Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Chapter Six

Crime Scene



Kung hindi dahil kay Matthaios ay hindi ako matitigil sa pag-iisip ng nakaraan. I'm glad he wanted to talk and catch up again. Ayaw ko raw kasi siyang makita kaya kinulit niya lang ako. He said he miss me kaya imbes na malunod na naman sa kadiliman ng nakaraan ay hindi ko na ibinaba ang tawag na umabot ng dalawang oras.

My heart felt lighter after the call. Kahit paano ay kumalma rin ang utak ko sa daloy ng naging kumustahan namin ni Matt.

I lay on my bed and let myself rest. Napakabango ng suite na kinaroroonan ko. The comforter, pillows, duvet, bed, everything were all brand new. Amoy na amoy iyon at damang-dama ko rin. I was so comfortable that seconds later I immediately fell asleep.

Sa aking paggising ay nag-aagaw na ang liwanag at dilim. I didn't feel hungry. I was about to make some coffee instead when a piece of paper under my door caught my eye. Pinulot ko 'yon at nakitang galing ito sa management tungkol sa gaganaping party mamayang alas siete at magtatagal daw ng alas dose ng gabi. Bukod sa paumanhin ay imbitasyon din iyon sa lahat ng guest ng hotel.

I was a bit hesitant about attending the party especially with the thought of Toine attending too, but I remember that I am here for a reason. Iyon ang alamin ang lahat ng mga ganap sa Sunset Royale. Besides, I don't need to really join the party. Kung makita ko man ang lalaki ay ako na mismo ang lalayo at gagawa ng paraan para hindi magtagpo ang mga landas namin.

I prepared my red one piece swimsuit. Since it was a foam party, mayroong dress code na kailangang sundin para makadalo.

Muntik ko nang pagalitan ang sarili nang matapos uminom ng kape ay sinukat ko 'yon. It was just a plain red swimsuit but my curves and assets were being highlighted. Hindi naman ako nagrereklamo sa ganda ng hubog ng katawan ko kahit pa wala na ako sa kalendaryo pero hindi rin kasi imposibleng makakuha ako ng maraming atensiyon mamaya at iyon ang ayaw ko.

I began contemplating again about my decision but I had no choice. Bukod din kasi sa one piece ay mas malala ang tatlo pang mga two piece na natirang hindi ko pa nagamit. It was all neon. I bought it abroad years ago and I forgot I had it. Ngayon ko pa lang talaga sila magagamit buti na lang at kasya pa.

Marahan akong tumalikod upang sipatin ang sarili sa whole body mirror na nasa aking harapan. I was blessed with a natural bbl like booty. I remember kahit na hindi pa ito ganito kalaki noong college pa lang ako dahil mas payat ako noon at hindi active ay gustong-gusto na ito ni Toine.

Fuck. That man again.

Ipinilig ko ang ulo. Hindi na ako nagbihis. I just put some good music on and prepare for the party, bahala na kung ano ang mangyayari.

An hour later, I could already hear the blasting music from somewhere. Kahit wala pa sa plano kong pumunta ay bumaba na ako dahil kumukulo na rin ang tiyan ko sa gutom.

May mga tao na nang makarating ako sa party pool area pero hindi pa talaga nag-uumpisa ang kasiyahan.

"Good evening, madam." magalang na bati ng bouncer sa akin na binati ko rin pabalik.

I feel his eyes followed me until I reach the bar area. Naupo ako at kaagad um-order ng pica-pica. Dahil nabitin sa sex on the beach kanina ay iyon din ang in-order kong drink.

Wala pang sampung minuto ay dumagsa na ang tao. The party pool was twice bigger the infinity pool and the vibes was deadass giving. Kahit na lipas na ang era ng pagiging party girl ko ay nae-engganyo akong makihalubilo at magsaya. It has been a while since I've been into a real-wild party. Hindi ko na rin matandaan kung gaano na katagal ang huli.

Maybe a decade ago too? damn, that made me feel old.

"Hi! Can I buy you a drink?" pukaw ng lalaking hindi ko namalayan na nasa tabi ko na.

Napatingala ako sa kanya at kahit na ayaw ko ay tumango ako. Naisip kong kaysa mag-isip na naman sa nakaraan ay mabuti pang maglibang.

"I'm Winward, you are?"

"Just call me Lacey."

Lumawak ang ngiti niya at nag-relax ng upo sa tabi ko. He bought me drinks and he was actually fun to talk to. Sa sampung minutong pag-uusap namin ay napakarami kong nalaman sa kanya.

"Really? You're a vlogger?"

"Shocking, right? But I mean who doesn't vlog these days? Parang lahat naman na ng tao gumagawa ng content tungkol sa buhay nila. Even moms and other older people were taking weird ass videos of their life and putting it on line with the hope that they can earn from it someday."

"Right."

"How about you? You don't do stuff like that?"

"Not into social media." I answered. He looked at me in disbelief.

"Or you just don't want to give me your instagram?"

I laughed sarcastically at that, muntik ko nang maibuga ang alak sa bibig ko. Nangunot ang noo ni Winward.

"I'm sorry. How old are you again?"

"How old are you?" Balik niyang tanong, tinatantiya ang edad para i-adjust sa akin kung sakali.

"How old do you think I am?"

"Twenty-five? Six?"

Naiiling akong muling natawa. "I'm way older than that."

"How old?"

"I'm thirty-three now and yes, I don't have a personal have instagram and other social media accounts. It's not just me."

He smirked. "Valid. Give me your phone number then. Imposibleng pati 'yon wala ka?"

"You're a smart kid."

"Age doesn't matter, Lacey." He said, now trying so hard for a shot on me.

"I'll think about it."

"Am I not your type?"

"You want me to be honest?"

He cocks his head and shot his drink in front of him.

"Hit me."

"You're not that bad yourself. You are handsome and fun to talk to, but I don't think I will like you like that. Let's just say that I'm not interested with men or anyone in particular."

"Self love, huh?"

Tumango-tango ako pagkatapos ay inangat a ng aking alak palapit sa kanya.

"To self love." We toast and talked more.

My senses were becoming alert as the party went on. Nang magsidatingan ang mga kaibigan ni Winward ay nagkaro'n ako ng tyansang magmasid ulit sa paligid.

I was shocked to see not only teens and young adults, but also old people enjoying the party. Hindi ko namalayang ganito na pala karami ang tao at nagsisiliparan na rin ang foam kasabay ng malakas at mas malikot na musika mula sa dj's booth.

This is something Coastal Rock lack. Party and fun. I kind of get why this place became popular in an instant. Naiintindihan ko na dahil talagang lahat ng aspeto ay perpekto at pinaghandaan ng mabuti. The creativity was just endless.

Sa pag-ubos ko ng panibagong drink ay mas nag-relax na ako nang walang mapansing pamilyar na mukha sa paligid.

Baka umuwi na rin ito sa pinanggalingan or maybe just like me, partying wasn't now his thing too. Ganito talaga madalas kapag tumatanda na. Maaga nang nagreretiro sa alak. Some of my age prefer getting a good night sleep than get themselves wasted.

Drinking to the point of embarrassing yourself didn't sit right when you're old. Hindi ko naman nilalahat pero ang pananaw ko, being wild and partying wild is not a sign of maturity especially because it involves a lot of risk on our health. Again, these thinking just comes with my age and what I observe getting old.

Sa muling pag-uusap namin ni Winward ay marami na kami. They were all in the same age group but I was never left out. They never treated me like I'm older than them. Parang hindi pa nga sila naniniwala sa edad ko. Hindi naman na rin bago sa akin iyon. I get that a lot. Most of the time actually kaya karamihan sa suitors ko ay talagang mas bata.

I was having so much fun talking to everyone especially when strangers started mingling with us. May parang magnet sa grupo namin na nakaka-attract pa ng iba. Moments later, almost everyone at the party were at the bar area. Nagsialisan lang ang lahat nang tawagin ng dj at sabihing bumalik sa harapan niya para sa mas malupitang kasiyahan.

"Come on, Lacey! Let's dance!" Si Winward habang hawak ang kamay ko.

"No, I don't dance! Kayo na lang."

"Come on! Huwag mong sabihing matanda ka na at huwag na huwag kang magsisinungaling na may arthritis ka or gout para hindi ka makasayaw! Let's have fun! Loosen up a bit!"

Hindi na ako nakapag-reklamo. Everyone cheered when they saw me at the party area. Para akong nahilo sa mga foam at bubbles na nagliliparan at sumasabay sa EDM music.

Two minutes later, I finally gave in. Naiiling na lang ako sa sarili ko pero dahil sa udyok ng kabataan ay nakisayaw na rin ako sa kanila, for once, pinipili ang sarili at iniiwan saglit ang lahat ng problema.

Dancing didn't stop us from having alcohol. Kaliwa't kanan ang abot sa akin ng alak at kabi-kabila din ang mga pag-uusap hanggang sa mga ibang grupo na ang nakapalibot sa akin.

I tried going back and search for Winward's friends but there's too much people and the crowd was tight. Halos lahat din ay hindi na magkarinigan at tanging magagawa na lang ay makipaglandian gamit ang mga katawan.

Para akong nahimasmasan nang bago pa ako makaalis ay naramdaman ko ang pagsapo at lamas ng kung sino sa aking pang-upo. Sa aking pagharap ay saktong dumilim ang paligid kaya hindi ko kaagad naaninag ang mukha niya. Everyone was moving so fast. Natamaan na rin ako ng alak.

The next I knew, I was being pulled away from the crowd by an unknown man. Nang mahimasmasan at makahinga ng maluwag ay nakabawi ako't sinubukang bawiin ang kamay sa lalaki.

"Let me go! Kanina ko pa sinabing bitiwan mo ako!"

He did not listen to me. Masyado pa rin kasing malakas ang tugtog mula sa dj's booth kahit nakalayo na kami sa nakararami. Wala na rin masyadong lakas ang katawan ko dahil nga sa alak kaya nahila niya pa ako hanggang sa tuluyan na kaming maka-exit.

I don't know how he manage to take me out of there but he did without a sweat! Kahit pa may mga nakakasalubong kami ay napapatitig lang ang mga ito sa amin sa tuwing pumipiglas ako.

"Ano ba! Bitiwan mo ako sabi!" Malakas kong sigaw pagkatapos ay gamit na ang buo at natitirang pwersa upang makawala sa kanya.

"Oh stop! Huwag ka nang mag-inarte. You keep grinding on me at the dance floor, ngayon ayaw mo na? Don't be a hypocrite."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Wala sa sariling lumipad ang palad ko sa kanyang mukha dahilan para mas mag-alab ang galit at pagkaubos ng kanyang pasensiya.

He grabbed me again. He was too strong and big for me kaya wala akong nagawa kung hindi ang hayaan siyang kaladkarin ako patungo sa kung saan!

"Let me go! I don't know you at mas lalong ayaw kong sumama sa 'yo!" histerikal ko nang sigaw dahil sa pagkalat ng takot sa aking puso nang makitang wala na kaming nakakasalubong at medyo dumidilim na rin ang paligid!

"We're almost there." tanging sagot niya lang.

"Ano ba! Ayaw ko! Please let me go! Let me go!" I shouted so loud it hurts my throat.

"Let her go." warned by a calm baritone voice that came from nowhere.

Natigil ang lalaki. Nasa may parte na kami papunta sa beach at saktong madilim doon kaya parehas kaming nahinto upang hanapin ang nagsalita.

"I said let her the fuck go." Shivers instantly went up my spine after hearing that voice closely.

Parang mas lalong nanakit ang lalamunan at palapulsuhan ko nang maramdaman ang presensiya nito sa aking likuran.

Even without facing the man who's talking, I knew it was him. Damang-dama ko siya sa aking kabuuan kaya imbes tuloy na hilahin ang kamay palayo sa lalaking kumakaladkad sa akin ay naestatwa na lang ako.

"Do you need me to repeat what I just said or you'll let her go so this place remain a paradise and not a fucking crime scene?"

Marahas na akong napapikit. Yep, it was indeed Toine Andres. And yes, this man is fucked, and so am I.

~~~~~~~~~~~~

Advance updates and full version of this story will only be available on Patreon and VIP group. Subscribe to www.patreon.com/cengcrdva or message me for full details.
💚GCash payment is accepted💚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro