yung batang umagaw sa cotton candy ko. Favorite raw nya ang blue, kaya sa kanya na lang daw, eh sa ayaw ko ibigay sa kanya kaya inagaw nya na lang. Sakto rin na may hawak kang turon no'n, sabi mo pa sa akin na 'yung turon na lang kainin ko healthy pa."
Sabay kaming tumawa sa pangyayaring iyon. After that day, palagi ko nang nakikita si Claud at everytime nakikita ko siya ay may hawak siyang turon.
Pagkatapos kong magbihis ay tumabi ako kay Claud at inihilig ang aking ulo sa balikat nya. "Palagi na tayong magkasama simula no'n. Nang nagbukas ang panibagong school year ay ngumawa pa ako nang malaman na hindi tayo classmates."
Humarap siya sa akin at niyakap ako. Nakahilig pa rin ang ulo sa kanya. She softly massage my back.
"Thank you for the effort this year, naging magka klase tayo." Bulong nya sa akin. "Sobrang saya ko rin na nalamang same class tayo. Hindi pa nga ako makapaniwala noong una."
Pangiti-ngiti pa ako habang ninanam-nam ang bawat sandali na kasama ko siya. Minutes later ay tumayo na ako at hinila siya papalabas ng kwarto. Sumakay lang din kami sa motor nya at pumunta sa National Bookstore.
Pagdating namin sa store ay automatic na humiwalay na ako kay Claud at tumitingin-tingin ng mga libro na naka display. I decided to pick three books for today, baka kasi pagalitan ako ni Claud kapag sobrang dami ng bibilhin ko. Bago ko binayaran ang mga libro na napili ko ay hinanap ko siya.
I was looking around when I saw a familiar face outside the store. Dahil gawa sa salamin ang dingding ay nakita ko, buhat sa labas, si tito Calvin. Lalabas sana ako ng store para tawagin siya, pero napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ang batang lalaki na kasama niya. Ito 'yung batang lalaki na kasama rin nya sa gabing iyon.
"August!"
Napaigtad ako sa gulat nang tawagin ako ni Claud. Nang lingunin ko siya ay nakatingin ito sa akin at pansin ko ang hawak nitong libro. Muli akong tumingin sa direksyon kung saan ko nakita ang si tito, wala na sila roon.
"Magbabayad ka na?" Tanong nito at marahan na kinuha ang tatlong libro na dala ko. Tumango ako at sumunod na lang sa kanya.
Nang papalabas na kami ng store ay patingin-tingin pa ako sa paligid, to check if they're just around the corner. Pero hindi ko na sila mahagilap.
"Nagugutom ka ba?"
Tumingin ako sa gawi ni Claud. Medyo nauuna siya dahil binagalan ko ang pag lakad ko. Maputi rin ang batang kasama ni tito, kasing-puti niya. Nagmana kasi si Claud sa papa nya. They both also have the same nose and eyes, like him. Ayokong pag-isipan ng masama si tito. Alam ko na maganda ang relasyon nila ni tita Criselda. Imposibleng anak ni tito ang batang iyon.
"August?" Untag sa akin ni Claud. Nabalik ako sa reyalidad nang hinawakan nya ako sa braso. "May problema ba?"
Kung itatanong ko kay Claud ang bagay na ito, magagalit kaya siya? "Ayos lang ako, may iniisip lang," mahinang wika ko.
"Katulad ng ano?"
I heaved a deep sigh before asking her. "Okay lang ba ang mga magulang mo?"
Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin na nagtataka. "Ang random mo minsan kung magtanong." Natatawa pa nitong wika. "They're fine, why?"
Of course. Ako lang talaga itong maraming iniisip. Hindi tama na pag-isipan ng kung ano-ano ang isang tao, lalo na at hindi mo naman alam lahat ng tungkol sa kanila. I didn't entertain the thoughts, about the kid, running in my mind. I choose to forget what I saw earlier and go on with our normal day as a couple.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang ma-isip ko ang bagay na ito. Couple huh!
"Alam na ba nila ang tungkol sa atin?" I asked. Hindi pa alam ng pamilya niya ang tungkol sa aming dalawa. Si mama naman ay alam na nya.
"Hindi ko na kailangan mag update sa kanila," she said made me wonder. Napansin naman nito ang pagtataka sa mukha ko. "I mean, sila ang una kong sinabihan tungkol sa'yo. Well, si mama napansin nya kaagad."
Alam nila? Ako lang yata ang mukhang tanga!
"Tang'na, ako lang ba ang walang kaalam-alam?"
Narinig ko ang mahina nitong pag tawa sa tinuran ko.
"Grade six tayo nang mapansin ni mama, umamin ako sa kanya no'ng grade eight na tayo."
"Pero paano mo nalaman na may gusto ka sa'kin?" Curious kong tanong. Hindi ko ito naitanong sa kanya. "At saka, kailan mo nalaman na may gusto ka sa'kin?"
Papalabas na kami ng mall nang maitanong ko ito. Sa labas ng mall may nagtitinda mg milk tea, marahan nya akong hinawakan sa kamay at hinila patungo sa stall. Umupo kami sa isa sa mga upuan na naririto, tanging kaming dalawa lang ang costumer. Um-order si Claud ng dalawang milk tea, alam na nya ang favorite ko kaya hindi na ito nagtanong pa. Nang pabalik na siya sa table namin ay doon na siya nagsalita.
"Elementary pa ako ay alam ko na sa sarili ko na naiiba ako sa lahat. Ang pagdating mo sa buhay ko ang naging rason ko para tanggapin kung sino talaga ako. Kasi no'ng dumating ka ang dami kong narealize sa sarili ko."
Nakikinig lamang ako sa tabi habang naghihintay sa order namin.
"I know that I swing differently, but you were the one who made me accept my own flaws. I only realize na gusto na kita noong nagkaroon ka nang crush. Pero alam ko rin na nag-iba ang tingin ko sa'yo noong elementary pa man tayo."
She start rubbing her neck, a mannerism of her when she she's embarrassed, namumula rin ang kanyang tenga.
Alam ko na sobrang hirap nang ginawa nya sa sarili nya. Ang hindi ipakita ang totoong saloobin. Ang hindi masabi ang gustong sabihin. Ang hindi magawa ang gustong gawin. Hindi ko nga na kayanan ang mga 'to, but Claud made it for how many years.
Ngumiti ako ng matamis habang nakatingin sa kanya ng diretso. Sobrang swerte ko dahil sa kanya.
"C-can we not talk about it here? We're in public and we knew that not everyone are open about us."
Well, I don't care about what others might say about Claud and I. Hindi naman nila hawak ang mga buhay namin, at hindi rin umiikot ang mundo namin sa mga katulad nila. Alam ko hindi lahat nakakaintindi at kailangan namin mag ingat, lalo na sa public.
Kaya marami ang takot mag come out dahil sa diskriminasyong natatanggap mula sa mga taong makikitid ang utak. They call us sinners, but how about those people who keep attending sunday masses, yet they didn't change their repulsive behaviors? Aren't they sinners?
Lahat naman tayo makasalanan. Walang taong banal, pero nag babanal-banalan, marami.
Nang dumating na ang order na namin ay tahimik namin itong ininom. Tahimik, pero hindi awkward. Mapapansin talaga sa aming dalawa na masaya kami, kahit hindi kami nagsasalita.
Pagkatapos namin ay nag desisyon na kaming umuwi. Masaya pa kaming naglalakad patungo sa motor ni Claud, nang bigla-bigla na lang siyang huminto. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. Diretso ang tingin nito habang naka awang ang mga labi. Sinunod ko ang tingin nito at nakita ko si tito Calvin na may kargang bata at may kasamang babae.
Ilang beses akong kumurap, trying to convince myself na namali lang ako ng nakikita. But they're still there, looking like a happy family. Muli kong tinignan si Claud, and for the first time, I saw a tiny drop of tear rolling down her cheeks.
"C-claud." Nag-aalalang tawag ko sa kanya. Hindi naman kami nakita ni tito. She looks like she wanted to approach them, but Claud being herself, she chose not to. Nakakuyom na ngayon ang kanyang mga kamay at tila nag-isang linya ang kanyang kilay while bitting her lower lip.
Tanging ang pag hawak na lamang sa kanyang nakakuyom na palad ang nagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I know she's hurting inside.
°°°°°•°°°°°
Claudelle Tuliao
Ang pagtunog ng cellphone ko ang naging dahilan upang marealize kong nasa loob na ako ng bahay namin. Naihatid ko na pala si August sa kanila. I received a text message from August, asking me if I'm okay.
I know nakita nya ang nakita ko kanina. Matagal ko ng nararamdaman ang lamig sa bahay namin. Hindi na ito kasing sigla noon. I just woke up one day, not feeling the warmth in our home. Hindi ko ito pinansin, but whenever papa's here the more freezing feeling I feel. So that's the reason why.
"Claudelle."
Nagulat ako sa taong pumasok sa kwarto ko. Sobrang bilis din ng pagtibok ng puso ko ngayon habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko kanina. Galit ko siyang tinignan.
"Anak."
"Alam ba ito ni mama?" Iyan ang tanong na pumasok sa isip ko kanina.
He look so happy while holding those tiny hands. He was smiling while talking to her. When I saw guilt in his eyes, I immediately clicked my tongue and frustratedly sighed. How can he do this to us?
"How old is he?"
"Three year old."
"Kailan ito nagsimula, pa?"
"It was a mistake. Gusto kong sabihin sa mama mo pero hindi ko siya kayang nakikitang nasasaktan."
"Kailan?"
"When I went to Cebu for a conference. I met Amanda there."
Sa bawat pagsagot nya sa aking mga katanungan ay patong patong na galit ang aking naramdaman. I don't know how could I accept this kind of situation. All this time ginagago nya pala kami?
How?
"I'm sorry." Emosyonal na sabi ni papa. Hindi siya lumapit sa akin. I know he's ashamed. Alam ko na nakita nya ako kanina na nakatingin sa kanya, pinili nya lang umaktong hindi nya ako napansin.
"You look so happy a while ago. Mas gusto mo ba sila kaysa sa amin?"
Yumuko siya. Hindi ako sinagot kaya umiwas ako ng tingin. Ayokong marinig ang sagot nya. Ayaw ko rin makita ang reaksyon nya.
"Wala na kaming koneksyon ni Amanda. Nagkikita lang kami para sa a bata. He's your brother."
I don't need a brother. I don't know how I could accept him as my brother. But I can't put the blame on him and her mother.
Now, how could mama accept this kind of truth?
"You have to tell her the truth," mahina ngunit may diin kong wika. "You have to."
Hindi ko na hinintay pa si papa na magsalita at lumabas na ako sa aking kwarto. Nilagpasan ko lang siya na parang hangin sa paligid. I love my father, and I still love him even after I learned the truth. But it breaks my heart knowing what he did. He didn't just cheated his wife, he also ruined our family.
- BM -
[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day! ]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro