Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

Eva Vasquez

I saw how she approached August with full of worry in her eyes. I saw how mad she was, as she throw dagger look, at the guy. I was just in the corner watching the scene I didn't want to watch. The scene I never wanted to happen. Nang makita kong hinila niya si August papasok, I was hoping for Claudelle to look at me. I know she's aware that I was just on the side pero hindi siya tumingin sa akin.

Nilagpasan lang nya ako na parang hangin lang ako sa paligid. Kanina pa ako nasasaktan sa mga sinabi sa akin ni Claud, but it's more painful now that I witnessed how my existence doesn't even have an ounce of impact to her. I'm just a nonsense to her.

"I told you already that you're just wasting your time, Eva."

Masama kong tinignan ang taong lumapit sa akin. She's wearing an oversized t-shirt and a sweatpants. Nakapaloob sa bulsa nang sweatpants nya ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa akin na may ngisi sa mga labi.

"Kung hindi lang dahil sa babaeng yun!"

"Eva, why is it hard for you to accept the fact na mas nauna si August dumating sa buhay ni Claudelle kaysa sa'yo? She's been keeping her feelings because she's just afraid. Hindi ka pwedeng sumingit, kasi wala kang lugar na mapaglalagyan."

Nainis ako sa sinabi nya at dahil hindi ko tanggap ang katotohanang sinabi nya sa akin ay sinampal ko siya.

"Ha! Pang ilang sampal mo na ba 'yan ngayon?" Her presence suddenly changed. Her playful smile fades away, replaced by a meaningful smirk that made me regret what I did. Naging madilim ang aurang dala nya kaya dahan-dahan akong umatras. "You're just going to ruin everything, Eva."

"Alam mo? Ikaw dapat ang sisihin ko kaya hindi ako makuhang magustohan ni Claud! Ako dapat ang nasa tabi nya ngayon! Masaya na dapat kami ngayon, if you didn't intervene with my plan."

Nagalit ito sa akin, pero hindi nya ako magawang sampalin, tulad ng ginawa ko. Pero marahas nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at sobrang higpit ng pagkakahawak nya nito. Hindi ako nagpakita ng kahinaan. Hindi ko pinakita sa kanyang nasasaktan ako at nakaramdam ako ng kaunting takot nang makasalubong ko ang nanggagalaiting tingin na pinupukol sa akin.

"Don't you ever blame me for your stupidity, Eva! Inilayo kita dahil alam kong masasaktan ka lang! Hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko! Now, look! Hinayaan na kitang guluhin sila. I let you lead the way, but what happened? Talo ka pa rin kasi hindi naman talaga ikaw ang mahal ni Claudelle."

Napakagat labi ako sa sinabi nya. Umiwas din ako ng tingin at pilit na kumakawala sa mahigpit nitong hawak.

"Iyan ang problema mo! Hindi ka tumatanggap sa pagkakakamali mo!" Sigaw nito sa akin. "Hindi mo kailangang manira para lang sumaya ka, Eva."

I gulped the lump of my throat and heave a deep breath. Matapang kong sinalubong ang nanggagalaiti nyang tingin. "You will never understand me, kasi hindi ka nagmamahal, naglalaro ka lang ng mga damdamin ng mga babaeng pinapaikot mo sa mga palad mo!"

For a second, I saw a strange emotion crossed in her eyes. Pero mariin siyang pumikit at yumuko, na parang kinakalma nya ang sarili nya. Ilang minuto siyang gano'n hanggang sa makita kong gumagalaw ang kanyang mga balikat, and slowly, I heard her laugh. Kunot-noo ko siyang tinignan. Nababaliw na ba ang babae'ng ito? Sinapian na naman ba siya?

"Let go of me!" Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nya, pero mas diniin pa nya ako sa dingding. Nang muli siyang mag angat ng mukha ay hindi ko mapigilang mangamba. She's wearing her creepy smile again. "B-bitawan mo' ko!"

"Alam ko ang likaw ng bituka mo, Eva kaya huwag kang magmalinis sa harapan ko. Try to ruin those two, malalaman mo kung anong klaseng paglalaro ang ginagawa ko sa mga babaeng iyon."

Napaluhod ako sa sahig nang bitawan na nya ako. Kaagad din siyang umalis at lumabas ng bahay. Bakit ba nakilala ko pa si Jamila? Ngayon ay nasa sitwasyon ako na hindi ko alam kung paano ako makakawala.

°°°°°•°°°°°

August Gavine

Marahan akong nag inat nang kamay at tumagilid habang nakapikit ang mga mata. Nararamdaman ko na ang epekto ng alak na ininom ko kagabi. Aminado ako na nasobrahan ako sa pag inom. Sa totoo nga nyan ay hindi ko maalala ang mga nangyari, naramdaman ko na lang ang lambot ng kama sa likod ko at hindi ko alam kung ano na ang kasunod.

Ayoko muna sanang bumangon pero bigla akong may naramdaman na malambot na bagay sa aking harapan. Ramdam ko rin na may mainit na hangin sa aking noo. Ano'ng nangyari kagabi?

"Mhmm.."

Mariin akong napapikit nang biglang may brasong dumantay sa aking bewang. Ang nakakagulat pa ay ramdam ko ang mainit nitong palad na nakadikit sa aking balat. Sino ang taong kasama ko sa kwarto na'to?

Nasaan si Claud???

I can feel my heart throb so fast, as if it will jump out of my ribcage. I decided to open my eyes and see who is the guy beside me. But the first thing my eyes meet is a long black hair.

Wala kaming kasamang lalaki na may mahabang buhok kahapon!

Muli akong pumikit. Who the hell is this guy? Gagi August, babae ang gusto mo, bakit may kasama kang lalaki sa kama? What if pumasok so Claud bigla? Siguradong pagagalitan ako non kapag makita nya akong nasa tabi ng isang lalaki.

Ang tanging naririnig ko na lamang ngayon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang dahan-dahan na binubuka ang aking mata. Dumiretso na ang aking paningin, para makita ko na nang buo ang mukha ng taong kasama ko.

When my eyes are finally seeing the view in front, my breathing suddenly stop. Nahigit ko ang aking hininga at dagliang napatakip ng bibig.

Holy shit!

Unang nakita ko ang signature bangs nya, na ang iilan ay nagulo, at napadako ang aking mata sa kanyang matangos na ilong, manipis na labi, at ang nakapikit nyang mga mata. Bumaba pa ang aking tingin, para kompirmahin ang nasa isip ko.

Nakagat ko ang aking labi nang makitang wala siyang damit, at pareho kaming nasa ilalim nang comforter. Ang isang braso niya ay siyang ginawa kong unan, at isa ay nasa bewang ko nakayakap.

Ano'ng nangyari?

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Totoo na wala akong maalala sa nangyari kagabi, pero hindi ko inaasahan na si Claud ang makita kong nasa tabi ko ngayon. Hindi naman sa gusto kong lalaki ang katabi ko ngayon, it's just too impossible for us to be in this kind of situation. Too impossible!

Dahan-dahan akong kumawala sa kanyang yakap. Tulog mantika si Claud, kaya hindi ito nagising. Nang nakatayo na ako ay doon ko lang nakita ang mga damit naming dalawa, na nagkalat sa sahig. Kumaripas ako ng takbo patungo sa banyo at kaagad naghilamos. Hindi pa rin kasi kumakalma ang sistema ko sa nalaman.

Naitukod ko ang dalawang kamay sa gilid ng sink at humarap sa salamin na nakadikit sa dingding. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin ng mga ilang segundo.

"Wala akong maalala," nayayamot kong sabi habang nakatingin sa aking sarili sa salamin. "Bakit hindi ko maalala?"

I tried to remember what happened last night. Basta ay naligo ako sa pool kasama ang ka team ni Claud, after that ay yung nakita ko sina Claud at Eva. Iyon ang rason kung bakit ako napunta sa mini bar at nag inom. Naalala ko na lumapit sa akin si Gino, we talked and then wala na. Blurry na ang kasunod.

I heaved a deep sigh. Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Naiinis ako sarili ko kung bakit wala akong maalala.

"Bakit kasi ako nag inom?" Galit kong sigaw sa aking sarili. "Teka ano 'to?"

Tinagilid ko ang aking ulo para makita ng buo kung ano ang pulang marka na nasa leeg ko. "Oh my ghad!" There's a lot of them on both sides of my neck. "Ang ulap na'yon! Ano'ng ginawa nya sa'kin?"

Muntik na akong ma slide nang biglang may kumatok sa pinto nang banyo.

"August!"

Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pabalik-balik akong naglalakad habang ginugulo ang aking buhok. Papaano ako lalabas sa banyo na hindi ko makikita si Claud? Should I run? Pero wala akong damit. Hindi ko nadala ang bikini ko na alam kong nasa sahig.

"I know you're in there. Buksan mo ang pinto."

"N-no!" Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang knob. Naka lock naman ito, pero alam ko na may susi siya.

"Ayos ka lang ba riyan? Are you in pain?"

Pain? Awtomatikong napayuko ako. Did we do it last night? Pero wala namang masakit sa'kin.

"Bababa ako to prepare our breakfast."

Naghintay akong marinig ang pag bukas-sara nang pinto bago ako lumabas sa banyo. Wala na si Claud sa loob. Nakita ko naman ang two piece, na suot ko kahapon, sa kama. Hindi ko na ito sinuot. Kumuha ako ng damit sa bag ko at nagpasyang maligo. Nanlalagkit kasi ang katawan ko.

After everything lumabas na ako sa kwarto at dahan-dahan na pumanaog. Pinakalma ko na ang sarili ko at inihanda. Kailangan hindi ako magiging awkward. Pagkababa ko ay sobrang tahimik ng buong silid. Malinis na rin ang makalat na sala, wala ring tao sa pool. Where's everyone?

"Kanina pa naka alis ang iba at alas dyes na." Rinig kong sabi ni Jamila na kalalabas lang galing kusina. "Hindi ka yata mukhang masaya?" Usisa pa nito.

"H-ha?"

"Nevermind. Anyway, naghahanda si Claud ng breakfast ninyo, pumasok ka na."

Naglakad na ako papasok sa kusina. Madadaanan ko siya, kasi hindi umalis si Jamila sa kinatatayuan nya. Nang nasa tapat na nya ako ay may sinabi pa siya.

"Kung ako sa'yo babakuran ko na si Claud."

I forgot, sinabi ko kay Jamila na may nararamdaman ako para kay Claud. Sobrang kulit nya kasi at hindi nya ako tinigilan. Sabi naman nya ay hindi nya sasabihin kay Claud ang nalaman. But she never mentioned Eva last time.

Nakita ko si Claud na nagluluto sa kalan. She's frying some hotdogs and bacon. Sa mesa ay may nakalapag na dalawang plato na may kanin.

"Baka maunahan ka, although imposible, pero hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap."

"Bakit hindi mo nasabi si Eva noong nag-usap tayo?" Tanong ko rito.

Tumaas ang dalawa kilay nito. "She's not worth to talk about. Don't mind her, she's just a bug trying to find a home."

Kunot-noo ko siyang tinignan. Hindi ba't girlfriend nya si Eva? Pero sabi nga ni Claud, hindi seryoso si Jamila sa pakikipagrelasyon. Hindi na ako nagtanong pa at dinaluhan si Claud sa hapag.

Tapos na itong magluto at nilalapag na nito ang plato na may lamang ulam. Nang maramdaman nya ang presensya ko ay nagulat pa ito. Kaagad naman siyang nakabawi at marahan na ngumiti, pero hindi ko pinansin iyon. Nakayuko nga lang ako, trying to avoid her gaze, namumula kasi ako.

"Akala ko hindi ka na lalabas," panimula nito.

Kumuha ako ng hotdog at bacon at inilagay sa aking plato.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"May dahilan ba para hindi maging okay ang pakiramdam ko?" Pilosopo kong tanong habang ngumunguya. I didn't mean to act like this, pero kasi kung hindi ko ito gagawin ay makikita nya ang totoo kong nararamdaman.

"Nag lasing ka kagabi, masakit ba ang ulo mo?"

Kumurap ako at tumingin sa kanya. Abala ito sa kinakain. Parang déja vu lang. Ganyang din siya no'ng bigla nya akong hinalikan. Parang walang nangyari, habang ako naman ay sobrang apektado.

If I'm going to ask her, sasabihin nya rin ba na kalimutan na lang ang nangyari? That it was just a mistake? Marahan akong ngumiti ng mapait, nakalimutan ko na kaibigan ko lang si Claud. She's probably just like Jamila. At 'diba sabi ni Eva, na hindi na nag seryoso si Claud simula noong maghiwalay sila.

Ang kaba na nararamdaman ko ay nawala, hindi na rin nag-iinit ang pisngi ko, at nalulungkot ako. Sobrang bigat ng dibdib ko ngayon at gusto kong umiiyak. Pinipigilan kong maging emosyonal dahil kaharap ko siya.

"Umuwi na tayo pagkatapos natin kumain," sabi nito na hindi man lang ako tinitignan.

"Ge," walang ganang wika ko. "Ihahanda ko lang ang mga gamit ko."

"Ako na, ubusin mo muna ang pagkain mo."

Why the hell she's like this? Palagi na lang! I balled my fist and stood up. Gumawa naman ng ingay ang upuan nang tumayo ako dahilan para magulat ang kaharap ko. Ngayon ay nakatingin na ito sa akin. Matapang kong sinalubong ang kanyang tingin.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Sobrang dami, pero hindi ko naman masabi. Why are you acting like nothing happened? Why are you always doing this to me? Why is it always me who have mixed emotions after what you've done?

"A-august.."

"I...hate you!" Tanging nasabi ko at kaagad tumalikod habang tumutulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tumakbo ako patungong second floor at tumambay sa rooftop. Umupo ako sa isa sa mga recliner na naririto habang umiiyak. I know hindi nya ako susundan dahil alam nyang magtatanong ako sa kanya.

"Should I make you remember everything you said to me last night?"

Napatayo ako at hinarap si Claud, na akala ko hindi ako susundan. Kaagad kong pinahid ang luha ko at inayos ang sarili. She's standing in front of me with no hint of emotion.

"Bakit ang hirap para sa'yo na magpakita ng emosyon? Walang mawawala sa'yo kung gagawin mo iyon," seryosong sabi ko. "Wala akong maalala, pero hindi sapat na gawin mo itong excuse para manahimik ka lang."

Hindi siya nagsalita, pero wala pa rin akong nakikitang emosyon sa kanyang mukha. She's hiding it tightly na parang natatakot siyang makita ko ang totoo nyang nararamdaman. Pero dahil sa ginagawa nya, ang daming pumapasok sa isip ko. What if she's doing this because she regret doing it with me? What if she's keeping her silence because of Eva?

"Dahil ba kay Eva?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong itanong ito.

"Let's not talk about her."

"Why? Is she that special to you?"

Lumapit ito sa akin at marahan na hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"I don't want to talk about her dahil labas siya sa ating dalawa. She's not special to me, you are. I suppressed my emotions because I am afraid. Ayokong makita ang mga reaksyon mo kapag nakita mo ang tunay kong nararamdaman."

Marahas kong hinawi ang kamay nya. "But your being unfair!"

"I'm trying to protect myself, it maybe selfish, pero mababaliw ako August. Malulunod ako sa sarili kong nararamdaman at ayokong matakot ka sa'kin."

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin? Wala akong naiintindihan."

Nanatili siyang nakatitig sa akin ng ilang minuto. But she suddenly grabbed my waist and pull me closer to her. "You are the girl I love, August."

- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro