Prologue
"Ma, Do you believe in ghosts?"
Napatigil kami ni Aceline sa pagkain nang marinig naming magtanong si Alessia. Binaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at tinignan siya.
"Bat mo naman natanong yan?" tanong ko habang pinupunasan ang bibig ko.
"Wala lang po. I'm just a bit curious." sagot ni Alessia
"Huy ate.... takot ako sa multo." sabi ni Aceline na mukhang natatakot na.
"Well... to answer your question... yes, I believe in ghosts." I answered.
Unti-unti nilang inangat ang mga ulo nila. Tinignan nila ako na para bang di makapaniwala sa narinig.
"Really?" sabay nilang tanong.
I nodded. "Yes, infact may alam nga akong ghost story dito sa mansion." I said.
Tuluyan ng nalaglag ang kutsara at tinidor sa mga kamay ng dalawa.
"S-story? g-ghost story??? Dito?!" tanong nila habang nakanganga.
Tumango ako at ngumiti. "Don't worry, its not scary. Hayaan niyong ikuwento ko sa inyo ang istorya ng isang normal na babae at isang multo. The Ghost Of Esleheid Mansion."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro