Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4: The Letter

A FEW DAYS LATER

"Alam niyo..." Lahat kami ay napatingin nang magsalita si Asterope habang kumakain kami ng hapunan. "Halata na may tinatago kayo sa akin." Napatigil kami at nagkatinginan. "Alam kong tungkol yun kay Veronica. Ano yun?" seryoso niyang tanong.

Walang sumagot sa amin. He angrily slammed the table. "Ano ba?! Wala ba kayong balak magsalita? Hindi niyo ba talaga sasabihin sa akin kung nasan siya? Akala niyo ba hindi ko mapapansin? Do you think I'm stupid? Ilang araw na siyang nawawala!"

Bumuntong hininga si Ate Mina. "Asterope, wag kang magagalit, ok?" tanong niya at hindi sumagot si Asterope. "Wala na si Maam Veronica... patay na siya" malungkot na pagbabalita ni Ate Mina kaya lahat kami ay napayuko.

"A-ano? B-bakit siya namatay?"

"...Nagkasakit si Auntie" nahihirapan kong sabi. I held the tears that were about to come out.

"Ano?! Kailan pa?!"

"Nalaman lang namin isang linggo bago siya pumunta sa Maynila" nakayukong sabi ni Ate Lyn.

"Bakit hindi niyo sinabi?! Ako lang ba ang hindi nakaalam?!" galit na sigaw niya. Napatahimik kami.

"Ayaw ipasabi ni Maam..." si Ate Mae ang sumagot.

"Hindi namin sinabi sayo agad dahil baka mahirapan kang tanggapin lalo na at kakalabas mo lang" sabi naman si Ate Adele.

"Talagang mahihirapan akong tanggapin! Kaibigan ko yun, eh!" galit na sabi niya bago tumayo at naglakad paakyat.

Tatayo na sana ako para sundan siya pero pinigilan ako ni Ate Adele. She shook her head. "Pabayaan mo na muna siya"

Tumango ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

-------

12 AM

"Argh!" inis na sigaw ko dahil 12 o' clock na pero hindi pa rin ako makatulog. "Ano ba yan!!" bumangon nalang ako at bumaba para kumuha ng tubig.

Habang bumababa ako ng hagdan bigla kong naisip na tignan kung okay lang ba si Asterope. Kakatok na sana ako sa pinto niya nang may maalala ako. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at kinuha ang light pink na envelope mula sa drawer ko.

Bumalik ako sa kwarto niya at kumatok. Nang walang sumagot ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Bumungad sa akin ang magulong kwarto. Madilim at nakasara ang kurtina. Nakakalat ang mga unan, libro, at ilan pang gamit na parang binato. Mayroon ding mga basag na vase at halatang nagwala siya.

Tinitignan ko lang ang kwarto niya pero ramdam na ramdam ko ang sakit at lungkot na nararamdaman niya. Pero medyo nainis din ako. Magwawala na nga lang to magkakalat pa. Papalinis ko talaga tong mga kalat na to sa kaniya bukas, kala niya!

Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko siyang nakaupo sa gilid. Nakatulala lang siya at walang emosyon ang mga mata niya. Umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang kami at walang nagsasalita. After a while, I decided to speak. "Alam mo, hindi lang ikaw ang nasaktan sa pagkawala ni Auntie..."

"Bakit hindi niyo sinabi?"

"Kasi yun ang gusto ni Auntie. Kakalabas mo lang tapos bungad namin sayo na wala na si Auntie, won't that be cruel?"

"Kahit na... I have the right to know. Kung hindi ko kayo tinanong ngayon, sasabihin niyo ba?"

Tumahimik lang ako. "Sorry" yun lang ang sinabi ko.

Parehas kaming tumahimik. After a while, I spoke again. "Here" sabi ko at inabot ko sa kanya ang envelope.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano to? Love letter? Crush mo ko?"

I rolled my eyes. "Asa ka. Pinapabigay yan ni Auntie bago siya mamatay. Sorry kung di ko nabigay agad. Di ko naman inasahan na sa multo pala niya to pinapabigay. Malay ko ba namang may ghost friend si Auntie."

Tumango nalang siya at kinuha ang envelope. Tinignan niya ito. "Buwisit ka, Veronica. Magbibigay ka na nga lang ng envelope, pink pa" bulong niya at binuksan ang envelope. Nilabas niya ang papel at napakunot ang noo niya nang makitang girly at cute din ito.

Anong trip ni Auntie? Di naman siya mahilig sa girly at cute na bagay eh.

Binasa niya ito at naging emotional na naman siya. May tumulong luha mula sa mata niya pero agad niya itong pinunasan. May tutulo na naman sanang luha mula sa mata niya pero agad itong umurong at kumunot ang noo niya. "Walangya ka, Veronica! Mamamaalam ka na nga lang, mumurahin mo pa ako!" inis niyang sabi.

"Ha? Anong sabi?" nagtatakang tanong ko pero nilayo niya ang letter.

"Wag kang chismosa" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Maswerte ka nga at naalala kong ibigay yan sayo, eh! Ginawa niyo kong messenger." inis na sabi ko. "Dapat talaga binasa ko muna yan bago ko binigay dito sa multong to" bulong ko sa sarili ko.

Pinitik niya ang noo ko.

"Ano ba?!" reklamo ko.

"Narinig ko yun. Marites!"

Bilis naman magpalit ng mood nito. Parang kanina lang umiiyak pa siya eh tas ngayon pinipitik na ako sa noo. Ang weird talaga ng multong to

Tumayo na ako. "Bahala ka na nga diyan. Bye, babalik na ako sa kwarto ko at matutulog na. Bukas, ligpitin mo LAHAT ng kalat mo" sabi ko sabay turo sa magulo niyang kwarto.

"Ano?! Lahat to?!"

"Oo, sino bang nagkalat niyan? Ikaw, diba? Edi ikaw rin magligpit" I said then left the room. Umakyat na ako pabalik sa kwarto ko at sa wakas ay nakatulog na ako.

------

Dear Asterope,

When you read this letter I must be dead by now. First of all, I intentionally used pink and cute paper and envelope because I know you hate it very much. Sorry dahil hindi kita napakawalan agad, nakalimutan ko kasi hehehe. Ayaw mo yun? Nag-adventure ka ng ilang buwan sa ibang mundo. Sorry din dahil hindi nila sinabi agad sayo na patay na ako. Ako ang nagsabi sa kanila na wag sabihin sayo so don't get mad at them.

Also, nandiyan na rin siguro ang pamangkin kong si Alvianna so alagaan mo siya, ok? Wag mo siyang papabayaan. Subukan mo lang siyang awayin, babangon ako at ikukulong ka sa notebook, gusto mo yun? Joke lang hahaha

I hope you'll be happy someday. Sana mahanap mo na ang babaeng hinihintay mo. Alagaan mo rin ang sarili mo at wag mong bigyan ng masyadong stress sila Mina. Bawasan mo ang pangiinis kila Lyn. Wag na wag mo rin babasagin ang mga vases ko! Pati rin yung mga paintings ko, wag mong pakealaman! Subukan mo lang talaga!

Goodbye, Aster. Maraming salamat dahil naging mabuti kang kaibigan. Maraming salamat dahil lagi kang nandiyan para sa akin. Thank you for not leaving me when I lost everything. Thank you for everything you did for me. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam.

NOTE: Fv*k you for breaking my vases and plates! Hinding hindi ko makakalimutan yan! Dadalhin ko talaga yan hanggang mamatay ako! Anyway, bye na talaga

Namamaalam, your gorgeous friend Veronica

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro