Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

MINSAN NAPAPAISIP NA LANG SI NENA kung paano siya nakatagal sa Salvadores Law Firm. May pinag-aralan naman siya, nagtapos ng kursong Marketing, pero natiyaga niya maging receptionist ng firm sa loob ng limang taon. Imagine, five years! Siguro, masyado niyang ginalingan kaya ayaw na siyang tanggalin sa posisyong iyon.

Bukod sa maaasahan sa trabaho, kaaya-aya naman talaga si Nena pagmasdan. Kahit sinong mapapadaan sa reception area ay hindi mangingiming lumapit sa kanya para mag-inquire. She also had a way with talking to these clients that assure them they were getting the right information.

She stood at a firm height of 5'6" with a Marilyn Monroe curviness. Hindi siya 'yong slim type lalo na at bilugan ang kanyang mga hita, pero tama lang naman ang kurba ng kanyang katawan. Dahil isa siyang receptionist, maalaga siya sa sarili. Unat palagi ang itim niyang bob-cut na buhok at maayos ang pagkakahawi ng bangs, mapula ang mga labi at on-fleek ang mga kilay.

Nakahanda na ang ngiti sa kanyang mga labi kapag may natatanaw na pumapasok sa firm. Pero dahil si Attorney Clint Guillermo ang natanaw niya, tinipiran lang niya iyon.

It was so hard to smile at the presence of that man-his gorgeousness would not let any woman relax. It could make anyone panic to the point of screaming.

At kasama siya sa mga iyon.

Bad boy ang appeal sa kanya ng mga long-haired na lalaki, at ayaw niya sa ganoon. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin maintindihan ni Nena kung bakit hindi niya maalis-alis ang mga mata sa lalaki kapag nararamdaman ang presensya nito.

Siguro, dahil palangiti si Clint? May kakapalan ang mga kilay at may pagka-Arabic ang features ng mga mata na intense kung makatitig. Pumipiksi ang puso niya kapag napupunta na sa kanya ang paningin ng mga iyon. Hindi rin alam ni Nena kung paanong may intensidad ang mga mata ng lalaki kahit madalas naman itong nakangiti sa kanila.

Clint was not the stereotype kind of lawyer who was always serious and seemingly brooding. Maliban sa palangiti, marunong din itong bumati.

He walked in wearing a formal cream-colored suit, carrying his black brief case with his sleek hair tied in a low ponytail. Matagal-tagal din nila itong hindi nakita sa firm dahil nag-bakasyon grande daw sa US. As his eyes landed on their area, he tugged a lopsided grin. It was sexy, exuding a confident carefree vibe.

And damn, it felt like he also tugged down her panties.

So what if he was already thirty-nine? Sa gwapo at pagiging maalaga ng lalaki sa katawan, parang hindi naman ito tinatalaban ng pagtanda. Kung pagtatabihin sila, walang makakapansin na twenty-eight lang siya at malaki ang agwat ng kanilang edad.

May kumpiyansa ang bawat hakbang nito. Nakaka-intimidate dahil malaking lalaki rin ito. Clint has a domineering height and a strong masculine built too. Mukhang alaga talaga ng gym ang katawan nito, but here he was, working as a lawyer. Gusto sigurong patunayan ng lalaki na hindi lang katawan ang malaki rito, maging ang utak nito. At malaki rin siguro ang armas nito, dahil notorious pagdating sa mga babae.

Ilan na nga ba sa mga babaeng nagta-trabaho sa firm nila ang naikama na raw nito...

Isipin pa lang niya iyon ay parang nginangatngat siya ng inggit...

He looked really good at it. Mukhang malakas. 'Yong nangre-wrestling talaga sa kama. May pang-matagalang stamina kaya malamang inaabot ito ng magdamag para makaraos...

Too bad, she wasn't his type...

But hey, hindi lang naman iyon ang malaki sa lalaki. Malaki rin siguro ang laman ng bank account nito dahil sa sobrang pagka-galante. Sa loob ng limang taong pagta-trabaho niya sa Salvadores Law Firm, ilang beses na ring namigay ng kung anu-ano si Clint sa kanila lalo na kapag kagagaling lang nito mula sa ibang bansa.

"Good morning," bati ng binata sa kanila ni Tanya na kasama ni Nena sa reception. Pinaglalaruan ng kamay nito ang hawak na ring na may susi at remote ng kotse.

"Good morning, Attorney!" halos sabay nilang bati sa lalaki.

"I've got something for both of you from my trip," luwag ng ngiti nito at lapag ng kamay sa desk. "I'll give it later. Kailangan ko lang mag-report kaagad sa office, so..." he shrugged.

Pagkatapos, lumipat muli kay Nena ang mga mata ng lalaki. Sumilay ang panibagong ngiti sa mga labi nito habang pinapasadahan siya ng tingin na umabot lang sa kanyang dibdib dahil sa taas ng receptionist desk. Nanatili doon ang mga mata nito. Was he staring? Or suddenly thought of something?

His eyes were so intense...

Then his gaze slowly returned to her eyes.

Parang ang tagal matapos ng titig nito. Pakiramdam ni Nena, nakabilad siya sa araw at maya-maya lang ay tatagaktak na ang pawis sa init ng tingin nito. Her stomach was even stirring from this tension!

Kanina pa siya naghihintay sa sasabihin nito sa kanya, pero ngumisi lang ito bago umiwas ng tingin. Tinungo ni Clint ang elevator. Nang makita ang pagsakay ng lalaki doon, nakahinga na siya nang maluwag. Hindi nakaligtas kay Tanya ang pagkawala niya sa pinipigilan na paghinga kanina. Natawa ito.

"My God, ganyan ba talaga kalakas ang dating sa iyo ni Attorney?" talikod nito habang bumubungisngis para ayusin saglit ang mga log book sa rack na nasa likuran nila.

Pinadulas lang niya ang kamay sa ibabaw ng desk. "Nagulat lang ako na ngayon na ang balik niya-" natigilan siya nang maramdaman ang susing nakapatong sa desk. "Hala," dampot niya. "Naiwan ni Attorney."

"Itabi na lang natin dito. Babalikan naman niya ito rito mamaya panigurado," lahad ni Tanya ng kamay kaya inabot na ni Nena ang susi at car remote rito.

Tumalikod saglit si Nena mula sa desk para panoorin si Tanya sa pagsasalansan nito. Nag-aabang lang siya ng pagkakataon para matulungan ito sa pag-aayos.

"Tapos," patuloy ni Nena sa mga sasabihin nang mabagot sa kahihintay, "ang aga-aga pa niyang dumating rito. Biruin mo, nag-aayos pa lang tayo rito, mago-office na siya."

"Nandiyan na rin naman si Chief, e," anito. "Kaya tama lang ang dating ni Attorney kung magre-report nga siya ngayong araw."

Humalukipkip siya. "Bakit kaya biglaan, 'no? Hindi ba three months siya sa US?"

Tumawa ito. "Aba, at parang ayaw mo yatang bumalik rito si Attorney?" sulyap nito saglit sa kanya. "Sige ka, ikaw rin, wala ka nang magiging inspirasyon!"

"Sira!" tawa niya. "Hindi siya inspirasyon sa akin, dumudumi lang ang isip ko kapag nakikita ko siya," bumubungisngis na asista niya kay Tanya sa pamamagitan ng pagbitbit ng ilang mga log book. Tinaktak ni Tanya ang dumi na naipon sa loob ng isang magazine rack.

"Iba ka talaga," tawa nito. "Nai-imagine mo na ba kung gaano kalaki?"

"Naku, oo," pakikisakay niya sa ka-pilyahan ni Tanya. Wala itong keme-keme sa katawan kasi may asawa na naman ito. "Feeling ko, hindi kakayanin ng virginity ko kaya hindi ako nagpapa-cute diyan kay Attorney Clint. Baka, alam mo na, hindi siya magkasya tapos ano..." hindi na natuloy ni Nena dahil natatawa na siya.

Tanya giggled. "Tapos ano?"

"'Yon!" ayos niya sa pagkakabitbit ng mga log book. "Boom, warak!"

Bumunghalit sila ng tawa.

Napasulyap saglit si Tanya sa desk. "Siraulo ka talagang babae ka-" At lumingon ulit ito. "Attorney!" gulat nitong bulalas.

Nena froze on her place. Ang daming abogado na nagta-trabaho sa firm na iyon. Anyone could be that Attorney. Pero dahil sa gulat sa mukha ni Tanya, sa palagay niya, hindi siya dapat lumingon para alamin kung sino ang binati nito.

"I came back because I left my keys," he impatiently tapped his fingers on the desk.

Siyete. Boses iyon ni Attorney Clint-'yong swabeng may kalaliman.

Lintian. May narinig kaya ito sa mga pinagsasasabi niya?

Alanganin ang naging tawa ni Tanya nang ibalik sa abogado ang naiwan nitong susi.

"Thank you," was his short reply before hurrying away.

Pinalo siya ni Tanya sa braso. "Diyos ko! Hindi ko agad napansing nandiyan siya!"

Hindi pa rin siya makagalaw. "Diyos ko, may narinig kaya siya sa mga pinagsasasabi ko?"

Kita niya ang kawalan ng kasiguraduhan sa mga mata ng kasama, Tinanaw pa nito ang pagsakay ni Clint sa elevator bago siya binalikan ng tingin nito.

"Huy, Tanya!" kulit niya rito. "Ano'ng hitsura niya kanina?"

"Mukhang nagmamadali siya. Siguro naman, wala siyang narinig. Hindi rin naman tayo maingay magdaldalan,'di ba?"

Mabilis pa rin ang kanyang paghinga. Pakiramdam ni Nena, nasa bingit siya ng kamatayan sa sobrang kahihiyan. Pero siguro nga, walang narinig si Attorney Clint.

Sana.

Kumurap siya saglit bago tumango.

"Itigil na nga natin ang malalaswang topic, Tanya! Ako ang nalalagay sa kapahamakan nito e."

"Bruha ka, ikaw kaya itong nagkukuwento na diyan!" tuloy nito sa ginagawang paglilinis.

"Pinagkwento mo kasi ako!" protesta ni Nena rito.

.

.

TINUNGO NI CLINT ang opisina ni Attorney Mike Salvadores, ang Chief Legal Officer ng Salvadores Law Firm. Pagpasok niya sa silid, tumayo agad ang ginoo. Puti na lahat ng buhok nito kahit nasa mid-fifties pa lang. Pinantay nito ang suot na eyeglasses bago tinanggap ang inalok niyang pakikipagkamay.

"Take a seat," tipid nitong saad bago umupo sa swivel chair nito.

"I dropped by to let you know I'm back and ready to take the case you emailed me about," upo niya sa visitor's chair.

"I'm glad you're back after such short notice, Atty. Guillermo," patong lang nito ng isang kamay sa desk habang ang isa ay sa arm rest ng upuan nito. "I didn't really expect you'll be back this early."

"I'm getting bored in Las Vegas anyway, so I figured why not just come back here and get a job done?" a small smile was on his lips.

"Kung tanda mo pa 'yong kaso noong 2017 ng mga Robles na hinawakan mo, well, it's being re-opened. Ikaw ang gusto nilang tumayong lawyer. They won't take anyone else that I suggest. Sa ibang law firm daw sila kukuha ng abogado kung hindi ka papayag," ayos nito saglit ng upo. "E, alam mo namang big client natin ang mga Robles."

"That's noted from your e-mail, Chief," panlalaking de-kwatro niya habang relaxed na nakaupo sa visitor's chair. "What I want to know now are the details."

"Ipapa-compile ko na ang mga files kay Jeanie," banggit nito sa sekretarya bago siya tinaboy. "Hintayin mo na lang. Ipapadala ko sa desk mo."

"Looks like you've got your hands full too," mahina niyang tawa. "Not interested to hear my adventures?"

Napangisi lang ito, pero kita ni Clint na seryoso ang mga mata ng ginoo. Ibig sabihin, wala itong oras ngayon para makipag-ututang-dila sa kanya.

"Save that for some other time, Attorney," kumpas nito ng kamay para itaboy siya. "Let me get my things sorted in here. Out you go."

Tumayo na siya. "Okay, Chief. Pakisabi kay Jeanie, dalian. She knows that I'm an impatient, man," makahulugan ang tono niya.

Attorney Mike just let out a groan. Inabala na nito ang sarili sa computer. May ini-click saglit tapos, sumandal sa backrest ng swivel chair. Pumalumbaba ang ginoo at nagbasa ng mga nasa monitor nito.

.

.

***

.

.

NANATILING nakatayo si Nena sa waiting shed. Maga-alas-otso na ng gabi pero naroon pa rin siya at naghihintay tumila ang ulan bago tumawid. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa niya nakalimutang magdala ng payong...

At kahit may dala pa siyang payong, dahil hindi maganda ang relationship nila, lagi siyang nakakawala ng payong. In the end, wala pa rin siyang payong.

Tiningala niya ang madilim na langit. Buti pa si Tanya, hatid-sundo lagi ng motor ng asawa nito. Siya, kailangan pa niyang sumugod sa ulan para tawirin ang kabilang kalsada. Tapos maglalakad pa siya papunta sa malapit na sakayan ng FX. Napabuntong-hininga na lang siya dahil anong oras na siya nito makakauwi kapag hindi pa nakasakay.

"Ah, bahala na," bulong ni Nena sa sarili bago sinugod ang malakas na buhos ng ulan habang yakap-yakap ang bag.

Naramdaman niya ang pagtilamsik ng tubig sa suot na stockings at ang paglublob ng kanyang flat shoes sa tubig na lumalatag ngayon sa kalsada. Malamig ang bawat patak ng ulan na bumabasa sa kanyang uniporme at buhok. Sa sobrang lakas ng ulan, halos hirap na siyang makakita. Kaya nagulat si Nena nang may tumama sa kanyang pares ng nakakasilaw na mga ilaw. Halos mapatalon siya sa malakas na pagbusina. Napahinto siya at hindi na nagawang makasigaw sa gulat.

Bumalik siya sa reyalidad nang bumukas ang pinto ng driver's seat at bumaba ang lulan niyon. A man's figure approached her and immediately grabbed her by the arm. Halos mabingi sila sa lakas ng busina ng mga sasakyan sa likuran ng kotse, pero parang walang pakialam ang driver. He firmly held her arm and guided her to the shotgun seat. Binuksan nito ang pinto at pinapapasok siya.

Nena hesitated. Mabilis na tiningala niya ang lalaki na nakayuko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya nang makilala, mula sa tumatamang liwanag ng headlights ng sasakyan sa likuran, na si Clint iyon. He nudged her and Nena finally bent her legs to get inside the car.

Umikot ang lalaki at sumakay sa kotse.

Napayakap si Nena sa dala niyang bag. Medyo na-guilty siya kasi basa na rin ang abogado dahil sa kanya. Nakasuot na lang ito ng polo, bukas ang mga butones sa bandang dibdib. Naka-low ponytail pa rin ang buhok nito. Tinaas ni Clint ang isang kamay para punasan ang nabasa nitong mukha bago hinawakan ang manibela at stick shift ng kotse.

Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito. Nanikit ang tela ng polo ni Clint, bumabakat tuloy ang bawat pirming muscle ng katawan nito. Raindrops were sliding from his neck down to his chest, making her feel flushed. Parang naging transparent ang tela ng damit kaya wala nang ilusyon ang natira sa kanya. His nipple was now visible for her eyes to see, making her gently bite her lower lip, then let it go.

With his sleeves folded up to his elbows, the upper part tightened sexily around his biceps. His muscles flexed as he extended an arm to give the stick shift a push, then he grunted and pulled it back, bulging his biceps.

Napalunok na lang siya.

Nakakapanlaway talaga siya, kontrol niya sa sumisikdong pananabik lalo na sa pagitan ng mga hita niya. She pressed her legs tightly.

"Bakit ka sumusugod sa ulan?" klaro nitong tanong.

"Mage-eight na kasi, Attorney," mabilis niyang sagot. "Isang oras na akong nagpapatila ng ulan. Kaya tatawid na lang sana ako, tapos konting lakad papunta sa sakayan ng FX."

He nodded and turned his car. Mukhang doon siya planong dalhin ng lalaki.

"Baka ma-out of the way ka, Attorney," silip niya saglit sa bintana. Kita ni Nena ang pagdulas ng bawat patak ng tubig sa salamin. Lumalabo ang imahe ng kung ano ang mundo sa labas ng kotse ng kanyang katabi.

"It's an injustice to allow the rain to make you wet, isn't it?" he murmured.

"Ikaw, Attorney, ha?" nakuha pa niyang ibiro rito. "Baka ibiglang-liko mo ako, I'm not that girl," at tumawa siya para mas maging magaan ang dating ng joke na iyon.

After all, ganoon ka-cool si Attorney Clint. Kahit kanino nakikipagbiruan ito. Wala sa lalaki kung ano ang posisyon mo sa isang kumpanya. Pantay ang trato nito sa kahit sino. Ganoon siguro ang epekto ng pagiging alagad ng batas nito, nagkaroon ang binata ng sense of fairness and justice.

Alam niyang seryoso ang tanong ng binata, kaya awkward na nakuha pa niyang magbiro. Pero mas gusto ni Nena na idaan na lang ang kilig niya sa biro-biro. Para hindi niya seryosohin masyado itong biglaang pagtulong sa kanya ni Clint. Aba, mahirap na kapag sineryoso niya ang mga ginagawa ng lalaki. Nasa tamang takbo pa ang pag-iisip niya. Kahit sabihin pang medyo may HD siya sa abogado, ayaw naman niyang maging parausan lang. Hindi siya pinalaking ganoon ng mga magulang.

Tulad ng ordinaryong mga babae, simple lang ang hanap niya sa isang relasyon-iyong seryoso. Hindi 'yong tulad ng mga type ng relasyon ni Clint na pang-madalian lang o marami pang trip na nalalaman. Kung magbo-boyfriend na rin lang siya, gusto niya isang beses lang, tapos iyon na rin ang taong mapapangasawa niya.

She did not expect him to chuckle lowly-that lowly and sexily.

"Niliko ko na nga itong sasakyan ko, ngayon mo pa ako pagsasabihan."

"E, niliko mo lang naman kasi papunta dito ang sakayan ng FX?"

Ngumisi lang ang lalaki. "Sinakay lang kita rito kasi hindi ko pa nabibigay ang pasalubong ko sa iyo. I went on a break earlier and you're not on your post."

"Sabi nga ni Tanya, Attorney. Nag-CR ako no'n e," balik niya ng tingin sa bintana, ewan kung bakit punong-puno siya ngayon ng excitement sa dibdib. "Pinaiwan mo na lang sana kay Tanya, Sir."

"I give stuffs personally, Miss Nena," he breathed out.

Totoo naman iyon, base sa naranasan niya tuwing binibigyan sila ni Clint ng pasalubong nito.

Pinasok nito ang sasakyan sa gate na main entrance ng terminal ng FX. Nang maipasok iyon, sumilip ang lalaki sa bintana. Sa tabi nito makikita ang pila ng FX at mga pasahero kaya sumilip sa gawi nito si Nena. Lumingon din doon si Clint.

"It's already eight, right?" anito. "Baka lalo kang gabihin ng uwi niyan."

Ang daming taong nakapila roon, tapos mangilan-ngilan na lang ang mga FX. Dahil sa biglaang pag-ulan kaya heto ang mga biyahero ngayon, walang handang payong ang karamihan at pahirapan sa pagsakay.

Hinarap na lang niya ang pinto para buksan iyon. Nagulat ang lalaki.

"Sige, Attorney, okay na ako rito, salamat-"

"Are you serious?" mahina nitong tawa kaya napalingon siya rito.

"Bakit?"

"I can drive you home."

Damn, that smile looked friendly. Pero kilala niya ang ngiting iyon. It's a trap! Ay, teka lang, masyado yata siyang nagfi-feeling na pinopormahan ni Attorney Clint Guillermo?

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Bakit ang bait-bait mo ngayon sa akin? Rare lang din naman tayo magkausap sa firm," sara niya ulit sa pinto.

"Why?" he shrugged and pulled back his car. "Has anyone told you that I wasn't kind?"

Wala naman. He was, in fact, a gentleman. Ang bad record lang naman nito ay ang pagiging babaero. And still those stupid women thought that it was so gentleman of Clint being unable to say no to their advances. Ang simpleng pagpapasama sa lalaki sa pupuntahan nilang mga lugar tapos mauuwi sa... Naku! Marami talaga silang nasasagap ni Tanya na mga tsismis! Usap-usapan si Clint ng karamihan sa mga babae sa firm. Nagbibigayan ng cold treatment ang ilan sa mga babaeng staff ng law firm nila o 'di kaya ay mga abogada dahil malalaman na lang ng isa na 'yong isa na ang bagong kasa-kasama ni Clint sa kama.

Dahil nasa receptionist area sila ni Tanya, lagi silang updated sa mga tsismis. Hindi naman kasi pwedeng magpaka-unprofessional ang mga iyon sa loob ng mismong mga opisina nila. Kaya nagpaparinigan na lang ang mga ito kapag pa-out na ng opisina.

At base sa mga nasasagap nila ni Tanya na parinigan, mukhang hindi naman sinisisi ng mga ito si Clint. Siguro tanggap na ng mga ito ang preference ng lalaki pagdating sa mga relasyon. Ang madalas nilang inaaway ay ang kapwa nila babae. Nena could only face palm at the thought of that.

"Ikaw naman, Attorney," tawa niya. "Hindi sa gano'n, kaya lang baka bukas ako na ang paringgan ng mga chicks mo sa firm."

Lumakas ang tawa nito. He was already driving his car back on the road.

"And you're afraid?"

"Susmio, ano ba iyang mga pinagtatatanong mo, Attorney," ngiti na lang niya habang inaayos ang sariling pagkakaupo.

He stole a glance at her, observed her state and remarked, "Huwag mong babarin ang sarili mo diyan. You can drape your blazer over the dashboard. Para matuyo-tuyo kahit papaano. You wouldn't want to catch a cold."

Nilingon niya ang lalaki na sa kalsada na nakatutok ang mga mata. Nanunukso ang sumilay na maliit na ngiti sa mga labi nito. Tapos, ano ang sunod nitong ipapahubad sa kanya, hm?

Yumuko si Nena. Nagiging pilya na siya. Hindi pwede ito!

"Okay na ako," sagot na lang niya. "Mas giginawin ako kapag hinubad ko pa ito, e."

"You tell me what direction to take, okay?" pag-iiba nito ng topic na parang ikinadismaya pa niya.

"Okay, Attorney."

"And," sandal nito nang huminto saglit ang sasakyan dahil sa stop light, "kunin mo na 'yong pasalubong ko. Nasa backseat. Can you reach it?"

Sumilip siya sa backseat. Naroon ang brief case ng binata, ang hinubad na blazer ng suit nito na hindi tiniklop ng maayos at dalawang paper bag.

"Alin doon, Attorney?"

Sumilip na rin ito sa backseat. Pareho silang sumilip sa espasyo na pumapagitan sa mga upuan nila. Sa ginawa ng lalaki, nagtabi ang mga mukha nila. He scanned the backseat.

"That red paper bag," tutok ng mga mata nito roon.

Nagulat siya sa sobrang lapit ng boses nito kaya napalingon siya. The man's instinct was lightning speed. Mabilis nitong nasalo ang kanyang tingin.

Hay, mukhang walang habag ang Diyos sa kanya ngayon.

Una, halos marinig ni Clint kanina ang marurumi niyang imahinasyon habang kausap si Tanya. Inabot pa siya ng matinding buhos ng ulan kaya alanganing oras na makakauwi. Tapos heto, makaka-face to face niya ng ganito kalapit ang lalaki.

It was as if God's To-Do list today was focused on giving her a massive set of heart attacks.

Clint's intent gaze was too hard to bear, in a pleasant way. It was poring within her, probing her with a demand to bare herself... her whole soul rather by surrendering. Nahihiyang umiwas siya ng tingin at nilapag malapit sa pinto ang kanyang bag. Meanwhile, Clint sat himself properly. Then she turned around. Tinukod niya ang mga tuhod sa seat. Nakaalalay sa ibabaw ng backrest ang isa pa niyang kamay habang inaabot ng kabila ang pulang paper bag sa backseat.

The man watched her intently, his eyes intensely running along the frame of her body in that position. From the way her back arched to the way her ass pushed back. Inangat pa ni Nena ang katawan para mas maabot ang paper bag. Nakaangat na ang isa niyang binti nang maabot ang hawakan niyon. Clint's eyes were now anticipatingly glimpsing on her thigh. Inalis nito ang mga mata sa kanya nang mapagtanto na mali ang ginagawa.

Dahan-dahan siyang bumaba at umayos ng pagkakaupo. He could not help stealing a glance upon seeing in his peripheral vision that she was straightening her pencil skirt that slightly exposed her thighs, slightly rounded, clad in a wet pair of stockings. Pinatong ni Nena ang paperbag sa dashboard bago niyakap ulit ang bag nito.

"Hindi mo ba titingnan?" balik ni Clint ng tingin sa harapan. Hindi pa umuusad ang mga sasakyan sa harapan pero nakahanda na sa manibela ang mga kamay nito at humigpit ang pagkakahawak.

"Pagkauwi ko na, Attorney," ngiti niya.

Pagkauwi na lang at baka makahalata pa ang lalaki kapag kinilig siya sa pasalubong nito. Sinandal ni Nena ang gilid ng ulo sa bintana at ini-focus sa mga sasakyan sa unahan ang kanyang paningin. Iniisip na niya kung ano ang posibleng laman ng paper bag.

Chocolates?Key chain? Ref magnets? Iyon naman ang karaniwang mga pasalubong ng mga galing saibang bansa, 'di ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro