Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13


Chapter 13

Claudelle Tuliao

What the hell did I say? Gago ka talaga Claud!!!

Marahas kong itinapon ang unan sa ere habang paulit-ulit, na parang sirang plaka, sa utak ko ang sinabi ko kanina kay August. Nakita ko pa kung papaano kumunot ang noo nya habang nagtatanong ang mga mata. Wala naman kasi akong sinabi sa kanya na may nagugustohan na ako.

"Alangan namang sabihin ko sa kanya na siya ang matagal ko nang nagugustohan?"

Eh di friendship over na kami? Haist! But then what if, tulad kay Jamila, ay hindi naman pala siya mandidiri sa akin kapag nalaman na nya ang totoo?

What if, matagal na pala nyang napapansin? Pero malabo. Masyadong inosente si August sa bagay na 'yan.

"Mukha kang tanga!"

Gulat akong napalingon sa taong biglang nagsalita. Nakatayo ito sa may pintuan habang nakangisi na parang timang. Ibinato ko na lang sa kanya ang natitirang unan sa kama ko.

"Ano'ng pakay mo rito?" Singhal ko sa kanya. "Stop smiling!"

Tumatawa ito habang naglalakad papalapit sa akin. "Mom, asked me to check on you. Mukha ka raw kasing may problema and when I was about to get inside, I heard you talking to yourself, and I accidentally found out why you looked problematic."

"Lumabas ka na, wala akong problema. Just tell her I'm okay."

Bumalik ako sa pagkakahiga at pilit na binabalewala ang mga nasa isip ko.

"Just tell her already, sis. Ilang taon mo nang tinatago 'yan and it's not good for the health, maniwala ka sa'kin."

How could I? What I have for her is not normal. Kaya ayokong ipilit kasi alam ko naman na hindi tama. Kontento na ako sa ganito. Hindi ko naman mapilit itong nararamdaman ko para sa kanya kasi kusa siyang umusbong. Hindi ko nga namalayan na may gusto na pala ako sa kaibigan ko.

"She'll hate me." Mahinang wika ko.

"Alam mo? Ang tanga mo! Hindi ka rin tanga, bobo ka rin!"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kaagad ko siyang tinignan ng masama. Ang lutong kasi ng pagkasabi nya na tanga at bobo ako. Kung makapanlait akala nya siguro hindi rin siya isang tanga? He could decieve everyone, but not me. Walang anak ang mga magulang namin na straight.

"Sumbong kita kay kuya June!" Banta ko. Nakita ko naman kung paano umasim ang mukha nya sa sinabi ko.

"The hell I care with that guy?"

Sus! Ang OA!

"Weee? Talaga? Wala kang pake?"

"Wala. Ano bang pinaparating mo?"

Natawa na ako sa naging hitsura nya. Mas umasim pa lalo ito na parang nakalagok nang isang pack ng suka. Ang pangit nyang tignan!

"Wala naman," natatawa kong sabi. "Pero mas bobo ka pa sa'kin."

"Woi! Baka nakakalimutan mo na two time valedictorian ako!" He boasted. "Eh ikaw?" May gana pa siyang taasan ako ng kilay at nang hindi ako makasagot ay tinawanan nya lang ako.

"Matalino nga pero nahulog naman sa straight," parinig ko at humiga na. Nainis ako bigla. Pareho naman kasi kami, pero wala naman akong sinabi na matalino ako. Aminado akong bobo ako. I checked my life decisions, and confirmed na bobo nga talaga ako.

Pero hindi pa nga umiinit ang kamang hinihigaan ko ay bigla nya akong kinalabit.

"Ano'ng sabi mo?" Tanong nya akong nangangalabit. "Paki ulit hoy!"

"Tsk! Ang sabi ko mas bobo ka!" I shouted still lying on the bed.

"Hindi, 'yung kasunod nyan!"

Tinatamad akong bumangon at humarap sa kanya. Tinuro ko pa sya, sabay sabing. "May gusto ka kay kuya June na kapatid ng nagugustohan ko. Kaso hindi mo masabi kasi straight pa sa bagong rebond na buhok si kuya June. Alam mo rin na may nililigawan siyang babae at iniiwasan mo siya ngayon dahil sa bagay na iyan. Happy?"

Nanlalaki ang mata nitong nakatitig sa akin. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin, kaya ako naman ngayon ang ngising-ngisi.

"Akala mo siguro hindi ko napapansin? Well, sorry pero sobrang halata mo!"

"Putang ina! Gago ka! Bakit wala kang sinasabi sa akin? Hindi ko kayang sabihin sa'yo dahil akala ko magagalit ka, pero alam mo na pala?" Sigaw nya bigla dahilan parang mapalayo ako sa kanya. Ang lutong din ng mura nya.

Kinuha ko 'yung unan na ibinalik nya sa kama ko at ibinato sa kanya ng sunod-sunod. Umiilag naman ito pero hindi pa rin mapawi ang inis sa mukha nya. Ayoko rin naman na pangunahan siya and I was just waiting for him to open up. Hindi ko lang din alam kung bakit siya nahihirapan sa pagsabi sa akin. Noong ako ang nasa sitwasyon nya ay siya kaagad ang sinabihan ko.

"Bakit mo inilihim sa akin na may alam ka na pala?"

Tumabi na ako sa kanya ng upo. Umayos na rin ako dahil mukhang seryoso na siya. "Bro, we're on the same boat kaya napansin ko kaagad. Ayoko lang pangunahan ka."

Akala ko okay na siya kaso bigla nya akong siniko sa tagiliran. Sobrang sakit nang ginawa nya at hindi ako makaganti dahil lumayo siya sa akin kaagad. "Gago!" Tanging sigaw ko.

"Pero seryoso, sis mas tanga ka pa sa akin at kung bobo man ako, for sure mas bobo ka pa sa'kin. Maniwala ka."

Hindi ako makapagsalita kasi sumasakit ang tagiliran ko. I tried pero parang connected silang dalawa eh.

"Sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakakilala kay August. Sa tingin mo magagalit siya sa'yo 'pag umamin ka? Will she hate you? Mandidiri ba siya sa'yo? Actually, masasagot mo ang mga iyan dahil kilalang-kilala mo na siya. Saulo mo na lahat ng ugali mayroon siya. So, what do you think? Nakatulong ba ako?"

Natigilan ako sa narinig. He's right. I know her too well and August is not a shallow minded. Bakit ngayon ko lang ito naisip? She always tried to understand everything before she'll react. Hindi siya yung tipong basta-basta na lang mag re-react sa bagay na hindi naman siya sigurado.

Like what I did to her. That was a kiss but she chose to let it go ang go on with our lives. She chose to understand me and my reasons for doing that. Although it was unclear, but she respected my decision.

Unti-unting namuo ang isang ngiti sa mga labi ko kahit na namimilipit pa ako sa sakit gawa sa pagsiko sa akin ni kuya.

"Tanga ka 'diba? Bobo rin? Ngayon mo lang naisip 'yan."

Natawa na lang ako sa tinuran nya.

"She will never hate me if I tell her my feelings. Kung hindi man nya matatanggap ang pagmamahal ko I know that she will stay beside me as a friend. Hindi ugali ni August ang kalimutan lahat ng mayroon sa amin."

My mind now is at peace because it's clear to me that August will stay with me no matter what. Kailangan ko lang siyang unawain at tanggapin kung ano ang magiging sagot at desisyon nya. Although it's not easy to absorb, but I know for sure she'll never leave me alone.

"Stop smiling! Mukha ka nang baliw!"

Tumihaya ako at habang iniisip ang sinabi ni kuya ay hindi ko maiwasang hindi tumawa. Ang bobo ko nga talaga at hindi ko naisip iyon. Naniniwala na ako sa sinabi sa akin ni August na pessimist ako.

"Haaaay!" I finally stop laughing. "Thanks bro!"

"Wala akong kapatid na baliw. Diyan ka na nga!"

Naglakad na ito papalabas sa silid ko. Ang po-problehin ko na lang ay kung paano ko sasabihin kay August ang totoo. I was thinking deeply when my phone interrupted me. Nang tignan ko ang tumatawag ay nanlumo ako, akala ko kasi si August.

"Ouh?" Bungad ko sa kabila.

"Luh, galit ka? Anyway, may sasabihin ako sa'yo."

"Bilisan mo, Jamila may iniisip akong importante."

"Mas importante pa kay August?"

Bumalikwas ako ng bangon sa narinig. "What happened to her?"

Umuwi kasi ako kanina mga alas dose. Inaya nya akong mag lunch pero humindi ako kasi kailangan kong magpalit ng damit dahil basa ako ng pawis kanina. Hinatid ko lang siya sa canteen tapos umuwi na ako.

"Yeeeiii, kapag si August talaga ang topic ang attentive mo!"

"Tsk! Ano kasi'ng nangyari?"

"I was just talking to her a minute ago when someone, from the freshmen, took her away from me. She was put inside the blind date booth. I asked who's the guy, and guess who?"

Hinintay ko siyang magsalita muli pero ang gaga kailangan ko pang mag tanong para sabihin nya kung sino.

"Who?" Wala sa mood kong tanong. Rinig na rinig ko naman ang tawa nya sa kabilang linya.

"Her crush, si Tristan."

Napakuyom ako sa narinig. I'm sure kinikilig na ngayon si August dahil sa kanya. I know Tristan doesn't feel the same way, pero kahit na. Hindi ko gusto ang ideya na siya ang ka blind date ni August. Dali-dali akong nag bihis at lumabas sa kwarto.

Pag ito pakana ni Jamilla, silang dalawa ni Tristan ang malalagot sa'kin.


°°°°°•°°°°°

August Gavine

Kinakabahan ako habang hinihintay kung sino ang uupo sa tabi ko. Nasa loob ako ngayon sa isang dating booth, I don't know the name, basta lahat ng nasa loob ay may kasama. All of them are holding their hands, smiling frome ear to ear, and talking sweetly to each other.

Sino ba'ng nagpasok sa'kin dito? Nakakahilo!

"Hi!"

Tumingala ako kung sino nga talaga ang partner ko sa loob nang booth na ito, at putek, mukha ni Tristan ang sumalubong sa akin.

"Tristan?" Gulat na gulat na bungad ko sa kanya.

"Ah yeah. Hindi ko rin alam kung sino ang nagsulat sa pangalan ko. I was just walking together with my friends when someone grabbed me and put me here."

Hindi ako nakasagot, nakatingin lang ako sa gwapo nyang mukha. Iyong pakiramdam ko noon, hindi ko na nararamdaman ngayon. Iyong kilig na kumikiliti sa bawat pagkatao ko at wala na. Hindi rin ako kinakabahan. That's when I realized the reason why I'm feeling this. Hindi na siya ang nagugustohan ko. Napangiti na lang ako at kusang humawak sa kamay nya. Nakita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko.

"Sabi sa akin no'ng leader nila na ten minutes tayo mananalagi rito habang magkahawak-kamay," panimula ko. "Kaya I'll just grab this opportunity para sabihin sa'yo na..."

"S-sorry, August ha? I know na crush mo'ko pero pasensya na kasi hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo," putol nito sa iba pang sasabihin ko.

Imbis na magulat, mainis, at masaktan ay tumawa lang ako. Hindi rin ako nasaktan sa sinabi nya. Hindi ako nakaramdam ng awkwardness sa sitwasyon naming ito.

"Patapusin mo muna ako ha?" I said habang ang sumenyas

"H-hindi ka galit? Are you in pain right now?" Kinakabahan nitong tanong, malamig din kamay nito.

"Hindi. Patapusin mo muna kasi ako." I said while gesturing my hand to stop him for saying anything.

"O-okay sige." Kibit-balikat nitong sabi.

"So, yeah iyan ang sasabihin ko sa'yo ngayon. Ayoko kasing naglilihim kaya kailangan ko itong sabihin. I had a huge crush on you, pero recently na realize ko na hindi naman pala ako hulog na hulog sa'yo. I just found out that I'm in love with someone else. In denial pa ako at first, but now pakiramdam ko hindi ako buo kapag wala siya. It was different noong ikaw ang crush ko. This time kasi gusto ko akin lang siya. Ngayon ko nga lang din na realize that nagkamali lang ako ng pag identify sa nararamdaman ko. I thought it was normal, pero nagseselos na pala ako," natatawa kong pag kwento. Ngumingiti naman si Terrence. Walang awkwardness sa aming dalawa at nagpapasalamat naman ako ro'n. He's a good guy, ayokong magka ilangan kaming dalawa.

"Kilala ko ba ito? Hindi kita nakikitang may kasamang lalaki."

Hindi naman kasi lalaki ang nagugustohan ko ngayon.

"She's a friend of mine." Pag-amin ko na talagang kinakagulat nya. Napasapo pa siya sa bibig nya.

I don't have reasons to hide it from him. Hindi naman siya judgemental eh.

"Gagi, totoo?"

"Oo"

"Alam na ba nya?"

Marahan akong uniling. Iyan ang problema ko ngayon. Ayokong nadudungisan ang pangalan ni Claud. Kung malaman ng lahat na may nagkakagusto sa kanyang babae, for sure gagamitin nila itong instrumento para siraan siya. She's also aiming for the valedictorian, baka hindi nya makuha iyon dahil sa akin.

Hindi pa masyadong bukas ang utak ng karamihan tungkol sa bagay na ito. Alam ko na may hindi sasang-ayon at sisiraan kaming dalawa. Ayokong magpadalos-dalos ngayon.

"It's better na hindi nya malaman. Alam mo naman ang school natin, masyadong sensitive sa bagay na'to."

"Tama ka. Iyan din ang sinabi sa akin ni Jamila, kaya nga hindi siya masyadong nagla-ladlad sa loob ng campus dahil sa mga teachers."

Friends pala sila? Masyado yatang mapagkaibigan ang babaeng iyon. Hindi na ako nagtanong dahil nagsalita na si Tristan.

"Pero mas maganda na alam ni Claud, kasi mas matutuwa pa 'yun..I mean hindi siya matutuwa na.. na naglilihim ka sa kanya."

Yeah I know. Kanina nga sobrang seryoso nya na nagtanong sa akin. Ayokong magalit si Claud. Pero paano kung magagalit din siya kapag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko?

"Paano kung magalit siya?"

Biglang tumawa si Tristan. "Magagalit? Si Claud? Sus! Hindi 'yun magagalit. Sabihin mo lang 'yang nararamdaman mo."

Bakit parang sure na sure siya sa magiging kahihinatnan 'pag umamin ako? Akala nya siguro kilala na nya si Claud. Sus!

"I'll try. Tapos na ang ten minutes. Labas na tayo."

Tumayo na kaming dalawa. Siya ang nauna habang nasa likod lang nya ako. Nang papalabas na ako, mga ilang pulgada na ako sa pinto, ay biglang may kamay na humila sa akin mula sa labas. Akala ko pa noong una si Terrence, pero nakita ko siya sa gilid ko na tila umiwas sa may-ari ng kamay.

"Tch!"

Nang tinignan ko ang tao sa harapan, nakita ko si Jamila at Claud at ang may-ari ng kamay na hawak ako at humila sa akin ay si Claud. Dali-dali kong iniwaksi ang kamay ko nang bigla-bigla akong kinabahan nang magtama ang mga paningin namin. Tila natunaw ako sa uri ng pagtingin nya sa akin.

"Excuse me ha?" Sarkastikong sabi ni Tristan kay Claud. "Atat ka?"

"Kamay!" Inilahad ko kaagad ang kamay ko nang sinabi iyon ni Claud. Nangunot pa ang noo nito nang makitang nanginginig ako. Tapos mabilis niyang tinignan si Tristan.

"Ano na naman?"

"Ano'ng ginawa mo sa loob?" May diin na tanong nito.

"Wala! Gagi, nag-usap lang kami."

"Did you hold her hands?"

"Malamang, required 'yun!"

Bakit natatakot si Tristan kay Claud? Oo, natatakot. Takot ang nakikita ko sa mukha nya ngayon at pilit nya rin nilalayo ang sarili kay Claud. Pero nakaharang si Jamila kaya hindi nya magawang makalayo masyado. Nakita ko naman na may kinuha si Jamila sa bag nya, isang alcohol, tapos binigay nya kay Claud. Kaagad naman 'yun kinuha nang huli at nilagyan ang kamay ko. Umaapaw na nga ang alcohol sa kamay ko dahil sa rami nang inilagay nito.

"Woi, 'wag mo namang ubusin!" Singhal sa kanya ni Jamila.

Pagkatapos ay pabalang nya itong ibinalik sa may-ari. "Huwag mong hawakan ang kamay nang lalaking iyan," sabay turo kay Tristan na umirap. "Masyadong 'yang marumi!"

"Aba!"

"Hoy! Tumabi nga kayo sa daan nakaharang kayo!" Biglang sita no'ng leader nang booth.

Hinila ko na si Claud, kasi siya may kasalanan eh. Si Jamila naman ay nag bow muna sa leader habang nag so-sorry bago sumunod sa amin. Si Tristan naman ay nasa likod lang din nakasunod, pero malayo siya masyado sa aming tatlo.

"Ang bad mo sa kanya, Claud." Sabi ko habang nakanguso.

"Stop pouting. Crush mo lang siya kaya naaawa ka sa kanya."

"Hindi ko siya crush. Iba na ang crush ko."

Biglang tumabi sa akin Jamila. "Eeeeiii talaga? Siya ba 'yung topic natin kanina?" Hirit nito. "Nakakakilig naman."

Naramdaman ko ang mata ni Claud na sa akin nakapukol pero hindi ko ito pinansin. "Crush lang naman."

"Sus, kahit na no?"

I'm sorry Claud. Hindi ako aamin sa'yo dahil masisira lang ang pangalan mo rito sa campus. Ayokong ako ang magiging dahilan ng pagbagsak mo. Kung aamin man ako, siguro after graduation na. Dahil wala nang problema. Walang sagabal.

- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro