Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2: The Mansion

2 MONTHS LATER

Tumingin ako sa paligid habang nagd-drive. Unti unting kumonti ang mga bahay na nadadaanan ko at dumadami ang mga puno. Papunta na ako sa mansion ngayon. Dapat last month pa ako lumipat kaso hiniling ni Dad na ngayong month nalang.

Kahit medyo malayo pa ako, nakikita ko na ang mansion. Napakalaki nito.

Makalipas ang 20 minutes ay nasa tapat na ako ng gate. Tinignan ko ang mansion. Kahit ilang beses na akong pumunta rito, mukha pa rin itong hunted house.

Bumusina ako. May lumabas na isang babae na medyo wavy ang buhok at binuksan ang gate. Pumasok ako at pinark ang sasakyan sa harap ng entrance. Bumaba na ako.

"Alvianna! Kamusta ka na? Ang laki laki mo na ah" bati ni Ate Mina sa akin.

"Ayos lang po. Kayo po?" tanong ko habang binababa ang mga gamit ko

"Ayos lang din. Ay! Tulungan niyo siya!" sabi ni Ate sa dalawa pang babae

"Ah, hindi na po kailangan. Kaya ko na po to" sabi ko sa dalawang babae nang kunin nila ang mga bag ko.

"Anong kaya mo na? Ang bigat kaya ng mga ito" sabi nung isang babae na maigsi ang buhok.

"Oo nga. At tsaka pagod ka na rin siguro sa byahe" pag sang-ayon ng isa pa na mahaba at straight ang buhok.

Tumango nalang ako at kunuha ang iba pang bag.

"Thank you po" pagpapasalamat ko sa kanila nang maipasok na sa kwarto ko ang mga gamit ko. Nandito kami ngayon sa may sala at nasa harap ko ang tatlong babae at si Ate Mina.

"Walang anuman"

"Ah, di pa pala kita napakilala sa kanila" sabi ni Ate Mina. "Siya si Mae, Adele at Lyn"

Si Mae yung mahaba at straight ang buhok. Si Adele yung wavy ang buhok. At si Lyn yung maigsi ang buhok.

"Hi!" sabay sabay nilang bati

"Hello, I'm Alvianna. You can call me Alvi for short"

Tumango sila. "Sige, magpahinga ka na muna. Tatawagin ka nalang namin pag nakahanda na ang pagkain"

"Ok po. Akyat na po ako, ah?" Tumango sila.

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. 10 pa naman so mga 2 hours pa bago mahanda yung pagkain. Inayos ko nalang ang mga gamit ko at nilibot ang kwarto ko.

Medyo mukhang vintage yung room at luma na ang mga furniture. Aesthetic din siya at parang kwarto ng prinsesa. Malinis yung buong kwarto at wala kang mahahanap na dumi. Sobrang laki rin nito at meron pang sofa at tv. May banyo, walk in closet, at balcony rin dito. Kulang nalang talaga ang kusina at pwede nang maging bahay ang kwarto ko.

"Woah...." manghang-mangha kong sabi habang nakatingin sa napakagandang view. Mahangin ngayon dito sa balcony at kitang kita mula rito ang napakagandang paligid. Pinicturan ko ito at pinost sa fb at instagram.

Agad akong nakatanggap ng notif na may nagcomment.

Alessiannaaaaaa: Sana all😭

Tapos bigla akong tinawagan ni Alessia, ang best friend ko. "Oh? Bat ka tumawag?"

"Nakita ko post mo. Nandiyan ka na pala tapos di mo kami sinabihan."

Napatigil ako ng marinig ang boses ni Kuya. "Bat ikaw may hawak sa phone ni Sia? Napano phone mo? Bat di ka dun tumawag, Kuya?"

"Lowbat"

"Ok, pero bat kayo tumawag?" tanong ko tas bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw ni Sia ng pangalan ko. "Ano ba? Bat ka sumisigaw? Masakit sa tenga" inis na sabi ko.

"Pa-video ng lugar. Gusto kong makita"

"Bat di nalang kayo pumunta dito?"

"Busy pa kami sa trabaho namin kaya di pa kami makakapunta agad"

"Ohhh, Ok" I said.

Napatingin ako nang may biglang may kumatok sa punto at binuksan ito. Sumilip si Adele at sinabing "Alvianna, kakain na" Tumango ako at umalis na siya.

"Sige na, bye na. Kakain na ako" pamamaalam ko sa kanila bago patayin ang call. 

Bumaba na ako at nakitang nakahanda na ang lamesa. Tinola ang ulam. Umupo na ako at kumain kasabay nila Ate Mina. "Itour niyo si Alvianna sa buong mansion, baka maligaw siya" sabi ni Ate Mina pagkatapos naming kumain.

Oo, pwede kang maligaw dito sa mansion. Masyado kasing malaki

"Ate naman, parang 1st time kong makapunta dito, ah. Di naman ako maliligaw... I think" hindi siguradong sagot ko.

"Ate Mina, 'I think' daw oh! So di ka sure?" natatawang asar ni Lyn.

"Nako, hindi, baka maligaw ka lang. Matagal ka na ring hindi nakapunta rito" wika ni Ate Mina.

Sabagay, nine palang ako nung huli akong pumunta rito at twenty-five na ako ngayon.

"Pero, kaya ko naman siguro mag isa" pagpupumilit ko pa rin. Gusto kong libutin yung mansion!

"Tapos bigla kang naligaw, no?" natatawang sabi ni Mae.

"Oo nga, tapos nahanap ka bigla ni Ate Mina sa bodega" pagsangayon ni Adele.

"Wait, wait, wait, mas pinapalala niyo lang ehhh. Mas lalong hindi papayag si Ate Mina niyan!" reklamo ko at tinawanan lang nila ako. Lakas nilang mangasar, kakarating ko lang kanina, inaasar na ako.

"Ok, sige, hahayaan kitang lumibot mag isa. Kaya mo naman siguro ang sarili mo, diba?" tanong ni Ate Mina.

"Syempre naman po!" sagot ko. "Ok, libot na ako, byeeee" pamamaalam ko.

Lumabas na ako ng dining area at tumingin sa paligid. Sa totoo lang, mukhang palace itong mansyon. May chandelier sa taas, mataas ang ceiling, maliwanag ang paligid, at may dalawang hagdan sa magkabilang gilid na paikot.

Saan muna ako lilibot? Nalibot ko na yung first floor dati so... sa taas tayo! Umakyat na ako ng hagdan at pumunta sa second floor. Tumingin tingin ako sa paligid. Maraming paintings, vases at ilaw sa paligid at medyo vintage tignan.

Tumigil ako nang makakita ko ang portrait na nakatakip. Inisip ko kung papakealaman ko ba ito o papabayaan? Syempre dahil curious ako kaya papakealaman ko.

Tinangal ko ang black cloth na nakatakip dito. Manghang-mangha ko itong tinignan. It was a painting of a beautiful woman with red wavy hair at golden eyes. Napaka ganda niya. Hindi siya mukhang tao... she looked more like a... fairy. She's too pretty to be a human.

Natapos ang ilang minuto na nakatingin lang ako sa painting bago ko ito takpan ulit at tinuloy ang paglibot. Hindi ako natagalan sa paglibot sa second floor dahil wala naman itong laman maliban sa mga ilaw, paintings at mga kwarto na walang laman.

Nasa pinakadulo na ako ng hallway at binuksan ko ang pinto sa harap ko. Nagulat ako nang makita kong may laman ang kwarto. Puro black pa ang design at theme ng room tapos nakaorganize ang mga gamit dito. Kasing laki at kamukha nito ang kwarto ko, ang pagkaiba lang ay white yung akin at black ito. Marami rin itong libro at notebooks sa loob.

Naguguluhan ko itong tinignan. Sino ang gumagamit nito? Hindi naman sila Ate Mina dahil sa first floor ang mga kwarto nila. Hindi rin ako dahil sa third floor ang kwarto ko. Hindi rin siguro ito ang kwarto ni Auntie dahil nakapunta na ako sa kwarto niya at hindi rin niya style yung kwarto. Kung hindi kami, edi sino....? Don't tell me, may multo dito?!

Kinilabutan ako sa naisip ko. Hindi, hindi, hindi. Kumalma ka self! Walang multo, hindi totoo ang mga multo! Pero wala namang ibang tao dito... Hindi! Manahimik ka! Wala! Wala! Walang multo! Hindi pwedeng meron! Tatakbo ako! Babalik na ako sa Manila kung meron man!

Aalis na sana ako nung biglang nahulog ang isang black notebook na mukhang diary. Lumapit ako para pulutin ito. "Sino bang naghulog nito?!" inis na sigaw ko pero agad nawala ang inis ko nang marealize ko. Pano to nahulog?

Nagulat ako nang biglang lumundag ang notebook. Omygod! Tulala lang akong nakatingin sa notebook. Bumalik ako sa reality at tumakbo palabas.

"Daddyyyyyyyy!" sigaw ko kahit wala si Dad dito.

Bago pa ako makalabas ng kwarto ay biglang nagsara magisa ang pinto. Ewan ko ba pero napalingon ako. "Lord naman eh..." takot na sabi ko nang makita kong lumulutang ang notebook. "WAHHHH! AYOKO NA! DADDYYYYYYY! SUNDYIN MO NA AKO PLEASE!!! AYOKO NA DITO! MAY MULTO DITO! HAUNTED HOUSE TONG MANSION NA TO! AYOKO NA! TAKOT AKO SA MULTO! PLEASEEEEE!!!!" naiiyak na sigaw ka habang sinusubukan kong buksan yung pinto na nakalock na ngayon.

Auntie naman eh! Minumulto mo ba ako? O talagang haunted house ang bahay mo? Bat mo naman po binigay sa akin to! Alam niyong takot ako sa multo eh! Dapat kay Kuya nalang!

Pero kahit anong gawin ko, hindi ko mabuksan ang pinto. Nagulat ako nang biglang umilaw ang kwintas na binigay ni Auntie. Umiilaw rin ang notebook. Lumutang ito at mas umilaw. Napapikit ako dahil sa liwanag at nang mawala na ito unti unti kong minulat ang mata ako. Akala ko tapos na pero binawi ko yun nang makita kong nakabukas ang notebook at may lumalabas na pulang usok mula rito. At mas nagulat ako nang maging tao ang usok. At aaminin ko, sobrang gwapo niya.

Pot--- pano?! Auntie!Mahihimatay na yata ako sa mga nangyayari ngayon!

"Mabuti naman at naisipan mo akong pakawalan, Veronica!" Naiinis na sabi ng lalaki at napalitan ng confusion ang inis niya. "Sino ka?" naguguluhan niyang tanong.

Aaminin ko, pati boses niya gwapo!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro