Chapter 17
Chapter 17
August Gavine
Nasa sala ako ngayon naghihintay sa sundo ko. Si mama naman ay nasa tabi ko lang din, nagbabasa ng dyaryo. Noong pinakilala ko sa kanya si Jamila ay sobrang tuwa ni mama. Sabi pa nya sa akin na magandang pangitain daw ang pagkakaroon ng isa pang kaibigan. Sinabi nya rin sa akin na gusto nya si Jamila bilang kaibigan ko, mukha rawng mabait.
"Nak, matanong ko lang." Panimula ni mama. "Ano'ng naging ganap sa ball kagabi?"
Ngumiti ako kaagad. Actually, sobrang saya ko kagabi dahil walang um-epal sa moment ko. Magkasama lang kami ni Claud buong gabi at hindi rin namin tinapos ang event dahil tinamad na kami. We were just having our alone time together, while walking around the campus. We talked stuffs, our pasts, and our plans for the future.
"Maayos naman ma," sagot ko.
"Ayos lang naman kayo ni Claud? Hindi ba kayo nag-aaway minsan?"
Nag-aaway naman kami minsan, lalo na kung hindi kami parehas nang pinaniniwalaan. We're two different individuals, and it's common for us, having a different views of a certain thing. But because we are aware of our differences, we choose to understand each other's beliefs. Kaya siguro tumagal ang pagkakaibigan namin ni Claud, because we choose to stay.
"Okay lang naman po kami. Pero ayos lang po ba sa inyo na sumama ako sa party nila? Am I allowed to drink?" Tanong ko, hoping for her to say yes.
Ibinaba ni mama ang binabasa at tumingin sa akin diretso sa mata. "Matanda ka na, August at pinalaki kita ng tama. Walang mawawala sa'yo kung uminom ka, basta lang ay huwag sobra. I am allowing you to do adult stuffs, but know your limits."
Sunod-sunod ang pag tango ko. Hindi nagkulang ang mga magulang ko sa pagpapa-alala sa tungkol sa mga bagay-bagay, katulad nang pag-inom. Wala naman daw masama kung uminom ako, basta lang ay kilala ko ang mga kasama ko, at hindi ako lalagpas sa limit ko. Gano'n din si Claud, pero hindi naman mahilig uminom 'yun.
"Just have fun, at palaging mag-ingat."
"Opo, ma."
Ilang sandali ang dumaan ay dumating na ang sundo ko. Hindi kami mag mo-motor ngayon ni Claud. Dala nya ngayon ang lumang kotse ng ni tita Criselda. Luma, pero BMW. Bago ako lumabas ay nag mano muna ako kay mama sabay kiss sa pisngi.
Nang nasa loob na ako nang kotse ay napansin ko na sobrang daming dala ni Claud, nasa backseat. "Snacks." 'Yan lang ang sinabi nya at pinaandar na ang sasakyan.
While on the way kami ay nagpatugtug ako ng kanta ni Taylor Swift, 'yung Paper Rings, at sumasabay din ako sa kanta. I was like that for a couple of minutes, at huminto lang ako nang hindi ko na masabayan si Taylor. Tahimik naman ang kasama ko habang nagmamanheho.
"Nag breakfast ka ba, Claud?" Tanong ko sa kanya. "Pwede tayong huminto muna sa isang fast food."
"Kumain na ako sa bahay. Ikaw?"
"Gano'n din. Iba na kasi ngayon, may chef na ako," sabi ko pa. "May taga laba na rin ako."
Narinig ko ang pag tawa nito. "Patay ka kay tita Ema kapag narinig ka no'n."
Now that I know na may gusto ako sa kanya, at aware ako na babae rin ang trip nya, ay mas naging komportable akong kasama siya. Paminsan-minsan ay nandoon ang kaba sa tuwing may mga instances na hindi ko inaasahan. Iyong lihim ko siyang tinititigan, tapos bigla nya akong mahuhuling nakatitig sa kanya. Tapos iyon rin pagkakataong bigla-bigla na lang siyang lumalapit sa akin dahilan para magkadikit ang aming mga katawan.
"August." Tawag nito sa akin. I was just staring at her when she suddenly called my name, kaya ang nangyari ay bigla akong na untog. Dahil nagmamadali akong lumingon sa kabilang side.
"H-ha?" Nahihiyang sagot ko. "May sasabihin ka ba?"
"Ano'ng dala mong panligo?"
Dahil pool party ang naisip ni Jamila ay nag decide akong dalhin ang blue na two piece ko, at nagdala na rin ako ng one piece na kulay gray. Actually, suot ko na ngayon ang two piece.
"Isang two piece tapos one piece. Bakit?"
"Wala," sagot nito pagkaraan ng isang minuto. "Posibleng may makakasama tayong mga lalaki sa resort, ayos lang ba 'yun?"
"Okay lang naman."
Nakita ko siyang tumango. Naging tahimik na rin kami hanggang sa makarating na kami sa destinasyon namin. Sobrang excited ko pa nang papanaog na ako ng kotse, kaso may nakita akong epal pag labas ko.
"Hi, Claud!" Bungad nya sa kasama ko. She's wearing a see through dress at kapansin-pansin naman ang suot nitong pulang two piece. Sa likod nya ay nandoon si Jamila, na naka shorts at puting t-shirt.
"Ako na magdadala nyan sa loob," nakangiti itong kinuha ang mga dala ni Claud. "Sabay na tayo!"
Wow! Invisible na yata ako sa paningin nang babaeng ito! Pero ngumisi ako nang lingunin ako ni Claud.
"Mauna ka na," utos ni Claud kay Eva. "Sasabayan ko si August."
Nang mag tagpo ang tingin namin ni Eva ay agad ko siyang inirapan. Wala rin siyang magawa dahil papalapit na si Claud sa akin at kinuha ang dala kong bag.
"Ba't Claud ang tawag nya sa'yo? Close ba kayo!" Hindi ko na tinago ang inis na naramdaman ko. Ako kaya ang nag bansag sa kanya no'n.
Narinig ko naman ang pagtawa ng kausap ko. "Bakit?"
"Ano'ng bakit? Ako ang nagbigay sa'yo nang pangalan na'yun, kaya dapat ako lang ang tumawag sa'yo ng gano'n. Wala namang originality ang babaeng iyon!"
Nasobrahan yata ako sa pag voice out sa totoo kong nararamdaman. Natigilan kasi si Claud, nagulat siguro sa naging reaksyon ko. Nakatitig lang ito sa akin, kaya dali-dali akong tumalikod at nauna nang mag lakad.
Nagseselos ako, at may right akong mag selos. Tahimik lang naman na sumunod si Claud sa akin. Nang makapasok na kami sa venue ay nandoon na ang buong volleyball team, at napansin ko na ang iba sa kanila ay may sarili nilang kasama. Nagulat pa nga ako nang makita ko si Gino na naka-upo sa isang wooden chair habang may kausap.
"Hiiii!!" Ang captain nila ang bumungad sa amin at tinulungan nya akong dalhin ang dala-dala ko. "May foods na nga pala sa table, pwede kayong kumain."
"Nasaan si Jamila?"
"Ayon, nag-iihaw sa may pool."
"Ang babaeng 'yun! Akala ko talaga resort ang pupuntahan natin, bahay bakasyonan pala nila. Excited pa naman akong maka-meet ng foreigner habang naliligo sa pool."
Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ni Fatima, ang libiro nila. Ako nga rin, noong una, akala ko resort talaga. Pero sinabihan na ako ni Claud kung saan talaga kami pupunta. But she also said na may resort talaga sila Jamila at wala ito sa Tagaytay.
Sumilip ako sa labas, nasa sala kasi ako ngayon at naka-upo sa isa sa mga sofa, nakita ko si Jamila sa gilid ng pool. Malapit lang kasi sa sala ang pinto patungo sa likod ng bahay. Lumapit sa kanya si Claud at parang may tinanong. They talked for a minute at bumalik sa loob si Claud, dala-dala ang gamit naming dalawa.
Overnight nga pala kami ngayon, kaya I brought clothes and some essentials.
"Dadalhin ko sa taas ang gamit natin, may kukunin ka pa ba sa bag mo?" Tanong ni Claud.
"Tulungan na lang kita, mamaya pa ako magbibihis," hindi naman ako nakarinig ng pag-angal mula sa kanya.
Ako ang nagdala sa bag ko habang umaakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Dalawang kwarto ang nasa second floor, ang sabi ni Claud kami raw ang mag o-occupy sa isa. Dala na rin nya ang susi, ito siguro ang pinag-usapan nila ni Jamila sa baba.
Nang makapasok na kami sa kwarto ay nagulat pa ako nang makitang may sarili itong banyo. Aside from that ay gawa sa glass ang isang part ng dingding, at sa middle part ng kisame ay may nakasabit na chandelier. Malaki rin ang kama na naririto.
"Tayo lang dito?" Tanong ko kay Claud.
Hindi ko alam kung ilang kwarto ba meron sa bahay na ito. Medyo madami rin kaming mag s-stay at malaki ang kwarto na pinili ni Claud at parang ang unfair kung kami lang dalawa ang matutulog mamaya rito.
"Sa baba matutulog ang iba mamaya, and for sure walang papasok sa kwarto mamaya dahil malalasing ang mga 'yun."
Ahh yeah. Ang dami kong nakitang inumin sa baba. When we decided to go outside, dumiretso ako sa may pool. Tapos nang mag ihaw si Jamila at nasa pool na rin ito naliligo. She's wearing a white t-shirt and a denim short, pero bakat na bakat naman ang halter bra na suot nito sa ilalim. Kasama nya sa pool ang ibang volleyball players, some of them are wearing a two piece bikini.
I decided na umupo muna sa recliner. Sinuot ko na rin ang sunglasses ko, habang nagpapabilad sa araw. Hindi pa naman ako nagbibihis, pero lumapit sa akin si Claud na may dalang sunscreen.
"Gusto mo bang magkaroon ng sunburn?" Kunot-noo nitong tanong tapos marahan na kinuha ang kamay ko at nilagyan nya ng lotion. "You should take good care of your skin."
Dahil hawak nya ngayon ang kamay ko ay nagkaroon tuloy ng comparison sa kulay nang kutis naming dalawa. Maputi ako, pero mas maputi pa sa akin si Claud. Ibang shade ng kaputian ang meron siya, tapos hindi rin maarte ang kutis nya. Kahit maghapon pa siyang magbilad sa araw ay hindi siya mangingitim, mamumula lang siya.
"Maliligo ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Mamaya, tutulong pa ako sa pagluluto."
Ayon naman pala, bakit siya nandito?
"Take off your clothes, lalagyan ko ang likod mo."
Napakurap ako sa sinabi nito, pero tumalikod ako. Siya na rin ang nag angat sa damit ko dahil nakalimutan ko 'yung sinabi niya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kilig. Nang matapos siya sa ginagawa nya ay ibinigay nya sa akin ang lotion. Bago siya umalis ay sinabi nya sa akin na lagyan ko raw ang mukha ko dahil namumula na raw sa init. Kung alam lang nya ang dahilan kung bakit namumula ako.
I did what she said and after ay lumapit na ako kina Jamila. Nakipag-tawanan, kwentuhan, at sumasabay ako sa mga trip nila. Hindi muna ako naligo, umupo lang ako sa gilid nang pool habang nakalubog ang mga paa. When lunch came ay wala ng tao sa pool. Naglabas lang sila ng mesa at doon inilatag lahat nang mga pagkain.
Sobrang busog ko nang matapos akong kumain, sinaway pa ako ni Claud dahil ako yata ang huling natapos. Well, they knew already kung gaano ako ka takaw.
Walang masyadong ganap sa umaga. After lunch kasi ay inuman na ang iba, ang iba naman ay nag videoki sa loob, at ang iba ay nasa pool. Habang ako ay nasa sala lang, kasama sa mga kumakanta. Pero kahit na hati ang lahat ay sobrang nag-e-enjoy ang lahat.
"Hoy, pa kantahin natin si August! Magaling 'to kumanta eh!"
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan mula sa taong may hawak nang mic. Kasamahan siya ni Claud sa volleyball, I think siya 'yung magaling mag spike, si Eunice.
Naghiyawan ang lahat nang binigay sa akin ang mic. Hindi ako nag select ng song, sila mismo ang naghanap ng kanta na kakantahin ko, para may thrill daw. Kinabahan pa ako nang una dahil baka hindi ko alam ang kantang pinili nila.
Pero nang marinig ko na ang beat ng kanta, kaagad akong tumayo. Hindi lang ako ang tumayo, halos kami lahat dahil sa kanta ni Ne-Yo na Miss Independent. Isa rin kasi ito sa mga favorite song ko ni Ne-Yo.
Nang magsimula na akong kumanta ay sayawan naman ang ibang nakatayo, ang iba ay sumasabay sa akin sa pag kanta. Nang nasa chorus part na ako ay tumayo na ang lahat at sabay-sabay naming kinanta ito.
She got her own thing
That's why I love her
Miss Independent
Won't you come and spent a little time?
She got her own thing
That's why I love her
Miss Independent
Ooh the way we shine, Miss Independent, yeah.
May nakita pa akong mga kasamahan namin, buhat sa labas, na pumasok at nakikanta at nakisayaw sa amin. Sumayaw na rin ako dahil nasa gitna ako, at ang awkward kung mananatili lang akong nakatayo. Someone gave me a glass of beer at walang pagdadalang-isip ko itong tinungga at muling kumanta.
Ooh there's somethin' about
Kind of woman that can do for herself
I look at her and it makes me proud
There's somethin' about her
There's somethin' oh so sexy about
Kind of woman that don't even need my help
She said she got it, she got it, no doubt
There's something about her
'Cause she work like a boss
Play like a boss
Car and a crib, she 'bout to pay 'em both off
And her bills are paid on time
She made for a boss
Only a boss
Anythin' less she tellin' them to get lost
That's the girl that's on my mind
Once more, everyone sang the chorus part at sobrang nagkakagulo na kami. Halo-halo ang ginagawa namin. May iba kasi na isa-isang may dalang bote ng beer at doon umiinom mismo. Hindi na rin ako nakaka-kanta ng maayos dahil tawanan na kaming lahat, hanggang sa matapos ang kanta.
"Woooooooo! Again! Again!" Sigawan nila. "Si August na lang ang kakanta, sasayaw lang tayo!"
Nag agree ang lahat kaya hindi na nawala sa kamay ko ang mic. They were the one who choose the songs, at lahat nang pinili nila ay pang good vibes talaga, iyong tipong mapapasayaw ka. Hanggang sa gumabi ay gano'n pa rin ang set-up. But I decided na magpapa-music na lang kami, sumasakit na kasi ang lalamunan ko. Hindi ko na rin alam kung ilang baso na nang beer ang natungga ko mula kaninang may liwanag pa.
"Yo! Yo! Yo!" Cheer nila nang ako na naman ang tutungga sa baso. Ininom ko naman ito, bottoms up! "Yeeeeesssss!!!"
Ramdam ko na ang pagkahilo ko kaya umalis na ako ro'n. Pumasok muna ako sa banyo, na nasa labas. Lumabas pa talaga ako para umihi. Hindi ko kasi alam kung saan ang banyo sa loob. Hindi pa naman ako laseng, hindi pa ako dumating sa sitwasyon na dalawa na ang nakikita ko. Nasa stage pa ako na medyo, medyo lang, nahihilo ako.
Pagkatapos kong umihi ay naghilamos ako para mahimasmasan. Nararamdaman ko na ang resulta nang ilang kantang kinanta ko kanina. Nanunuyo na ang lalamunan ko.
Nang lumabas na ako sa banyo ay inayos ko muna ang suot ko. Hinubad ko na rin kasi ang suot kong mini dress. Tanging blue na two piece na lang ang suot ko ngayon. Plano kong maligo sa pool, pantanggal sa hilo.
Habang papunta ako sa pool ay nakita ako ni Fatima, iyong captain nila Claud, kasama nya ang iba pang volleyball players. Mga lima sila lahat na nasa pool. Tinawag nila ako kaya lumapit ako sa kanila, at nang nasa tabi na nila ako ay kaagad nila akong binigyan ng shot. Hi-hindi dapat ako pero masyado silang mapilit. Muli na naman akong napayarok ng alak.
"Hooy, August thank you talaga at kami ang front cover ng book na e-re-release ng club ninyo."
Marahan akong tumango habang nakangiti. Nalaman na nila kasi nag send ako ng sample kay Claud at nakita nila.
"Deserve niyo naman," I said.
They really deserve it. Nakita ko kung gaano sila nag prepare para sa laban at gaano sila ka desididong manalo. Sobrang tuwa rin ng coach nila, na hindi nakasama sa outing nila ngayon dahil nagkasakit daw ang anak nito ay kailangan nitong bantayan.
Nanatili ako sa tabi nila, nakikisabay sa usapan at tumitingin sa paligid. Simula kanina, noong natapos akong mag lunch, ay hindi ko na nakita si Claud. Si Jamila nakikita ko lang siya sa paligid. Then I realized, hindi ko rin nakikita si Eva.
Magkasama ba sila?
Feeling ko tuloy ang sama-sama kong kaibigan. Ngayon medyo lasing ako ay hinahayaan ko ang sariling mag-isip nang kung anu-ano. Humingi nang pabor si Eva dahil gusto nyang bumalik kay Claud, gumagawa naman ako ng paraan para hindi siya makalapit. Gawain ba ito nang totoong kaibigan? Kung si Eva naman talaga ang mahal ni Claud, hindi ko na kailangang ipaglayo ang dalawa. I know Claud will do everything para makuha ang gusto nya.
Haaaiisssttt! Lasing na nga talaga ako.
Aahon na dapat ako nang biglang nagkaroon ng kaguluhan sa gilid.
"Eva!"
Narinig ko ang boses ni Claud na parang nagmamadali. Hinanap ko sila, dahil pakiramdam ko sila ang may gawa ng gulo sa gilid. Then the next thing I heard ay may biglang nahulog na baso. Lahat napasigaw sa gulat. Nang nilingon ko ang pinanggalingan nito ay nakita ko silang dalawa. Kaagad sumikip ang dibdib ko sa nasaksihan. Ito rin yung naramdaman ko nang makita ko silang nag-uusap sa labas ng hall.
Eva was lying on the tiled floor, Claud was on top of her. Nakatukod ang isang kamay ni Claud sa sahig habang ang isang kamay nito ay nasa ulo ni Eva, nakaprotekta.
- BM -
[ Thank your for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro