3: The Ghost
"Mabuti naman at naisipan mo akong pakawalan, Veronica!" Naiinis na sabi ng lalaki at napalitan ng confusion ang inis niya. "Sino ka?" naguguluhan niyang tanong.
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya. Auntie naman! Bat di niyo sinabing may gwapong lalaki dito? Edi sana noon pa ako lumipat dito! Pero napatigil ako nang marealize ko.
SINO SIYA AT PAANO SIYA NAKAPASOK DITO?!
MOMMY TULUNGAN MO KOOOOOOOO!!!
AUNTIEEEEEEE!!!
Ay wait, wag na pala. Baka bigla kayong bumangon eh. Wag po kayong bumangon please lang. Diyan lang kayo at magpahinga. Pagod na po kayo, diba? hehehe
I rubbed my eyes. Hindi, baka namalik mata lang ako. Hindi pwedeng may multo dito kasi babalik talaga ako sa Manila pag meron! When I opened my eyes I expected that he would already be gone... Pero potek bakit nandito pa rin tong gwapong kung ano mang nilalang na to?!
"Umm... excuse me? Who are you?" tanong niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hala ang gwapo niya... WAIT! HINDI KA DAPAT MA-GWAPOHAN, SELF! AKALA KO BA TAKOT KA?!
At doon ko na naisipang sumigaw. Sumigaw ako ng napalakas at bumalik ang takot ko. Nanginig ako at takot na takot siyabg tinignan. Unti unti akong umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. Naguguluhan niya akong tinignan
Multo ba siya?! Pero bakit hindi siya transparent? At ano yung ilaw at usok kanina? Auntie naman ehhhhhh! Bakit mo binigay sa akin tong mansyon eh may multo dito! Alam mo namang takot ako sa multo eh!
"Anong nangyari?! Bat ka sumisigaw?!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ate Mina. Nasa may pintuan siya at hingal na hingal na parang tumakbo siya papunta rito. Nasa likod naman niya sila Adele na curious sa kung anong nangyayari.
Napatingin siya sa akin tapos sa lalaking nasa harap ko. Parang nagets na niya kung bat ako sumigaw at nawala ang pagpapanic niya. "Oh, nakalabas ka na pala?" tanong niya sa lalaking nasa harap ko.
"Sayang dapat diyan ka nalang eh" sabi naman ni Lyn na halatang nangaasar.
"Oo nga para wala nang mangiinis sa akin araw araw" pag sang-ayon ni Mae.
"Paano ka ba nakalabas?" tanong ni Adele
Naguguluhan ko silang tinignan. YUN LANG?! HINDI NILA TATANONGIN KUNG PAANO SIYA NAKAPUNTA RITO?! HINDI SILA TAKOT?!
"Teka, teka, teka! Anong nangyayari? Sino to? Ano siya? Paano siya napadpad diyan sa notebook na yan? Bakit siya nandito? At bakit parang kilalang kilala niyo siya?" Sunod sunod kong tanong sa kanila habang naguguluhan pa rin sa nangyayari.
"Ahhh, siya si Asterope. Ang pinaka-nakakainis na multo." sagot ni Adele.
"Basically nakikitira yan dito at laging nagnanakaw ng pagkain pag nagluluto kami." sabi ni Lyn na para bang gusto na niyang palayasin dito yung... multo na yun.
"Bat niyo ko sinisiraan?!" reklamo ng multong si Asterope.
"Totoo naman ah!" pakikipag away ni Mae.
Naguguluhan ko lang silang pinanood. Anong nangyari??? Bat sila nagaaway??? Bat ako nandito???
"Tama na yan! Ipaliwanag niyo naman ng maayos kay Alvianna! Kanina pa naguguluhan!" sabi ni Ate Mina habang nakaturo sa akin. "At ikaw! Magpakilala ka nga muna!" sabi niya habang nakaturo naman kay multo.
He shrugged and walked towards me. Tumigil siya sa harapan ko at ngumiti. Nilahad niya ang palad niya sa harap ko
Hala ang gwapo...
"I'm Asterope, I'm called... The ghost of Esleheid mansion"
--------
THREE DAYS LATER
"Nasan si Veronica? Tatlong araw na siyang nawawala. Kailangan ko siyang makausap dahil kinulong niya pala ako ng maraming buwan!" naiinis na sigaw ni multo habang bumababa ng hagdan.
"Ang ingay mo! Umagang umaga sumisigaw ka! Manahimik ka nga!" inis na sigaw ko buwisit multong to. Hindi ko talaga alam kung bakit ako na nagwapuhan dito sa multong to! Naiintindihan ko na kung bakit siya kinulong ni Auntie, sobra kasing nakakainis! Tatlong araw ko palang siya kilala pero gusto ko nang sipain palabas!
"Masanay ka na diyan" natatawang sabi ni Ate Lyn habang hinahanda ang lamesa.
Oo, ate na ang tawag ko sa kanila. Mas matanda pala sila sa akin. Akala ko kasi ka-edaran ko lang sila. Si Ate Mina, 15 years ang agwat namin. Si Ate Lyn, 8 years. Si Ate Mae, 5 years. At si Ate Adele, 3 years.
"Di niyo ba ako naririnig? Nasan si Veronica?" tanong niya habang tumatayo dahil nadapa siya.
"Hindi niya alam?" Gulat na tanong ko.
Napatahimik silang lahat.
"Bago umalis si Maam Veronica, pinasok muna niya si Asterope sa notebook na yun kasi sigurado siyang malalaman niya ang tungkol sa sakit niya. Ayaw niya kasing malaman ng buwisit na yun na may sakit siya. Kahit nakakainis yang si Asterope napaka-importante niyan sa amin" malungkot na sabi ni Lyn.
"Ibig sabihin ilang buwan na siyang nakakulong dun sa notebook?!" gulat na tanong ko.
"Wag kang magalala, mas mabilis yung oras sa loob nun. Parang nasa ibang world siya." sabi ni Ate Mae
"Ha? Pano?"
"Magic" simple nilang sagot.
Ahhh... oo nga pala. Inexplain kasi nila three days ago na may magic pala sa mundo. May mga nilalang din na may magic. Hindi madaling paniwalaan pero alam kong totoo yun. Nakita ko na kasi.
"Actually, binilin sa amin ni Maam na sabihin sayo na pakawalan mo siya agad kaso minsan lang tahimik ang mansion kaya hindi muna namin sinabi agad" sabi ni Ate Adele. Napatango ako. Understandable. Masyado kasing maingay, makulit, at magulo ang multo na yun. Pero kawawa pa rin siya
"Also, wag mo munang sabihin sa kaniya na... wala na si Maam. Malapit kasi siya kay Maam kaya wag muna sabihin agad. Baka magwala siya o baka hindi niya matanggap" tumango nalang ako sa sinabi ni Ate Mina.
"Anong binubulong niyo diyan at nasaan si Veronica?"
"Wala" sabay sabay naming sabi at nagsi-iwasan ng tingin.
Kumunot ang noo niya at parang may gustong sabihin pero tumahimik nalang siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro